Follow Me, Follow You

Sunday, March 20, 2011

120 days of lie pt.10 (1/2 ang finale)

ikaapat na buwan ng kasinungalingan
march

Nang nagkahiwalay kami sa Olongapo, hindi ko alam na yun na pala ang huling araw na makakasama ko siya ng matagal. Huling silay ko na pala sa kanyang mukha bilang nagpapaligaw. Ang tanging paguusap na lang namin ay kundi sa YM, facebook o kaya sa text. Nung mga oras na yun nasa bus ako pauwi, akala ko ako na. Iniisip ko panalo na ko. Ngiti ako ng ngiti habang inaalala sa byahe ang mga ginawa namin. Masaya kong tinahak ang bahay at maluwag sa pakiramdam kong sinabi sa nanay ko ang kasinungalingang marami kaming ginawa sa duty kaya ako ginabi.


Natulog agad ako pagdating ko. Pero kahit pagod, hindi ko nakalimutang mag goodnight sa kanya. Bakit ba hindi ko masabi ang “i love you?” Hindi ko alam kung dapat ba sabihin ko yun since nanliligaw pa lang ako. Naguguluhan ako dahil unang beses kong manligaw noon. Maraming bumabagabag sakin kung sasabihin ko ang mahiwagang salitang yun.

Miss na kita. Hmmmm bola kahapon lang tayo nagkita eh. Natutulad ka na kay M nyan. Sira ang diskarte.

Ilang araw ang lumipas patuloy pa rin ang pagtetext namin. Alam ko nahahalata na ako ng nanay ko dahil ngayon lang ako naging tutok sa pagtetext. Kahit kasama ko siya sa paggogrocery hindi ako natitinag sa pagpindot ng cellphone ko. Pati pag-uusap sa YM tuwing gabi at minsan facebook sa hapon - lahat yun naging routine na sa akin sa tatlong linggong bakasyon na yun. Ang pinakamasakit na parte lang na sa mga oras na kausap ko siya, alam ko kausap din niya ang karibal ko. Kung katext ko man siya buong araw, katext din niya ang karibal ko buong araw. Kung online man ako at kausap niya, sigurado online din ang karibal ko at kausap siya.

Sa loob ng tatlong linggong bakasyon na yun, minsan nakausap ko siya ng nakainom sa YM at nagkataon na hindi online si karibal M. Marami siyang sinasabi nun na malabo. Depressed daw siya at kinukwento niya ang problema niya sa pamilya niya. Eto naman ako todo alalay sa kanya. Pagkakataon ipakita ang sinseridad bilang manliligaw. Napunta sa makulit na usapan na muli tinanong nanaman niya ko bakit siya ang gusto ko. Bakit siya ang napili ko. Tinanong na niya sakin to sa text noon kung bakit siya. Bakit mo naman natanong yan? Wala lang, gusto ko lang malaman. Marami naman kasi iba dyan. Ehhh gusto ko kasi kita eh. Tsaka mahal na kita eh. Dahil sayo nagagawa ko yung mga bagay na hindi ko nagagawa noon. Ahhh, akala ko kasi isasagot mo na wala lang na.....gusto ko lang kita gaya ng sagot ni M. Ang labo talaga nun. Hindi ko alam kung bakit hindi siya nakuntento sa sagot kong iyon at pinilit pa niya kong isulat sa English kung bakit ko siya mahal. Siguro ay lasing lang talaga siya kaya ganun mangulit kaya pagkatapos namin mag-usap ay ginawa ko agad yun. Assignment ko daw yun para sa kanya.

Kinabukasan pinabasa ko sa kanya. May patama rin yun sa karibal ko na sinungaling. Inspired ako habang sinusulat ko yun at pinost ko sa dati kong blog.

She Gave Me a Homework
A person was coaxing me to expound love. I told her that it is very much inconceivable to translate fragile love into man-made words. No one, even a genius can barely bear a chance. I retorted, “love cannot be explained, it is an innate feeling that must be shown.” And I know that I am being veracious when I typed in those words. Any word that comes out of a tricky mouth can disguise everything. Words are overly used. Even fabricated stories are easily said but never done.
But this very significant girl beseeched me to write how much this fondness I carry can run into words. Though I know farthest from the possible, what does the quote, “love can move a mountain” mean if I won’t hand a try.
A thousand of questions were asked and answered by me but when she asked me why her? I could only think of one answer. And that is I love her. I know telling a person that you love her would not make the person believe easily. People make use of this word to deceive. Love does not need a mouth to express how much he/she feels, love needs a person who is just true to everything he said and done. Like what I wrote before, “words are words, they are meant to be misspelled.” I am not writing here to describe what love is, because there are I know a bulk of adjectives to choose from.
The second question she asked me, “why do I love love her despite of everything?” Can a feeling be questioned? Neither me can explain it. Yet one thing I know is for surest, she made me do things I can’t do before.
Eventually, I am beginning to understand why my friend betrayed me; love knows no boundaries.
I may have failed to say what love is in words. I know when you’re reading this, you might be very disappointed. There is no need for me to play with three quarters of a million words just to bespeak how much I feel. But whatever it takes, choosing him or me, waiting I know better is not forever.

Tuwang-tuwa naman siya nung nabasa niya yan. Nagsosorry din siya sa pangungulit niya nung gabi. Lasing daw talaga siya. Hindi nga daw niya maalala yung ibang pinag-usapan namin. Sinabi ko na ok lang ok lang basta wag na ka ulit iinom sa susunod.

Isang gabi parehas na senaryo, kausap siya sa YM, napag-usapan namin si karibal. Sinabi niya sakin na naasar daw siya dito dahil may gusto siya malaman. Gusto niya malaman dahil nagtext daw sa kanya ang kapatid ni karibal na please daw paamuhin niya si M dahil nawawala na daw sa sirkulasyon.  Siya lang daw makapagpapaamo kay M. Tangina! Sa isip-isip ko, ano nanamang pakulo yan? Kaya eto naman si babae gustong-gusto pumunta sa Cavite para kay M. Sa totoo lang. Nagselos ako noong mga oras na yun. Masyado siyang affected. Masyado siyang nageefort para kay M. Dati nasabi ko rin sa kanya na nag-usap kami ni M. Sinabi ko sa kanya na sabi ni M sa akin na lalayo na siya at magpapaubaya na. Pero napansin ko kanya ang pagkaasar. Parang galit siya kay M noong sinabi ko sa kanya yun.

Masyado na ko nagtataka kay girl1 o  F. Tinanong ko siya kung bakit ganyan siya maka-react para kay M? Hindi ba dapat parang wala lang kung lalayo man siya kasi nanliligaw pa lang siya. Bakit nageefort ka para puntahan siya sa Cavite para lang malaman ang totoo tungkol sa sinasabi ng kapatid niya?  Eto yung mga senyales na alam kong katapusan ko na pero pilit kong ipinagsasawalangbahala ang mga nangyayari.

Noong mga oras na din yun kinausap ako ni M. Sinabi niya na,  

Pre sa tingin ko malapit na mamili si F. Walang sasama loob kung sino piliin sa atin ah.

Gusto ko siyang murahin ng ilang beses. Gusto kong ipamukha sa kanya na  

fuck you! traydor kang kaibigan! alam mo na ako nauna sa kanya pero sinusulot mo. Ibang klase ka!

Pero hindi ko kailangan sabihin ang mga salitang yan. Alam niya sa sarili niya ang pang gagago sakin. Sinabi pa niya na anong gusto mo? na walang kaagaw?  Sana naisip niya ang pinagsamahan namin. Sana may natitira pa siyang konsensya sa isip niya. Matalino pa naman siya pero gago pala. Sana hindi ko na lang siya nakilala. Kasama pa nito, tinanong din ako ni F na kung mamimili man siya sana wag daw akong magiging bitter sa sinong pipiliin niya. Sinabi mo rin ba yan kay M? Oo. Shit! Nakakaramdam na ko talaga.

Sa tatlong linggong yun naubusan na ko ang pera. Kahit pang-load ay wala ako. Hindi na ko nakakatext sa kanya. Ngunit hindi naman ako nawawala sa YM. Hindi ko akalain na namimisinterpret na pala nila ako. Ang akala nila lumalayo na ko, nagigive way na ko. O gumagawala lang sila ng dahilan para ilayo lang talaga ako. Dumating sa punto na medyo malamig na rin ang pakikitungo sa akin ni F. Wala akong magawa. Wala. Wala. Nung hindi na ako nakatiis, nanghingi na ako ng pangload sa nanay ko. Binigyan naman ako. Tinawagan ko siya pero hindi niya sinasagot. Tinext ko kung bakit pero sabi niya may ginagawa daw kasi siya.

itutuloy...

Thursday, March 17, 2011

silang dalawa nanaman?

Ilang araw din pala akong nawala. Masyado akong naging busy kumakailan. Lintik kasi na nursing to bakit ba ito kinukuha ko. Gusto ko sanang lumipat ng course pero sayang, malapit na rin akong makapagtapos. At tsaka no choice din ako kasi sigurado walang papayag kung lilipat man ako. Baka bugbugin lang ako ng tatay ko at palayasin ng nanay ko. Sa totoo lang delayed student ako. Dapat 4th year na ko sa pasukan eh. Dapat ilang buwan na lang magtatrabaho na ko bilang callboy este call center agent. Yun kasi balak ko unang pasukan pagkagraduate ko. Ewan ko kung bakit yun gusto ko. Gusto ko lang maexperience. Wala naman akong balak na sirain lang ang apat na taon kong pag-aaral ng nursing. Alam ko rin kasi makakarating akong US for sure. Halos lahat kasi ng kamag-anak ko nandun na, may lolo pa akong kano na gustong-gusto akong dalhin dun. Kaya hindi ko problema ang pagpunta dun kung tutuusin. Isa pa 100% passing rate yata ang nursing school na pinapasukan ko kaya sigurado hindi ko poproblemahin pumasa sa mga nursing exams.

Sa kabilang dako ng pagyayabang ko, iba talaga ang feeling ng nakakapasa - mapapasigaw ka talaga at mapapamura. Pumasa kasi ako sa Pharmacology removal exam ko. Subject na pangalawang beses ko na kinuha dahil sa walang-awa naming prof na puro pagbabasa sa projector ang alam gawin. Nung araw na nirelease yung results tuwang-tuwa ako sa nakita ko. Sa wakas hindi ko na rin makikita ang mukha nitong prof ko na mukang mala-Stairway to Heaven pumorma at sa wakas hindi na rin ako magsusummer class pa. Aking-akin ang summer ko. Aba apat na araw yata akong nag-aaral mula umaga hanggang gabi. Kasama pa nito, nagdasal ako kay St Joseph of Cupertino para ipasa ako. Ako ba talaga yun? Bumabait kasi pag may kailangan eh hehe...

Umalis agad yung isa kong barkada na pasado rin. Aalis daw sila ng mga kagrupo niya sa Nursing Research. Celebration sa pagtatapos ng final term. Mag Eenchanted Kingdom daw sila. Kaya naiwan ako sa klasrum kasama ang ibang barkada ko. Nagsimula na magsalita si prof para i-review ang bawat tanong sa exam. Wala pang tatlong minuto bumalik agad si Renz. Sumesenyas na lumabas ako ng klasrum. Agad-agad naman akong lumabas. Walang hiya-hiya sa prof na dati naman bumubuwelo pa ko kung lalabas ng klasrum, ngayon dire-diretso akong lumabas.

Tinatanong niya kung gusto ko daw bang sumama. Eh wala nga akong pera. 400 lang nasa wallet ko. Hindi kasya yun para sa malalayong lakaran tulad ng EK.

Popondohan daw nila ako. Aba ayos sakin yun biyaya na bakit ko pa pakakawalan. Palibhasa pasado kaya cool sakin kahit anong mangyari. Bumalik ako ng klasrum para kunin ang bag ko at dali-daling lumabas. Sori prof pero tapos na tayo. Tapos na rin ang dalawang sem nating paghaharap at pahihirap.

Pagbaba nakita ko ang grupo na pupuntang EK. Binigyan agad ako ng P350 ng isang kaibigan ko rin na kasama sa EK. Uyy Salamat, sambit ko.

Walang hiya P350 EK? Seryoso? Kung susumahin P750 kasama ng pera ko. Huling punta ko ng EK 1400 ang gastos ko. Jusko po saan ako pupulutin nito. Magmumukang pulubi ako sa kanila pag nagpatuloy to. Gusto ko na sanang magback-out dahil sa ganung kaliit na pera. Pero bulong sakin nung babaeng kaibigan ko rin, wag ka mag-alala meron pa ko dito kung kulang.

Habang nasa byahe dahil nagcocommute lang kami, naisip ko sana hindi na lang ako sumama. Dyahe kasi kahit saan ko tingnan. Isa pa nakapanguniform ako. Bitbit ko pa sa likod ang libro ko ng Pharma. Halatang biglaan. Paalam ko pa naman sa ermats ko na maaga akong uuwi dahil sasamahan ko pa siya sa bibilin niya.

Isa, dalawang oras. Pababang Walter Mart kung saan dito kami binaba ng bus, bungad agad ng mga tricycle drayber na sarado ang EK. Nabasag silang lahat. Nagpira-piraso ang kasiyahan nila. Pwera sakin na naayon ang lahat. Aba, swerte pa rin ako. Lagi yata akong sinuswerte nung pumasok ang  taon na ito. Laging naayon para sakin ang sitwasyon. Hindi na ako nakisama sa usapan nila dahil alam ko sabit lang ako. Makiki-ayon na lang ako kung ano man ang mapagdesisyonan nila.

Ang bagsak namin, Star City. Ayos lang sakin kasi sigurado kakasya ang pera ko dito.

Wala masyadong tao. Weekdays kasi at hindi pa bakasyon ng karamihan kaya talagang halos masolo namin ang mga rides. Halos sumakit ulo ko dahil sa dami naming sinakyan. Sulit ang P350 tiket na ride all you can. 

May nalaman pa akong isang bagay. Sila na pala? Meron kasi akong kinaasarang lalaki dun, si Dub. Bully kasi yun eh. Basta masama siya sa paningin ko. Nalaman ko yun nung naging katabi ko siya sa klase noon. Iba siya magsalita. May kayabangan palibhasa malaki katawan, pakiramdam niya magagawa niya lahat sa pamamagitan ng suntukan. Isip-isip ko, bakit kaya si Dub pa pinili niya? Talagang napapatingin ako tuwing maghoholding hands sila. Nanghihinayang kasi ako sa kanya ang ganda pa naman niya. Para pa naman siyang character sa Final Fantasy.

Kinagabihan pagkatapos ng all out rides, kumain kami sa isang chinese restaurant. Shit!!! Ang mamahal naman ng nasa menu nila! Buti na lang nandyan si Renz para sumalo sa kalahati ng bayad ko. Mas sanay kasi ako sa kanya magpalibre kasi barkada ko talaga yun. Habang kumakain, parang nahati ang grupo sa dalawa kahit nasa iisang lamesa lang kami. Ako naman na nasa gitna, neutral ako sa pakikinig sa magkabila dahil hindi ko naman talaga sila kaclose. Nakakasama ko lang sila pero hindi ko matatawag na barkada bukod kay Renz.

Sa gitna ng kwentuhan, sa puntong hindi inaasahan, narinig ko nanaman ang mga pangalan ng dalawang taong nagtaksil sa akin.  

Kamusta na kayo ni M? Nag-uusap na ba kayo? Hindi pa eh. Bakit Hindi? Galit pa ba kayo? Siguro.
Eh ni Girl1? Hindi na rin. Sino bang unang nanligaw sa inyo? Ako. Nakamove-on ka na ba? Urirat nila.

Eto na siguro yung mga tanong na dadalhin ko habang buhay. Sa totoo lang, hindi ko na mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses na akong tinatanong tungkol dito. Isang daang beses na yata simula nung April 5, 2010. Pero hanggang ngayon, kahit wala na ko nararamdaman sa kanilang dalawa, sa mga ginawa nila sakin. Eh parang mas okay na hindi ko na sila makausap pa muli. Mas okay na parang hangin na lang ang isa’t-isa kapag nagkakasalubong. Tutal sanay naman na ko at malamang sila din.

May mga bagay na hindi na dapat ipagpilitan pa. May mga bagay sa mundo na dapat ibaon sa limot. Lalo na kung sarado ang isip nila at parehas pinagtatakpan ang mga butas nila na parang malilinis. Para lang yang plastic balloon. Pagkatapos mong hipan sa maliit na straw ang hangin, kailangan mong ihinto para hindi pumutok. Sigurado bubukas at bubukas ang mga butas kaya kailangan mong i-seal gamit ang labi mo. Pero pagseal mo, kitang-kita ang mga bakas. Di tatagal habang nireremedyuhan mo at pilit ibinabalik ang hangin sa loob, lalabas din ang hangin sa ibang parte kahit anong gawin mo. Ang hangin man ang ginawa nila sa akin at ang mga bakas ay gawa ng mapapapride nilang labi, sigurado di tatagal mahihirapan din sila sa pagtakip nito at sisingaw at sisingaw pa rin sa kanila ang hinipan nila papaloob.

Magiisang taon na pala no. Kamusta na kaya sila. Isip-isip ko sa sarili. Tinignan ko sa cellphone ko si girl1 kanina pero pangalan lang niya ang nandun, walang number. Pagtataka ko sa sarili dahil kahit kelan hindi ko siya dinelete sa contacts ko.

Sundan

Tuesday, March 08, 2011

usapang busted

Sori, sabi ko ipapakilala ko si L sa susunod na post, may naalala lang kasi akong kwento tungkol sa barkada ko.

Hindi ko alam kung bakit ba lalaki ang kawawa lagi sa panliligaw. Dalawa lang kasi ang pwedeng sagot ng mga babae kapag tinapat mo sila eh: oo o hindi lang. Yung iba naman bigla na lang mawawala. Pero swerte pa rin ng lalaki kung tinapat sila agad na walang pag-asa kaysa naman pinaasa.

Katatapos lang ng test namin sa Pharmacology. Kadalasan kasi paglabas mo ng classroom, pagkatapos ng test, tanungan agad anong sagot mo sa ganung number ganoon, ganyan. Pero paglabas ko nakita ko agad si Charwin. Sabi ko uyy sabay na tayo umuwi. Parehas kasi kami ng jeep na sinasakyan at isa lang ang daan namin pauwi. Napansin ko hindi siya mapakali. Yung pakali bang may binabalak gawin. Mukhang may hinihintay sa labas ng mga classroom at sabi nya may isasauli lang daw siya. Ahhhh sabi ko kaklase ba namin yang pagbibigyan mo?  Hindi raw, pero dungaw siya ng dungaw sa pinto ng kabilang classroom. Iba nabavibes ko sa kanya nung mga oras na yun. Pakiramdam ko naranasan ko na yung ganung klase ng kaba niya at paraan ng pagsasalita; babae to sigurado sa isip-isip ko. Sabi niya kita na lang kami sa computer shop na pinaglalaruan namin.

Pumunta naman akong computer shop kasama yung isa kong kaklase. Pero hindi na ako naglaro. Alas sais na rin kasi nun tsaka sakto ibibigay ko kasi yung leakage sa test dun sa susunod na magtetest ng Pharma. (Common na lang magbigay kasi ng leakage samin lalo na kung parehas lang ng set ang test.) Kaya habang kinokopya yung mga lalabas sa test, nanood muna ko sa mga nagdodota.  Medyo nainip ako kasi mga 15 minutes rin yun at nagugutom na ko.

Pagkatapos, pagdating niya hindi ko siya masyado pinansin dala ng busy sa panonood. Nagyaya na siya agad umuwi. Nagtaka ko kasi medyo barubal ang pagyaya niya na tipong nagmamadali. Nung lumabas kami, ay sabi ko nakalimutan ko di pa pala tapos kopyahin yung leakage ko. Habang nasa labas pansin ko medyo maluha-luha siya. Tinawanan ko siya, ohhh bat umiiyak ka?  Todo tanggi naman siya. Pero di nakatiis yata sa kantyaw ko kasi alam ko ang ganung aura (babae lang ang magpapaiyak sa lalaki - kadalasan) kaya sasabihin daw niya mamaya. Binalikan ko yung leakage kaya lang pero sabi nung isa baka daw pwede iuwi niya kaya pumayag na ko. Sabihin pang madamot ako pag hindi pa ko pumayag.

Pauwi, medyo nagfood trip muna kami sa turo-turo at naglugaw. Tapos pinakwento ko sa kanya anong nangyari. Kaya pala hindi siya makapakali kanina yun pala ay magtatapat siya sa kaklase niya at yun pala yung sinisilip-silip niya sa kabilang klasrum. Palusot lang pala niya kanina na may isasauli siya. Ohh kamusta naman, anong nangyari? Tanong ko. Tears of joy ba yang niluluha mo haha? tanong kong pabiro. Busted pala ang mokong. Bitin ako sa ganung sagot lang kaya tinanong ko paano siya binusted at ininterview ko pa.

Paglabas na paglabas daw ng babae sa classroom, niyaya daw niya kung pwede silang kumain. Excuse agad ang babae na kailangan daw niyang bantayan ang kapatid niya na may sakit yata. Sinabayan pa niya ito hanggang makalayo na sila ng college at diniretso niya ang tanong na pwede bang maging tayo? Hindi eh. Diretsong sagot ng babae. (desidido talaga) Eto naman si mokong (desididong mabusted) kinulit pa ng paulit-ulit kung pwede ba talaga tayo at bakit hindi? Sabi ni babae, 2 years kasi pagitan ng age natin eh mas matanda ako sayo. Sorry. Si mokong naman, ohhh sige, sabay alis.

Ang bilis naman. Yun lang? Napakaunreasonable ng dahilan, talagang ayaw ka lang nun. Kailan ba kayo nagkakilala? Tsaka magkaibigan? Banggit ko. 
(Last sem lang daw tapos hindi pa sila ganun ka close.) 
Kaya naman pala binigla mo. Sana kinaibigan mo muna.
Hindi na kailangan. Magkakilala naman na kami. Tsaka lagi kaming magkaduty.
Ngeee. Ulul! Kailangan kaya yun. Siyempre kailangan palapitin mo muna loob nya sayo.
Hindi na. Siyempre kung gusto rin naman nya, oo din sasagot niya.
(Gago! Isip-isip ko, kala mo gandang lalaki mo pakyu hehe)
Tignan mo ko ilang months ako nanligaw. Dami ko pang ginastos.
Oo nga eh sayang lang pera mo. Wala rin namang nangyari.
Yun lang may kaagaw kasi eh. Kaya sa susunod isang daan lang gagastusin ko sa panliligaw ko. Pero swerte mo pa rin buti sinabi niya agad sayo kaysa pinaasa ka. Hindi masyado masakit. Yung sakin masakit talaga. Iyak ako ng iyak. Tignan mo sayo saglit lang nakakatawa ka pa.
Buti na lang pala ikaw kasama ko. Natatawa ko sayo. 
(gaguhang usapan?)
---CUT----
nauwi nanaman kasi sa kwento ng lablayf ko eh.
sinabi pa kasi niyang magkita kami sa computer shop. halatang mabubusted din siya.

Monday, March 07, 2011

blue sky

, ang sarap balikan ang hayskul pag naririnig ko to. :) pero mas gusto ko pa rin ang ngayon. may ikukwento pala ako sa susunod kong post, ipapakilala ko sa inyo si girl3 - si L.