Photo Credit: http://www.panoramio.com
Kamusta mga kautak?Medyo matagal tagal na rin ah!Hehehe!
Nga pala, kamakailan nabasa ko sa mga balita sa internet na ang NAIA Terminal 1- is the worst airport in the world (i-click mo yan at mababasa mo). Gusto ko sanang magreact sa website na yan kasi kasiraan sa Pilipinas yan, pero ano magagawa ko eh totoo naman. Sa katulad kong OFW na halos taon taon ay nakakasalamuha ko ang mga airport employees na yan at mga pasilidad ng airport ang masasabi ko…..DYOSME AIRPORT BA TO??
Nung huli akong umuwi (last August, 2011 lang yun), ay talaga namang nakakadismaya ang hitsura ng airport natin. Yung runway sa airport, dyosko mas malaki pa ang parking lot ng Mall of Asia. Tapos paglabas mo, parang magigiba ang pader ng airport. Parang nasa PIER ka lang at sumakay ka ng RORO, ganun ang feeling, hindi ka man lang masisiyahan. Tapos ang mga airport employees parang nakakita ng alkanysa tapos panay ang pakitang gilas sa iyo, para sa huli eh hihingi sa iyo ng pera. Okay, di naman ako maramot, pero hillow??? Pilipino din kaya ako,kaya alam ko na yang mga paekek nyo na yan. Kaya kahit magkadaputok putok ako kakabuhat ng bagahe ko…okay lang, wag lang mautakan ng mga airport employees nay an. Tapos yung immigration officials, parang puro may regla! Di man lang makuhang ngumite at kay susuplado. Di mo alam kung masakit ang ngipin o may LBM, basta maasim ang pagmumukha nila.
Tapos yung arrival o waiting area, pag galing ka sa airport akala mo bababa ka ng bundok,kasi napakatarik. As in nakakatakot kasi tyak pupulutin sa kangkungan ang pinamili mong supot ng EMINEM, TUBLERON kasama ng mga free na payong , lapis, bolpen at bag. Syempre nakakahiya naman kung madulas ka pa at para kang tangang namumulot ng payong doon. Eh dami pa namang tao sa waiting area. Feeling mo isa kang artistang inintay ng mga fans mo!hahhaha
So hayun na nga, dahil sa aking pagkaexcite medyo gusto kong umihi sa pinamalapit na CR sa may parking lot ng NAIA. At isang makapanindig balahibong pangitain ang nakita ko. Naninilaw nilaw na kubeta at umaalingasaw sa bantot ng mala-aromang PANGHE! Sumiksik sa bumbunan at talagang uurong ang ETITS mo sa mga makikita. Isama mo pa dyan ang dalawang mahabang TAE nagfefeeling BANANA BOAT sa inoodoro. Hindi ko na namalalayang maiihi pala ako kasi naging busy ang utak kokung magsusuka ba ako, mandidiri sa nakikita o mahilo sa amoy, kaya hindi na ako umihi, pinigil ko sya hanggang sa makarating kami sa pinamalapit na JOLLIBEE at kumain ng Chicken joy.
Hanggang sa pagbalik ko sa Saudi, ganun pa rin ang kasanasan ko sa Airport. Isama mo pa dyan ang mahabang pila sa EOC at immigration. Habang buntot ng buntot sa iyo ang mga empleyadong hindi serbisyo ang binibigay kundi RENTA. Dyosme nirerentahan ang serbisyo sa NAIA. Pagpasok mo naman sa airport at bigla kang nagutom wala kang magagawa kundi tiisin ang mga karinderya sa loob. Walang resto o walang matinong kainan. Karienderya na may presyong FIVE STAR RESTAURANT. Halos mabuwal ako ng malaman kong 40 pesos ang maliit na mineral water. Ginto ang tubig dito sa aiport kala nyo ba.
Hays, kaya hindi ka na magtataka kung mabansagang WORLD'S WORST AIRPORT ang NAIA,kasi kami rin ay hindi na nagugulat.
Ingat,
Drake