Mag-lolo nga talaga sila. Sa loob ng bahay, abalang-abala ang apo sa paggawa ng palaruan para sa kaniyang mga laruan. Ito ang ideya niya ng slide , gamit ang magnetic tiles na binili ng Mommy niya. Samantala, sa labas, ang lolo niya ay abalang-abala sa pagliliha sa kabinet na ilalagay namin sa kusina. Tumitigil siya kapag madilim na sa labas, saka winawalisan ang sahig sa labas at pinupunasan ang mga tabla. May kakaibang saya talaga kapag nakakabuo ka ng mga bagay-bagay. Noong bata pa ako, naaalala kong bumibili si Mama ng mga tiles na katulad ng ginagamit ni Stacie ngayon (pero hindi nga lang magnetic kundi may pangkabit na mga plastik na edges ) mula sa Tupperware. Bumubuo kami ni Yeye ng mga laruan, at madalas akong gumagawa ng mga de-gulong na trak. Dahil nabanggit ang trak -- mahilig din akong bumuo ng mga landscape art (sa pananaw ko bilang bata), mga binuo mula sa mga bato at putik at madalas na may nakatanim ding mga halaman. Pero noo...