GRAND CLAN REUNION
Sa totoo lang, ang sarap pa talagang matulog sa kama noong araw na iyon pero napilitan lang akong um-attend ng grand reunion namin gawa ni ama. Hinila ba naman ako pababa ng hagdanan habang natutulog. Sino pa ba ang gaganahang bumalik sa pagtulog nun? LOLZ.
Tulad ng inaasahan ko, andaming taeng dumalo sa nasabing reunion. Halos mapuno ang isang gymnasium na pinagdausan. Andami ko pala talagang kamag-anak. Siguro kung tatakbo ako bilang konsehal ay landslide mananalo ako sa sobrang dami nila. Halo-halo. Labo-labo. Ang gulo. Sanga-sanga na ang pangalan. Mano dito, beso at handshake doon. Nakakahilo pala talaga ang makipagplastikan. JOKE! Masaya naman ang makilala ang ilan sa hindi pa nakakakilala sa akin. Pero sa totoo lang, parang wala akong naalala sa kanila ni isa haha!Siguro ganun lang talaga ang mga anti-social haha joke lang.
Ngunit sa isang dako pa roon, nakita ko ang isang pamilyar sa akin. Si Sheng. Maganda pa rin siya pero medyo tumaba nga lang ng kaunti. May kalong siyang sanggol. Shetex! Naalala ko lang bigla, siya pala ang dati kong pinopormahan sa kabilang school noon. Nahiya naman ako nang makumpirma kong magkamag-anak pala kami. Noon ko lang nalaman. Buti na lang hindi ko itinuloy ang panliligaw sa kanya noon dahil naramdaman kong may B.O siya. LOL. Buti na lang talaga um-attend ako ng reunion namin!Ampness!
FAREWELL SONG
Bored to death ako nung isang araw. Hindi makalabas ng bahay dahil umuulan. Wala akong magawa kundi magmuni-muni sa loob ng kwarto at magsenti.
Kinikilabutan pa rin ako 'pag pinapakinggan ko ang ni-record kong kanta. Para bang ang mga nangyari noon ay may pinatutunguhan.Ayoko ng maulit to. Ayoko ng ganitong pakiramdam :(
Ewan ko ba kung bakit sa lahat ng kanta ay ito pa ang ni-record ko...nakakatakot...


