Well bakit nga ba ako nagpopost!!! naka online ako sa facebook ng di ko inaasahang makita ang STATUS ni LORAINE ( REIIN GONZALES CROOX IS IN RELATIONSHIP WITH ALVIN??)
late na naman ako.. kung sila man di ako nakapila! kainis
[nabadtrip at nanghinayang kaya nagisip ng topic]
FINALLY, DALAGA NA SI ZOXIE (topak sa buhay ko)
18 years old na siya at mature enough para magdesisyon para sa sarili niya. Dati sa una kong bertday blog sa kanya almost puro message at wishes ! And now siguro magkukuwento ulit ako ng buhay ko AFTER naming magkahiwalay ni TOPAK!!
After december 24.. sobrang dami kong natutunan. hindi ko alam pero yun siguro yung tinatawag na DI INAASAHAN.
Nagmahal ako para MATUTO hindi para MASAKTAN. Sa nangyari sa relasyon namin ni Loraine wala man lang akong naramdaman na galit. Pati break up namin aminado akong naging tahimik.
May isang bagay lang na pinagtataka ko, Bakit yung ex ni loreng at yung jowa nya naun tumagal samantalang sakin 1 and a half month?
September 17 2009 ng huli akong magpost ng birthday blog ko for ZOXIE. One year na pala ang nakalipas after kong ihayag yung mga bday wish ko para kay TOPAK. Now im here nakaharap sa laptop (courtesy of ate jinky) para magpost ng di ko alam kung anu ba ang sasabihin ko para sa TAONG MINSANG NAGING PINAKAESPESYAL SA BUHAY KO.
Well, finally dalaga na si Lorelie Gonzales, (kilala sa tawag dito sa blog kong ZOXIE)
18 years old na siya at mature enough para magdesisyon para sa sarili niya. Anu nga ba naging buhay ko after naming magkahiwalay ni Topak? Aminado ako it takes 6 months para mag-antay pero 1 month para makamove on! Mas nauna ang MOVE ON ko kaysa PAGHIHINTAY. And now its been 8months at siguro eto na yung sinasabing PROMISES ARE MEANT TO BE BROKEN. Why? Kasi…. Hindi ko natupad yung usapan namin ni Topak na sa pinakaespesyal na araw sa buhay niya dapat magkasama kami, Kumakain ng Balot, nagtutusok g siomai at kinakamay ang kalamares. Magdamag magkukuwentuhan at inabukasan pagluluto niya ko ng adobo.
Hindi naman ako nagmahal para masaktan, nagmahal ako para may matutunan.
Aminado akong di kami nagtagal ni Loraine, at mas matagal pa yung paghihintay ko kasya sa mg araw na OFFICIALLY KAMI NA. Kaya marami ang di naniniwalang nahirapan ako magmove on.
Ang totoo everytime na makikita ko yung pictures ni Topak kasama si Jhoan (gf niya). May konting kurot sa puso ko. Gusto kong iminimize or iclose yung page para somehow di ko makita yung pic nila pero THAT’S THE REALITY na si Topak nakamove on na samantalang ako napag-iiwanan. May nakilala akong katulad ni Topak, pagdating sa pag-iisip ng mga positibong bagay (si MOMAY). But now, malapit na siyang ikasal. At yun yung pinakamasaklap na parte sa buhay ko, na nagregalo si God sakin ng 2 taong super nagcause ng great change sa buhay ko at sa bandang huli kukunin din sakin at ibibigay sa iba.
Siguro kung tatanungin ko si Loraine ngayon kung ano yung greatest dream niya. Ang isasagot siguro niya sakin ngayon “ Gusto kong maging Photographer”. At hindi na yung “ Gusto kong tumira sa isang mall at kainin lahat ng ice cream”
Iniisip ko kung isang estudyante pa ba si Loraine na makikita sa gilid ng room habang nagbabasa ng libro? Yung iiyakan yung mga bagay na maliit lang?
After 8months ngayon ko lang ulit naopen itong samin ni Zoxie. Ngayon lang ulit ako nakapagpost ng blog. Siguro nga, marahil itong blog na to ay para lang sa storya namin ni Zoxie na open for all madlang pipol. Ngayon ko lang aaminin na OO UMIYAK AKO!! SA FONE MISMO HABANG KAUSAP KO SI LORELIE. LALO NA NUNG SINABI NIYANG KASAMA NIYA SI JO THAT TIME. Umiiyak ako habang sinasabi ko sa kanyang “DAPAT AKO YUNG KASAMA MO DYAN EH”
Hindi masakit pero malungkot sa part ko. Hindi ako umiyak kasi nasaktan ako, umiyak ako kasi alam kong yung oras na iyun ay yung huling oras na pwede kaming maging sweet sa isat-isa ng walang malisya. Malungkot dahil yun na yung huling beses na tatawagin ko syang HONEY.
May something sa puso ko na hanggang ngayon nakalaan parin kay Zoxie at di ko alam kung ano yun. Dalaga na si tanda. At isa na ako sa mga taong nakangiti habang tinitignan siya na malaki na ang pinagbago.
I know at nararamdaman kong dito ako hahanapin ni Tanda kaya magiiwan ako ng mensahe para sa kanya.
TANDA/TOPAK!
Happy happy 18th bertday! Sorry kung di ako makakapunta dyan para kumain ng ballot. May intrams kasi kami at lalaban ako ng badminton. Don’t be excited tanda, baka ayaw pa ni lord na kumain ako ng balot dyan. Pupunta ako dyan sa time na may karapatan na akong pumunta dyan dahil legal na ko sa mga taga Laurel at STI.
Topak I miss you! Miss you so much.. Tanda im happy for you in a way na Ok ang buhay mo ngayon. Siguro time na para sabihin ko sayo yung tunay na feeling ko. Tanda, mahalaga ka sakin. May isang pinto sa puso ko na inaantay ka para katukin mo. May mga bagay ditto sa mundo na isang tao lang ang makakapagpatunay na totoo lahat. Abutin mo lang ang mga plano mo sa buhay. Alam kong kahit di ka pa 18 mature ka na mag-isip.
Topak its my 2nd bday blog. And sana nagiimprove hahaha.. di naman ako nawala eh andito lang ako. Nagkataon lang na yung prisensya na nakakapagpasaya sayo ay kasama mo. Kaya nababalewala yung aura ko. Ang sarap isipin na di man lang tayo nag-away nung di pa TAYO at nung TAYO na at lalo na nung hindi na TAYO. May isang salita na tumatak sa isip ko na ipanamana mo sakin à MARAMING PWEDENG MANGYARI! At dahil dyan naniniwala akong marami pa ngang surprises at changes na mangyayari.
Topak dito ako, still buo ! thanks for everything sorry for this simple gift eto nga pala contact ko ( 09483751791)
Happy 18th bday lorelie Gonzales. Isa ka ng ganap na dalaga. No more ice creams, koko crunch and kitkat. Again happy bday at sana maging Masaya ka pa sa mga susunod mong araw!