Wednesday, May 30, 2012

"Guilty" Ayon sa Dalawampu

[caption id="attachment_2646" align="alignleft" width="300" caption="(image courtesy of gmanetwork.com)"][/caption] Limang buwan. Iyan halos ang itinagal ng pagdinig (kabilang ang recession ng senado) sa impeachment complaint na inihain laban sa punong mahistrado, si Renato Corona. Kanina, tinutukan ng sambayanan ang pagpapaliwanag ng desisyon ng dalawampu't tatlong senator-judges, kung saan nakakuha ng majority 20 votes ang nagsasabing guilty si CJ Corona sa Article 2 ng inihaing impeachment complaint--- na sumentro sa hindi umano pagdedeklara nang tama ni Corona ng kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth o SALN. Sa dalawampng senador na nagpaliwanag ng kanilang "guilty" verdict, halos iisa lang din ang kanilang paliwanag: hindi katanggap-tanggap ang paliwanag mismo ni Corona sa hindi niya pagdeklara ng kaniyang ibang "yaman" sa kaniyang SALN, na tungkulin dapat ng lahat ng public officials. ang tatlong bumoto ng "not guilty" pabor sa punong mahistrado, ipinaliwanag na hindi napatunayan ng prosekusyon, batay sa mga inihain nilang ebidensya, na nagkasala rito si Corona. Tapos na ang pagdinig. May hatol na kay Corona. Ngayon, nakatutok ang sambayanan sa maraming bagay, pero unang-una na ang pagsunod ng iba pang public officials sa "transparency" na kanilang ipinagsisigawan. Nakakatawa lang din kaseng isipin na kung sino ang mga masigasig na umuusig sa nasakdal na punong mahistrado, sila rin ang hindi nakahanda na ipakita ang kanilang SALN o ipabusisi ang kanilang bank account/s sa ngalan ng "transparency." Tanong nga ng galit na galit na si Senador Miriam Defensor Santiago, kung lahat ng opisyal ng gobyerno ay nananawagan sa transparency, bakit lagi pa rin nasa mataas na pwesto ang Pilipinas pagdating sa listahan ng pinaka-corrupt sa buong mundo? Gaano nga ba tayo katotoo na laban tayo sa korupsyon? Isang tanong na hindi alam ni Juan kung kailan masasagot.

Pagod na sa kakaasa ang mga Pilipino. Maganda ang Pilipinas... kung tapat din sana ang gobyernong namumuno rito at naglilingkod sa mga mamamayan. hindi natin kailangang mangibang-bayan pa para lang masabing "may paraiso rin pala sa mundo, pero hindi nga lang dito." :(

1 comment:

  1. hay. isa lang ang masasabi ko, sobrang panalo talaga ang speech ni miriam.
    oo kaso at many instances, she was over reacting. pero i'm gonna miss her in the Senate. It's never the same without the brilliant senator. - aajao

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails