Galing kami noon ng driver ko sa Cavite pauwi na. Putakelz! Sobrang trapik. Hindi ko alam kung anong meron bakit may traffic jam. Nasa EDSA Kamuning palang kami at ako'y yamot na yamot na nang biglang may kumatok sa bintana ng backseat ng sasakyan. Binuksan ko naman at biglang bumungad sa akin ang tanong na ito...
"Sir, kumusta po kayo bilang Pilipino?", tanong ng reporter na hindi ko naman kilala kung sino. "Ano bang klaseng tanong yan?" sa isip ko pero sumagot pa rin ako ng bongalore. " Ok pa rin naman. Still proud of being one". Nakatutok sa akin ang camera mga sampung segundo, alam ko, kasi habang iniinterbyu ako ay binibilang ko sa aking mga daliri kung gaano katagal nakatutok ang camera. (chance ko ng lumabas sa TV kaya. LOL.)
Dadagdagan ko pa sana ang sagot ko nang biglang umeksena si manong driver. Hindi din nagpaawat. "Ako naman ang interbyuhin 'nyo", sabi niya sa reporter. Inilipat ng reporter ang mic kay manong. Hindi ko na alam kung anong Q&A ang naganap kasi naging busy ako sa paghahanap ng camera ko sa bag. Buti na lang swift ako kaya nakuhanan ko pa rin silang nag-uusap. At napansin kong mas mahaba pa ang exposure ni manong kaysa saken. Syet!LOL.


