Sa totoo lang, hindi ko lubos maisip kung bakit sakaling meron akong HIV. Ang papaano ay alam ko. Ang bakit ay hindi.
Hindi ako tanga’t bobo upang di malaman na nakukuha ang HIV sa pakikipagsex. Malinaw sa akin ito. Malinaw rin sa akin na mas tumataas ang tsansa na magkaroon ng HIV kung hindi gagamit ng condom. At mas lalong tataas ang tsansang magkaroon ng HIV kung madalas makipagsex sa iba’t ibang lalake. At higit pang tataas ito kung ang mga nakakasex ay madalas ding makipagsex sa iba’t ibang lalake na hindi gumagamit ng condom.
Lahat yan alam ko. Lahat din yan ay nagawa ko. Kaya nga hindi na ko magugulat kung paglabas ng resulta ng HIV Antibody Test ko ay positibo ako.
Hindi nga kasi ako tanga’t bobo. Pero kahit gaano karami ang alam ko, kahit kabisado ko lahat ng dapat at hindi dapat, pinili ko pa ding gawin lahat ng di dapat at wag sundin lahat ng dapat.
Dahil ba mas masarap ang bawal? Pwede.
Pilosopo na sa pilosop ha, pero sa kahit anong sugal, talo ako lagi. Ni isang raffle, wala pa akong napapanalunan. Kaya siguro akala ko, kahit ilang tsansa pa ang makuha ko, hindi pa rin ako makakakuha ng HIV. Kasi the odds are always against me. Pero ngayon, jumackpoy ako. Buhay ko nga lang ang kabayaran. Sugal pala ito. At dapat sana ay natuto na akong sa kahit anong sugal, talo ako lagi.
Kaya bakit nga ba ako nagkaHIV? Sa puntong ito, pagiisipan ko pa ba? Eh andito na ko sa sitwasyong to eh.
Siguro ang mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ay kung paano ko lulubusin ang nalalabi kong buhay. At kailangan ding maniguro na ang maiiwanan ko ay maiiwan ng hindi magiging pasanin ang pagkawala ko.
Kaya ngayong taong ito, heto ang mga plano ko:
1. Bayaran lahat ng pinagkakautangan.
2. Bumili ng insurance para sa akin at sa Irog ko.
3. Bumalik sa paggygym at pagpapalakas ng katawan.
4. Magipon para sa mga kakailanganing expenses sa paggagamot.
Ang mga iyan ay kailangang isakatuparan para masigurong wala akong masyadong aalalahanin sakaling malala na sakit ko.
No comments:
Post a Comment