Tuesday, December 6, 2011

Ano ba ang totoong tawa?

Kamusta?

As the cliche goes, i hope everything and everyone's fine.

Ako, eto, ayos naman. Nagnanakaw ng sariling oras. Mga sandali na ninakaw ko sa 24 oras ko na parang kulang.

Masyadong maraming nangyayari sa akin. Actually, para ngang walang nangyayari sa akin.

Nalulunod ako. Hindi sa dami ng trabaho, kundi sa bilis ng mga araw. Hindi ko na ito namamalayan. Nalulunod ako sa bago kong mundo. Bihira na ako tumawa ng tunay. Tawang malakas na lang. Hanggang bibig at lalamunan na lang ang mga hagalpak na lumalabas sa akin. Hindi na galing sa puso. Kumbaga, hindi ko namimiss ang mga oras na tumatawa ako. Para bang dumaan ito at umalis na hindi ko man lang napansin.

This is the life I chose. Indeed? I myself am still not sure.

Basta ngayon, ang buhay ko eh nagsisimula ng mga 5:30 ng umaga, natatapos ng mga 11pm. Mabilis lang. Kung papanuorin mo nga sa pelikula parang walang nangyari. At very predictable. Tipo bang parang gustong iextend ng director ang pelikula kaso wala ng budget. In my case, wala nang oras. Gabi na eh. Maaga pa ulit ang gising bukas.

Ngayon lang ako nagkaroon ng oras na ganito. Kaya naman nilubos lubos ko na ang pagsasayang ng oras.

Gumising ako ng alas dose ng madaling araw. Nakatulog ulit at nagising muli around 1:30 am. Hindi na ako matutulog hanggang mag umaga. Mag aaral kasi ako para sa 4 na exam ko bukas. Enumerate ko lang for my own benefit: Peso-Dollar counterfeit, Clearing operations, ATM Operations, at Platform Banking System.

Hindi naman ako nagyayabang sa terms, gusto ko lang gumaan ang loob ko.

Sana bumalik na ang mga araw. Gusto ko na ulit tumawa ng totoo. Gusto ko na ulit mag-isip at magmuni muni. Dahil nga sa kakulangan ko sa sariling oras ko, para bang bawal na ako mag-isip mag-isa. Kahit pa habang ako'y nasa kubeta.

Ano bang ibig sabihin ko sa tawang totoo?

Eto yung tawa na masarap, halos maluha ka na, tapos habang tumatawa ka nag-iisip ka na, "oo nga no? nakakamiss ang mga kasama ko ngayon". Hindi totoo ang tawa kung hindi ka nag-iisip habang tumatawa at kung mag-isip ka man, ang laman naman nito ay "hahahahahaha".



Originally posted on July 14, 2009. Back during the days na kakasimula ko pa lang magtrabaho. Ngayong 23 na ako, namimiss ko pa rin naman ang totoong tawa.

Ni-repost ko ito dahil gusto kong sumali sa pakulo ni Gillboard.

5 comments:

gillboard said...

nakakatawa ka na ba ng totoo ulit ngayon?

salamat sa support. natutuwa ako at sumali ka sa pakulo ko.

Anonymous said...

Bigla akong napaisip. Ano namang klaseng tawa 'yung mga tawa mo sa radio program mo?

ace.ricafort said...

@gillboard medyo nakakatawa na ulit ako ng totoo ngayon. i found new friends na sa office. nung bago kasi akong nagtatrabaho, feeling ko grade 1 ako na kakatapos lang mag-prep.

@gasoline dude yung tawa ko sa radyo, mostly peke. hahahaha! sanay na nga ako tumawa ng on cue eh. minsan makipag kwentuhan ka sa akin live, kita mo, pag nagjoke ka, kahit hindi ako natatawa, bongga pa rin ang tawa ko. LOL. sasali rin ako sa contest mo, hindi ko pa lang macompose pero may topic na ako. ;)

gillboard said...

nababasa ng listeners mo to... patay ka!!! hahahaha

ace.ricafort said...

@gillboard wag kang maingay! haha! hindi naman siguro sila magagalit. ikaw nga imaginin mo na mag-isa ka lang, matatawa ka ba all throughout? Haha!