my heartfelt condolences to good friend Jovee Lark Exaltacion. His father suffered cardiac arrest the other day. Remains will be buried in Bulacan on Sunday, the 19th of October. requiescat en pace
~ ~ ~ ~ ~
Sana Ikaw
P. Pascual
Ikaw ay dumating bigla sa aking mundo
Hindi inaakalang ngitian mo ako
Para akong natunaw sa lambing nito
Di ka na maalis sa isip ko...
Paano na ngayon?
Ako'y litong lito...
Bakit kaya ako nahulog na sa iyo?
Pero meron ka nang ibang minamahal...
Hindi naman mahati ang puso...
Kaya pag-ibig, pinipigilan ko
Pag-ibig na sana ay sa iyo
Di ba't nararapat sa iyo
Pag-ibig na buong buo
'Di ko makakayang may saktan na iba
Kaya't ikaw ay mananatili na lang
Sa damdamin at aking isipan
Iguguhit kita sa alaala...
Pagkat tayo ay hanggang panaginip lamang...
(awiting handog ko para sa aking panaginip)
Wednesday, October 15, 2003
story told by
aajao
at
10:26 am
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment