Hindi ako mahilig sa party, lalong hindi ko trip ang makinig ng mga kay iingay na mga music. Di rin ako gaanong pumupunta sa mga comedy bar dahil puro laitan lang ang nandun (pero minsan masarap pa rin pumunta). Hilig ko ang tumambay sa mga “chill-out place” ko kung tawagin. Tamang ambience, tamang usap at tamang inom ng san mig light. At ito ang mga napuntahan ko noong nagbakasyon ako bukod sa Enchated Kigdom (Jologs ko!hahah)
Mogwai
Yan ang madalas kong puntahan tuwing uuwi ako (sa Cubao lang to) Masarap tumambay dyan, dahil walang basagan dyan ng trip. Karamihan mga indie film directors ang mga nandyan at may film showing din sa 2nd floor nito (mga indie films din). Kalimitang mga estudyante (yung mahihilig sa art) at mga stage actors/actresses ang madalas din tumambay dito. Masarap dito walang mangingialam kahit umutot ka, mangulangot, manghinunuli at kung ano ano pang trip mo. Basta kwento mo kwento ko. Walang gaanong music tamang usap lang talaga at malamig na beer. (Presyo ng San Mig Light 45)
Medyo okay din dito kahit maraming tao pero masasarap naman yung mga pagkain nila dito lalo na yung mga pasta -the best. Saka yung mango icre cream cake ba yun!Sarap talaga! Maingay lang dahil nga halos napakaliit ng lugar pero solb naman nga sa pagkain, mura pa! kaya okay na rin (Presyo ng San Mig Light 45)
Dyan ako madalas pumunta dahil ayaw ko talaga ng magulo!Kasama ng mga barakda kong mahilig din sa kwento.
Moving on…………………………………….
EB NG MGA BLOGGERS
Si Jepoy at Glentot ang aking kinontrata noong nagbakasyon ako. Medyo sila ang nakasama ko sa kaguguhan at kapuwitan. Dahil na rin isang RICH KID si Jepoy, nilibre nya kami ni Glentot sa ubod na sososyal na kainan.(ngayon, alam nyo na kung sino ang kikidnapin)
Tapos madalas din kaming tumambay sa paboritong tambayan ng mga Jologs ang dyaran……STARBUCKS!! Hindi naman ako mahilig sa kape pero mahilig ako sa hot chocolate nila kaya madalas yun at iyon lang ang inoorder ko.
Pagkatapos ay nagpapampam si Glentot at gustong gusto nyang manood ng Porno este ng AVATAR. At dahil dyan nagThreesome kami sa panonood ng Avatar. Nanood kami sa mumurahing sinehan lang naman ito ay ang…….. IMAX. At grabe sa ganda ng graphics tapos feeling mo pa tinatamaan ka ng boobs este ng pana ng bidang babae dahil nga 3D (you know). Sulit ang 500 pesos mo, tapos may libre pang shades (pero ibabalik mo rin pagkatapos).Medyo nakatulog lang ako sa una, pero kinurot ako ni Glentot (sa singit) kaya nagising naman ako. Astig talaga yung movie na yun panalo.
At dahil mga mongoloid kami, napagdesisyunan naming regaluhan ang isat isa(Eh kay swet namen!). Ang regalo ko kay Jepoy ay pabango ( na pinipilit nyang imitation daw!Tae ka Jepoy), Car magazine and poster, at keychain (Saudi Flag). Tapos kay Glentot naman ay bag na mamahalin (hoy hindi gawang Divisoria yan! utot ka!, DOCKERS yan!!) key chain at…. at… yun lang!Hahaha yun lang pala. Ako naman ang nakuha ko kay Glentot ay ang Tribal T-Shirt (na mukhang sa lolo nya dahil ubod ng laki), Bag Tag (nakalsulat ang blogsite nya! putares na yan ginawa pa kaming walking billboard), brief (request ko yun dahil konti lang uwi kong briefs) at Kapitan Sino Book (na hanggang ngayon ay nasa page 10 palang ako).
Si Jepoy naman naghihirap dahil binigyan lang naman nya ako ng 2 Tshirts na mamahalin (pero mukhang pinagliitan lang nya dahil malaki sa akin!joke lang), Eng Bee Ten na hopia (sarap nun grabe!) , Briefs uli (dahil wala talaga akong suot na brief noon) at kung ano ano pa (kasama dito ang panlilibre nya sa mga mamahaling resto).
Sobrang saya talaga ng EB na yun at sana maulit yun next December.Kaya nga ako nahohomesick dahil talagang nag-enjoy ko ang bakasyon kasama ang dalawang “MONGOLOID ALIENS” na sina Glentot at Jepoy!Salamat talaga sa oras nyo mga parekoy!! Maraming maraming salamat sa lahat.
REUNION
Dalawang reunion ang napuntahan ko, ito ay ang reunion namin ng mga kaklase ko nung hayskul at mga kaklase ko ng college. Nagkainan lang kami ng mga kaklase ko na yan. Kwento-kwentuhan ng mga kakaguhan noong estudyante pa kami. Sariwain kung sino ang mga titser o propesor na talagang nageepal sa amin nun, at balikan ang mga kaklase naming nagkaroon ng tatak sa amin.
Katulad ni Boy Tubol (kasi natae sa skul), Neneng Kuto (kasi parang hacienda ng mga kuto ang anit nya), si Mimi Nguso (kasi sipsip sya sa mga titser), si Totoy Pigsa (dahil nagkapigsa sya sa kilkili at pumutok yun habang recitation), si Karen Dukleng (kasi lagi syang binabato ng eraser dahil sa kadaldalan nya, nadukleng tuloy) at si Teteng Kabayo (Hindi dahil kasing laki ng Tete nya ang Tete ng kabayo, dahil ang totoo nya mukhang lang syang kabayo! Dahil dyan napahiya si Charles Darwin dahil hindi talaga galing sa unggoy ang mga tao, pagpapatunay ang existence ni Teteng!Sama ko!hehe)
Masarap balikan ang magagandang alaala na yan! Iyan ang mga bitbit ko sa aking pagbalik dito sa Saudi. Natutuwa ako na kahit sa 30 araw na pagbabakasyon ko sa Pinas naging masaya at makabuluhan ito. Aaminin ko nahohomesick pa rin ako,kahit na sabihin natin 4 na beses ko ng ginagawa itong pagbabalik bayan at pangingibang bansa, hindi pa rin yata ako masasanay sa pagsasabi ng “Goodbye”. Iba talaga ang bigat ng nagpapaalam at masakit pa rin ang kaisipang iiwan mo ang pamilya at mga kaibigan mo sa Pinas.
Ayokong mag-eemo dahil wala akong bangs,hehhe!Pinipilit ko na lang palitan ang aking pangungulila ng mga masasayang alaala ko sa Pilipinas. Okay na ako dun, masaya na ako dun. Alam kong darating din ang isang araw na hindi ko na kailangan magbakasyon pa sa Pilipinas, dahil sa Pilipinas na ako mananatili habambuhay. Kahit ano pa sabihin nilang hindi magagandang bagay tungol sa Pilipinas, para sa akin wala ng mas sasarap pa kundi ang makasama mo ang kapamilya, kaibigan, ka blogger, kaeskwela, at kapwa mo Pilipino sa bansang ating atin. Sa Pinas ako isinilang at sa Pinas din ako mamatay! Naks!
Sana nagustuhan nyo ang 4-Parts na kwento ko!Alam kong naboboringan na kayo at pipilit nyo lang basahin dahil sa pagmamahal nyo sa akin. MEGANUN! Sana wag kayong magbabago!
Ingat at maraming salamat sa pagbasa nyo!