bago ko simulan ang drama ko.hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood ngayon. kaya pasensya na kung saan man makarating ang blog na ito.
WHEN A HEART IS TRUE THERE IS NO NEED FOR WORD BECAUSE EVEN IN SILENCE,LOVE CAN BE HEARD.
naalala ko yung crysh ko dati.lagi niyang sinasabi na sana magparamdam na yung taong nagmamahal sa kanya.sabi ko naman,naku nasa tabi-tabi lang yun.(pasimple).tapos sinabi niya sakin ngayon na napapagid na siyang maghintay.sa loob2x ko kaw naghihintay lang eh mas nakakapagod kayang magparamdam.
may mga tao kasing sdyand sapat na sa kanila ang masabi nila ang salitang "I LOVE YOU"pero hindi naman nila kayang patunayan.meron namang masaya na sila na iparamdam ang pagmamahal nila kahit na hindi nila sinasabing "I LOVE you".
kung hihingin mo ang opinyon ko.hindi ko na kailangan sabihin mahal ko ang isang tao.hindi ko na kailangangipost sa bulletin at igm at ishoutout ito sa buong pilipinas para lang ipaalam at patinayan na nagmamahal ako,.walang taong TORPE nagkataon lang na takot sila or hindi pa handang masaktan.
LOVING IN SILENCE!kung baga sa kanta tunog lang ang pinakikinggan mo at walang lyrics.
may kaibigan ako si ART.siya ang kasabwat ko sa lahat ng kalokohan ko.tulad ng ibang tao.kahit gaano pa siya ka-immoral at abnormal ang tingin sa kanya ng ibang tao.marunong din pala siya magmahal.
yun nga lang tama na sa kanya ang patingin-tingin,sweet at caring sa taong natitipuhan niya.MAHAL NIYA BUT HE DONT HAVE THE COURAGE TO TELL IT DAHIL takot siyang mareject.
dumating ang JUDGEMENT DAY at isa ako sa mga saksi sa HUKUMAN NI KUPIDO.pinagtabi ko ang dalawa. sauna ay tahimik at walang kibo.ngunit nagsalita na si babae.
"ART,MAHAL DIN KITA!".biruin mo nalaman ni babae.hindi na niya nagawang tanugnin si art kasi nararamdaman na niya.
siguro yung 6o secs na yun ang pinakamahalagang oras sa buhay ng kaibigan ko.
minsan pala kailangan mo ring maging tahimik para mas malaman na totoo ka sa nararamdaman mo.minsan kailangan mo munang pakinggan ang tono at intindihin ang lyrics ng kanta bago mo ito maging paborito.at minsan kailangan mo munang subukan kung hindi kapa handang masaktan..
kung totoo talaga kayo sa isat-isa.hindi sapat ang paniwalaan nyo ang natitikman nyong lasa.hindi sa kung ano lang ang naabot ng dalawa niyong mata.maari niyo ding pakiramdaman at pakinggan ito gamit ang inyong tenga.
tulad ng nabasa ko sa isang libro na.:
"ANG PAG-IBIG AY HINDI NANGANGAILANGA NG DALAWANG TAONG NAGMAMAHALAN,KUNDI TINIG NG DALAWANG PUSONG NAGKAKAINTINDIHAN."