Sunday, September 12, 2010

#sentisabado

sa tila hindi mo mapigilang pag-usad ng nagmamadaling panahon, hindi ba't napakasarap tumigil nang ilang sandali at balikan sa alaala ang panahon ng iyong kabataan? noong mas simple pa ang buhay at hindi kasing-kumplikado ng sa ngayon. marahil, pareho lamang ang problema ng lipunan noon at ngayon pero noong panahon mo ng kabataan, mas kakaunti ang alalahanin mo sa buhay. marahil, pinoproblema mo lang ang exam mo sa school sa kinabukasan, o kaya ay ang homework na hindi mo agad nagawa ngayon. marahil ang inaalala mo lang ay kung paano mo lalapitan at kakausapin ang crush mo at kung mayaya mo itong kumain sa labas ay sasama ba sya agad sa 'yo. mas simple pa ang buhay noong ang inaalala mo lang ay kung anong oras uuwi ang mga magulang mo galing sa trabaho at kung ano ang dala nilang pasalubong para sa iyo. isa o dalawang pirasong candy lang, solb ka na!

maraming alaala ang kabataan mo--- karamihan dito kapag nagbalik-tanaw ka, kung hindi ka mapapangiti ay gagaan ang pakiramdam mo. tila titigil ang oras ng kasalukuyan at parang nais manatili na lang sa lumang panahon. masasabi mo pa sa sarili mo na sana maibalik ang mga panahong iyon.

kung mayroon kang twitter account, may pagkakataon ka na para mag-iwan ng marka sa mundo ng twitter. bilang pilipino, nilayon ng lumikha ng #sentisabado na magkaisa ang twitter users, pangunahin tayong mga Pilipino, upang mag-iwan ng marka sa twitter sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa ating kabataan. ayon kay tonyo cruz, bumalangkas at nagtatag ng sentisabado hashtag sa twitter, pangunahing layunin nito ang makapaglabas ng positibong pakiramdam mula sa kabi-kabilang negatibong balita na bumabalot sa ating lipunan. Ayon pa kay tonyo, walang pinakamagandang positibong bagay na maaari kang itapat sa ganitong sitwasyon kundi ang magbalik-tanaw sa panahon ng iyong kabataan. sinimulan ang #sentisabado noong agosto 28 at tuwing sabado mula noong petsang nabanggit, parami nang parami ang nakikibahagi dito. sa hinaharap, inaasahan na kung hindi man mahigitan, ay matapatan ng #sentisabado ang nauna nang kinilalang #followfriday sa mundo ng twitter.

may ibabahagi ka bang alaala ng iyong kabataan? i-twit mo na at gamitin ang #sentisabado hashtag. :)

3 comments:

  1. Hindi ba mahal ang Coney Island? Sosyal mo naman. Hahaha jowk. Ayskrim lang ni Mamang Sorbetero ang nakakain ko eh. Sumasali din ako sa #sentisabado. Hehe.

    ReplyDelete
  2. ang yaman mo talaga... coney island! yahoo!

    ReplyDelete
  3. mga tsong. syempre, first treat ng tatay ko sa akin ng commercial ice cream, eh di dun na sa the best ;)

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails