Nung Biyernes, habang nag-lulunch kami sa opisina, gumawa ako ng kwento tungkol kay Jennie (na ipapublish ko din dito, malapit na). Dahil sa kwento ko, naalala daw niya ang isang kwentong narinig niya nung siya ay bata pa tungkol sa isang mayor sa Alabang.
Heto ang kwento:
Noong unang panahon, may isang mayor sa Alabang na kilalang masama ang ugali. Dahil siya ay mayaman at makapangyarihan, palagi siyang pumupunta sa pampang ng Laguna de Bay para mangolekta ng tong. Wala namang pera ang mga mangingisda kaya ang huli na lang nila ang kanilang ipinambabayad sa sakim na alkalde. Ganito ang kalakaran ng buhay ng masamang mayor.
Isang araw, nang ang mayor ay nasa kanyang ruta ng pangongolekta ng tong, may lumapit sa kanyang batang babae.
"Mama, mama, pwede po ba akong manghingi ng isda?" ang tanong ng batang gusgusin.
Tiningnan ng mayor ang bata at sinabing, "Ah isda ba kamo? O heto!"
Imbis na ibigay ng maayos, isinaksak ng mayor ang isang bangus sa bibig ng bata at lumakad na papalayo. Subalit nang siya'y lumingon para tingnan kung sinusundan pa siya ng bata, wala na ang bata sa pampang.
Makalipas ang isang linggo, nagka-cancer ang mayor - cancer sa lalamunan. Gamit ang kanyang yaman at impluwensiya, nagpagamot ang mayor sa mga ispesyalista. Nang hindi kinaya ng mga doktor dito sa Pilipinas, nangibang-bansa ang mayor para magpagamot. Pumunta siya sa America pero hindi na rin nila magamot ang kanyang cancer dahil malubha na ito. Di nagtagal, namatay ang mayor.
Marami sa mga sumubaybay sa mayor ang nakaisip na maaaring may kinalaman ang batang babaeng sinaksak niya ng bangus sa bibig. Ipinagtanong nila kung sino ang bata sa lahat ng tao ngunit walang nakakakilala sa batang ito. Ang lumabas pa nga sa mga imbestigasyon ay wala talagang batang katulad ng kanilang nilalarawan.
Pagkatapos ko marinig ang kwento, kinilabutan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro nga, mahiwaga ang bata. In fact, ito ang theory ko:
Mula sa pagkaluklok ni Maria Makiling sa tuktok ng kanyang bundok, natanaw niya ang alkalde. Gusto siguro niyang parusahan ang mayor pero, siguro, binigyan pa niya ng pagkakataon. Siya ay bumaba ng bundok para bigyan ng pagkakataong magbago ang mayor gamit ang pagsubok sa kabaitan ng mayor. Kaya lang, hindi naging mabait ang mayor kaya ayun ang inabot niya.
Showing posts with label work. Show all posts

Sunday, May 30, 2010
Monday, February 8, 2010
It's Official
O ayan, it's official. Pormal ko nang tatanggapin ang mga congratulations at pagbati niyo sa akin. Team leader na ako as of last Wednesday, February 3, 2010! Bwahahahaha! Salamat talaga sa mga nag-greet. Salamat din sa horoscope ko sa Facebook. Sinabi dun na matutuloy talaga tong promotion na to. Nyahahaha! Gusto niyo makitang totoo ang horoscope ko? Eto o:
Hay, hindi ko na-save. Sayang! Kasi naman, yan lang ang tumamang horoscope ko. Weh! Anyway, it still goes to show na hindi dapat balewalain ang horoscopes. Ahahaha!
It's also official. Nabawasan na rin ang time ko para sa blog na ito dahil marami na naman akong pinagkakaabalahan. Andiyan ang gumawa ng reports tuwing gabi. Katabi non ang paghahagilap ng mga reports na dapat kong matanggap mula sa team ko. Parang Easter na nga eh - hanapan ng reports na para bang Easter Egg Hunt. Naku, kung alam niyo lang. Nag-checheck pa ng attendance na para bang teacher. Kulang na lang, pag-sabihan ko ang team ko na magsabi ng "present!"
Andami ding nawala dahil nabawasan ang time ko talaga. Hindi na nga ako nakakapanood ng American Idol at Glee. Hindi na rin ako makapag-DoTA. Yung Torchlight, natapos ko na yung main quest pero no time na rin para doon. Hindi na rin ako nakakapunta sa blog ni Jason, Ate Ayie, at iba pa. Gusto ko rin sana magre-layout ng blog ko at gumawa ng sarili kong design, pero wala na ring time. Hindi ko na rin maisulat yung mga Tagalog kong mga kwento. Buti na lang, may spare pa kong mga nakatype na kwento. Kung wala... lagot. Patay na naman ang blog na to.
Sana, transition period lang ito. Siguro, once I got the hang of it, magagawa ko nang ibalanse ang work and personal life ko ulit.

Wednesday, January 27, 2010
Nakabibiglang Pangyayari
Kanina, sa isang malayong lupalop na tinatawag kong office, may nakagugulantang na pangyayari.
Inosente akong nagta-type sa aking PC nang lapitan ako ng aming HR officer, si Roger.
"Chad, may ginagawa ka? Usap tayo?" ang sabi ni Roger.
"Tatapusin ko lang ito. Isang section na lang naman eh," ang sagot ko habang kinakabahang tumitipa ng tiklado ng keyboard. Parang alam ko na kasi ang magiging paksa ng pag-uusapan namin.
Nang matapos ako sa ginagawa ko, tumayo ako sa aking upuan at binalot ako ng kakaibang kaba na nag-papanggap na ginaw kaya nag-jacket ako. Lumakad ako papunta sa cubicle ni Roger at hinanap ko siya. Wala siya sa cubicle, pero paglingon ko sa makipot na daanan, nakita ko siyang papalapit sa akin.
This is it is it, pansit!
Tama nga ang hinala ko. May nag-submit nga ng pangalan ko para maging sub-team leader. In other words, may nagkamaling gustuhin akong maging "boss" kahit mini-boss lang.
Nang pormal nang sabihin ni Roger na, "You have been nominated for the sub-team leader position. Would you be willing to take it if you get chosen?" ang sabi ko bigla, "At sino naman ang nag-submit ng pangalan ko? Hmmm!?! Sino? Makakastigo ko ang mga iyon maya-maya." Pabiro kong sinabi at nagtawanan naman kami ni Roger pero ang tanong, gusto ko nga bang magkaroon ng dagdag na responsibilidad? Kung blog nga, hindi ko pa masyadong maasikaso, tao pa kaya? Hay, buhay!
Matagal kong inisip-isip ang isasagot ko. Tinanong ko si Pareng Bruce Lee na nagmamartial arts sa utak ko at ang sinabi niya sa akin ay ang pagkalabu-labong quote na ito:
Dahil malabo ang sagot ng mokong, naisip ko, tanungin na lang si Roger tungkol sa job description at mga pagbabagong kaakibat ng posisyon. Pagkatapos kong baliktarin ang lamesa at interviewhin ang aking interviewer, sinabi ko, "Sige, sige, sige na nga!" na parang ako pa ang galit. Natatakot lang ako sa mga karimarimarim na bagay na maaaring mangyari. Nandiyan ang pressure ng pagmamando sa mga magiging mga anak-anakan ko. Paano yun? Pasaway ako at natatakot akong magpasaway din sila. Baka may makagalit pa ko kapag maghalo ang pasawayness namin. Baka maghalo ang balat sa tinalupan. Baka magkatotoo ang sinabi ng nanay ko:
Hoh mayh Gahd! Nandiyan na rin ang pag-aalala na baka mawalan ako ng oras para sa sarili ko. Paano na ang mga kwento tuwing Linggo? Paano na ang DoTA? Paano na ang Restaurant City? Kung hindi ko lang inisip na may dagdag na sweldo, baka umayaw ako. Kaya lang, yun na nga. Mukhang pera din ako kaya ayun. In the end, official na akong kino-consider para sa posisyon na iyon.
Hindi ko alam kung natatatakot ako o natutuwa. Abangan na lang ang susunod na kabanata.

Be like water making its way through cracks. Do not be assertive, but adjust to the object, and you shall find a way round or through it. If nothing within you stays rigid, outward things will disclose themselves.
Dahil malabo ang sagot ng mokong, naisip ko, tanungin na lang si Roger tungkol sa job description at mga pagbabagong kaakibat ng posisyon. Pagkatapos kong baliktarin ang lamesa at interviewhin ang aking interviewer, sinabi ko, "Sige, sige, sige na nga!" na parang ako pa ang galit. Natatakot lang ako sa mga karimarimarim na bagay na maaaring mangyari. Nandiyan ang pressure ng pagmamando sa mga magiging mga anak-anakan ko. Paano yun? Pasaway ako at natatakot akong magpasaway din sila. Baka may makagalit pa ko kapag maghalo ang pasawayness namin. Baka maghalo ang balat sa tinalupan. Baka magkatotoo ang sinabi ng nanay ko:
Pag ikaw nagka-anak, mararanasan mo din ang mga pahirap na nararamdaman ko!
Hoh mayh Gahd! Nandiyan na rin ang pag-aalala na baka mawalan ako ng oras para sa sarili ko. Paano na ang mga kwento tuwing Linggo? Paano na ang DoTA? Paano na ang Restaurant City? Kung hindi ko lang inisip na may dagdag na sweldo, baka umayaw ako. Kaya lang, yun na nga. Mukhang pera din ako kaya ayun. In the end, official na akong kino-consider para sa posisyon na iyon.
Hindi ko alam kung natatatakot ako o natutuwa. Abangan na lang ang susunod na kabanata.
Subscribe to:
Posts (Atom)