QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Monday, September 28, 2009

Inosente si Ondoy!!!!!!!








.
,

,
,
,
,
,

OO NGA PALA: Kung mapapansin nyo pareho lang itong entry na ito sa isa ko pang blog, nais ko kasing ipalaganap ang magandang mensaheng gusto kong ipahatid, baka sakaling may mapulot kayo dito kahit singkong duling man lang.

____________________________


Kasabay ng pagsikat ng bagyong Ondoy dahil sa kanyang taglay na kabangisan at pagsikat ni Jacque Bermejo dahil naman sa kanyang angking kaepalan (sino sya?I-google search at tyak maiinis ka sa mga banat nya), marami talagang taong naapektuhan ng bagyong ito. Pati ang lugar naming hindi bahain ay binaha na rin kaya nag-alaga muna ang nanay ng tilapia sa loob ng aming sala para mapakinabangan naman namin ang baha.

Subalit,ngunit, dadapwat hindi natin pwede isisi ang lahat kay Ondoy, kasi sa totoo lang wala sa kanya ang problema. Dahil bagyo syang likha lamang ng kalikasan, inosente sya sa lahat ng ito. Wag natin syang husgahan at paratangan na mamatay tao dahil ang totoo TAYO ang may kasalanan nito. Bakit? dahil......................

Una, sino ba ang kumakalbo ng kagubatan?Si Ondoy ba?Hindi, kundi TAYO


Pangalawa, sino ba ang nagtatapon ng basura sa mga estero o kanal para magbara ito at bahain?Si Ondoy ba?Hindi, kundi TAYO


Pangatlo, sino ba ang nagpapatayo ng mga village sa gilid ng bundok?Si Ondoy ba?Hindi, si Manny Villar este TAYO pala. Kaya natatapyas ang bundok at nagkakaroon ng landslide



Pang-apat, sino ba ang hindi nagtatanim ng puno para pumigil sa baha?Si Ondoy ba?Hindi, kundi dapat TAYO


Pang-lima, sino ba ang hindi nag-aayos ng Drainage System natin?Si Ondoy ba?Hindi, kundi ang MMDA este TAYO pala (at ang MMDA kasi dapat Team Effort yun)


Pang-anim, sino ba ang dapat mangalaga at magmalasakit sa kalikasan?Si Ondoy ba?Hindi, si Lito Atienza ba ng DENR (na tatay ni kuya Kim, tama ba ako?) .Hindi, kundi TAYO rin at responsibilidad natin ito.


Mahirap magsisihan kasi pare-pareho tayong guilty (at mukhang si Jacque lang ang hindi guilty dahil sya ay banal at walang bahid kasalanan.......sabi nya). Hindi ito ganti ng kalikasan o parusa ng Dyos kasi tayo ang gumawa nito at tayong lahat ang may kasalanan nito. Hindi gumaganti ang kalikasan kasi wala naman syang isip, at TAYO ang may isip.

Kaso natuto ba tayo sa pagkamaling ito?Hindi rin, ganun uli at mag-iintay na lang uli ng isa pang superbagyong eepal uli sa ating bansang PILIPINS.


Ika nga “prevention is better than cure”, kung sana’y magagawa nating magmalasakit sa kalikasan baka sakaling maiwasan ang sakunang ito sa mga darating na araw pa. Pero duda ako kung gumawa tayo ng aksyon tungkol dito, tulad din ng bagyong Rosing, Miling at kung sino sino pang bagyong nagpapakyut, eh ganun din babalik lang din sa dati. Hindi pa ba tayo natuto sa nangyari sa Ormoc?Nagyon ba matuto na tayo sa nangyari? Ewan ko parang hindi rin!


Kaya inosente si ONDOY, tayo ang GUILTY! Sana hindi na maulit ito sa atin. Ako, guilting-guilty dyan kaya tutulungan ko na ang tatay ko sa bukid para magtanim ng puno ng Alatiris at bayabas para makatulong ako sa buong sangkatauhan.


Praise God at safe ang pamilya ko!


Oo nga pala, alam nyo ba na habang todo nagpapakyut si bagyong Ondoy ay kasalukuyan namang binibiyak ang ate ko (ceasarian kasi) kasi manganganak na siya. Buti talaga saktong tinatahi na ng duktor ang tyan nya nung nawalan ng kuryente at pumasok ang baha sa ospital. Saktong sakto talaga kaya Praise God uli.


At dahil lalaki ang anak ng ate ko at kasalukuyang nagpapakyut ang bagyong Ondoy nung pinapanganak ang baby nya, ang ipinangalan nila sa anak nila ay …………………………………………… Kenneth.hehhehe akala nyo Ondoy noh!kawawa naman yung bata kung yun ang pangalan nya!Jologs na jologs!




Ayaw ko rin ang palayaw ng aking pamangkin ay "undoy"dahil parang kapangalan ng halimaw ni Manilyn sa Shake Rattle and Roll (UNDIN pala yun). Ang gusto kong palayaw ng aking kyut na kyut na pamangkin (na manang mana sa tito) ay........................DRAKE, grabe ganda ng nikneym


Sana okay kayong lahat!!!


P.S

Tungkol kay Jacque, hayaan nyo na sya at wag na lang patulan may tao talagang insensitive meaning wala silang apdo, baga at esophagus, kaya hayaan mo na lang kasi may balik din ang lahat.

Pero kyut sya sa pix ah, mukhang type ko syang syotain! Pero iniisip ko baka kung maging syota ko yun at kunwari naaksidente ako baka imbes na tulungan ako bigla nya akong sabihang:

"You know Drake you're such a loser" saby L sign sa noo na parang si Angelina

Eh baka pitikin ko ang tenga nya sabay pahid ng siling labuyo sa mata nya, hahahha joke lang

Saturday, September 26, 2009

Mini-Sinehan

Hay kakatapos lang ng bakasyon at balik trabaho na uli ako! Medyo katulad ng inaasahan heto puyat ako kasi hindi ako makatulog kagabi dahil sobra ang naging tulog ko sa buong isang linggo. Gawain ko kasing magpuyat at matulog ng alas kwatro ng madaling araw at gigising ng alas dos ng hapon. Bakit? Wala lang trip ko lang magpuyat. At medyo nakatipid ako sa pagkain kasi tanghalian na ang inaabutan ko.


Tulad ng aking sinabi noon, binulok ko lang ang aking mga mata kakatulog! Medyo sumasakit ang ulo ko sa sobrang tulog at halos lumapad ang aking likod dahil mas matagal pa ang inalagi ko sa kama kaysa sa upuan. At syempre nanood ako ng sandmakmak na pelikula/ movies gamit ang Sony Projector ng kumpanya. Hahah kapal ko noh, kaya nagmistulang mini-sinehan ang aming sala at Heto yun:



.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.




.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Narito ang listahan ng aking napanood na pelikula


1. District 9- Ang galing ng computer graphics. Mocumentary ang style ng movie na ito pero medyo nabitin ako sa huli. Siguro may part two pa! (Rating: 4 out 5 )

2. G.I Joe Rise of Cobra- Ang ganda ng action scenes kaso tulad ng District 9 bitin din at mukhang marami pang sequel ang movie na ito (Rating: 4 out 5)


3. Night at the Museum 2- medyo marami pang flaws pagdating sa computer graphics (Rating: 3 out 5)

4. Ice Age 2 – Pambata ito talaga pero maganda ang pagkakagawa ng animation. (Rating: 3 out 5)


5. X Men Origins: Wolvorine: - Naku ang baduy ng climax, nadismaya lang ako sa huli (Rating: 3 out 5)

6. Harry Potter (Order of the Phoenix at Half Blood Prince)- Bias ako, kasi Harry Potter Fan ako kaya ayaw kong magbigay ng rating


7. House Bunny – low budget movie, pero natatawa ako sa main character ng movie at okay na rin kasi marami namang seksing bebot dun. (Rating: 2 out 5)

8. Kimmy Dora – Medyo okay lang yung movie at hindi naman ako humagalpak kakatawa. Tamang ngiti at tawa lang. As usual may ingredient ng kakornihan at kabaduyan pero all in all okay naman yung movie (Rating: 3 out 5)

9. Cloverfield- Mocumentary din ang style ng movie. Maganda at panalo sa kwento yun nga lang nakakahilo ang kasi nga may pagka Blair Witch Project ang atake nila. (Rating: 4 out 5)

10. My Bloody Valentine – Waste of time (Rating: 1 out 5)

11. My Super Ex-Girlfriend- Light ang movie at nakakatawa rin kaso parang ubod ng bilis ng istorya at may pagkabaduy din ng konti (Rating: 3 out 5)

12. Final Destination 4- walang pinag-iba sa 1,2,3 ganun ganun din at walang bago. Nakakaumay (Rating: 2 out 5)

Yan ang mga pinanood ko habang ako’y nagbabakasyon. Medyo marami rami din yan, medyo nabundat din ako kakain ng pop corn at chitchirya. Mahilig ako sa movies lalo na ang porn este ang sci-fi movie.

Ngayon nag-aadjust pa ang katawan ko mula sa pagiging batugan eh kailangan kong i-shift uli sa work mode. Kaya medyo nare-reboot pa ang utak ko. May ikukuwento ako sa inyo tungkol sa pagpunta ko sa isang British Compound, pero next time na yun! Nagparamdam lang ako sa inyo at nagpacute. Ganun lang!
.
Ingat at Salamat!

Saturday, September 19, 2009

EID MUBARAK/HAPPY WEEKEND!!




Hayyy!! Salamat at bakasyon kami ng isang lingo dahil sa pagtatapos ng Ramadan. Kung sa atin may long weekend dito sa Saudi meron kaming one-week vacation! Yehey! Medyo mahaba haba na rin yun. Pero yun nga lang medyo halos wala ka rin namang gagawin sa one-week vacation na yun dahil wala naman gaanong mapupuntahan dito. Kaya naisip ko masarap pa rin ang long weekend ng pinas kesa sa one week vacation sa Saudi. Bakit?Ganito kung sakaling nasa Pilipinas ako malamang ang mga gagawin ko sa Biyernes, Sabado, Linggo at Lunes ay ang mga sumusunod.


1. Magpalamig sa mga Mall. Malamang sa SM, Trinoma, Glorietta, Robinson at kung ano ano pang mall, tyak nandun ako at umiinom ng kape habang nakatingin sa mga taong nagdadaan. Kasi ginagawan ko sila ng kwento sa aking isip. Autistic ako eh pakialam nyo ba!!

2. Pupunta ako sa mga chill-out places tulad ng Mogwai , Reggae Bar at kung ano ano pa sa palibot ng The Fort, Quezon Ave at Araneta, kasama ang mga barkada kong mahilig manlibre.

3. Pumunta sa National Bookstore at Powerbooks para tumingin tingin ng mga Magazine at libro. Kahit alam kong wala akong hilig magbasa ng libro pero maraming namang mga kolehiyalang tumatambay dun!hahahah!

4. Manood ng sine habang bitibit ko ang Value Meal No.1 ng Jollibee (hamburger at French fries) at manood ako sa Gateway, Imax, o sa Greenbelt. Papanoorin ako ang lahat ng movie sa araw na yun kahit mag-isa lang ako. (Sosyal na sosyal ang sinehan pero Jollibee ang snacks ko).

5. Magfofood trip ako, at kakain ako sa Dencio, Itallianis, Outback at sa karinderya ni Aling Miling (masarap kaya ang lugaw tokwat baboy nya, masarap na may sakit ka pa) sa palibot ng Ortigas Center at Paseo De Roxas.

6. Bisitahin ang mga barkada kong hindi nagbabayad ng utang!! Pupuntahan ko sila sa bahay para maglaro ng monopoly, uno, scrabble, mad , ungoy-ungoyan at pitik bulag. At bawat talo ay pipitikin sa bayag este sa tenga o di kaya lalagyan ng lipstick mula sa bunganga ni Menggay (kamukha sya Pokwang na may ilong na katulad ng kay Allan K).

7. Family bonding at pumunta sa Star City, Boom na Boom (meron pa ba nito), Ocean Park, Avilon Zoo. O di kaya magbarbeque sa labas ng bahay (pag may natira pwede ring ibenta)



Pero dito sa Saudi na kung saan ay wala naman akong gaanong gagawin sa one week vacation ko,kaya malamang ito ang aking pagkakaabalahan.



1. Pabubulukin ko ang mata sa tulog. Magpupuyat ako sa gabi para tanghali na akong magising, at makakatipid pa ako sa pagkain kasi isang beses lang ako kakain (hapunan lang!hehhe)

2. Dalhin ang sine sa loob ng aking kwarto. Hihiramin ko ang projector ng opisina at manonood ako habang ngumunguya ng pop corn at kung ano ano pang chitchirya.(Totyal na totyal ah)


3. Pumunta sa British Compound at maglaro ng tennis, badminton, bowling at swimming kahit di ako marunong sa alin man dyan sa nabanggit. Inimbitahan kasi ako ng Manager kong Briton eh! Medyo nakaka-OP (out of place) pero okay lang mababait naman sila at di sila nangangagat.

4. Pumunta sa Pinoy Market, at tumingin tingin ng bagong labas na cellphone, gadget, mp3 player, video cam. O di kaya bumili ng boy bawang, choki-choki, champola at Lala fish cracker sa tindahan doon.

5. Manood ng TV buong maghapon habang kinakabisa ko ang mga dialogue sa TV at memoryahin ang nunal ng mga artista doon. (Paulit ulit kasi ang palabas sa GMA Pinoy Tv at TFC)

6. Mag-internet at makipagkulitan dito. Magdownload ng kanta at pelikula sa Limewire habang nag-iiskype kausap ang kapatid kong laging isisiksik sa usapan kung ano ang shoe size nya kahit di ko naman tinatanong.

7. Pagurin ang sarili ko sa exercise at pagbubuhat ng kutsara este ng barbel. Para naman maging katawang pangmodelo, at mag-aaplay akong bilang modelo ng diatabs o Canesten. Ngayon kasi isang pack lang ang abs ko, medyo malaki sya at nakapagpa bacon ng brief.



Sa totoo lang wala yan sa dami o haba ng bakasyon mo kundi nasa kalidad ng oras na ginugugol mo dito. Kahit na sabihin nating mas mahaba ang bakasyon dito sa Saudi kesa sa Pinas, mas gugustuhin ko pa rin sa atin sa Pinas kasama ng kaibigan at pamilya ko kaysa magkaroon ng mahabang bakasyon sa Saudi na mag-isa. Kahit gaano pa ka-exciting o kaganda ang bakasyon mo, kung wala ang mga kaibigan o pamilya mo parang kulang pa rin. At sila ang nagbibigay saya sa buhay natin! Kaya sila lang ang magpapakumpleto nito
.
Gusto kong iwanan ang quotes mula kay Pareng Henry David Thoreau


"The finest workers in stone are not copper or steel tools, but the gentle touches of air and water working at their leisure with a liberal allowance of time."

Salamat at EID MUBARAK o HAPPY WEEKEND sa lahat!!!


P.S

Commercial muna dyan!hehehhe!!



Monday, September 14, 2009

FRIENDSTER/FACEBOOK POSE



Marami tayong mga pautot kapag kukuhanan na ng piktyur. Marami nga ang nagsasabi na ang larawan ang nagkukwento ng mga bagay bagay . Kaya pati mga piktyur ginagawan ng kwento at ginagawang ng kung ano ano pang trip na tanging taong nakasinghot ng dahon ng kamoteng kahoy ang makakagawa.


PAALALA: Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magagalit. Kung mayroon kang piktyur na nabanggit sa ibaba, okay lang yun kasi meron din ako nyan. Hahahaha! Kaya heto na iyon:



1. Japanese o Peace Sign



Halos lahat ng tao kapag kukuhanan ng piktyur ay tila may isang malaking pwersang nagpapataas ng kanilang kamay at kusang bubuka ang kanilang mga daliri na parang mga kamay ng alien at dyaran…… mag pi- peace sign. Minsan itatapat pa sa mata, sa pisngi o minsan sa ulo (sungay). Medyo hindi ko alam kung nag-originate talaga ito sa Japan o Korea, pero ngayon halos lahat nakikipeace sign na (pati rin ng lola ko eh, kumusta naman yun?). Dati nakyukyutan pa ako pero ngayon medyo nakakaumay na, hindi na sya kyut parang najojologsan na ako sa ganitong pose.


2. Kuha sa Salamin Pose

Ito naman ang mga posing na todo pakyut sa salamin saka kukunan ng camera. Kapag may nakakitang tao sa kanya tyak iisiping bangag yun o di kaya tumira na naman sya ng cough syrup. Ang style dyan ay todo magpapakyut hanap ng magandang angulo saka pipilitin ang ngiti o palalabasin ang dimples kahit mukhang tinusok lang ng ballpen ang dimple..


3. Kuha sa Sarili Pose

Medyo ang kaibahan lang nito sa kuha sa salamin pose ay obvious ……..walang salamin, basta kukuhanan nya ang kanyang mahal na mahal na mukha at wala syang pakialam kung saang angulo nya ito kukuhanin. Maaring kukuhanan ang sarili sa itaas na angulo (nasa itaas ang kamera) na animoy nanunungkit ng panti este ng bayabas. O di kaya itatapat ang camera sa ubod laking mukha nya sabay…click…. Daig pa ang photome booth dahil excited na excited pa nyang makita ang sarili nyang mukha.


4. Umiinom ako sa Starbucks Pose

Medyo pinoproseso pa ng 512MB kong utak kung ano naman ang kinalaman ng isang coffee shop sa buhay nya at doon ka pa nagpapakuha katabi ang kapeng nakasulat ang kanyang pangalan. Siguro gusto lang nyang ipangalandakan sa buong mundo na umiinom sya ng kapeng ubod ng mahal? Akala nya magmumukha syang sosyal at mayaman. Pero alam ko hindi naman gawain yun ng mga mayayaman at minsan kahit itapat pa ang gintong kape sa hitsurang dugyot eh ay hindi pa rin sya nagmumukhang sosyal, magmumukha lang syang kutsara sa tabi ng tasa ng Starbucks. Hahaha Joke lang!

5. Hubad Pose

Sila naman yung nagfefeeling boldstar! Minsan para lang ipakita ang kanilang nagagandahang katawan o di kaya para wala lang. Medyo hindi maganda ang naiisip ko sa mga gumagawa nito, basta para silang nag-aalok ng serbisyo ng you know.. LAMAN-LAMAN KAYO DYAN MURANG MURA LANG!!! (sa katawan na lang sila bumabawi kasi olats sila sa mukha,hahah! Kumbaga sa hipon itinatapon ang ulo!Joke ang uli! )


6. Kunwari Stolen Shot Pose

Sila naman yung magkukunwariang hindi sila kinukuhanan sa camera, o di kaya umiiwas na tingnan ang lente ng kamera kahit na todo ngiti sya at halatang nagpapakyut pa rin sya kahit stolen shot daw iyon. Paepek nila yun para hindi naman halatang atat na ata sila sa piktyur, minsan akala mong mga direktor sa pelikula kasi may dramatization o script pa para makatotohanan daw ang stolen shot pose.

7. Wacky Wacky Pose

Ito naman ang mga posing para sa hindi photogenic o panget sa piktyur. Dahil kwela at may lisensya syang maging panget at katawa tawa, ito ang madalas isuggest para kahit pagtawanan ang pagmumukha nya sa piktyur okay lang kasi wacky naman eh (madalas ko rin itong i-suggest). Ganyan talaga para-paraan lang yan para naman pag may nakakita ng piktyur nya at may nagsabi “Ang panget mo naman sa piktyur” ang pwede mong idahilan .......“Sira, wacky pose kaya yan!!” (kahit na mukhang serious na serious ang mukha mo sa piktyur)

8. Magpakuha kasama ang magagarang sasakyan Pose.

Sila naman yung hindi mo alam kung kinukuhanan ba sya kasama ang kotse o kinukuhanan ang yung kotse na nasingit lang ang pagmumukha nya (tuloy pumapanget ang piktyur). Tyak alam naman siguro ng taong makakakita ng piktyur mo na hindi sa iyo yung kotse kasi umiilaw ilaw pa yung kotse (nag-aalarm kasi). Kaya mas mapagkakamalan ka pang carnapper at carwash boy/girl kesa may-ari nito. Hindi ka naman magmumukhang mayaman kung sakaling nakadikit sa katawan mo sa mamahaling kotse na ito mas mukhang pang madumi yung kotse kasi tinabihan mo.Hehehe

9. POGI Sign at kung ano ano pang sign

(Excluded na dito yung Japanese sign kasi nadiscuss ko na ito.) Hindi ko rin alam na bakit kung tututukan na ng lente ng kamera, eh hindi na mapakali ang iyong mga kamay at parang may sariling buhay ito na gusto ring magpakyut sa kamera meaning tila awtomatikong kikilos ang iyong mga kamay para gumawa ng mga kung ano ano pang sign tulad ng POGI sign, Rapper Sign, Kamay Alien sign at kung ano ano pa mga pautot ng kamay mo. Eh hindi naman ito nakakadagdag sa appeal at pagmumukha mo, ganun pa rin naman ang hitsura mo, umeeksena lang naman ang kamay mo, kaya bakit nga ba ganun?

10. Pictorial Pose

Sila naman yung mga taong ginawang malaking studio ang sala, kusina, banyo, park at kung ano ano pang lugar. Akala mong mga modelo ng antifungal cream na talagang todo posing. Eh nandyan hawak sa baba pose, kamay dikit sa mukha pose at kung ano ano pang pang cover ng tinapa este ng magazine pose. Medyo marami rin silang props tulad ng bulaklak, sombrero, panyo, at kung ano ano pa. Sabagay kahit man lang sa piktyur mag mukha silang artista at modelo.

Iyan ay ilan lamang sa mga karaniwang pose na makikita natin sa Facebook, Friendster at kung ano ano pang social networking sites. Eh kanya kanya yan ng trip kaya walang pakialamanan. Meron din naman akong mga piktyur na gumagawa ng mga nabanggit sa itaas kaya pati ako natatawa sa sarili ko.

Ang larawan o picture ay nagsaysay ng ibat ibang bagay maaring emosyon, pangyayari sa buhay mo o kasaysayan. At laging may alaala tayong nababalikan kapag nakikita natin ang mga larawan na ito. Kasabay ng bawat pindot at tipa ng kamera ay pagkuha rin ng mga alaalala o bahagi rin ng buhay natin.

Kaya sige pose lang ng pose at klik lang ng klik, ganyan talaga ang mga adik sa piktyur,hehhehe!

Ingat


P.S

Hindi na ako naglagay ng mga sample picture kasi baka kasuhan pa ako ng mga taong ito! Kung piktyur ko naman ang ilalagay ko baka ako naman ang kasuhan nila “POSTING OF UGLY FACES” hehhe, kaya okay ng maging safe.

Sunday, September 6, 2009

Swerte

Kahapon ay ubod ng ganda ng nangyari sa akin? Bakit? Eh sasabihin ko sa huling bahagi ng kwento ko kaya wag kang mainip!


Iftar Party namin kahapon, ito ang katumbas ng Christmas Party ng mga Muslim. Ako ang nag-asikaso ng event na ito para sa empleyado ng aming kumpanya. At dahil ang kliyente namin ay mga Prinsipe at prinsesa kailangan lang na pangmayaman din ang pagdadausan ng aming Party para sa mga bisita at empleyado nito. Kaya nag-isip ako ng sosyaling hotel, at dito napagdesisyunan kong pakainin sila sa pangmayamang hotel sa buong kaharian ng Saudi Arabia at ito ay ang …………………. Faisaliah Hotel (5 star hotel)


Tingnan ang picture sa ibaba






Ang bawat plato para sa bawat tao ay nagkakahalaga ng tumataginting na…………Apat na libong piso (grabe pwede ng pakainin nito ang sampung pamilya), Eh ang empleyado at bisita ay umabot ng 190 katao kaya umabot ang bill namin sa tumataginting na……………….760,000 pesos para sa gabing yun. Kaya pwede naman itong magpakain ng halos limang libong pamilya.



Grabe talaga kung kukwentahin mo yun pinaglalamon namin, kasi tyak marami na talagang taong napakain ng presyong ito.Pero sulit naman sa mga pagkaing nakahanda (aba’y dapat lang). Kaya isipin nyo na lang kung ilang tao ang pwedeng mapakain ng mga pinaglalalamon ng mga kongresista sa New York. Eh yung sa amin pera ng kumpanya , yung sa kanila pera ng bayan. Teka bakit ba nasingit ang usaping ito, hehhe saka luma na ito eh (at maaring makalimutan na rin dahil tyak gagawa ng paraan ang gobyerno para mapagtakpan ito) Okay change topic.


Syempre kailangan ko rin bumili ng regalo para sa mga empleyadong nagkaamag na sa kumpanya. Kumbaga sa kumpanya na sila nagkaroon ng ugat. At napagdesisyunan ko na bilhan sila ng ……..dyaran...........................relo na SEIKO (ang maswerteng relo).Bakit maswerte kasi kakambal nya ang Seiko wallet,heto kakantahin ko pa..”seiko Seiko wallet ang wallet na maswerte balat nito ay ginuwayn internasyunal pa ang mga desayn, ang wallet na maswerte,Seiko Seiko wallet Seiko Seiko wallet”(this is a paid advertisement by Seiko).
Teka palayo na ako ng palayo ahh....okay back tayo sa relo. At dahil nga halos isang bultong karelohan ang pinagkukuha ko sa knila, naawa naman sa akin at niregaluhan naman nila ako ng SEIKO 5 Sports ng aming supplier.(Grabe akalain mong binigyan pa ako,akoy sobrang tats na tats !!)



Heto yung piktyur at maiingit ka.hahhaha Joke lang




Kaso Gold at mukhang pangmatanda. Gusto ko sanang ibigay na lang ito sa tatay ko kaso kareregalo ko lang sa kanya ng katulad na katulad nyan. Kaya ipagbebenta ko na lang, kung may gustong bumili pakikontak na lang ako, mura lang ang ibibigay ko (presyong suki) tapos may free pang kalendaryo ni Patani.



Akala nyo tapos na ang supresa noh, hindi pa meron pa. Heto kamo habang nag-aawardan na ng mga matatanda sa kumpanya. Nagulat ako ng biglang nag-emote ang boss ko,at nagdialogue na “meron daw sa kumpanya ang nagbuhos ng kanyang panahon para maisakatuparang ang event na ito, kung hindi dahil sa kanya wala tayong party” sabi nyang ganun (English yun ha, eh tinatransleyt ko lang), At biglang nyang tinawag ang pangalan ko. Gulat talaga ako dahil inabutan nya ako ng regalo. At hulaan nyo kung anong regalo nya sa kin??????........niregaluhan ako ng (drum roll please)……dyaran isa uling relo pero this time isang mahahaling relo na may nakapalibot na puwit ng baso (syempre di pwedeng dyamente sobra na y un,hahhaa) ang tatak ng relo ay BOSS at nakalagay pa sa wooden box. Wow sosyal na sosyal, at mapapalitan ko na yung relo kong Jollibee.Yeheyyyyyyyyyyy.


Heto yung pic






Kahit man lang braso ko magmukhang akong mayaman.



Sa buhay natin masarap maramdaman ang supresa. Yun tipong masarap pala na gumagawa ka ng isang bagay na wala kang iniintay na kapalit. Kasi kung makatanggap ka kahit maliit na bagay tyak papahalagahan mo ito ng sobra sobra.Tulad ko, ginawa ko lang ang trabaho ko, pero bigla akong nasupresa na bigla akong awardan at bigyan ng mahahaling bagay. Kahit siguro relo pa ng Jollibee ang ibigay sa akin, masaya pa rin ako kasi kinikilala ang ginawa kong kontribusyon. Alam nyo kaya tayo nakakaramdam ng disappointment ay dahil nageexpect tayo. Kaya mas magandang wag tayong magexpect at hayaang msupresa na lang tayo. Kasi kahit na maliit na bagay ay tyak ito'y pahahalagahan mo.


Last, isa pang supresa. Ang blog ko na ito ay opisyal nang nominado ng PBA o Philippine Blog Award. Grabe di ko akalain na ang kagaguhan ko ay kapupulutan din pala ng aral. (Akala ko nun lahat pwedeng maging nominado, yun pala sinasala talaga itong maiigi at hindi lahat nakakatanggap ng kopirmasyon na opisyal silang nominado)Swerte talaga ang buwan ko na ito.hehhe



Salamat

Wednesday, August 26, 2009

STAGES NG BUHAY!

Dumarating sa isang stage ang mga lalaki na kung saan sobrang EL nya (alam nyo nayun) yung tipong miski aso o baboy papatulan nya. Ako, dumating sa akin ang stage na ito noong college na ako.Pero hindi ko naman inisip patulan ang aso o baboy pero meron akong koleksyon ng mga pelikula. Ito ang klase ng pelikula na puro aksyon pero wala namang away, pelikulang maganda kahit walang istorya, pelikulang walang dialogue kundi puro ungol lang at pelikulang nakakaubos ng lakas at kapangyarihan.

Ako suki ako ng mga tinderang nagbebenta ng mga pelikula na yan at todo tawad pa ako sa tindera para bumaba ng kahit limang piso ang mga pelikulang malalaswa na yun (sayang yun pangsamalamig na rin). Halos nauubos na rin ang baon ko makabili lang ng mga iyon (fishball na nga lang ang tanghalian ko eh). At halos lahat ng bansa at nasyon meron ako sa aking koleksyon (pati mga eskimo, tiga-antartica at tiga-buwan meron ako, name it I got it). Kaya umiisip ako ng paraan para makarami ng bili sa mga pelikula na yan, at dito nakaiisip ako ng istayl kung paano makakagoyo.

Dahil komo halos lahat ng pelikulang meron ako ay paulit ulit ko nang napanood. Halos kabisado ko na rin ang gagawin nila at nagsawa na rin sa iba kong kolesyon . Kaya nag-isip ako ng paraan kung paano ko sya mapapalitan. At heto ang istayl dyan:

Step by step panloloko sa mga tindera.

Karaniwan sa mga pelikula na yan ay iba ang loob sa cover nila. Hindi na rin ito binibigyan ng importansya ng mga tindera basta sa kanila for as long na malaswa iyon okay na. Kaya kahit iba ang title sa loob at labas, okay lang .

Heto na paki tandaang mabuti lalo na yung maeel dyan

1. Dalhin ang mga napagsawaang pelikula at magdala rin ng bag para doon ito itago

2. Pumunta na sa target na tindera at mamili ng gusto mong malalaswang pelikula

3. Magpapansin sa tindera, para matandaan ang mukha mo dahil yang mukha mo na yan ang gagamitin mo sa pangogoyo

4. Bilhin na ang pelikula at magbayad

5. Magtago sa isang gilid at doon palitan ang loob ng supot ng mga pelikulang napagsawaan mo ng panoorin. Kunin mo ang bago at itago sa bag.(Gawin ito sa loob ng 2 minuto)

6. Bumalik sa tindera at sabihing papalitan mo ang binili mo kanina dahil napanood mo na ito kunwari at mukhang meron ka na nito. (At dahil kilala ka naman na ng tindera bunga ng pagpapakyut mo sa kanya at 2 minuto pa lang ang nakakalipas tyak papayag si Manong o Ate)

7. Ihalo ang unang binili at mamili ng bago. Presto dalawang bagong pelikula na ang meron ka.

8. Gawin ito sa iba pang tindera. Tandaan gawin ito sa iba pang tindera at huwag sa iisang tindera lang.

*Para sa detelyadong procedures paki-email lang ako!!

Ganyan ang istayl ko, medyo ako lang ang nakaisip nyan at walang ibang taong nagturo sa akin ng kagaguhan nay an. Kaya naman sinasalin ko na ito sa iba pang sobrang maeel para kapulutan ng aral.

Medyo natigil lang ako sa pangongolekta noong nahuli na ako ng nanay. Binuksan nya kasi yung cabinet ko at magtitiklop sana sya ng aking mga damit. Pero halos himatayin sya at nagulat sa dami ng pelikula meron ako sa aking cabinet. Gusto ko sanang ikatwiran yung sinabi ni Pablong Pabling na “Okay lang yan nay!, eh kesa mag drugs ako!!”.

Kaya isang buwang sermon ang inabot ko sa aking mga magulang at sari-saring pangaral ang inabot ko sa kanila.At isang araw nagulat na lang ako dahil dinala nila ako sa isang prayer meeting at sinimulang ipray over ng mga kachurchmate ng mga nanay. Halos mabingi ako sa lakas ng mga bunganga nila sabay sabi "Lumayas ka Satanas sa katawan ng batang ito! Lumayas ka!!" habang sinabuyan ako ng holy water , sori laway pala nila yun. Akala ata nila sinasapian ako ng masamang ispiritu o ng demonyo pero totoo ang eh ako lang talaga yun. Hindi si Satanas yun, Ako lang po yun Nay!

Ngayon , tapos na ako sa stage na yan (naks depensib). Napagdaan ko na yan at graduate na ako sa ganyang mga bagay. Wala na yung koleksyon ko kasi pinagsusunog na ng nanay ko (sayang dapat binenta ko na lang, kumita pa ako). At marahil eh hindi na ako ganung ka-el tulad ng dati (minsan na lang,hehhee!Eh kesa naman magdrugs ako)

Maraming mga stages ang buhay natin, pati rin naman ang kabiguan,kalungkutan at kadramahan bahagi ng stages sa buhay natin. Darating din ang araw na matatapos din ang lahat, at masasabi natin sa ating mga sarili na napagdadaanan na natin ito. Lilipas din ang lahat at mapupunta tayo sa ibang stage pa ng buhay natin. Kaya huwag nating isipin na habang buhay na lang tayong manatili sa isang stage na yun. Dahil maiiba din ito. Kaya subukan na lang bigyang motibasyon ang sarili na ang lahat ay hindi permante dahil matatapos din ang lahat.

Kapag naalala ko ang mga kagaguhan ko noong nagbibinata ako, nakatatawa na lang.Akala nga ng magulang ko makapag-aasawa ako ng maaga. Pero buti na lang nakapagpigil pa ako! Hahahaha. Meron na akong bagong kinokolekta ngayon……………. ano yun ??? ….nangongolekta ako ngayon ng….......... basura (ika nga may pera sa basura), okay na yun eh kesa naman magdrugs o magrugby ako!

Ingat at salamat

Saturday, August 22, 2009

Justine



Hindi ba kailan lang ay pinag-usapan natin yung tungkol kay Lady Gaga dahil isa pala syang TIKI-TIKI, kahapon lang ay nagulat ako bakit heto sya.

Dito sa GMA-Pinoy TV first time pinalabas ang Survivor-Philippines, kaya nga medyo excited akong panoorin ito. Yung una kasing Survivor ay hindi napalabas dito, pero napanood ko sa internet. Sikat na sikat nga si ENDAY dun eh (Patani) pero ngayon parang wala na syang EKSPOYSHUR. Kaya inaabangan ko itong Survivor Philippines-Palau, syempre gusto kong makita kung ano ang mga kapuwitang bumabalot sa palabas na ito.

Syempre para sa aming mga manyak este mga lalaki ang inaabangan namin dun ay ang mga naggagandahan at nagseseksihang mga ebababs. Lalo pa’t beach ang location ng Survivor kaya lalabas ang mga swimsuit nila habang nakakipagpatayan manalo lang ng 3 milyon (aba pwede!) kaya tyak may kung anong sisilip dun na di dapat sumilip (manyak na manyak)

May isang ebababs dun ang talaga namang naka-agaw ng aking atensyon, sa seksi at ganda nya talaga namang mahuhumaling ka sa kanya. Kamukha nya si Heart Evanghelista na may pagka Rica Paralejo. Kaya nung makita ko talaga eh pinapantasya ko na sya, at mula kuto hanggang kuyuko nya sa paa ay talagang katakam takam. (nice ginawang ulam ah)

Pero ano itong natuklasan ko na talaga namang nagpatindig ng aking balahibo, ang aking pinapantasya ay isa palang............... dating lalaki. HUWWWWWWWAAATTT! Tama ka sa iyong nabasa dahil isa syang retokada, ang kanyang kwan ay bunga lang ng syensya. Kumbaga pinatabas na parang damo ang kanyang YOU KNOW at saka biniyak ito na parang buko para maging YOU KNOW ng babae. Sya ay pinanganak na may lawit. Kung ang lawit ko ay tanda ng aking kakisigan (naks, meganun), eh para sa kanya eh keychain lang pala yun.

Medyo nanlumo ako sa natuklasan ko kasi parang ang gara sa pakiramdam. Kumbaga parang bumili ka ng sapatos na akala mo original yun pala eh peke pala yun. Ganyan ang aking nararamdaman ngayon, hehehhe! Pero sa totoo lang hindi mo talaga mahahalata dahil mukha talaga syang babae, boses babae at katawang babae. Meron kasing mga bading na kahit na anong retoke ang gawin sa katawan nila ay matigas pa rin ang kanilang pagmumukha...in short mukha silang kargador. Pero sya talagang walang kabakas-bakas ng pagiging kargador.

Natatandaan ko noon ng minsan nagyaya ang girlfriend ko sa Klownz-Quezon Ave, nagpunta kami dun at umupo sa may unahan. Hindi ako natakot kung lait-laitin ako ng mga hosts basta umupo kami malapit sa stage medyo game naman ako eh (game akong pasabugin ang mga thyroid glands nila,hhhehe joke lang) . At nagulat na lang ako ng makita ko yung isang hosts dun, kasi mas maganda at makinis pa sa girlfriend ko. Ubod ng puti at seksi, at talagang babaeng babae ang dating. Pero halos magshutdown ang utak ko ng hindi nya maproseso kung babae o lalaki ang nakikita ko, kasi sa ganda at seksi nyang yun eh ang kinakanta nya ay “SEX BOMB” na mas malalim pa sa boses ni Tom Jones. Talagang hindi kinaya ng 512MB kong utak dahil hindi tugma ang nakikita sa naririnig ko. (Kailangan kong iupgrade ang utak ko..gagawin kong 2GB)

Kaya talagang iba na talaga ang panahon ngayon, hindi mo talaga alam kung sino ang totoong babae at sino ang hindi. Kung sino ang magbibigay sa iyo ng anak at kung sino ang joke joke lang o magsasabi sa iyo ng YARI KA!

Tandaan natin na sa buhay natin, hindi lahat ng nakikita ng mata natin ay sapat na. Hindi ibig sabihin ng maganda sa ating paningin ay totoo at tunay na ito. Kung minsan nadadaya tayo ng ating mga mata, at napapangunahan na tayo ng ating mga nakikita. Sa huli matutuklasan natin na kaya pala meron tayong iba pang mga senses ay para mas lalo natin malaman ang katotohanan. Hindi lang mata dapat na ating ginagamit kundi dapat lahat ng ating mga senses ay gamitin para alamin ang katotohanan. Tandaan na ang nakikita ng ating mga mata ay pabalat laman at hindi ibig sabihin na kung maganda ang pabalat ay maganda ang nilalaman din nito. Alamin ang mga bagay sa ibat ibang perspektibo at hindi mula sa ating mga mata lang.

Sa akin hindi ko huhusgahan si Justine Ferrer kasi buhay nya yun, at wala naman akong kinalaman sa kanya. Katawan nya yun at malaya syang gawin kung ano ang gusto nyang alisin o biyakin sa katawan nya.

Pero meron lang akong katanungan na kanina pa nagswiswimming sa malabnaw kong utak.....

Ano kaya ang tunay nyang pangalan....Justiano kaya, Justino ahhhh...... baka naman BADONG???

Yun lang at salamat sa pagbasa