Showing posts with label Crime. Show all posts
Showing posts with label Crime. Show all posts

1.27.2013

Sino Si Jessica "Gigi" Reyes?

Okay, naging trending sya last week.   Kung seryoso si Noynoy Aquino sa kanyang daang matuwid, dapat umpisahan nya ang senado.   Kaya di umuunlad ang Pinas kasi yung mga nasa senado ay mga magnanakaw. Ang kwento sakin ng friend ko na taga Cagayan, talaga raw na maraming pinuputol na kahoy sa province nila at halos lahat ng nagpuputol ay tauhan ni Enrile.  

Kasalanan rin naman ng mga tao, binoboto nila ang mga magnanakaw.   Nakakainis talaga!   Lalo na si Gigi Reyes.  Ewan ko ba pero kumukulo ang dugo ko sa kanya. :-)

Sa mga snatcher at magnanakaw ng alahas dyan sa SM Megamall, bakit hindi nalang mga corrupt na politicians ang nakawan nyo?  


8.15.2012

Para Kay Mang Saturnino

Napaiyak talaga ako nung napanood ko yung video na 'to lalo na nang sapukin ni Carabuena si Mang Saturnino sa huling part. Grabeng humiliation yun at talagang nagtimpi si Mang Saturnino na wag patulan ang Carabuena na yan.

Nung na-interview na si Mang Farbos ay nahulaan ko na kagad na ilocano sya dahil sa accent nya. At hindi nga ako nagkamali dahil sabi sa news ay taga Pangasinan sya. Walang duda nga na taga Pangasinan sya dahil sa ilong nya. Baka mamya eh malayong kamag-anak ko pa sya dahil pareho kami ng ilog hehehe.

Anyway, sana bigyan sya ng dagdag na sweldo para buhayin ang 6 na anak nya. Sabi pa sa news na kamamatay lang ng asawa nya. Nakakaawa talaga ang ginawa sa kanya. Sana naman matuto na yang Robert Blair Carabuena na 'yan.


1.03.2011

My Confessions 2011

1. Dahil ayokong dumidikit ang balat ko sa public toilet kaya ginagawa nag-squat ako. Ang toilet lang namin sa bahay ang inuupuan ko. Pag nakikigamit ako sa friends or relatives ko, pinapatungan ko muna ng tissue bago ko upuan.

2. Akala ng friends ko ay active ako sa sex pero di nila alam na sa tanda kong ito ay virgin pa rin ako. Sa takot kong mabuntis, magkaron ng std at magkaron ng matinding emotional attachment sa mga lalake kaya hanggang ngayon ay di ko pa nasusuko ang Bataan sa mga hapon. Siguro ang pinakagrabeng nagawa ko na ay ang pagbibigay ng handjob sa isang chatmate nung February 15, 2008. Napagplanuhan kong ibigay ang katawan ko pero pagdating sa motel ay nag-dalawang isip ako kaya ayun nakantot nya ang aking kamay hahaha. Siguro kung may makikilala akong lalakeng pwedeng pagkatiwalaan ay bibigay ako. Malibog rin naman ako kaso magaling magkontrol.

3. Madami akong pangalan na ginagamit. Ako si Alice, Angel, Mica, Imelda, Liza, Alex, at Ria. Liza ang kauna-unahang name na ginamit ko. Siguro nasa grade 3 ako nung ginamit ko 'tong name na 'to. Hindi naman siguro multiple personalities yun. Mahilig lang talaga ako sa codenames.

4. Stalker ako. Ang di ko makakalimutan na na-stalk ko ay mga grupo ng mga kalalakihan. Ang una ay ang grupo ni Ronnie na taga Pook Dagohoy. Nakakausap namin sya tuwing dumadaan sya sa likod ng dorm namin pero di nya kami nakikita. Imelda ang pakilala ko sa kanya. Na-inlove sya sa boses ko kaya nageskandalo sya sa dorm namin para makilala ako. Sa bandang huli na-disappoint sya kasi nag-iisang tao lang naman ang may pangalang "Imelda" sa dorm namin at walang iba kundi ang old maid na dorm manager namin.

Pangalawang grupo ng kalalakihan ay ang grupo ng mga taga Cagayan De Oro sa ADMU. Mga kababayan sila ng roommate ko. Masaya silang kausap kaso tinigilan ko sila dahil talo ko pa ang isang telephone operator nung panahon na yun. Everyday, sangkaterbang calls galing sa mga conyong nagbibisaya ang tumatawag sakin. May isa sa kanila ang di ko makakalimutan dahil lahat ata ng bagay ay napag-uusapan namin. Si Gino. Oo si Gino ang dahilan kung bakit ko sila tinigilan hehehe.

Ang pangatlo ay ang grupo ng "At-iba-pa". Inistalk ko sila para mahanap kung sino sa kanila ang nagmura sakin sa text. Kasama ko sa nangstalk sa kanila ang ibang blockmates at dormmates ko. Masaya nung una kaso nagkaproblema na nung sinugod ng gf ng isang miyembro nila ang friend kong si Pola. Kasi di ko naman alam na 'tong si Pola at kanyang orgmates ay tini-text pala yung crush nilang miyembro nun. Para di magkasira si Pola at si Leanne, inamin ko na lang na ako ang nangstalk sa kanilang lahat. Ang plano ko noon ay kay Rio ko aaminin ang lahat para matigil na ang pag-aaway ni Pola at Leanne kaso di namin mahanap si Rio at Leanne. Out of coverage ang phone nila siguro nagsex sila noon. Anyway, tamang tama naman na nakasabay ko ang ibang grupo nila sa loob ng jeepney kaya inamin ko na lang. At dun nagsimula ang paranoia ko sa UP. Pagka-graduate ko ay nakahinga na rin ako ng maluwag. Akala ko ay may mambubugbog sakin na mga kalalakihan eh.

5. Hitwoman ako. Minsan, ako ang gumaganti para sa mga friends ko. Ang kahuli-hulihan kong ginawan ng masama ay ang kerida ng asawa ng friend kong si Marose nung 2006. Kinontak ko lahat ng relatives at friends nung kerida at sinabihan ko silang sabihan nila si Karla (ang kerida) na tigilan na ang pakikipagrelasyon kay Alvin (asawa ni Marose).

Maliban dun, nagbigay ako ng testimonial sa friendster ni Karla na "home wrecker". Siguro mga 50 testimonials yun at mga isang linggo pa bago nya nabasa ang lahat ng sinulat ko. Syempre, ibang account ang gamit ko nun sa friendster kaya di nya nalaman na ako yun. Naging successful naman ang krimen na 'to dahil naghiwalay ang magkalaguyo. Pero kahit di na sila nagkikita alam kong kahit kelan ay di na mabubuo ang relasyon nina Alvin at Marose. Pinakasalan lang naman ni Alvin si Marose dahil nabuntis sya.

Pagkatapos ng krimen na 'to ay di na ako umulit dahil ayoko nang makelam sa buhay ng ibang tao at natatakot din ako na madamay ang family ko. Kung sakin lang naman gaganti ay okay lang pero what if sa family ko diba? Mula 2007 ay di na ako nakagawa ng krimen. Ilang beses akong natuksong gawan ng krimen ang dati kong boss sa call center pero napigilan ko ang sarili ko. Sa ngayon, hanggang sa pagkakalat na lang ng cellphone number ng mga kaaway ko ang nagagawa ko hehehe.

6. Nagsosolo ako. Sabi ko nga malibog ako. Siguro mga twice a month kong ginagawa yun hehehe. Feeling ko nga nasira na ang hymen ko dahil sa pagsosolo hehehe. May tatlong tao lang ang nakakaalam sa gawain kong 'to. Ang dalawang dati kong roommate at ang kumare ko. Nasabi ko ang sikreto na 'to sa dati kong roommate dahil sa umamin silang ginagawa rin nila yun. Nasabi ko rin naman sa kumare ko nung nagconfess sya sakin na di na sya virgin.

7. Nakikipagphonesex ako habang namamalantsa. Na-fake ko ang moan ko at orgasm ko habang nakikipagphonesex sa di ko kakilala. Akala ng mga naka-phonesex ko ay talagang nilalabasan at nilalaro ko ang sarili ko habang ginagawa ko yun pero hindi. Siguro minsan na-turn on ako pero di ko talaga magawa yun habang nakikipag-usap sa phone.

8. Kaya kong kumain habang tumatae. Medyo nakakadiri pero kaya kong magtagal ng 30 minutes sa CR na tumatae habang kumakain ng kahit na anong pagkain basta kelangan matapos ko ang kinakain ko bago ako maghugas ng pwet hehehe.

9. Kapayatan ko ang insecurity ko. Wala akong pakelam kung magkaron ng magandang karelasyon ang mga crush ko basta hindi chubby. Kahit masmatangos ang ilong nila, masmaputi, masmatangkad o kaya masmaliit ang bewang. Basta wag lang chubby. Kahit kelan ay di pa ako naging chubby kaya siguro naiinggit ako sa mga babaeng chubby.

10. Na-aattract ako sa isang officemate kong may asawa na. Hindi ko sya mahal pero alam mo yun, parang gusto kong makipag-sex sa kanya. May itsura sya at alam kong babaero sya pero iba talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Minsan nga dumadating ako sa point na pinapatulan ko ang mga green jokes nya. May isang gabi nga na natulog ako sa isang room kasama sya at dalawa pang babae. Nung inalok nya ako ng back massage ay di ako tumanggi. Di ko makakalimutan ang gabi na yun dahil nalibugan talaga ako sa back massage na yun kaso pinigilan ko lang ang sarili ko. Lagi kaming magkatext at naguusap dahil sa work namin. Nakaka-guilty lang kasi na-meet ko na ang wife nya. Hindi nya mahal ang asawa nya dahil nabuntis nya lang 'to. Kilala ko rin ang ibang babae nya. Sinasabihan ko sya na magbago na sya para sa family nya pero sa totoo lang ay gusto ko talagang makipag-sex sa kanya. Syet ano ba 'to?

8.23.2010

Puchang Hostage Taking Yan

Kasalukuyan akong nanonood ng hostage taking sa Quirino Grandstand sa GMA 7. Gusto kong sapakin ang mga negotiators. Bakit ganyan ang ginawa nila. Mali talaga ang ginawa nila. Nakakasikip ng dibdib.