Bag: Liz Claiborne
1. Company ID
2. Valucare Card - Lagi ko 'tong dala para sa pag-atake ng gastritis ko.
3. BPI ATM Card - Para sa sweldo ko.
4. PRC ID - Eto lagi kong gamit pag kelangan ng government ID sa mga pupuntahan kong kumpanya atbp.
5. BDO ATM Card - Pag kelangan kong mag-withdraw sa savings ko.
6. VIP Movie Ticket - Dahil bumili ako ng Modess napkin at lumagpas sa PHP 1,000 ang grocery ko kaya nagkaron ako ng free ticket sa Waltermart Cinema hehehe.
7. Bench Cologne - Dahil wala akong pambili ng mamahaling pabango at sabi ng isang gwapong malapit sa puso kong lalake na masgusto nya ang amoy ko na amoy baby cologne hehehe.
8. Rosary - Hindi na ako Katoliko pero lagi ko 'tong dala kasi bigay 'to ng tatay kong hindi reliyoso. Eto ang pasalubong nya sakin nung galing sya ng Baguio.
9. Herbench Paintbox - Pagkelangang may kulay lips ko ginagamit ko 'to. Dati mamahalin yung gamit ko kaso di bagay sa lips ko.
10. Nivea lip gloss - Eto ang kadalasan kong gamit kasi madaling magdry ang lips ko.
11. Susi - Ang susi sa fire exit at door ng apartment.
12. Wallet - Hindi ko alam kung ano ang tatak nito pero bigay lang 'to sakin ng sister ko. Di talaga ako gumagastos sa wallet. Umaasa lang ako sa bigay ng kung sino sino pag pasko at birthday ko hehehe.
13. Ponds Face Powder - Eto lang ang ginagamit ko sa pisngi ko. Masyadong sensitive ang face ko baka magkapimples ulet pag gumamit ako madami at saka magastos pag madami ang ilalagay ko hehehe.
14. Coin Purse - Bigay lang din sakin 'to ng sister ko. Wala ring tatak.
15. Close Up Toothpaste - Dahil kelangan kong linisin lagi ang ngipin ko kasi may retainer ako. Maraming pwedeng sumabit.
16. Colgate Toothbrush - Dati iba ang gamit kong toothbrush dahil sa braces ko pero ngayon ordinaryong toothbrush nalang.
17. Black Pouch - Bigay lang din to ng sister ko. Dito ko nilalagay ang toothbrush at toothpaste ko.
18. Nokia Cellphones - Company cellphone na di ko alam kung anong unit at ang limang taon ko ng 6630 cellphone kaso di ko naisama sa photo dahil di ko mahanap hehehe.