Monday, August 23, 2010

Mga hinuhang Magaganap

Mga Hinuhang Magaganap

By. Janine Diaz

Natigil ako SA pagbabasa habang nasa biyahe ang eroplanong aking sinasakyan ng madako ang aking panigin sa petsa na nakalagay sa pahayagan na aking binabasa, Abril 2022. Sampung taon na ang nakalipas nang ako ay nagtaos ng klehiyo sa CAINTA CATHOLIC COLLEGE. Ako si Janine Diaz. Kilala sa tawag na Bangz, isa ng ganap na manunulat na nakadestino sa California at nagtatrabaho bilang isang editor sa isang malaking kompanya sa L.A... Binigyan ako ng 7-day vacation leave na malugod kong tinanggap. Napili kong umuwi nalang ng Pilipinas dahil matagal din akong hindi nakabisita dito.

Naalala ko ang EDUCRATS. Inilabas ko ang litrato na nakatago sa wallet ko. Sampung taon na ang nakalipas matapos naming matanggap ang inaasam na diploma. Matapos naming magpalitan ng autograph, iyakan at yakapan. Wala na akong naging balita sa kanila. Ano na kaya ang nagging buhay ng EDUCRATS? Nagtagumpay kaya sila sa napili nilang larangan?

Habang inaayos ko ang damit ko,maksidenteng nahulog ang litrato naming. Dinampot ito ng isang babae at iniabot sakin. Nang tiningala ko siya para pasalamatan siya pala si Abegail Guevarra isa ng flight stewardess sa isang first class airline.nang lumapag ang eroplano nagpaalam na ako sa kanya. Sa paglalakad ko sa NAIA nabunggo ako ng isang newscaster si Mam Reggie Guevarra na nagmamadali para sa flight niya patungong U.S upang saksihan ang panunumpa ng bagong presidente na si Michelle Obama.

Tumungo muna ako sa El Grande Hotel na pagmamay-ari ni Janine Zapanta upang magpahinga. Makaraan ang 2 araw nakatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan kong si Bob Ong. Naghanda pala siya ng mga talaan ng aking mga dadaluhan para sa bago kong libro.

Binuksan ko ang telebisyon para manuod ng balita at si Liezel Joy Muya na pala ang pumalit kay Mel Tiangco sa 24 oras. Binabalita niya ang tungkol sa pinay na bagong miyembro ng NASA si Ritchelita Laurente isa ng astronaut. Kinabukasan tumungo ako sa Mall of Asia upang saksihan ang pagbubukas ng isang galeriya na pagmamay-ari ni Grace Agustin na isang pintor; lalo akong napahanga ng ipinta niya si Grace Dei de leon na isang sikat na ramp model suot ang napakagandang damit na likha ni Monique Lhuiller.

Binuksan ko rin ang aking laptop para puntahan ang webite na www.travelwithdiane.com isang sikat na website ni diane Jose tungkol sa kanyang paglalakbay bilang misyonaryo.

Sa ikalimang araw na pamamalagi ko. Niyaya ako ng bagong may-ari ng Julie’s Bakeshop na si Kaye Gaco upang manuod ng isang konsiyerto. Tampok ang international recording artist na si Ivan Manela na bagong kasal kay Ofelia Medina na isa ng guro sa Unibersidad ng Pilipinas. Panauhin din sa konsiyerto ang bokalista ng bandang Parokya ni Jm na si John Michael Gutierrez na ama ng 2 supling ni Marisa Jimenes, ang abogado ni Aling Dionisia Paquiao. Pumunta din ako sa Asian Hospital para bisitahin ang kababata ko ng makabunggo ko si Marisa Biscuecos. Na nurse na doon. Sa di kalayuan nakita ko si Ema Rose Gaco na nurse naman ng isang senador. Sa labas ng ospital ay ay nakasalubong ko si SPO1 Grace Abines at SPO2 Marianne Joy Pasang na kasalukuyang may iniimbestigahang krimen sa tulong na rin ni Elena Siasat na isa ng crime scene investigator.

Sa ikaanim na araw ko nakatanggap ako ng imbitasyon para maging panauhing pandangal para sa araw ng pagtatapos ng mga sekondarya sa CAINTA CATHOLIC UNIVERSITY. Iba na ang eskwelahan na minsan ay aking naging tirahan. Lumawak na ang dating isang palapag na gusali ng mga kolehiyo. Ang pasilidad ay kompleto Na. Ang silid na dati ay tmatagaktak ang pawis naming ngayon ay fully-airconditioned na.

Tumungo ako sa opisina ng punong guro at sumalubong sakin si Francisco Aguba ang bagong college dean. Sinalubong din ako nila Wenilyn Bautista, Rosevie Moyo, Maryrose Marco at Allan Salazar na pawing mga guro na din sa aming eskwelahan. Sila Unica Cano, Marybel David, Reyna de Guzman at Myleen Servo naman ay ipinagmalaki nila sakin ang diploma nila ngmakatapos sila ng Master of Arts.

Sinulit ko ang oras dahil baka matagalan ulit ako bago makabalik. Naglakad lakad ako sa pasilyo na dati ay kalimitan kong dinadaanan. Dinalaw ko ang silid kung saan ako natuto sa maraming bagay, bumagsak sa mga pagsusulit at kung saan pinahalagahan ako na aking mga kaklase.

Nakita ko pa yung sarili ko na nasa likuran malapit sa pinto habang nakikinig sa mga sermon at pangaral ng guro ko. Nakita ko pa ang sarili ko na nakikipagkwentuhan sa mga kaklase ko kapag walang klase. Naririnig ko pa yung tawa naming magbabarkada habang pinaplano kung saan at kailann kami maglalaboy.

Naupo ako pansamantala sa stage. Pinagmasdan ko ang paligid ng paaralan. Miss na miss ko na ang EDUCRATS. Ang mga kaklase kong apat na taon kong kasama ay makikita ko pa kayang samasama? Ano na kaya nangyari sa mga guro ko? Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang natututunan mga tinuro nila?

Sa ikapitong araw at huling pamamalagi ko, nakatakda muli akong magtalumpati sa aming eskwelahan para magpasalamat sa mga sumuporta sa libro ko. Sa pagbukas ng talon, bumungad sakin ang maraming tao na hindi ko inakalang ganon karami ang dadalo. Pinasalamatan ko lahat ng naging bahagi ng tagumpay ko. Sa huling parte ng aking talumpati ay binanggit ko na:

“Life is never about the people who act true to my face,. It is always about the people who remain true behind my back.”

Nagtayuan ang lahat at pumalakpak. Nang masorpresa akong isa-isa ng umaakyat sa entablado ang mga dati kong kaklase na andun pala para suportahan ako.

Yan ang mga graduates ng CCC matagumpay sa mga napili nilang larangan.

I love the way you smile while take pics ♥
I love the way you scold me 'Baka' ♥
I love the way you laught ♥
I love the voice when u jst awake ♥
I love to see your eye ♥
I love to hear you scold me '傻瓜' and i love to be your '傻瓜' forever ♥
I even love the way u jealous, and pretend your'r not jealous ♥