Showing posts with label rants. Show all posts
Showing posts with label rants. Show all posts

Tuesday, February 1, 2011

FEB 1

Start nga pala ng Feb ngayon. Wag naman sanang buong Feb ko ganito. Not my day. Ayoko pa sana i-admit pero when it rains, it pours. Grabe. Baka bukas blessings naman. O kaya next month. Basta puro blessing ang sunod.

Sabi nga ng Aegis, "gulong ng buhay, patuloy tuloy sa pag-ikot, ngayon ako ay nasa ilalim, sana bukas nasa ibabaw naman"

Manila, pa-miss ka ha. Kaasar.

Naisip ko lang bigla, sana yung flight ko kanina to Manila from CDO na lang ang na-delay, nakasabay pa sana ako. Pero kawawa naman ang mga affected. Domino effect eh. Grabe.

Love you Q. Thanks for being there.

Tuesday, January 4, 2011

New Year's Post

Wow.

Napakatagal ko nang binalak na gumawa ulit ng post dito. Ang dami ng nangyari, ang dami ng naganap. This post has nothing to do with the title "New Year's Post". Just happened that I finally had the guts to come up with a post, just a few days of the New 2011 Year.

Haha.


Nakakatuwa. Parang nahihiya akong magsulat sa sarili kong blog. Parang nagtatampo sya. Haha ulit. Wag ka na magtampo.


Ano na nga ba nangyari sa akin?


Eto...

Product Sales Officer na ako ni RCBC Cash Management Services. May sarili akong desk, laptop, kung saan saan na ako nakakapunta at kumakain, at ang taba taba ko na LALO. (Added after proofreading: I am writing this post here in my desk, during office hours. Obviously wala akong magawa. Ang sarap ng pakiramdam. Kaso nakaka-paranoid kasi lagi ako tumitingin sa likod ko, baka may nakakakita na.)

Nakapunta na ako sa Pampanga, Isabela, Tacloban, at Cagayan de Oro. Ang saya! Masaya sa department namin because we get to travel the whole Philippines although work din naman mostly ang gagawin mo dun and we don't get to stay longer. Siguro next time try ko magstay ng mas matagal, like i-sched ko yung visit ko ng Thu-Fri then Sunday na ako uuwi. Mega soul searching.

On to other matters...

Sobrang namiss ko magsulat. OR, namiss ko lang siguro magbasa ng bago dito sa blog ko. You see, last month yata binasa ko lahat ng posts ko dito way back my college days.

Nakakatuwa magbasa ng dati kong batang isip. Puro ako rants nuon. Palagi naman yata, pero dati ang bababaw ng mga rants ko. At least man lang sa rants nag mature ako di ba?

One thing changed though. Ang taba taba taba ko na talaga. As in. As in I never really imagined myself to be this fat. Hindi naman sya nakakababa ng self esteem pero nakaka-down. Napaka slouchy ng feeling kasi ang laki na ng tyan ko, tapos hindi na ako masyado makapag suot ng slim fit, ang pangit ng sides ko. Gusto ko na ulit bumalik sa gym. MATINDING MATINDING MOTIVATION lang talaga ang kailangan ko. Sana makuha ko na sya! Para ma-attain ko na rin ang katawan na pagnanasaan ng lahat. Gaya nito...








Sana naman kahit mga 2 years in my lifetime man lang eh ma-experience ko magkarooon ng ganyang katawan.



Ang sarap...


ng mga oras na ganito. Yung nag-iisip lang ako ng random thoughts, things about life, happiness... contentment. Ang saya. Parang ang sarap mag-isip profoundly without really trying hard. Parang ang saya kumuha ng course na Philosopy. Isip ka lang ng isip.



Sana mapadalas pa ang pagdagdag ko ng post dito. Sana magkaroon naman ako ng interesting topic every week or mga twice a week. Para naman hindi cluttered. Pag trabaho na kasi ang pumasok sa isip ko, cluttered na agad. Wala na agad akong time para mag-contemplate.



Katawa ako, nagsusuggest sa sarili. Haha. Thinking out loud lang.

Wednesday, October 28, 2009

Here We Go Again

We do the same things over and over again. We fight, we hurt each other, then we rekindle again. Just like a cycle, it always goes on and on and on.

Hindi ko alam kung hanggang kelan ako tatagal. Ikaw, hanggang kelan?

Paulit ulit na lang tayo. Sabi mo nga nakakasawa na. Ako din nagsasawa na. Actually matagal na. Pinipilit mo akong magsawa sayo.

Gumawa ka ng paraan para maging maayos tayo kung kelan lang, pero bumabalik na naman. The wheel is turning and here we are again - in this precise moment na ayaw natin pareho.

Bakit pakiramdam ko masaya ka kapag nag aaway tayo? Bakit ang dali dali para sayo na tiisin ako? At isisi sa akin ang lahat pagkatapos.

Pareho tayong gago. Nagsisisihan. Ikaw, ako may kasalanan. Ako, ikaw may kasalanan. Hindi natin maayos. Magbabati tayo pero after a while, away ulit.

Nagsasawa na ako. Sawa ka na rin naman di ba? Bakit hindi natin ayusin to?

Pinapahirapan lang natin ang isa't isa. Sinasaktan lang natin mga sarili natin. Hindi na naman yata tayo masaya eh. Tama na nga siguro.

Ano bang dapat gawin? Ayusin o Tapusin?

Naduduwag naman ako. Pero ayokong malaman mo ito. Ayoko mahiwalay sayo dahil natatakot ako. Pero kaya ko naman siguro. Oo, kaya ko, ako pa.

Basta sa ngayon, ang naiisip ko, pagod na ako. Unnecessary lahat ng stress na nakukuha ko galing sayo. Don't worry, hindi kita masyado sisisihin this time. Ako siguro may kasalanan. Nasanay ka ng ganyan. Tinanggap ko naman nung una, pero ngayon parang ayoko na.

Kelan mo ba ako iiwan?

Pakawalan mo na ako.

So i can bring back myself again.

Monday, October 19, 2009

Rants, My Apologies

I am sorry i have to use this blog again to burst out my rants. Damn, i feel like an 8 year old kid who was not given a candy.

I cant focus now. i am very pissed with our desktop computer. Sobrang bagal. Ang tanda na kasi. Nakakabwisit.

*continued after breathing in and breathing out for 10 minutes.

So i cant open more than two tabs in Mozilla kasi bumabagal lalo. Haay.

On to serious business,

ever wondered how difficuilt it is to control one's temper? i must know. ang sakit pala sa ulo kapag pinipigil mo ang galit mo, mas masakit sa ulo kung nagngingitngit ka na pero hindi ka naman nag sasalita. mas masakit sa ulo kung may dadagdag pa sa galit mo tapos parang bawal ka naman magalit.

i should know how painstakingly painful it is. daig ko pa may tumor sa utak.

ayoko na nang ganun. ang sakit talaga sa ulo. dapat ba ilabas ko lahat ng galit ko?

******

sobrang tinatamad na ako pumasok sa trabaho. nakakatamad mag observe lang. kanina nga, nag log in at nag log out lang ako pero hindi naman talaga ako pumasok. saan ka pa? ang sakit sa ulo.


naisip ko bigla, mas na strestress ako kung wala akong ginagawa kesa kung may ginagawa ako.

******

hindi ko maramdaman ang pasko. kung kelan naman nag katrabaho na ako saka parang hindi pa ako masaya.

*****

the hardest part of my working life is to get UP and stay UP. i miss UP (you-pee).

i need some air! new air!