Sunday, September 19, 2010

Wake up call

wake up call

maaga akong gumising kanina para magsimba.. since sunday, kailangan pakainin ang aking katawang lupa ng salita ni papa jesus.. ewan ko kung bound to happened talaga ang mga nangyari pero kanina..
first time sumama ng apat na house mate ko para magsimba
first time kong indi nagdala ng bag na aalis
first time kong dinala ang wallet ko instead na coinpurse lang
first time kong alisin sa wallet ang maliit na rosary na matagal nang nakalagay sa pitaka ko..
at first time kong umupo sa drivers seat ng taxi..

So dahil ako ang nakaupo sa drivers seat, ako ang nagbayad ng pamasahe.. dinukot ko ang wallet ko para mag bayad at diretso simbahan na.. at pagkatapos ng misa, dahil isang linggo na akong patay gutom sa burger at bake potato ng wendys, kinulit ko ang officemate ko na mag wendys muna kami.. habang papalapit na sa monorail station, kukunin ko na sana ang touch n go card ko nang chenen, wala sa bulsa ko ang pitaka ko.. kalma lang sabi ko, pero wala talaga.. so ayon, sabi ko balik kami sa simbahan at baka andun.. kaso wala e.. at dahil daig ko pa ang babaeng nanganak dahil sa pagiging ulyanin, di ko na matandaan kung saan ba talaga nawala ang pitaka ko.. indi ko na din matandaan kung nasa bulsa ko paba ito nung nasa loob na ako ng simbahan... inisip ko kagad kung ano ang mga nakalaman dun...
1. picture ng bebe ko
2. ATM card
3. rose petal na pampaswerte daw sabi ng aking ama
4.condom resibo
5. hubad na larawan ko allowance ko at pocket money for this week

.. indi naman sa nanlumo ako pero ang kinaaasar ko, may sentimental value sa akin yong pitaka na yon, isa pa, napurnada nananman yong pinapangarap kong pagkain sa wendys ng bonggang bongga..umuwi akong luhaan.. buti nalang at may sukli pa yong pinangbayad ko kanina sa taxi na sa bulsa ko nilagay.. pag uwi ko, unang bumulaga sa akin yong rosary na inalis ko before ako umalis.. di ko alam kung bakit pero akala ko nawala na din yong dahil nasa loob lang naman ng pitaka ko yon.. kanina, naisip ko, wala na pala talga akong pera.. nagising ako sa katotohanan na pulubi ako this week.. pero pinautang muna ako ng housemate ko.. allowance for this week.. at dahil kailangan mag budget, napilitan akong magsulat sa papel kanina.. at napaisip ako.. oo nga, bakit wala pa akong naipon? ilang buwan na akong andito pero indi parin ako nakakaipon? naisip ko ang rosary kanina.. naisip ko, na sa isang iglap.. pwedeng mawala ang lahat.. parang wallet ko na naglalaman ng allowance at condom atm ko.. so pano kung trabaho ko ang mawala, anong naipon ko?? syet.. dati, kahit papaano may naiipon ako nung nasa pinas ako.. ngayonn na medyo okay ang sweldo, anak ng.. dun ako walang naiipon.. This cant be.. wake up call nga siguro yon.. dapat matutuno nang mag ipon..

PS.. sa nakapulot ng wallet ko.. okay lang.. tulong nalang yon, kahit tinanggalan moko ng karapatang kumain sa wendys, okay lang din.. wag mo lang gagamitin yong condom dun, dahil expired na yata yon.. baka mamaga lang ang iyong tutoy.. lol

5 comments:

  1. mas mahirap nga ata mag ipon pag nasa ibang bansa ka. kase parte ng kita mo pinapadala mo sa pamilya mo sa pinas.

    ReplyDelete
  2. Tsk tsk the fact na wala sa sarili mo nung alisin mo yung rosary sa wallet mo, sign na yun, reminder ng mga mahahalagang bagay na nasa buhay mo at hindi mawawala...

    ReplyDelete
  3. Bakit daw kasi naka-taxi ka pa pagpunta ng simbahan? LOL jowk lang.

    ReplyDelete
  4. hahaha! talagang inisip mo pa ang kapakanan ng gagamit ng expired na condom! :D

    ReplyDelete
  5. Tsk tsk tsk... ang hirap mawalan ng wallet lalo na kung andoon lahat ng importanteng gamit lalo na ang condom...haha! joke lang!

    Tulong mo na lang sa kanya. :)

    ReplyDelete