Noong nakaraang Linggo ay sumabak nanaman ang inyong lingkod sa isang blog meet-up. Hindi na ito kasinglaki kumpara noong isang linggo.
Naaalala niyo ba noong summer nang iannounce ko na meron nagset-up sa akin para makipagdate sa isang chick, pero hindi natuloy? Pinakilala siya ng isa ko ring kaibigang manunulat na dalawang taon na ring nadadala ng mga sinusulat ko. Ngayon after 10 years natuloy din namin ang aming lakad.
As it turns out, si supposed date ay isa na ring blogger. Ang aking mga bagong kaibigan ay walang iba kundi sina Jayvie, at ang rising star ng wordpress na si SSF.
Ulitin natin 'to guys. Sobrang nag-enjoy ako!!!
***************
As usual, dahil may bagong nakilala, meron din akong mga bagong natutunan:
- Kapag ang isang tao, sinabing nakaget-over na siya ng mga 85% sa ex niya, malalaman mong nagsisinungaling siya pag nagvideoke na kayo.
- Masarap pag konti lang ang ka-eyeball mo, mas maganda ang bonding at mas nakikilala mo ang mga bagong kaibigan.
- Mukhang kelangan kong gumawa ng blog sa wordpress.
- Masarap ang cake na pulutan sa inuman (by the way, kahit may liquor ban, okay lang uminom kung sa pribado lang ito gagawin).
- Mas mahal ko na ang pangalan ko ngayon.
- Kelangan ko nang maglinis ng kwarto, nakakahiya sa mga bisitang pumapasok, dahil ang baho ng kwarto ko.
- At syempre, gaya ng sa litrato, mas cute si SSF sa personal. (Single pa siya, kaya lang parang fasting ata siya ngayon sa mga lalake…). Kung straight lang ako, matagal ko nang dinate siya.
***************
Ang alam ko sa mga susunod na mga araw ay may dalawa pa akong masugid na sinusundang mga manunulat na makikilala. Excited ako dun. Kasi, unang-una mayaman yung mamimeet ko, kaya inaasahan kong malilibre ako (joke!!!). At ikalawa, kung matuloy man ang plano, out-of-town ko pa makikilala yung isa.
Ang saya saya!!!
***************
Siyangapala, huling linggo ngayon ng aking Pacontest. Hanggang sa katapusan na lang ng buwan yun. Kaya kung nais niyong manalo ng Power Balance na bracelet, Starbucks Mug at isa pang product na di ko pa naisip kung ano, baka libro na lang. Sali na kayo. Iclick niyo ito.
***************
Higit sa blog meet-up, ang talagang nagpasaya sa akin noong weekend, eh yung nakasama ko si Kasintahan. Espesyal yun syempre, dahil nung Linggo, tatlo ang aming sinelebrate. Una, eh yung kanyang kaarawan. Pangalawa, ay ang pagkapanalo ni kasintahan sa isang patimpalak kung saan kalaban nila ang iba’t-ibang bigating mga pamantasan (nakasecure din siya ng magandang trabaho mula sa programang iyon… oo secure na ang future ko!!!). At pangatlo, ay noong araw ding iyon kami’y isang taon nang magkakilala, at limang buwan nang magkasintahan.
Pumunta kami nung una sa Chinatown para mamili ng hopia at kumain sa Tasty Dumplings. Marami pa sana kaming gustong gawin noon, pero sa Tasty pa lang, busog na busog na kami. Nagsimba din kami sa simbahan ng Sta. Cruz. Sinubukan naming magsimba kay St. Jude dahil instrumental siya sa aming pagsasama (pero dahil may event, di namin nagawa).
Masaya, kasi noong araw na yon, pakiramdam ko ako ang pinakamaswerteng tao ngayon.
Well, ako naman talaga.