Wednesday, December 10, 2003

marami akong pera ngayon... naibigay na ni bayaw yung parte ko sa isang linggong pagdedeliver namin ng dyaryo. tapos, nakuha na ni noriel yung tseke nya sa parehong dyaryo, may parte rin ako kase tatlo kaming gumawa para dun sa unang dalawang linggo. pero hindi ko gagastusin ang pera, kase hindi ko pa man nakukuha yun, nakalaan na yun para ihandog ko sa darating na pasalamat. maliit na halaga, pero pinagsikapan kong ihanda. PURIHIN ANG DIYOS!

------------

sa pag-iikot namin nina Charlie at Noriel sa Square One, nakakita kami ng glass chess board na napakaganda sanang makuha bilang koleksyon o display sa bahay at ito'y nagkakahalaga lamang ng 15CAD. karaniwang presyo ng ganung klase ng chess board ay nasa isandaan mahigit pero nakasama ito sa isang moving out sale. gusto ko talaga sanang bilhin yun kaya lang, mas naunahan ako ng pagiging praktikal. sa sitwasyon ko ngayon, hindi pa praktikal magbibili ng mga ganung bagay. saka na marahil.

No comments:

Post a Comment

Related Posts with Thumbnails