1. Dalawang beses ako nakatanggap ng increase ngayong taon. Pero hindi ko naramdaman salamat sa tax. Panalo ang tax. Ang laki laki. Hindi ko naman nararamdaman.
2. Sa sobrang hindi ko maramdaman ang itinaas ng sweldo ko, araw araw na akong nagbabaon ng lunch sa opisina dahil hindi ko na kaya bumili ng thigh part ng chicken ng Mini Stop.
3. Pero sa laki ng tinipid ko sa mga pinaggagawa kong pagbabaon ng pagkain, hindi pa rin ako pumapayat. Kailangan ko pang magsayaw ng madalas yata.
4. Ang una kong trabaho ay bilang isang outbound telemarketer. Nagbebenta ako noon ng linya ng telepono. Scammer ako noon. Pero hindi ako magaling bumenta. Scammer lang talaga.
5. Sentimental akong tao. Lalo na pag kras ko. Kahit na ‘ok’ lang ang text sa akin, kapag may lihim akong pagnanasa sa isang tao, ay tinatago ko. Feeling ko hindi na nila kasi ako itetext ulit. Loser lang.
6. Ang sabi nila, malandi ako online… sa chat o kaya sa text… pero ang totoo niyan, hanggang dun lang ang gawa ko. Tahimik ako sa personal. At hindi ako dapat sineseryoso. Ika nga ni Ternie, dalisay akong tao. Binatang Pilipino talaga.
7. Antukin akong tao. Ang unang oras ko sa trabaho ay ginugugol ko sa pagtulog. Pero after ng first hour, masipag na ako.
8. Hindi ako mahilig umattend ng mga party, kasi isa akong introvert. Pag maraming tao akong kahalubilo, usually nakaupo lang ako sa isang tabi. Kunwari nakikinig. Minsan nagtetext, o kaya naman ay nakabaling ang atensyon sa iisa o dalawang tao lamang. Pero mahilig ako magpaparty.
9. Hindi ako maarte sa pananamit. Nakakadiri man pero minsan kayak o magsuot ng isang t-shirt lang sa isang linggo. Hindi naman kasi ako pawisin at wala akong BO.
10. Sabi nila, ang mga pinanganak ng Pebrero kulang kulang… ano kaya ang kulang sa akin? Hmmmm… Pagkalalaki siguro.
11. Mahilig akong kumanta habang nagtatrabaho. Balladeer nga ang tawag sa akin sa opisina. Hindi sa pagbubuhat ng bangko, pero marunong naman ako kumanta. Medyo malamig daw ang boses ko. Wala lang ako sa tono.
12. Isa pang hidden talent ko ay ang pagdodrawing. Kung makikita mo ang mga post-it ko sa opisina, punung-puno ng mga doodles ko. Di ko lang masyado pinapakita kasi baka madiscover ako.
13. Oo. Ilusyonado ako.
14. Alam kong may mga malulungkot. Pero sa mga hindi nakakaalam, taken na po ako. Hindi lang masyado halata.
15. Noong nagbibinatilyo ako, pinangarap kong maging Hollywood action star. Promise, totoo ito.
16. Kaya lang hindi naglaon, nainlove ako sa isa ring action star. Alam ko, ang cheap lang.
17. Hindi ako dancer, pero nahihilig ako ngayon sa pagsayaw dahil sa panunuod ng So You Think You Can Dance.
18. Kung may isang babaeng magpapatuwid sa akin, si Georgina Wilson lang yun. ANG GANDA GANDA NIYA!!! Sana mabasa mo ‘to Georgina. I love you!!! Nagpupuyat ako araw araw makapanuod lang ng Showtime dahil nandun ka!
19. Madami kaming alagang hayop sa bahay. Isang parrot. Anim na aso. Anim na parakeet (dalawa sa kanila bading). Dalawang pato. Noong bata ako, nagkaroon na kami ng mga alagang kuneho, pusa, pagong at isang bulate sa tiyan.
20. Alam kong alam ninyong paborito kong mangolekta ng pabango, pero ang pinakagusto kong pabango sa koleksyon ko ay ang Polo Black ng Ralph Lauren. Amoy upos siya ng yosi na mabango. Lalaking lalaki ang amoy ko pag yun ang inispray ko.
21. Hindi ako iyakin sa totoong buhay, pero pag pinanuod ko na ang Marley and Me, Toy Story 3, My Sister’s Keeper at Hachiko, hindi ninyo ako mapapatigil sa paghagulgol. Hindi iyak ha, hagulgol.
22. Ewan ko ba, pero medyo lapitin ako sa mga magagandang babaeng mahilig magkwento ng mga sex life nila. God’s way of saying, ito ang mga pinalalampas mo!!! Pero strong ako. Di ako papadala sa temptation.
23. Kakatext lang sa akin ni Kasintahan. Kinikilig ako.
24. Mababaw lang akong tao. Promise.
25. Ang hirap mag-isip ng 29 things, wala na nga ako maisip ngayon. Apat na lang!!!
26. Sa totoo lang, natutuwa ang mga magulang ko kapag may pumupunta sa bahay na mga bisita
ko. Hindi kasi sila naniniwala noon na may mga kaibigan ako. Akala nila puros imaginary lang ang mga friends ko.
27. Wala akong balak umalis ng Pilipinas. Minahal ko ang New Zealand noon, I’m sure marami pa akong mamahalin na ibang bansa, pero kuntento na ako sa traffic ng Maynila, sa mga basura, sa kurakot na pamahalaan. I love this country.
28. Positibo akong tao, minsan mababa ang expectations ko. Siguro dahil madalas gusto kong ginugulat ako. Mas maganda kasi yun, kesa nadidisappoint ako.
29. Birthday ko ngayon.