MAPAGTANONG NA KAMALAYAN
Mama, bakit kayo away ni papa?
Galit ka ba sa kanya?
Ah… hindi naman kami nag-aaway.
Bakit ka nya sampal? Bakit mo siya sigaw?
Mama, bakit alis si papa?
Bakit nya ko kiss higpit? Saan siya punta?
Ah… anak may pupuntahan lang siya.
Pero bakit siya dala malaking maleta?
Mama, bakit ka iyak? May sugat ka rin ba?
Bakit mo ko yakap? Lamig ka rin ba?
Anak… mahal na mahal kita!
Mahal karin ba ni papa?
PHOTO CREDIT.