Showing posts with label Sawikain. Show all posts
Showing posts with label Sawikain. Show all posts

Thursday, January 17, 2008

Sawikain 16-Tagalog Idiom

Sawikain:

umaagos ang butil ng lungkot

Meaning: umiiyak, lumuluha

Technorati tags:

Wednesday, January 16, 2008

Sawikain 15-Tagalog Idiom

Sawikain:

paglagay sa tahimik

Meaning: pag-aasawa o pagpapakasal

Technorati tags:

Tuesday, January 15, 2008

Sawikain 14-Tagalog Idiom

Sawikain:
bumilang ng maraming tag-ulan.


Meaning: ang tag-ulan ay binibigyan ng kahulugan na isang pagsubok sa buhay. Kaya ang sawikain ay nangangagulugang maraming pagsubok o paghihirap na dinaanan.


Technorati tags:

Monday, January 14, 2008

Sawikain 13 - Tagalog Idiom

Sawikain:

maraming isda sa dagat

Meaning: Karaniwang sinasabi sa mga taong nakapili ng magiging asawa na hindi sang-ayon ang magulang o kapatid. Ang ibig sabihin ay maraming mapagpipilian.

Technorati tags:

Sunday, January 13, 2008

Sawikain 12- Tagalog Idiom

Sawikain:

mauwi ka sa bungi

Meaning: Karaniwang sinasabi sa mapili o pihikan sa pagpili ng mapapangasawa. Ang ibig sabihin ay baka sa kapipili ay sa walang kuwentang tao ang mapangasawa.

Technorati tags:

Saturday, January 12, 2008

Sawikain 11-Tagalog Idiom

Sawikain:

Yumayapos na sa takipsilim

Meaning:

Ang talipsilim ay sunset o paglubog ng araw. Kaya ang ibig sabihin ng yumayapos na sa takipsilim ay malapit na ang wakas.





Technorati tags:

Friday, January 11, 2008

Sawikain 10-Tagalog Idiom

Sawikain:

hubad sa katotohanan

Meaning: kasinungalingan, hindi totoo

English:

Far from truth, lies

Sunday, September 23, 2007

Sawikain (Tagalog Idioms)

Buwaya sa katihan : usurera, nagpapautang ng napakataas na interes o tubo.

English: usurer


Technorati tags:
,

Saturday, September 22, 2007

Sawikain(Tagalog Idioms)

Basa ang papel : bistado na

English translation: the person is already discovered to be lying or pretending what he is not what he said he is.

Friday, September 21, 2007

Sawikain (Tagalog Idioms)

Kakaning-itik: Walang gaanong halaga, hindi maipagmamalaki


English : lack of any fine, lofty, or redeeming qualities

Technorati tags:
,

Thursday, September 20, 2007

Sawikain (Tagalog Idioms)

ahas- taksil,traidor
English translation: traitor

Technorati tags:
,

Wednesday, September 19, 2007

Sawikain-Tagalog Idioms

Kapit-tuko: mahigpit ang hawak

English translation: to adhere as if glued firmly


Technorati tags:
,

Tuesday, September 18, 2007

kayod-kalabaw : masyadong masipag

English translation: hardworking


Technorati tags:
,

Monday, September 17, 2007

Sawikain- Tagalog Idioms

kilos-pagong : mabagal kumilos

English translation: slow-footed; moving with a very low pace


Technorati tags:
,,,

Sunday, September 16, 2007

Sawikain- Tagalog Idioms

maamong kordero: mabait na tao

English translation : meek as a lamb


Technorati tags:
,,,

Tuesday, August 7, 2007

Sawikain

Ang sawikain (idiomatic expressions) ay mga salita o pagpapapahayag ng mga karaniwang ginagamit sa ara-ara. Ang mga papgpapahayag na ito'y nagbibigay, hindi ng tiyakang kahulugan ng bawa't salita, kundi ng ibang kahulugan.

Halimbawa:

agaw-buhay- nasa bingit ng kamatayan- between life and death

pabalat-bunga-hindi bukal sa loob

For more examples go to Salawikain and Sawikain.

Technorati tags:

Wednesday, August 1, 2007

ANO ANG PANITIKAN, ANG URI AT ANYO

PANITIKAN- ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

Uri ng Panitikan

1. KATHANG-ISIP (FICTION) -ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa kanilang imahanisyon. Ang mga kuwento ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento, nobela at .

2. HINDI KATHANG -ISIP- ang mga panulat na batay sa tunay na pangyayari katulas ng talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan.

ANYO NG PANITIKAN

1. tuluyan o prosa ( prose) - Paggamit ng mga salita sa isang pangungusap na walang kinakailangang pagtutugma o pagbilang ng mga pantig upang magkaroon ng parehong tunog sa huli ng tauludtod.

2. patula o panulaan ( poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.


Mga akdang tuluyan
1. Alamat
1.1 Mga Halimbawa ng Alamat
* Anekdota
* Nobela
* Pabula
* Parabula
* Maikling kwento
* Dula
* Sanaysay
* Talambuhay
* Talumpati
* Balita
* kwentong bayan

Mga akdang patula
o Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
+ Awit at Korido
+ Epiko
+ Balad
+ Sawikain
+ Salawikain
+ Bugtong
+ Kantahin
+ Tanaga