Search For the Recipe

Showing posts with label Milk. Show all posts
Showing posts with label Milk. Show all posts

Friday, April 25, 2014

Chicken Sopas ( with Egg and Sausage)

 Macaroni Soup...

               Masarap kapag tag ulan o malamig ang panahon...













VIDEO COOKING.....

                   

                     








INGREDIENTS...
(3 to 4 servings..)



150 g Macaroni ( Half cooked boiled)

Breast chicken( Sliced into flakes)

4 Boiled Eggs

4 to 5 pieces Sausage(Hotdog or Ham)

2 cups Fresh milk ( or Evap Milk)

1 medium size Patatas,

1 cup chopped Cabbage,

minced Onion and minced garlic

i1 small size of red Bell pepper,

1/4 cup of Mix Vegetable( carrot.corn and green Peas)

Olive oil

1 tbsp Butter

Salt and black pepper,

SEASONG..Patis(optional) Fish sauce

3 cups Chicken Broth

and 1/4 cup grated CHEESE



1.Magpakulo ng 3 basong tubig at lagyan ng 1 tbsp na cooking oil,at Lutuin ang macaroni sa kumukulong tubig..Lutuin ng pa half cook. then hanguin,salain  at itabi.



2.In separate pot,magpakulo ng 3 cups na tubig kasama ang Chicken..(making chicken broth)hayaan ito sa mahinang apoy..



3.At sa bukod na lutuan

Magpainit ng kawali at lagyan ng 2 tbsp na mantika at 1 tbs na butter .

igisa ang bawang sibuyas,kinchay at bell pepper

Isunod ang sausage..



4.Ihalo ang ginisang gulay sa pinakukuluang manok..

ihalo ang mga gulay ..like repolyo,mix vegetable,patatas..



4.Timplahan ng asin.patis at paminta...takpan at hayaang maluto ang mga sangkap sa katamtamang apoy.



5.kapag halos malambot na ang mga gulay ,add 2 to 3 cups na fresh milk at
ilhulog ang boiled egg at timplahan ng 1/4 cup na grated cheese..





Then serve and enjoy............








Friday, December 13, 2013

Homemade Kesong Puti o Kasilyo

   Ang kesong puti ay kilalang kilala noong ako ay bata pa,Ngayon ??
Kilala pa ba ito ng mga kabataan?
Hindi na siguro..
At bakit parang bihira ko na itong nakikita , Kung di ka pa magtanong bihira mo na itong matitikman.Kaya gagawa na lang tayo ng sarili nateng kesong puti..
Masarap na ,nakakalibang pa at may natututunan pa..pwedeng inegosyo pa,,diba!






   Noong bata pa ako natural lang na may naglalako ng kasilyo tuwing umaga sa aming bahay kasama ng gatas ng kalabaw,Pero bakit ngayon wala na,pati ang sariwang gatas wala na ren..Nakasanayan ko ng kinakain ito tuwing umaga , hawak ang mainit na pandesal at kape.kung walang kasilyo,matamis na bao o kaya ay liver spread sa lata,swerte na kung may pork and beans sa umaga.Naalala ko lang ba.

  Ibang iba na ang Pilipinas ngayon,High tech na nga pati yung kinaugalian naglaho na ren..wala ng naglalaro ng mga nilalaro namin noon..pagkain noon ,ngayon nagbago na,yung iba nawala na..

   Dahil paborito ko ang kasilyo ,ke may gatas ng kalabaw o wala ,ay gumagawa pa ren ako ng kesong puti,gamit ang skim milk.(next time gagawa ako ng tutorial nito)sana sipagin ako ..lol

Mga Sangkap..

1 Litro ng Gatas ng Kalabaw (or use heavy fat milk or Skim milk Pag luluto nito next time na lang muna )
3 tbsp katas ng lemon (lemon Juice)
3 tsp Sea salt ( yung walang chemical kung maari like iodized salt)
1 tbsp Vinegar ( ordinaryong suka lang)
Sariwang Dahon ng Saging (FRESH na banana leaf)( wag itong iinitin sa apoy)at pantali nito..





Paraan ng Pagluluto ng Kesong Puti o Kasilyo.


For Quick VIDEO COOKIng..here..


1..Maghanda ng isang kasirolang paglulutuan..Ibuhos dito ang isang litro ng gatas ng kalabaw..
2.Timplahan ng 3 tsp na asin ..haluin ito at isalang sa mahina lamang na apoy
3..Haluin lang ng Haluin at tunawin ang asin sa gatas ng mga limang minuto...(5 minutes)
4,,After 5 minutes ihalo natin ang 3 tbsp na lemon juice..haluin den ito ng dahan dahan at wag minamadali ang halo...haluin ito ng isang minuto



5.after ng 1 minute,ihalo naman ang 1 tbsp na vinegar...haluin den ito ng dahan dahan ,maoobserbahan nyong may namumuo ng keso...kaya wag bibilisan ang halo baka matunaw ang nabubuong keso..


6.lutuin ito sa pinakamahinang apoy ng mga sampung minuto  at hindi ito dapat hayaang Kumukulo ,,,Pakiramdaman lang ang Niluluto kung namumuo ang keso at Humihiwalay na ang Tubig ...
7.Kapag nakasigurado kayong halos keso na at ang tubig ay hiwalay na ...hayaan sa kalan at palamigin muna kahit mga 10 minutes..(Para lalong Mamuo ang keso)


8.Maghanda ng salaan o katcha (cheese cloth)..ibuhos ito at pigain  para maipon ang keso at humiwalay ang liquid




9..Ihanda ang sariwang Dahon ng Saging..Humulma at Ibalot sa dahon ng saging
or kaiinin na ito ng derecho..



Tips 1..Kung gusto ng magandang resulta ng Kasilyo.Ibalot ito sa Sariwang dahon ng Saging at
Palamigin sa Ref ng mga 15 minutes bago ito kainin..

Dahil magiging sabog sabog ang keso kapag hindi ito ginawa..

Tips 2....Kapag Sumobra sa Luto o mali ang timing ng timpla ,halo at oras ..MAGIGING Matigas ang KESO at di creamy..





Enjoy with any type of bread at ang pinakabagay ay yung PANDESAL..
salamat po..
@luweeh,,,