Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2013

tungkol sa pagbisita sa Asian Shop sa Dresden

Batay sa pagsasalita at sa mga pagkilos niya sa loob ng tindahan, siya rin siguro ang may-ari nito. Isang maliit at singkit na babae, nasa mga 40 ang edad niya sa tantiya ko. Kanina pa siya nagpapaikut-ikot sa tindahan, tumutulong sa pag-aayos ng estante, tumatao sa kaha sa tuwing may magbabayad, nakikipaghuntahan sa mga parokyanong sa palagay ko ay suki na rito.

tungkol sa Berlin Wall

Kamakailan lang, nagkaroon ako ng pagkakataon na bumisita sa Potsdam na kanugnog ng Berlin. Napakasarap makapagsalita muli ng Tagalog matapos ang matagal na pakikipag-usap sa Ingles o sa putul-putol na Aleman. Ang mga bagong Pinoy na kakilala ang siyang naging tour guides  ko sa paglilibot sa tanyag na kabisera. At ang unang destinasyon? Siyempre pa, ang Berlin Wall.