Showing posts with label Neighbor. Show all posts
Showing posts with label Neighbor. Show all posts

10.29.2011

Ang Kapitbahay Naming Si Marla

Kahit ayaw ng mga magulang kong pumayag ay naging kumare nila si Marla. Naging ninang at ninong ang mga magulang ko ng dalawa nyang anak na babae.

Makikita mong naka-simpleng duster o t-shirt ang mga nanay sa street namin pero sya ay iba. Nakasuot sya ng makintab na miniskirt at tank top na may malaking tatak ng mukha ni Hello Kitty. Ganyang klase ng mga damit ang sinusuot nya sa street namin. Kung sya ay nabuhay noong panahon ng Kastila, masasabi kong sya si Donya Victorina de de Espadana dahil sa kilos at ugali nya. Talo nya pa ang clown sa kapal ng make up nya.

Inis na inis sa kanya ang mga kapit bahay nya dahil sa habit nyang pag-videoke. Okay lang naman sanang mag-videoke sya magdamag at nang sobrang lakas kung kaboses nya si Adele at Beyonce. Pero pag narinig mo syang kumanta, masasabi mong masmaganda pa ang boses ng mga palaka sa kanya. Pinaka nakakainis sa kanyang pagkanta ay nirerecord nya ang lahat ng mga kinakanta nya tapos ay paulit ulit nya itong i-play kinabukasan buong maghapon.

Nung namatay si Mama ay lumagpas hanggang sa kabilang planeta ang galit ko sa kanya. Hindi ko sya mapatawad noon. Pero ngayon ay wala na akong galit sa kanya. Hindi ko alam kung paano nawala. Basta, pinagtatawanan na lang namin sya.

Last week nabalitaan ko na nag-away sila ng asawa nya dahil daw may kabit sya. Sus, ang haba ng hair nya. Sa lagay na yun ay nagkaron pa sya ng kabit? Sya na ang maganda hahaha.