Search For the Recipe

Showing posts with label Bread Baking. Show all posts
Showing posts with label Bread Baking. Show all posts

Monday, September 7, 2015

Pan de Munggo

Another Basic Bread Lesson 
Pag papaalsa at pag mamasa ng dough ay kung saan kayo sanay at kinaugalian..
May alam akong ibang paraan ng Fermentation process,pero kailangan kong sundin ang mga natutunan ko sa Baking Class..Sayang naman kung hindi ko ito gagamitin...anyway

Today 's Bread ay Monggo Bread na korteng bulaklak.maari namang bilog o any shape you like.
Pa loaf ,buns ,roll bread ..etcs.






Ang Pan de Monggo or munggo ay obvious  na munggo ang laman,or sweet red bean paste
na kung tawagin ay ANPAN dito sa Japan ,sa atin tinapay na may munggo na parang Hopia Bread.
maaring gumawa ng sweet beans or bumili na lang ng ready to use na..

Kailangan lang alisin ang mamasa masa sa beans para madaling mabilog ,at hindi makasira sa dough bago ito ibake.
ibalot muna sa medyo makapal na kitchen paper .hayaang maalis ng bahagya ang syrup

Mga Sangkap
Sweet Red Bean Paste
Bread Flour
Instant Yeast
Sugar
Lukewarm Water
Salt


short cut ko na ang DOUGH making..

cut the dough into 4 pieces ,divide equal.
double the ingredients to have more servings.

flatten each dough then ipalaman ang red bean paste at isara na parang gumagawa ng siopao
at ilagay sa isang wax paper ,pipiin ng dahan dahan ang bilog na dough..ingatan na hindi luluwa ang monggo.

 Takpan ng damp cloth at irest ng 10 minutes..


After ten minutes,ihanda ang Gunting na gamit sa Kusina,basain ang gunting
Gupitin ng 4 na beses ang paligid ng bilog na dough..tulad ng nasa larawan
At takpan ng plastic wrap at ng damp cloth ,paalsahin ulit ng mga 30 minutes.
PREHEAT oven..


After ng 30 minutes..
Pahiran ng binating itlog at budburan ng white sesame seeds
Then bake it for about..
kapag nag 3 minutes na ,baligtarin ang position ng bread at continue baking.




Palamigin sa cooling wire rock..then enjoy the pan de monggo..








Wednesday, December 10, 2014

.Mustard Bread with Sausage

Let's Bake Bread..

Sa mahilig ng bread tulad ng anak kong babae ,Sinimulan ko ang baking lesson ..a few days ago
nakakagawa naman ako ng bread kaso gusto ko matuto ng mga basic,at mga tamang measurement kung alin ang tama at hindi dapat sa pag bake ng bread..

At narito ang 2nd day na bread na ginawa ko..
Parang bread cracker ang lasa nya,medyo salty na bread ..nagustuhan ng kid ko at 2 pieces ang kinain nya...heheh..








Ingredients...

1..
  75 grams all purpose Flour
      2/3 of tbsp of  instant dry yeast
      1 tbsp sugar
      1/2 tbsp beaten egg
      70 cc of water


2...
 75 grams bread flour
1/2 tbsp salt
10 g. butter


other ingredients
4 pieces wiener sausage
whole grain mustard
  wash egg
2 tbsp Parmesan cheese or 2 tbsp bread crumbs
1 tbsp dried parsley





TOOLS
we need 2 bowl
rolling pin
scissor
scraper
wooded spoon
saran wrap
wet towel

Paghahanda ..
Maghanda ng dalawang Bowl..

1st bowl..
1...Sa unang Bowl Ihulog ang  75 g.na arina, ang yeast .asukal huwag pag sama samahin muna..ilagay lang sa kaliwang parte ng arina...set aside..

2nd Bowl..
2...Ilagay ang 75 grams na arina at asin pati na ang butter..Haluing mabuti hanggang maging creamy
iset aside ..

3...Babalik tayo sa 1st Bowl..Hawiin ang kaliwang arina ng di nagugulo ang nilagay na asukal at yeast
then ihulog ang 1 tbsp na beaten egg ng di hinahalo..
Dumako tayo sa parte ng yeast at asukal ibuhos dito ang 70 cc na tubig dahan dahan ,tunawin ang yeast at asukal bago haluing lahat ang sangkap...
then haluing mabuti ang 1st bowl ( arina.yeast.sugar at egg)


4...Then kung ready ng pareho ang 1st bowl at 2nd bowl .
Ibuhos ang 2nd bowl na batter sa 1st bowl..Haluin itong pareho gamit ang wooden spoon..
haluing mabuti ,alisin ang buo buo o bula sa batter sa pamamagitan ng tyagaang pag hahalo..


5..kapag namumuo na ,na parang  dough ang hinahalo ,at maari ng masahihin or i knead ..
isalin sa knead surface at masahihing mabuti hanggang mawala ang lagkit at maging pino..
Hindi kailangan ng extrang pulbos kung malagkit sa kamay...mawawala ang lagkit kung pagtyagaan ang pag mamasa...hihinto kung wala na ang lagkit.
At bilugin ito na parang bola.ilagay sa isang bowl at takpan ng saran wrap ...rest to rise for about 30 minutes...( ilagay sa warm na lugar)

6.Ihanda ang 3 piraso ng Wiener Hotdog or sausage na gagamitin..balutin ng kitchen paper ang sausage
then balutin ng saran wrap at painit sa microwave ng 1 minute
  then palamigin at punasan ang mga lumabas na juice..
  at hiwain sa gitna ang bawat piraso ng sausage..
  so we have 6 pieces of sausage

ihanda ang 4 tbsp ng mustard
at sa isa namang maliit na lalagyan ,pagsamahin ang 2 tbsp na bread crumbs at 1 tbsp na dried parsley
set aside.

7.After 30 minutes ..Balikan naten ang dough..
 finger check ,pulbusan ng arina ang hintuturo bago ito tusukin ng daliri
kapag hindi bumalik ang daliring tinusukan ..means okay na ang dough
at punch it lightly 3 times..(huwag malakas )
then cut into halves gamit ang scraper
then make 4 balls with same grams..
Bilugin ng di gagamit ng lakas...
takpan ng wet towel ang binilog..rest for ten minutes

8..after ten minutes balikan ang binilog na dough.
kumuha ng isa at ihanda ang rolling pin..
idiin ang rolling pin sa bilog na dough ng pa cross..
at i roll ito na ang haba ay isang sukat ng sausage na inyong ilalagay..
ang lapad ay mga 4 inches at ang haba siguro 7 inches..

9..pahiran ng mustard ang flat dough sa may gilid na pag papatungan ng sausage..
then iroll ang dough habang nasa loob ang sausage..ipitin ang huling parte ng dough para di lumabas ang laman..





!0 ilagay sa tray na may wax paper ..dahan dahan itong gawing korteng V ang rolled Dough na may sausage ..then continue the same process,.



11..Kapag nasa tray na ang 4 na Bread roll na may sausage ..
ihanda ang malinis na gunting na gamit sa kusina..ilubog ng kaunti sa tubig bago gamitin.
gupitin ng di sasagarin ang bawat side ng V shape ..sa labas ng V .,
.tigalawang GUPIT sa left ng V at tigalawang gupit sa right ng V



12..let it rest again again for 20 to 30 minutes in a warm place..cover it with saran wrap at damp towel

13..after 20 minutes...pahiran ng egg wash ang bawat bread roll...at budburan ng bread crumbs or parmesan cheese
at budburan ng dried parsley .

14..then bake it for 11 to 15 minutes ..2nd layer ng oven ilagay ang tray
 ....tips=..4 minutes before maluto ang bread..baligtarin ang tray sa loob ng oven para pantay ang luto...then okay na ang bread ..

ilagay sa isang cooling rock at enjoy ...










video tutorial here...

..

enjoy....