“Kyuryus”
Sa chat lamang kami nagkakilala. Matagal akong naghintay at halos namuti na ang aking mga mata, mula ika-siyam ng gabi hanggang ala-una ng umaga sa palengkeng katabi ng Sandiganbayan.
“Sorry, natagalan ako sa pagtapos ng short film”, nagpapaumanhing pagbati sa akin. Bata pa ako noon at wala pang muwang . Gusto ko lang masubukan.
“Wala akong dala”, wika ko sa kanya.
“Pwede na yan”, tugon niya.
At nagpatuloy na kami sa kung ano man ang napagusapan naming gawin kung bakit kami magkikita. Ang isang gabing aming pinagsaluhan ay naging mga araw. Naging buwan.
At hindi na kami nagkausap pa sa loob ng anim na taon.
Kadarating ko lamang dito sa PGH. Nagbabasa ng pahayagan at ang artikulo’y ukol sa sikat na director ng malayang pelikula na nagwawagi sa mga internasyonal na patimpalak, pumanaw nitong makalawa dahil sa malalang karamdaman.
Nag-text sa akin ang aking kasalukuyang kasintahan,
“Babe, positive ako...”
Your Vote, Your Right, Your Pride!
Archives
ChatBox
Recent Visitors
Flash Fiction: Kyuryus
Sunday, January 25, 2009Posted by Yffar (^^,) at 11:25 PM 1 comments
Labels: Flash Fiction, LGBT Stories
Rosas (part 1)
Sunday, September 7, 2008“Huwag kang tumuloy diyan!” babala ko sa batang naglalakad patungo sa isang bahay. Hindi niya ako pinakikinggan. Sa hinuha ko’y nasa labintatlong gulang ang nasabing bata. Alam ko ang bahay na ito. Nararamdaman kong may nagbabadyang panganib sa oras na pumasok siya roon. Hinarangan ko siya. Tila hindi niya ako nakikita. Nilampasan niya ako, tumagos lamang siya sa akin at ang aking katawan ay nagmistulang hangin na unti-unting nawawala. Nakakalapit na siya sa pinto. Pilit ko pa rin siyang pinigilan subali’t kahit boses ko ay hindi niya naririnig. “Huwag!”
Nagdilim ang paligid. Wala akong makita. Ang paligid ko ay nababalot ng anino. Unti-unti, nakakita ako ng liwanag. Nilapitan ko ito…
“Kuya Steve! We’re here!”
Namulat ako at naririnig ko na ginigising ako ng tinig ni Dave, ang aking nakakabatang kapatid. Nanaginip lamang pala ako. Lagi kong napapaniginipan ang ganitong pangitain. Nasa bus nga pala kami na biyaheng Laguna. Rest day ko ngayon. Wala akong pasok at bibisitahin ko si mama. Lahat ng mga taong lulan ng bus ay nagsipagbabaan na, kaming dalawa na lamang ni Dave ang naiwan at hinihintay ng konduktor na bumaba.
Sumakay kami ni Dave ng jeep at bumaba sa restaurant na pagmamay-ari ni mama. Masarap siyang magluto, palibhasa kapampangan kaya ganun. Hinanap namin si Miguel, ang aming pinsan na dito sa Laguna naninirahan. Hindi na namin siya naabutan na nananghalian sa restaurant ni mama, tapos na raw siyang kumain kasabay ang kanyang kaibigan at nagmotor na pauwi. Hindi ko na naisipang puntahan sa kanila, hindi naman kami ganoon ka-close. Mas malapit sila ni Dave.
“How’s work Steve?”, tanong sa akin ni mama.
“Ok naman ma, medyo stressed lang the whole week. Mag-aapply pala ako as QA by next week. Maiba naman, boring yung paulit-ulit na trabaho. “
“Good, galingan mo ah, siya nga pala, nabisita mo na ba ang bagong bahay ng ate mo? Lumipat na sila malapit kina Miguel. Pero wala siya ngayon sa kanila, yung asawa lang niya na si Ikoy ang naiwan.”
Nang marinig ko ang sinabi ni mama ay nagpasya na lamang ako na hindi magpunta sa tinitirhan ni ate. Asawa lang naman pala niya ang madadatnan ko roon.
Kinagabihan, inaya ako ni Dave na mag-inuman sa isang bar sa bayan. Sa sobrang pagod ko at kailangan kong magpahinga dahil sa isang linggong pagtratrabaho ay hindi ako sumama sa kanya.
“Ang K.J. mo naman bro, once a week na nga lang tayo magkasama, di ka pa makikigimik”
“Dave, I’m tired… I’d rather sleep than go out..”
Nang umalis na si Dave ay kinuha ko ang aking cellphone. May hinihintay akong text mula sa isang napakaimportanteng tao. Subali’t wala ni isang mensahe ang aking natatanggap. Tinawagan ko siya subali’t hindi niya sinasagot ang aking mga tawag. Gabi na at nag-aalala na ako. Wala naman siyang pasok, bakit hindi niya magawang magparamdam maghapon. Matapos ang ilang saglit, sa wakas ay nakatanggap na rin ako ng isang mensahe.
“Hon, sorry, kaka-out ko lang, nag-over time ako. Nag-emergency leave yung isang crew dito kaya kailangan ko makipagchange ng schedule. Love you mwah. ”
Hindi siya nagpaalam sa akin. Biglaan naman yata yun. Napapansin ko na ilang araw nang madalang magtext at tumawag sa akin si James. Wala naman siyang nababanggit sa akin na problema. Malambing naman siya kapag magkasama kami. Ewan ko ba. Siguro parehas lang kaming maraming trabaho. Pero gumagawa naman ako ng paraan na magkita kami at makasama ko siya kahit na ilang saglit lang sa loob ng isang Linggo. Sa bawat oras, nagpapadala ako ng mensahe sa kanya, patago pa nga kasi bawal yun sa trabaho, ikakasesante ko kapag nahuli ako. Mag-aanim na buwan na kami sa makalawa. Kahit may pasok ako ay makikipagkita ako sa kanya, kahit walang tulog, pipilitin ko, magkasama lamang kami sa aming ika-anim na monthsary.
Hindi ko na mahintay si Dave, may susi naman siya. Sobrang inaantok na ako at hindi na kaya ng katawan ko ang magising pa…
Muli, nakita ko na naman ang bata. Papasok na siya sa bahay. Sinamahan ko siya. Hindi niya pa rin ako nakikita. Hinahatak ko ang kanyang mga kamay nguni’t hindi ko ito mahawakan. Walang tao sa bahay. Walang sino man akong nakikita maliban sa bata at ako. May bitbit ang bata na isang karton. Nararamdaman ko na alam ko ang laman ng karton na iyon, subali’t hindi pa rin ako nakatitiyak… Umakyat ang bata sa ikalawang palapag. Bukas ang ilaw sa isang silid. Dahan-dahan lumapit ang bata, sinamahan ko siya kahit na hindi niya ako nakikita…
“Bro, I’m home. May pasalubong ako sa’yo… balot!”
Ginising na naman ako ni Dave. Sa halip na magalit ako ay kinain ko ang binigay niya sa akin. Tamang tama, paborito kong kumain ng balot. Lalo na kung lalagyan ng suka. Noong una ay hindi ko alam na nilalagyan pala ng suka ang balot, akala ko’y asin lamang, tinuruan lamang ako ni James ng ganitong pamamaraan ng pagkain ng balot.
Habang kumakain ay tinanong ko si Dave, “Kamusta ang bar hopping?”
“Ok naman bro, nakita ko nga sila Miguel at yung friend niya”
“Ano namang ginagawa nila?”
“Nag-iinuman lang. Wait diyan ka lang, try ko siyang tawagan.” Lumabas ng kuwarto si Dave upang tawagan si Miguel. Naalala ko si Miguel, lagi siyang pinagmamalaki sa akin ni mama. Kasi kilalang chick boy. Buti pa si Miguel, may girlfriend. Ako, wala pa akong pinapakilala sa pamilya ko. Minsan pa nga napapansin kong pinaghihinalaan na nila ako na isa akong bakla. Karamihan sa mga kamag-anak namin maagang nag-aasawa. Ayun, andami nang mga anak. Hirap magpakain at magpa-aral. Kalimitan lumalapit pa sa akin upang hiraman ang pera panggastos dahil walang-wala na sila. Sa awa ko sa kanila ay pinapahiram ko naman, minsan hindi pa nga naibabalik sa akin. Ito namang si Dave, isang babae pa lang ang pinakilala kina mama, pero hindi naman sila nagtagal at hindi na naulit pa. Natroma na siguro sa babae dahil sinaktan lamang siya.
Nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking best friend na si Niel. Magmamadaling araw na at nagawa pa niya akong itext. Binuksan ko ito at binasa.
“Dude, you have to know something. It’s about James. Usap tayo soon. Thanks”
Napaisip ako. Gaano ba ito kaimportante na nagawa pa ni Niel na magtext sa akin nang ganung oras? Kaya tinawagan ko siya… Pero ang cellphone niya ay hindi ko na macontact. Marahil ay walang signal yun ngayon. Nasa Malate na naman siya, sumasayaw sa isang bar at nakikipaglandian sa kung kani-kanino. Naalala ko pa, yang si Niel ang unang nagturo sa akin kung paano gumimik. Hindi ko naman masasabing masamang impluwensya sapagka’t sa kabila ng mga paglalakwatya niya tuwing Sabado ay alam kong mabuti siyang tao. Kaya ko nga siya naging best friend. Matapos piliting tawagan si Niel ng makailang ulit ay inantok na ako. Pumasok na rin si Dave sa kwarto. Pinatay ko ang ilaw at kami’y nakatulog.
Kumatok ang bata sa pinto ng kwarto kung saan bukas ang ilaw. Mukhang walang tao. Naiwan lamang na bukas ang ilaw. Ilang metro mula sa nasabing silid ay naririnig kong may tubig na pumapatak. Tila may naliligo. May tao. Oo nga, may ibang tao sa bahay na ito.Naghintay ang bata sa labas ng silid. Kapansin-pansin na kung sino man ang pagbibigyan ng karton na iyon ay ang taong nakatira sa silid na … Bumukas ang pinto ng banyo…
Nagising ako na mag-iika siyam na ng umaga. Nakagayak si Dave, mukhang may pupuntahan. Ang sabi niya ay makikipagkita siya kay Miguel sa bayan, sa terminal ng bus. Hinayaan ko na lamang siya at nagpasabi ako na ikumusta na lamang niya ako kay Miguel. Nang umalis na si Dave ay tinawagan ko si James. Sinagot naman niya ang aking tawag subali’t nagmamadali siya papasok.
“Hon, nasa jeep ako, baka mahablot phone ko, bye, mwah”.
Linggo ngayon may pasok pa siya. Paiba-iba ang schedule ni James. Kaya bihirang magkataon na parehas ang rest day namin. Isang beses pa nga ay nagpunta ako sa bahay na inuupahan niya sa Quezon City kasi naglayas siya sa pamilya niya dahil nagkaproblema sila ng kuya niya. Alitang magkapatid, dahil matagal nang alam sa kanila na bakla siya at hindi ito tanggap ng kanyang kuya.
Habang kausap ko si James sa telepono ay tumatawag rin pala si Niel sa akin. Buti na lamang at naka-call waiting ako. Nang sasagutin ko na ang tawag ni Niel ay hindi ko na ito naabutan. Nagregister na ito sa aking voicemailbox.
Binuksan ko ang aking voicemail, tama, si Niel nga ang tumatawag sa akin kanina. Pinakinggan ko ang mensahe ni Niel na nagsasabing…
“Best, I have a news about your boyfriend. Si James. Kita tayo later. Usap tayo…”
Posted by Yffar (^^,) at 10:01 AM 20 comments
Labels: LGBT Stories, Rosas Series
Larawan (part9)
Wednesday, August 27, 2008paunawa: bago basahin ang akdang ito ay basahin mo muna ang Larawan Part 8.
Hinawakan ko ng mahigpit ang pahayagan. Halos mapunit ito sa sobrang pagkakakapit ng aking mga daliri sa mga pahina. Dahan-dahang lumuluha. Binuklat at binasa kong muli ang nilalaman...
“Eduard Miguel De Jesus”
“ May 14, 1985 to September 29, 2007”
Alam ko ang pangalang ito. Hindi ako maaring magkamali. Ito nga si Miguel. Eduard Miguel De Jesus ang kanyang tunay na pangalan, dahil hindi inilagay ng kanyang ina ang apelido ng kanyang Australyanong ama sa kanyang birth certificate. May kasama ring larawan ni Miguel ang nakalagay sa nasabing pahina ng pahayagan. Lalong tumindi ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang labis na paghikbi. Ang taong unang nagpatibok ng tunay na pagmamahal sa aking puso, wala na. At hindi ko na pala siya makakasamang muli gaya ng ipinangako niya sa akin. Bumaling ako kay Dave.
"Dave! Magtapat ka! Alam kong alam mo ang totoo! Patay na si Miguel!? Pinagmukha mo akong tanga Dave! Alam mong patay na si Miguel pero itinago mo sa akin ang bagay na 'to! How could you?! How could you!", pagalit kong bigkas kay Dave at sa labis na pagdadalamhati ay naihagis ko sa kanya ang dyaryong hawak ko. Hindi siya umiwas. Tumama sa kanyang mukha ang luku't lukot na payagan subali't siya'y nanatili sa kanyang kinatatayuan. Nakatungo. Walang imik. Napansin kong lumuluha rin siya. Niyakap niya ako habang umiiyak.
"I'm very sorry Macky. I didn't mean to", hindi ko magawang tingnan si Dave, nakatingala lamang ako sa dingding. Pinagmamasdan ang paggalaw ng kamay ng orasan at pinakikinggan ang pagtibok ng aking puso habang nagsasalita si Dave. " Yes, I know everything. Until his last breath, i kept a promise for him. And that is to keep you away from knowing the fact that he is dead. Until now that you unexpectedly learned the truth. Ayaw niyang masaktan ka Macky. I did him a favor, a dying man's request..."
Hindi ako makahinga dahil sa sobrang bigat ng aking nararamdaman. Akala ko ba'y nakalimutan ko na si Miguel at makakaya ko na siyang hayaang manatili sa aking nakaraan. Subali't ako'y nagkamali. Hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin pala siya na siyang lalong nagpahirap sa aking pagtanggap na wala na si Miguel. Naupo ako sandali. Hindi pa rin natitigil ang pagluha ng aking mga mata. Inabutan ako ni Dave ng isang basong tubig. Ininom ko ito. Dahan-dahan. Pumipikit ako habang hinahayaang dumaloy ang tubig sa aking lalamunan. Nguni't sa halip na kadiliman ang makita ko ay imahe ni Miguel ang lumalabas.
Unti-unti ay nagawa ko ng makapagsalita..."Dave, I need an explanation... Please. Nagmamakaawa ako Dave. kailangan kong malaman ang lahat."
Kinuha ni Dave ang panyo mula sa kanyang bulsa upang punasan ang aking mga luha. Inilagay niya ang panyo sa aking mga kamay upang ako na ang magtangal ng mga natirang luha sa pisngi. At nagsalita na si Dave.
"Instead of you, ako ang sumama kay Miguel sa airport. Three hours before his flight we were there. Pero I can see in his face na balisang-balisa siya. Tinanong ko siya if there is something wrong but there's no reply. Magdadalawang oras na and hindi pa rin siya mapakali... Hindi ko na kayang tiisin ang ikikilos ni Miguel kaya tinanong ko siya sa huling pagkakataon. 'Si Macky ba?' at sumagot siya ng oo. And he did not utter anything again. Nahihirapan siya subali't kailangan niyang lumisan papuntang Australia. One hour before his flight schedule. Inaya niya akong lumabas. I asked him why, he did not respond, and we went out of the airport. Nagsulat siya sa isang maliit na papel and he told me to contact you and give you the sheet of paper."
Nagpatuloy si Dave at nakinig na lamang ako sa kanyang isinasalaysay...
"We went our separate ways . Umuwi muna siya ng Laguna to leave his things, send an e-mail to his dad na hindi na siya tutuloy sa Australia kasi he decided to stay, and ako, I went to Manila to fetch you... Nais ka niyang sorpresahin na hindi na siya aalis. Naisipan niyang magmotor na lamang papunta sa Manila para magkita kayo. Malapit na ako sa inyo when I received a call asking me if I am the cousin of Mr. Eduard Miguel De Jesus. The news came in, sinugod siya sa hospital due to an accident and he is in a critical situation. Sa halip na pumunta pa ako sa inyo at ipagtanong kung saan ka talaga nakatira, I rushed to the said hospital. I saw Miguel covered with blood. I tried talking with Miguel. He told me, 'Please take care of Macky for me...'. Hinawakan ko ang duguan niyang mga kamay. Ang huling sinabi niya ay 'Tell Macky how much I love him'. Wala na akong narinig pa galing sa kanya. Pinalabas na ako ng ward at naghintay" Habang sinasabi ito ni Dave ay nangingilid ang kanyang mga luha. Nararamdaman ko ang kanyang emosyon. Hindi lamang ako ang may matinding pagdadalamhati, ganun rin si Dave.
"Iniabot sa akin ng nurse ang narecover na cellphone ni Miguel. Napansin kong tumatawag ka. Hindi ko ito sinagot upang hindi mo malaman muna ang nangyari kay Miguel sa pag-asang malalampasan niya ang nangyari sa kanya. Ayokong mataranta ka. Nguni't wala pang ilang sandali ay pinatawag ako ng doktora. Wala na si Miguel. Patay na siya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kumala't na ang balita maging sa telebisyon hinggil sa nangyaring aksidente dahil nalaman kong may mga media na dumating. Ilang sagli't pa ay narinig kong tumatawag ka. Ang akala ko ay nabalitaan mo na ang nangyari. Pero hindi ko pa rin ito sinagot sa sobrang kaba ko."
Nagitla ako sa aking narinig at nagbalik sa akin ang lahat. Si Miguel nga. Siya nga ang lalaking napanood kong naaksidente subali't inilipat ko agad ang estasyon ng telebisyon dahil sa ayaw kong makarinig ng ganoong klaseng balita. Napakalaki kong hangal! Hindi ko man lamang namalayan na nawala na pala sa akin ang taong mahal ko dahil sa katangahang pinairal noong gabing akala ko'y pag-alis ni Miguel papuntang Australia. Nagawa ko pang magpakalango sa alak ng mga sandaling iyon. Muli ay hindi ko napigilang umiyak. Niyakap ako ni Dave habang siya ay umiiyak rin. Wala na akong ganang tapusin pa ang aking proyekto.
"Naalala mo ang sulat na ibinigay ko sa'yo noong una tayong magkita? Iyon ang sulat na ibinigay sa akin ni Miguel. Kaya napansin mong sulat niya iyon. Ang stuffed toy na rabbit ay siya talaga ang bumili, regalo niya sa iyo na ipapabigay niya sana sayo pagka-alis niya. Sa kanya nanggaling ang lahat Macky, pinalabas ko lang na sa package ito galing sa Australia. I'm sorry Macky, I had to lie... Forgive me." Pagpapatuloy ni Dave habang yakap-yakap ako.
"Samahan mo ako Dave, bukas na bukas din aalis tayo".
Nagpasya akong puntahan ang kinahihimlayan ni Miguel at sinamahan ako ni Dave. Ito ang hiling ng ina ni Miguel, na ilibing siya sa kanilang bayan. Hindi ako pumasok sa aking mga klase masilayan lamang ang puntod ni Miguel. Nagpaalam ako kay mama at ang sabi ko ay may class outing kami. Ayokong magsinungaling kay mama subali't kailangan. Hindi pa panahon na malaman ng aking pamilya ang katotohanan tungkol sa aking pagkatao. Sinagot ni Dave ang aking pamasahe papuntang Legaspi City, Albay. Napatawad ko na rin si Dave sa pagpapanggap niya. Alam ko naman na hindi niya ito ginawa upang paglaruan lamang ako, bagkus, ginawa niya ito para kay Miguel. Mahaba-habang biyahe ito subali't kailangan ko itong landasin alang-alang sa isang sandaling makadalaw ako sa puntod ni Miguel...
Tinungo namin kaagad ang sementeryo. Wala masyadong tao, mangilan-ngilan lamang na dumadalaw sa mga yumao nilang mahal sa buhay, at ang supulturero na nagtatabas ng damo. Itinuro sa akin ni Dave ang puntod ni Miguel. Dahan-dahan akong naglakad sa madamong daan, wala pang araw ng mga patay, hindi pa masyadong nalilinisan. Madali naman namin itong natunton dahil hindi kalayuan sa pangunahing tarangkahan.
Tumayo muna ako sandali. Pinagmasdan ang lapida. Nakaukit ang pangalang Eduard Miguel De Jesus kasama ng kanyang araw ng kapanganakan at kamatayan. Inilapag ko sa puntod ang isang pirasong rosas at nagsindi ako ng kandila. Nanahimik sandali. Mataimtim akong nagdasal sa aking isipan.
"Miguel, kung saan ka man naroroon ngayon. Nagpapasalamat ako at dumating ka sa buhay ko. Ikaw ang nagbigay sa akin ng pinakamasasayang ala-ala. Ang unang lalaking nakapagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal. Kahit na hindi ito natupad dahil sa pagpanaw mo, masaya ako dahil nalaman kong mas pinili mo ako sa halip na sundin ang iyong ama. Kung ito ang kapalaran natin at itinadhanang hindi tayo magkatuluyan habang buhay... Malugod ko itong tatanggapin sa kabila ng matinding pighating naiwan sa aking puso..."
Matapos kausapin si Miguel sa aking isipan ay inilabas ko ang aming mga larawan. Hindi man ito ang orihinal na ibinigay sa akin ni Miguel ay sumasalamin pa rin ito sa aming mga nakaraan. Inilagay ko ito sa apoy ng kandilang nakatirik sa puntod ni Miguel.
Hinawakan ni Dave ang aking kamay upang pigilan ang aking ginagawa, "Anong ginagawa mo Macky?!"
"Nagpapaalam kay Miguel." tugon ko kay Dave habang nararamdaman kong pumapatak na naman ang aking luha.
"Hindi ko na kailangan ang mga larawang ito. Mananatili si Miguel sa aking isipan. Mas magandang sa puso ko na lamang siya hayaang mamuhay at hindi sa mga larawang ito..."
Pinagmamsadan kong magliyab ang mga larawan namin ni Miguel. Unti-unti, natutupok na ito ng apoy. Kasama nito ang paglaya ng aking puso mula sa kalungkutang bumabalot sa buo kong pagkatao dahil sa pagkawala ni Miguel. Tuluyan na itong maging abo at tinangay ng malumanay na ihip ng hangin. Hinawi ko ang mga tumulong luha sa aking mga mata. Tumalikod sa puntod ni Miguel at nilisan namin ni Dave ang pook ng kanyang himlayan. Muli sa aking isipan ay sinabi ko ang mga katagang,
"Paalam Miguel... Paalam.."
Matapos maganap ang lahat... Sa kasamaang palad, hindi naging kami ni Dave. Sa halip, kami'y naging matalik na magkaibigan. Tinanggap niya ang katotohanan na hindi ko siya magawang mahalin. Nguni't nariyan pa rin siya para sa akin sa oras na kailangan ko siya. Nagkaroon na rin siya ng sarili niyang kasintahan, at hanggang ngayon ay sila pa rin. Ako naman, nagsumikap mag-aral ng mabuti. Naghihintay pa rin ng lalaking muling magpapatibok ng aking puso na kagaya ng naramdaman ko kay Miguel. At lagi kong isinasaisip..
Hindi natin maiiwasan na sa kabila ng mga masasayang imahe nito, darating ang araw na kailangan nating tanggapin ang katotohanan. Ang katotohanan na ito ay mga bakas na lamang ng kahapon dahil kailangan na nating mamuhay para sa kasalukuyan, at yakapin ang paparating na bukang liwayway patungo sa hinaharap ng ating buhay..."
(Wakas ng Rainbow Series Season 1: Larawan)
(Abangan ang Rainbow Series Season 2: Rosas)
Posted by Yffar (^^,) at 5:38 AM 30 comments
Labels: Larawan Series, LGBT Stories
Larawan (part8)
Monday, August 25, 2008Habang dinarama ko ang kanyang mga labi, ako’y dumilat. Ang naaaninag ng aking mga mata ay si Miguel. Totoo ba itong nakikita ko? Oh pinaglalaruan lamang ako ng aking mga mata. Kaya napapikit akong muli. Subali’t nang buksan ko ang aking mga mata ay namulat ako sa katotohanan na hindi pala si Miguel ang aking hinahagkan. Si Dave. Nadala siguro ako ng pangungulila kay Miguel. Bumitaw ako sa pagkakayakap. Lumayo sa kanya at nagpaumanhin.
“I’m very sorry Dave..,” Inayos ko ang aking mga gamit, nagbihis, at akmang uuwi na. Palabas na ako ng pinto subali’t pinigilan ako ni Dave. “You don’t have to go. Please stay.”
“Pero Dave, mali ito. Maling-mali!” at hinawakan ko ang doorknob upang makalabas na sa silid nila Dave. Kailangan ko siyang iwasan sa gabing ito. Baka higit pa sa isang halik ang maganap. Ayokong mangyari ‘yon. Si Miguel pa rin ang mahal ko. Siya ang hinahanap-hanap ng puso ko at isinisigaw ng aking kaluluwa.
“Swear, it won’t happen again, just stay. I can’t let you go home in a night like this. Hindi mo alam kung gaano ako mag-aalala para sa’yo”. Kinuha niya ang aking mga gamit. Inilapag sa tabi ng kama. At inaya niya akong kumain. Dahil sa mga nangyari ay hindi ako masyadong umiimik. Walang kahit anong salita ang lumalabas sa aking bibig. Hindi ko magawang kausapin si Dave. Nahihiya ako. At halatang ganoon rin siya. Binasag ko ang katahimikan.
“May e-mail ka ba ni Miguel? Or kahit anong magagamit ko pala makipagcommunicate kay Miguel…”, tanong ko kay Dave.
Tumingin siya sa itaas, bumaling sa akin at nagsabing, “Yung old e-mail niya. Wala rin naman siyang binigay na ibang contact number. Try his YM.” At hindi na ako nagtanong pa. Paano ko makakausap si Miguel? Paano niya maipapangako sa akin na babalikan niya ako pagkabalik niya. Lahat ng sinabi ni Dave ay nasubukan ko nang gawin makausap lamang si Miguel subali't lahat ng pagpupumilit ko ay pagtatangka lamang at wala akong narinig na kahit ano pa man na galing kay Miguel.
Matapos kumain ay nagpasya kaming matulog na lamang. Nagbabalik pa rin sa aking gunita ang naganap kani-kanina lamang sa amin ni Dave. Baka makarating ito kay Miguel. Sana ay hindi ito ipagkalat ni Dave gaya ng pagtatago niya sa tunay na pagkatao ni Miguel. Ayokong makarating ito kay Miguel, baka magbago ang pagtingin niya sa akin. Hindi ko naman ito sinasadya at nadala lamang ako ng labis na paghahanap ko sa presensya ni Miguel. Nasa magkabilang panig kami ng kama at distansya ang pagitan. Ayokong mapalapit sa kanya.
“Good night, Macky.”
“Good night rin Dave”.
Bukang liwayway. Natapos na rin ang unos. Akala ko'y pinaghanda ako ni Dave ng makakain subali't nagkamali ako. Sinanay ako ni Miguel. Wala na nga pala si Miguel, nasa Australia na, at si Dave ang kasama ko, hindi siya.
"Oh, gising ka na pala", pagbati sa akin ni Dave. "Magbihis ka na at sabay tayong kumain sa convenient store sa kanto, hindi ako nakapagluto eh, sorry po".
Habang naglalakad papunta sa convenient store ay pinagmamasdan ko si Dave. Pasulyap-sulyap. Namamangha sa kanya. Sapagka't hindi niya hinayaang maulit kagabi ang nangyari sa amin. Maginoo naman pala siya kahit papaano at hindi lamang dakilang mahangin at pisolopo. Salamat na lamang at wala akong pasok ngayon at wala akong klaseng po-problemahin. Maari akong umuwi kahit anong oras ko gusto. Buong umaga ay magkasama kami ni Dave. Kinilala ko siya ng mabuti. Ayokong isang estranghero ang turing ko sa kanya at ganoon rin siya sa akin. Walang minutong hindi ako tumawa sa mga kuwento niya. Minsan may halong kapilyuhan, kakornihan, at higit sa lahat, ang pabirong kayabangan. Nakakatuwa naman siya. Kahit papaano'y nababawasan ang pangungulila ko kay Miguel dahil kasama ko siya.
"Oh siya, punta na tayo sa computer shop, i-save natin sa USB yung mga pics nyo ni Miguel, then try nating ipa-reprint na, para di ka na umiyak, masyado kang iyakin, hindi ka na bata", anyaya sa akin ni Dave na may halong pagpapatawa. Nang matapos kaming magpareprint ay hinatid na niya ako sa aming bahay. Siya pa lamang ang pangalawang lalaking sinama ko sa bahay at alam ang kinaroroonan nito. At katulad ng pagpapakilala ko kay Miguel, isa lamang siyang kaibigan. Dahil hindi alam ng mga magulang ko na ako'y isang bakla.
Lumipas ang ilang buwan. Kung kami pa sana ni Miguel ay isang taon na kami. Wala pa ring komunikasyong nagaganap sa pagitan namin ni Miguel. Dumating ang araw ng aming anniversary subali't wala pa ring Miguel ang nagparamdam. Kahit friendster account niya ay hindi na niya binubuksan. Si Dave rin ay wala raw kahit anong paraan upang makausap si Miguel. Kaya hanggang ngayon ay isinasaisip ko na lamang na sobrang dami ng kanyang ginagawa sa Australia kaya ganoon. Nahihirapan ako. Naubos na ang mga luha ko kakaiyak sa tuwing gabi bago ako matulog.Unti-unti, nasanay akong mamuhay na hindi umaasang magbabalik pa si Miguel. Si Dave na laging nariyan para sa akin ang siyang kasa-kasama ko sa bawat araw ng aking pangungulila. Siya ang nagpapasaya sa akin. Hanggang sa dumating ang punto na kinalimutan ko na si Miguel at naniwalang isang araw, kung kami talaga ang itinadhana, magiging kami uli't. Lahat ng agam-agam ko ay aking iwinaksi sa aking puso't isipan. Kailangan kong mamuhay ng wala si Miguel. Kahit na labis ang pagmamahal ko sa kanya. Mabilis lumipas ang panahon. Tinggap ko na nga ang katotohanang wala na kami. Hindi na nga ako gaanong minumulto ng ala-ala ni Miguel. At binuksan ko ang aking puso upang magmahal muli...
Habang kumakain ng meryenda sa isang kainan malapit sa eskwelahan... "Macky, I want to tell you something." nanahimik ako at nakinig sa kanya," I've fallen in love with you. Alam kong mahal mo pa rin si Miguel, and I'm not expecting you to love me back. At least nasabi ko sa'yo na mahal kita. Kaya kong maghintay kahit gaano katagal. I'm not in a hurry Macky, I will wait until you say, Yes".
At ito na nga ang simula ng panliligaw sa akin ni Dave. Ayokong maniwala sa simula subali't pilit niya itong ipinaparamdam sa akin. Hindi kagaya ni Miguel na mabilis akong napa-oo dahil sa kanyang pangunguli't. Ang gusto ko, higit ko pang makilala ang taong susunod na mamahalin ko. Ayokong masaktan. Araw-araw ay sinusundo ako ni Dave sa paaralan. Siya rin ang gumagawa ng iba kong proyekto na nangangailangan ng sining dahil likas na malikhain si Dave. Ilang rosas na rin ang ibinigay sa akin, at pinapadala sa opisina ng aming student organization. Hindi niya ito pinapangalanan na nanggaling sa kanya upang hindi ako mabuko sa eskelahan kung ano talaga ako. Walang kahit anong nangyari sa amin ni Dave. Nirerespeto niya ang aking desisyon na huwag muna hangga't hindi pa nagiging kami at hindi na nga nasundan ang paghalik niya sa akin noong unang napadalaw ako sa ika-dalawampu't tatlong palapag.Dahil sa isang proyektong kailangang tapusin ay nagpasama ako kay Dave sa bahay upang magpatulong sa isang paper mosaic na kailangang ipasa sa aking subject na "Art Appreciation". Dinalhan niya ako ng maraming pahayagan na maari naming gamitin sa paggawa ng nasabing proyekto. "Kapag natapos ang project mo, I'm sure na you'll get a 1 as your grade", pagyayabang ni Dave. Dito naman talaga siya magaling, sa ART. Sa aking pag-aayos ay binasa ko muna ang mga dyaryong bitbit ni Dave at ang ibang hiningi ko sa aking kapit-bahay. Lubhang may kalumaan na nga ang mga ito at maaring gamitin sa aking proyekto, mga magkakalahating taon na siguro. Sa totoo lang, hindi ako palabasa ng payagan sapagka't mahilig lamang ako na makinig ng musika at manood ng mga music videos. Binuklat ko isa-isa ang mga pahina. Hanggang sa napunta ako sa isang bahagi ng pahayagan.
Nabitawan ko ang dyaryong binabasa...
Nanginig ang buo kong katawan. Naitapon ko ang lahat ng bagay na nasa lamesa na gagamitin sana namin at nagkalat lahat sa sahig.
"Bakit Macky?!", nag-aalalang tanong ni Dave.Hindi ko na naman napigilan ang aking sarili at napaiyak... Pinulot muli ang dyaryo sa sahig at kinumpirma ang aking nabasa...
Pabulong kong inuusal...
"hindi... Hindi ito totoo...",
pumatak ang luha sa aking mga mata....
(Itutuloy)
Posted by Yffar (^^,) at 5:36 AM 23 comments
Labels: Larawan Series, LGBT Stories
Larawan (part7)
Sunday, August 24, 2008paunawa: bago basahin ang akdang ito ay basahin mo muna ang Larawan Part 6
“Miss, 23rd floor please”, paalala niya sa babaeng nagooperate ng elevator.
Medyo matagal-tagal na paghihintay ito sapagka’t halos lahat ng palapag ay may naglalabas-masok na mga okupante ng naturang gusali. Sa sobrang daming tao ay halos magkadikit ang katawan namin ni Dave. Medyo masikip ang espasyong aming ginagalawan sapagka’t hindi kalakihan ang elevator ng gusaling ito. Hindi ko sinasadya subali’t magkaharap kami ni Dave habang nakasakay sa elevator. Hindi ko mapigilang tumingin sa kanya at mamangha sa pagkakahawig nila ng bahagya ni Miguel. Nahuli niya akong tumitingin sa kanya at nakikita ko siyang nagbabalik ng ngiti. Medyo nahiya ako kaya tumingin na lamang ako sa mga pindutan ng numero at sa taas ng pinto ng elevator.
“19”.
“20”.
“21”.
“22”.
“23rd Floor”, sambit ng babae habang nagpapaypay.
Nasa ika-dalawampu’t tatlong palapag na nga kami. Sa wakas, nakalabas din kami sa di-mahulugang karayom na elevator. Naglakad kami patungo sa ikalimang pinto sa kanan mula sa nasabing elevator.
“2313”, ito ang room number na napansin kong nakalagay sa pintong bubuksan sana ni Dave. Inilabas niya ang susi at akmang ilalagay na sa door knob. Hindi pa man nabubuksan ni Dave ang pinto ay kusa itong bumukas.
“Kuya Steve, papasok ka na?”, tanong ni Dave sa lalaking nagmamadaling lumabas sa kanilang silid. “Siya nga pala, si Macky, friend namin ni Miguel.”
“Nice meeting you Macky”, at kinamayan niya ako. “Oh siya, mauna na ako, baka ma-late pa ako”
“Si Kuya Steve, he’s working in a call center sa Makati. Kaya laging ganitong oras kung pumapasok sa office”, pagpapakilala sa akin ni Dave kay Kuya Steve.
Mula sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko si Kuya Steve na naghihintay sa elevator.
“Anong work niya? Call Center agent?”, tanong ko kay Dave.
“Nope. Dati yun, after three months napromote. QA. Quality Assurance na siya ngayon”, at tumuloy na nga ako sa kanyang silid. “Ito ang room namin ni Kuya Steve, it’s not as big as the units in Laguna, lalo na kung icocompare sa tinutuluyan ni Miguel. Medyo may kamahalan rin dito. Pero I don’t have a choice. Dito ako nag-aaral and haggard pa kung araw-araw akong babiyahe.”
Tama nga si Dave, hindi kasing laki ng kuwarto ni Miguel ang unit na ito. Pero wala akong masabi sapagka’t masinop silang magkapatid at napapanatili nilang malinis ang silid. Napansin ni Dave na nilalamig ako kaya pinatay niya muna ang aircon. Ilang sandali pa ay binuksan ni Dave ang kanyang aparador at inabutan ako ng damit. “Magpalit ka muna”, anyaya sa akin ni Dave. Naalala ko tuloy si Miguel. Ganitong ganito siya noong una kaming magkita.
Kinapa ko ang aking wallet. Naalala ko nga pala na hindi ito gawa sa leather kaya kinabahan ako na baka maging mga laman nito ay nabasa na rin. Hindi ako nagkamali. Nalungkot ako sa nakita ko. Hindi lamang pera ang nabasa, maging ang mga larawan namin ni Miguel. Nagdikit-dikit at ang ibang mga imahe ay nasira na rin. Pinagmasdan ko ng matagal ang mga larawan. Napabuntong-hininga ako. Ayaw na ayaw ko pa naman na may nangyayaring masama sa mga bagay na ibinibigay sa akin.
Lumapit sa akin si Dave. Kinuha ang mga hawak kong larawan. “In life, wala ka nang magagawa sa mga bagay na nawala na. You may cry but you can’t bring them back”. Tiningnan ko si Dave nang matagal at bigla niyang sinabing, “But in this case, pwede mo namang i-recopy ang mga pictures nyo ni Miguel. Bukas na bukas rin ipapaprint ko siya sa mall. Ok?! Wag ka nang malungkot”.
Pumasok na nga ako sa loob ng banyo upang magbihis. Pagkalabas ko ng kubeta ay si Dave naman ang gumamit nito para magpalit ng damit. Habang hinihintay ko si Dave ay dumudungaw ako sa bintana. Mula rito ay kitang kita ko ang buong Kamaynilaan: ang buhul-buhol na trapiko, ang bahang lansangan, ang mga barko sa Manila Bay, at ang malakas na ulan na may kasamang pagkidlat. May bagyo nga ata. Paano ako makakauwi nito? Teka, nagri-ring ang phone ko. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko sa mesa at sinagot ito. Si Mama. Nag-usap kami ni mama na tila nag-aalala na rin.
“Hello Ma?”
“Mac, asan ka ba? Nag-aalala na ako dito. Ang lakas ng ulan. Anong oras mo balak umuwi?”
“Medyo stranded ako Ma, andito ako sa Vito Cruz sa bahay ng friend ko.”
“Kapag hindi tumigil ang ulan, stay there. Baka mapano ka pa. Ok?”
“Sige Ma”
At naputol na nga ang linya. Lumabas na rin si Dave sa banyo at nakasandong puti at boxers.
“Kailan kayo huling nag-usap ni Miguel?”, tanong ko kay Dave.
Napaisip siya ng matagal. “Magdadalawang Linggo na”, sagot sa akin ni Dave habang nag-aayos siya ng bed sheet at blanket.
“You mean, yung araw ng flight niya? Oh before nun?”
“The day ng flight niya”, at nahiga si Dave sa kamang inayos niya. “Ang dami mong tanong ah. Makulit ka nga talaga kagaya ng sinabi sa akin ni Miguel. Try to sleep at alam kong pagod ka.” Nagtalukbong ng blanket si Dave. “Teka, do you want the lights on or off?”
“Iwan mo na lang bukas ang ilaw”, Nahiga na rin ako sa kama at bahagyang malayo kay Dave. Nakatalikod rin ako sa kanya at hindi ako gumamit ng blanket dahil gamit na ito ni Dave.
“Hindi ka ba nilalamig?”, tanong sa akin ni Dave. Humarap ako sa kanya at nagsabing, “Medyo”
Nilagyan rin niya ako ng blanket. Magkasalo kami ni Dave sa iisang blanket. Kahit patay na ang aircon ay nilalamig pa rin ako.
Nang tingnan ko ang orasan ay magiika-siyam pa lang ng gabi.
Nagkatitigan kami ni Dave at nagtanong siya sa akin, “Inaantok ka na ba?”
“Hindi pa naman” tugon ko sa kanya.
“Nagugutom ka ba?”
“Medyo”
“Gusto mong kumain?”
“Ayos lang”
Hindi ano ano’y narinig namin ni Dave na tumunog ang sikmura ko.
“Hindi halatang gutom ka”, biro ni Dave habang tumatawa.
Binuksan namin ang refrigerator at nilabas ang mga sangkap na aming gagamitin.
“Marunong ka bang magluto?”, tanong sa akin ni Dave.
“Hindi eh. Ikaw?”
“Oo naman, bukod sa parehas kaming magandang lalaki ni Miguel, parehas din kaming magaling magluto”.
“Kapal naman ng mukha mo!”, at naghalakhakan kami ni Dave.
Nang handa na ang lahat ay magsisimula na kaming magluto ng hapunan.
“Gusto mo ng pasta?”
“Kahit ano basta makakain”, sagot ko kay Dave. Naalala ko ulit si Miguel. Lalo lamang akong nangulila sa kanya. Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam. Kahit tawag o email wala. Tinotoo na ba talaga niya na wala na kami? Nguni’t bakit pa niya ako pinababantayan kay Dave? Naguguluhan ako.
Habang nag-iisip ng mamalim ay hinawakan ni Dave ang aking mga kamay, pinahawakan ang kutsilyo, at ipinatong sa chopping board.
“Ok ganito magluto”, ginabayan niya ang aking mga kamay sa paghiwa ng mga sangkap. Nasa likod ko siya habang tituruan niya ako kung paano magluto. Nakakatuwa naman pa lang magluto. Akala ko mahirap. Hindi pa rin binibatawan ni Dave ang aking mga kamay at nanatiling nasa likod ko hanggang sa malagyan ko na ng sauce ng pasta.
Nagdadalawang isip ako sa pamamaraan ng pagbuhos ko ng sauce kaya bumaling ako kay Dave at nagtanong…
“Ganito ba?”
Hindi ko napansin na nakatingin lamang pala sa akin si Dave at hindi sinasadyang nagdampi ang aming mga labi. Natigil ako sa pagsasalita. Medyo matagal na magkadikit ang aming bibig. Naramdaman kong gumagalaw ang mga labi ni Dave at nagmistulang hinahalikan na ako. Humarap ako sa kanya at napayakap. Napapikit ako. Lingid sa aking malay ay gumanti rin ako ng halik…
(itutuloy…)
Posted by Yffar (^^,) at 4:17 AM 24 comments
Labels: Larawan Series, LGBT Stories
Larawan (part 6)
Tuesday, August 19, 2008paunawa: bago basahin ang akdang ito ay basahin mo muna ang Larawan Part 5
"Nagbalik ka na!". Sa labis na pagkasibik ko kay Miguel ay niyakap ko siya nang sobrang higpit. Nguni't ano ito? May napansin kaagad ako nang maglapait kaming dalawa. Iba ang amoy ng pabango niya. Hindi ito ang paboritong amoy ng pabango ni Miguel. Humarap siya sa akin at nagitla ako sa aking nakita. Hindi siya si Miguel. Pamilyar ang mukha niya subali't hindi talaga ito si Miguel! Tama... Naaalala ko na.. siya si...
"Huh?! Dave?!" agad kong tanong sa kanya at lumayo ng bahagya... "Anong ibig sabihin nito?!"
"Whoah! Cooldown Macky..", at inabot niya sa akin ang isang stuffed toy na rabbit "Here's Micky, ang rabbit nyo ni Miguel, at least this one won't die unlike the real thing.."
Hindi ko ito tinanggap at sa sobrang pagkainis ay naitapon ko ito pababa. Bakit alam niya ang tungkol kay Micky? At bakit siya ang naririto at hindi si Miguel. Gusto ko nang suntukin si Dave at nanggigigil na ang aking mga kamay. "Nasaan si Miguel?! At bakit gamit mo ang number niya?!".
Pinulot ni Dave ang stuffed toy at hinawakan muna sandali. "Macky, let me explain first..."
Hindi ko na siya pinatapos ng kung anuman ang sasabihin niya at naglakad ako papalayo sa kanya. Pinaglalaruan ba ako nitong si Dave? Oh mas masahol pa, pinaglalaruan lamang ba ako ng magpinsan! Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko at patuloy akong naglalakad papalayo.
Naramdaman kong sumunod sa akin si Dave sakay ng motor. Nag-overtake siya at hinarangan ang aking daraanan. Tumalikod ako upang iwasan siya nguni't hinawakan niya ang aking balikat at nagwikang, "Hey, sandali lang... You really are what Miguel told me. Napaka-impulsive mo. Pwede pagsalitain mo muna ako?"
"At anong kailangan kong malaman mula sa'yo?! Galit ako sa'yo Dave! Although hindi pa kita ganun kakilala and ang alam ko lamang eh pinsan ka ni Miguel. What the hell are you doing here anyway!", pagalit kong bulalas kay Dave.
"Miguel is still in Australia, but before he left. May hinabilin lang siya sa akin... Ikaw..", sagot sa akin ni Dave.
Namumutawi pa rin sa akin ang pagkadismaya, "At bakit ako hahabilin sayo ni Miguel, aber? Ano ako? Bata! At ano ka? Yaya?! Joke ba toh? Kasi hindi nakakatuwa! Bullshit! Lumayo ka nga sa harap ko at baka maupakan kita!"
"Cheer up Macky, Miguel did this for you. Can't you see, he loves you so much that he sent me to take care of you... I'm just doing a favor for Miguel". Inabot pa rin niya sa akin ang stuffed toy na rabbit. Huminga ako ng mamalim. Tinanggap ko ito. Baka nga naman may mahalagang sasabihin sa akin si Dave at pinaiiral ko lamang ang galit sa aking dibdib. Ganun naman talaga ang tao, kapag muhing-muhi, nawawala sa sarili. Pinagmasdan ko muna ang stuffed toy, oo nga, kahawig nga ni Micky, ang rabbit namin ni Miguel. Napatingin ako kay Dave at nakita kong nakangiti siya sa akin. "Now, can I explain?"
Pabuntunghininga kong sinabi ang, "Ano pa nga ba.."
"Before Miguel left for Australia, nag-usap muna kami. He wants someone na babantayan ka habang wala siya. I'm not here to replace Miguel, hehehe, as of now, siguro proxy muna kasi he will be very busy doing a lot of things during his stay sa Australia. Siguro I will just accompany you sa mga school works mo na ginagawa ni Miguel for you. Pero I'm warning you, hindi ako kasing talino ni Miguel... Alam ng lahat na he's genius... Pero ang lamang ko lang sa kanya eh looks and kapal ng mukha..." at ito na nga ang pagpapaliwanag ni Dave sa akin. Medyo mahangin din kahit papaano, pero sa tingin ko pinapatawa lamang niya ako dahil alam niyang naiinis ako sa ginawa niya.
"So alam mo....?" hindi ko napigilang magtanong kay Dave.
"I know everything... na kayo and how Miguel loves you? Tinago ko lahat sa pamilya namin, kasi katulad niyo rin ako. We both kept our secrets. Wala naman akong ibang mapagsabihan ng pagkatao ko kundi si Miguel. Kaya we promised to each other. Remember the night na nakita ko kayo sa bar?", at unti-unting nagbalik sa aking ala-ala ang lahat, " Tinatawagan ko si Miguel to confirm what happened that night. After mong umuwi the day after makita ko kayo sa bar, Miguel didn't buy anything that morning, nagkita kami. Nagconfess ako sa kanya kung ano ako, and siya, ganun rin. That was our vow. Kaya wag kang magalit sa akin. wala akong intensyong masama sa yo... Kasi you're Miguel's love interest."
Matapos sabihin ni Dave ang kanyang paliwanag ay medyo naging kampante ako sa kanya at napalagay ang aking loob. Pero marami pa rin akong katanungan... "Ang rose? Siya ba ang nagbigay nun? Yung sulat, alam kong sa kanya sulat-kamay yun. Bakit nasayo yung motor and cellphone niya?"
"Isa-isa lang. Ang dami mong questions. Una, yung rose na may note, kasama yan ng stuffed toy. That was a package from Australia, he wants me to give it to you kasi hindi naman niya pwedeng ipadala sa house nyo, right? Pinabibigay niya sayo. Special delivery from me. Pinalabas ko lang na ako si Miguel by texting you using his number para sure na magpunta ka. Then, yung motor and cellphone, he gave it to me. He can't bring it to Australia so inarbor ko na lang sa kanya. Anymore question Mr. Macky Acosta?" At alam niya talaga pati ang apelido ko. Mukhang lagi nga akong naikukuwento ni Miguel kay Dave. Matapos itong sabihin ay ngumiti na naman si Dave sa akin. Kagaya ng iniisip ko noong unang makita ko siya sa friendster account ni Miguel, gwapo nga talaga siya. Parehas silang magpinsan na may itsura. Hindi mo maitatagong magkamag-anak nga naman sila.
Inaya ako ni Dave na sumakay sa motor. Hindi kagaya ng ginagawa ko kay Miguel, hindi ko magawang hawakan ang likod ni Dave at mayakap. Una dahil nandito ako sa Maynila at makikita ako ng mga makakakilala sa akin, pangalawa, hindi siya si Miguel na nakasanayan kong kapitan upang makakuha ng balanse. Bumaba kami sa isang coffee shop na matatagpuan sa isang building sa Vito Cruz. Hindi ako mahilig sa kape kaya cold mocha na lamang ang inorder ko at si Dave naman ay mainit na kape ang binili. Kagaya ni Miguel ay hindi rin ako hinayaang bayaran ang mga mga inorder ko. Naupo kami sa labas ng nasabing coffee shop. Nagkwentuhan kami at hindi ko napansin na marami-rami na pala kaming napag-uusapan. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang patawanin ako. Siyempre ang topic, si Miguel. Unti-unti ay nakalimutan ko ang mga nangyari kanina. Kung pagkukumparahin silang dalawa, si Miguel and tipong tahimik at malalim na tao at si Dave naman ang kanyang kabaligtaran, kwela at ubod ng kulit. Maggagabi na nang matapos ang aming usapan.
"Pwede ba kitang ihatid sa inyo... It's a part of our bargain to keep you safe." alok sa akin ni Dave... natawa na lang ako sa kanya at sumagot ng "Hindi na, kaya ko na ang sarili ko..."
Nakalabas na kami ng coffee shop nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Dali-dali kaming bumalik papasok at basang basa dahil sa hindi inaasahang pag-ulan... Tiningnan ko ang laman ng aking bag at hinanap ang payong na dinala ko.
"Shit!", bigla kong nabanggkit
"Bakit? anong nangyari?", tanong ni Dave.
"Yung payong ko naiwan sa mall kanina. Wala akong gagamitin", natataranta kong tugon kay Dave.
"Well, what can be worst than that? Ang swerte mo naman.... Hahahaha", pabirong banat sa akin ni Dave.
"Hindi oras para magtawanan... paano ako makakauwi niyan..." Hindi pa rin ako mapakali... Bukod sa wala na akong payong, basang-basa pa ang aking mga damit. Magkakasakit ako nito. Grabe naman itong araw na ito. Naunsiyame na nga ang inaakala kong pagkikita namin ni Miguel, tapos medyo minalas pa ata ako... Biglang kinuha ni Dave ang bitbit kong bag at inanyayahan ako..
"if you want, magpatila ka muna ng ulan sa amin.. Magpatuyo ka muna ng damit at rest. Pag tumigil ang ulan, i'll let you go home."
"at paano kung hindi tumigil ang ulan?" kantyaw ko sa kanya.
"the last resort would be buying you a new umbrella or you can ride a cab pauwi", tugon niya sa akin...
"teka... pano tayo pupunta sa inyo? tatakbo tayo sa ulan? magmomotor papuntang bahay niyo? saan ka ba nakatira".... tinanong ko siya ng paulit-ulit.
Itinuro ni Dave ang gusaling kinatatayuan mismo namin.
"Dito, sa 23rd floor. I live here. Nasa taas yung condo unit namin ng kuya ko. Tara... Let's take the elevator sa right side ng building na toh. "
(itutuloy...)
Posted by Yffar (^^,) at 7:26 AM 25 comments
Labels: Larawan Series, LGBT Stories
Larawan (part 5)
Thursday, August 14, 2008
Isang linggo bago ang ika-pitong monthsary namin ay nagkita kami ni Miguel sa isang mall dito sa Maynila. Inaya ako ni Miguel na mag dinner date dahil may mahalaga raw siyang sasabihin sa akin. Maulan noong gabing iyon. Naririnig ko pa rin ang kulog kahit nasa loob na kami ng naturang mall. Mag-iika-walo na ng gabi at sabay kaming kumain ng hapunan sa isang restaurant sa unang palapag. Nang kami'y matapos nang makakain ay tinawag niya ang waiter upang bayaran ang bill. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Parehas kaming walang imik. Naghihintay ako sa kung anumang bagay ang isisiwalat niya sa akin. Sana huwag niyang sabihing nabuntis niya si Mika, ang ex-girlfriend. Oh, God! Huwag naman
"Macky, I have something to tell you..."
Hindi ito naipagpatuloy ni Miguel at ako na lamang ang nagtanong ng...
"Mahal, kung ano man ang sasabihin mo, makikinig naman ako sa iyo", kahit sa likod ng aking isipan ay hindi ko pa rin maalis ang kaba at makakaya ko bang tanggapin ang tila napakahalagang balita na sasabihin ni Miguel. At ilang sandali na nga ay nagpatuloy na siya sa pagsasalita.
"Remember my dad?", tanong ni Miguel sa akin.
Napa-isip ako ng malalim. Ang tatay ni Miguel? Yung nasa
"He wants me to continue my studies in
Sa aking narinig ay bigla akong panandaliang natulala. Iiwan ako ni Miguel? Dahil ito raw ang hiling ng ama niyang may taning na ang buhay. Hindi ko ito mapaniwalaan nang marinig ang balitang ito na galing sa lalaking mahal ko. Kung kailan masayang masaya na ako sa piling niya ay bigla na lamang matatapos ito na parang isang panaginip? At
Hinabol ako ni Miguel. Lalo kong binilisan ang aking paglalakad at hindi ko siya pinapansin. Habang tinatahak ang isang landas na hindi ko alam kung saan ako patutungo ay kasabay nito ang pagtulo ng aking mga luha. Hindi pa rin tumitila ang ulan. Ginaw na ginaw na ako subali't hindi ko ito iniinda sa sobrang pagkagulat sa mga biglaang pangyayari. Nakarating na nga ako sa isang tulay na malapit na sa Palasyo ng Malacañang na may kalayuan na sa mall. Napatigil na lamang ako sa paglalakad dahil naabot ni Miguel ang isa kong kamay at hinila papalapit sa kanya.
"Macky, listen to me first!", pasigaw na sinabi sa akin ni Miguel. Wala akong reaksyon sa mga winiwika niya at nakatingin lamang ako sa malayo. Tinatanaw ko ang hangganan ng ilog na parang wala sa sarili.
"If it's not important, I won't do it", patuloy na pagpapaliwanag ni Miguel sa akin.
"At ano ako? Wala ba akong importansiya? Laguna nga at Maynila nalalayuan na tayo, Pilipinas at
"Don't be childish Macky, can't you understand?", patuloy niya. " Despite the distance nagmamahalan pa rin naman tayo. Ang pinagbago lang, dagat na ang pagitan natin. Pero I have to end this relationship. I'm giving you your freedom para kung makahanap ka ng ibang taong mamahalin, malaya ka. Pagkagraduate mo you can go there, or susunduin kita dito sa Pilipinas. Maghahanap tayo ng lugar na kahit walang same sex marriage, mapagtiyagaan natin ang civil union kahit papaano. We will be together. It may take that long pero it's all worth it. Kailangan ko lang gawin ang mga responsibility as a son to my father. If we're really meant to be, magkikita't magkikita tayong muli. Kapag ayos na ang lahat ako mismo ang gagawa ng paraan para balikan ka". Unti unting tumila ang ulan. Umaaliwalas na ang kalangitan at kahit papaano'y nasisilayan ko na ang buwan.
Parehas kaming basang basa ni Miguel dahil sa ulan. Humarap ako sa kanya at tinitigan ko siya ng matagal. Nagwika ako sa kanya ng , "I need you here beside me. Mahihirapan ako na wala ka sa tabi ko. Pero sige, If I have to do all the sacrifices, maghihintay na lamang ako na magkasama tayong muli". Labag man sa kalooban ko ay kailangan kong tanggapin ang katotohanan na kailangan na naming maghiwalay.
"Parehas tayong may sacrifices na gagawin, dahil mahal na mahal kita Macky. Alam mo yan at sana'y naparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal", nang sabihin ni Miguel ang mga katagang ito ay niyakap niya ako at hinalikan. Nasaksihan ito ng mga dumaraang mga jeepney, truck, at iba pang mga sasakyan. Iba't ibang reaksyon ang aming natanggap. May mga sumigaw ng "Hoy! Mga Bakla!" at gusto kaming batuhin ng bote ng mineral water, may mga naglalalakad sa harapan namin at sobrang sama kung tumingin, at may mangilan-ngilan na kinikilig habang nakatingin sa amin. Sa kabila ng mga negatibong reaksyon na pinamalas ng mga nagdaraan ay humarap siya sa ilog at isinigaw niya ang "MACKY I LOVE YOU!". Ako na mismo ang nahihiya para sa kanya dahil baka kung ano na lamang gawin sa amin ng mga tao. Wala kami sa Quezon City, nasa Maynila kami at walang anti-discrimination law na poprotekta sa amin kung sakaling bugbugin kami ng mga taong makikitid ang utak.
Dahil sa hindi maaring magpalipas ng gabi si Miguel sa amin ay nagrenta kami ng lugar na matutuluyan sa loob ng labindalawang oras. Nagpatuyo kami ng mga damit at nagpahinga. Sinabihan niya ako na sa isang linggo na ang flight niya papuntang
“Mahal, ihahatid mo ba ako sa airport?”, tanong sa akin ni Miguel. Tinitigan ko siya ng matagal at saka ko siya sinagot, “Hindi, ayokong makita kang paalis. Masasaktan lamang ako. Mas mabuti pang huwag na lang. Ang gusto ko, kapag pupunta ako sa airport ay ang araw na sasalubungin kita dahil babalik ka na dito sa Pilipinas.”
Ilang araw na nga ang lumipas matapos naming magkita ni Miguel.
Sa araw mismo ng flight si Miguel ay napagpasiyahan kong uminom at magpakalasing. Tamang tama. Wala sina mama at papa sa bahay. Ang mga kapatid ko ay umuwi muna ng probinsya. Kaya kong umiyak hangga’t gusto ko. Dahil kapag nandito sila, hindi ako maaring magpakita na umiiyak ako. Hindi nila alam kung ano ang tunay na dinaramdam ko. Wala silang ideya na bakla ako. Dahil nga sa hindi ko gusto ang lasa ng beer ay napilitan akong uminom ng brandy habang nanonood ng tv...
"My hair just feel better and better. Thanks to...", commercial, puro na lang product endorsements. Halos kalahati na lang ng mga palabas sa telebisyon ay kinukunsumo ng mga ardvertisements.
"Flash Report: Isang lalaking nakasakay sa motor, naaksidente", balita? mas ayoko munang makarinig ng balita. Hindi naman nakakatulong sa mga personal na problema ko ang mga balitang napapanood ko.
"Senior
At nailipat ko na nga ang istasyon ng tv sa Myx, kung saan may isang baguhang mang-aawit ang bumuhay ng lumang awitin. Hindi ko na ito nasimulan subali't naiyak ako habang pinakikinggan ang awitin...
"KUNG ALAM KO LANG,
NA AKO AY MASASAKTAN,
DI NA SANA KITA INIBIG,
DI NA SANA HINAYAAN ANG PUSO,
PUMINTIG PARA SA'YO.
KUNG GANON DIN NA
DI NA
SANA'Y DI NA LANG...
KUNG ALAM KO LANG. "
Isa itong lumang tugtugin at ngayon ko lamang ito nagustuhan. Alam ba ng lumikha ng awiting ito na ito ang nais isigaw ng puso ko ngayong gabi at nilikha niya ito para sa akin? Bawat salita, bawat mensahe, katulad na katulad ng pighating namumutawi sa aking damdamin dahil sa paglayo ng taong mahal ko. Kailangan ko bang magsisi dahil minahal ko si Miguel? Oh kailangan kong matuwa dahil kahit papaano’y dumaan siya sa aking buhay at pinaramdam kung papaano magmahal at mahalin.
Napagpasiyahan kong tawagan si Miguel sa kanyang cellphone subali’t hindi niya ito sinasagot. Malamang ay nakasakay na ito ng eroplano. Pinadalhan ko na lamang siya ng mensahe sa text, nagbabakasakaling mabasa pa ito ni Miguel. “Paalam Miguel. Paalam… Hanggang sa muli nating pagkikita.”. Matapos maipadala ang mensahe ay nakaramdam na ako ng matinding antok at sakit ng ulo. Sa kalasingan ay nakakatulog na ako, subali’t kahit pigilan ko ay kusang pumatak ang aking luha…
Balik na naman sa normal ang aking buhay. Gigising… Maliligo… Papasok… Uuwi… Mag-aaral… Matutulog… Tiningnan ko ang friendster subali’t nakikita ko sa profile ni Miguel na matagal na itong hindi nagbubukas ng kanyang account. Kahit mensahe ay wala. Sadya bang kinalimutan na ako ni Miguel? Subali’t may pangako siya sa akin na kahit hindi na kami ay magkikita kami at siya mismo ang gagawa ng paraan. Pati ba ang mga pangakong iyon ay nakalimutan na niya? Mag-dadalawang linggo na rin ang lumipas…
Sa aking pag-iisa habang nakatingin sa soccer field, kung saan una akong nakatanggap ng text galing kay Miguel ay pinagmamasdan ko ang aming mga larawan. Hindi ko mapigilang malungkot habang inaalala ang mga masasayang araw na aking pilit na binabalik-balikan. Biglang tumunog ang aking cellphone.
“1 Message Received”.
Hay naku… Isa na naman sa mga quotes na galing sa mga alaskador kong kaklase. Pero binuksan ko ito at binasa…
Nagulat ako kung sino ang nagpadala ng mensaheng ito. Ang numero ng cellphone na ito ay ang numerong inaasam asam kong magpadala ng mensahe sa akin. Ito ang numero ni Miguel! Nandito na siya galing ng
“Kita tayo sa SM Manila now”
Nireplyan ko siya at sinabing “Sa Mcdonald na lang tayo magkita”
Hindi na ako nakatanggap ng reply sa kanya nguni’t dali-dali akong nagtungo sa SM
At ngayon nga ay nandito na ako at naglalakad patungo sa tulay na nasa likod ng Mall. Sabik na sabik na akong makita si Miguel. Natunton ko na nga ang tulay. Nakita ko ang isang lalaking matangkad at nakatalikod. Katabi niya ang isang motor. Mukhang nagbago ata siya ng ilang parte subali’t alam kong kay Miguel ito dahil parehas ang plate number nito. Nakatayo siya mismo kung saan ako niyakap ni Miguel at pinagsigawang mahal niya ako. Nguni’t sa pagkakataong ito ay ako naman ang yumakap sa kanya mula sa likod…
“Miguel! Mahal ko!”…
(itutuloy)
Posted by Yffar (^^,) at 9:13 AM 26 comments
Labels: Larawan Series, LGBT Stories
Larawan (part 4)
Wednesday, August 13, 2008Natapos na ngang maligo si Miguel at lumabas siyang tuwalya lamang ang nakabalabal. Sabay kaming nag-almusal at naikuwento ko nga sa kanya na tumatawag si Dave at nagpapadala ng mga text messages sa kanya. Subali’t sinabihan na lamang ako ni Miguel na huwag na lamang itong pansinin dahil siya na raw ang bahalang dumiskarte sa anumang mangyayari. Habang nasa hapag-kainan ay sinusubuan pa ako ni Miguel ng pagkain, at ganun rin ako kay Miguel. Inabot ko kay Miguel ang kanyang cellphone at binasa niya ang kanyang mga mensahe. Hindi ko napigilang magtanong kay Miguel.
“Anong sabi ni Dave?”
“Wala naman, sabi lang niya na nakita niya tayo, that’s all.”, pagkasabi niya nito ay binaba na niya ang cellphone niya sa lamesa at nagpatuloy sa pag-aalmusal.
“What time ka uuwi Macky? Gusto mong ihatid kita hanggang sa terminal ng bus?”, alok sa akin ni Miguel.
“Ay huwag na, nakakahiya naman sayo…”, tanging naitugon ko sa kanya sa sobrang hiya dahil sa simula pa lang ay wala na siyang ginawa kung hindi ang asikasuhin ako.
“Alam kong yan ang isasagot mo sa akin, pero anong magagawa mo if I insist? Binalik na ni Kuya Ikoy yung motor kanina lang. Tamang tama lang kasi may bibilhin ako sa bayan ”, patuloy na pangungulit ni Miguel sa akin. Hindi na ako nakahindi. Para naman akong babae nito, hinahatid pa. Naligo na ako pagkatapos kumain upang makapaghanda sa matagalang biyahe. Napakabanidoso rin nitong si Miguel at sobrang daming mga abubot ang nilalagay sa katawan. Matapos maligo ay pinahiram na naman ako ni Miguel ng mga damit. Kung bibilangin ko ay nakakatatlong damit na ang binigay niya sa akin. Ayaw niya daw akong pagsuotin ng damit na nagamit ko na. Hindi ko na pinatagal kasi binibigyan na niya ako ng scientific explanation kung bakit at ayokong nakikinig sa kahit anong tungkol sa agham.
Lalabas na nga kami nang biglang sinara ulit ni Mguel ang pinto at niyakap niya ako ulit.
“I will be missing you Macky…”, pabulong na binanggit sa akin ni Miguel.
“Ako rin Miguel, mamimiss rin kita”, sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Naintindihan ko si Miguel. Ito na ang pamaaalam niya sa akin sa araw na ito sapagka’t hindi na namin ito kayang gawin pagtapak sa labas ng kanyang silid. Hindi namin napiligilan na halikan ang isa’t isa na mukhang nagtagal ng ilang minuto. Matagal-tagal din kaming hindi magkikita ni Miguel at ngayon pa lamang ay nananabik na akong siya'y muling makita.
Bubuksan ko na sana ang pinto nguni’t pinigilan ako ni Miguel at tinanong ako,
“Will you be my buddy?”
Napaisip muna ako saglit. Kailangan ko na bang sagutin si Miguel? Huwag muna siguro. Kailangan may patunayan muna siya sa akin. Masyadong mabilis ata kung papayag ako kaagad. Kahit na nahulog na ng lubusan ang kalooban ko sa kanya ay hindi pa rin ako sigurado kung kailangan na bang maging kami. Kaya ang tanging naisagot ko sa kanya ay , “ … Pag-iisipan ko muna.”.
Ngumiti na lamang si Miguel sa akin at siya na mismo ang nagbukas ng pinto upang makalabas kami. Kagaya ng unang pagkikita namin ay iniangkas niya ako sa kanyang motor. Mabilis ang pagpapaandar niya ng motorsiklo at ang sarap ng bawat dampi ng hangin sa aking mukha. Nakarating na nga kami sa terminal ng bus. Parang ayaw ko pang sumakay at tila pinipigilan mismo ng aking mga paa ang pagtapak nito sa hagdan ng bus.
Nang napagdesisyunan ko nang sumakay ng bus ay nagkuhaan muna kami ng picture gamit ang kanyang cellphone. Akala ko’y pamamaalam na ito subali’t bigla na lamang sumabay sa pagpasok sa bus si Miguel na aking ikinagulat.
“Anong ginagawa mo?”, tanong ko sa kanya.
Naupo siya sa aking tabi at inakbayan niya ako. Binulungan niya ako ng, “Hindi ako bababa rito hanggang hindi mo ko sinasagot…. Ano? Dare?”
“Ano ka hilo?!”, pagulat kong nasabi sa kanya. Malapit nang umandar ang bus na sinasakyan ko at nagpapahiwatig na ang konduktor.
“I’m not kidding Macky… Hindi ako bababa unless sagutin mo ko ngayon din…”, patuloy na pangungulit ni Miguel.
Gumagalaw na ang bus at malapit nang ipinid ang pinto ng bus. Medyo kinakabahan na ako dahil nakatingin na sa amin ang ibang mga taong nakasakay sa bus.
“Yes lang or no Macky…”, tanong ulit sa akin ni Miguel. Sa sobrang taranta ko ay napasabi na lamang ako ng, “Oo na! Sige na!”.
Nang sambitin ko ang mga katagang iyon ay binulungan ako ulit ni Miguel at nag-I love you at bumaba na siya ng bus. Kinikilig naman ako sa ginawa niya. Hindi ako makapaniwalang kami na. Pinakikiramdaman ko ang dibdib ko at mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga nangyari. Siya pa lang ang namumukod-tanging lalaking gumawa ng ganoong bagay. Mula sa bintana’y sinusulyapan ko siya at binabantayan pa rin niya ako ng tingin hanggang sa makaalpas na nga ang bus papalabas ng terminal. Medyo nakakalayo na ang bus ay nakita ko si Miguel na sumakay na siya sa kanyang motor. Dahil sa matagal ang biyahe ay hindi ko napigilang makatulog… Kahit sa panaginip ay si Miguel pa rin ang laman ng aking isipan; ang kanyang mga ngiti, yakap, at mga halik na bumuhay sa aking damdamin. Mahal ko na yata talaga siya. Pagkarating ko sa bahay ay napansin kong puno ang aking cellphone na galing kay Miguel. Puro ito "I love you", "ingat ka lagi", at iba pang mga sweet lines. Simula noon ay lagi nang may buhay ang cellphone ko na dati'y mga quotes lamang na galing sa aking mga kaibigan at nakakabagot basahin. Ang tawagan namin ay "Mahal", napakapayak na tawagan ng mga magsising-irog. Dahil kay Miguel ay nagkaroon ako ng mga ala-alang sobrang itatago ko bilang kayamanan sa aking kamalayan…
Nagbalik na naman ang aking diwa sa kasalukuyan mula sa pagbaybay niya sa nakaraan. Nababagot na ako sa kakahintay kay Miguel dito sa SM Manila at naubos ko na ang mga inorder kong pagkain. Tiningnan ko ang dalawa sa mga larawang nasa lamesa, ito ay ang larawan na magkahalikan kami ni Miguel at ang kuha namin sa terminal ng bus. Mga masasayang araw… Matagal akong napatitig sa mga nasabing larawan. Sa aking pag-iisa ay may crew, pero hindi siya sa McDonald nagtratrabaho dahil sa uniporme nito, at nag-abot sa akin ng isang pirasong rose na may nakalagay na sulat.
“Macky, meet me dito sa bridge, remember this place? Kung saan pinagsigawan ko na mahal kita.- Miguel”
Sulat kamay nga talaga ito ni Miguel. “Sinong nagbigay nito?”, tanong ko sa crew. “Ah, yung lalaki kanina, yung medyo matangkad, pinadeliver po niya yan sa amin”, ang sagot sa akin ng binatilyo. Hindi ko na tinanong kung anong pangalan ng nagpadala ng rosas. Nang makaalis na ang nagdeliver ng rose ay inilagay ko ulit ang aming mga larawan sa aking bulsa at inihanda ang aking sarili upang puntahan si Miguel kung saan kami magtatagpo. Habang naglalakad ay nagbalik muli sa aking ala-ala ang aming mga masasayang kahapon…
Mag-aanim na buwan nang kami ni Miguel...May mga pagkakataon pa nga na sa halip na ako ang magpunta ako sa kanila ay siya na mismo ang lumuluwas ng Maynila magkasama lamang kami. Dahil sa hindi siya legal sa amin ay umuupa na lamang siya ng apartel at lahat ng gastos ay siya ang umaako. Kapag nakakaluwag ako ay ako ang pumupunta ng Laguna at panandaliang tumutuloy sa kanila. Niregaluhan pa nga niya ako ng isang rabbit at pinangalanan namin itong “Micky”, pinagsama ang aming pangalan na Miguel at Macky. Napakasweet talaga nito ni Miguel sa akin. Kaya ng namatay ang alaga naming si Micky ay labis akong nanlumo dahil lahat ng bagay na ibinigay sa akin ni Miguel ay napakahalaga sa akin. Minsan naitanong ko sa kanya kung mahal ba talaga niya ako, at ang lagi niyang sinasagot sa akin ay. "Oo naman, isn't it obvious?", at hahalikan na lamang niya ako sa labi. Sabagay. Hindi naman siguro siya tanga para dumayo para lang makipagkita sa akin kung hindi diba? Marami na rin siyang sakripisyo para sa akin. Ganun rin naman ako, hanggang kaya ko ay pinaparamdam ko talaga sa kanya na mahal na mahal ko siya. Isa pa sa mga nakakatuwang bagay na ginagawa sa akin ni Miguel ay sa tuwing magkasama kami ay siya na rin ang nagsisilbing private tutor ko at siya na rin mismo ang gumagawa ng mga assignment ko. Sobrang swerte ko sa kanya at siya na nga ata ang biyayang hulog sa akin ng langit. Sana ay matagal ko nang nakilala si Miguel. Nguni’t isang araw ay nagulat na lamang ako sa balitang ibinahagi sa akin ni Miguel na halos ikagunaw ng aking mundo…
(itutuloy…)
Posted by Yffar (^^,) at 5:03 AM 28 comments
Labels: Larawan Series, LGBT Stories
Larawan (part 3)
Sunday, August 10, 2008“Kanina pa kita hinahanap… Sinong kausap mo?”, tanong ko sa kanya.
“Ah, si Mika, yung ex-girl friend ko.” tugon niya sabay inaya niya ako papasok ng kwarto upang kumain.
Hindi ko na lang ito pinansin, kung sabagay, ex-girlfriend niya naman ito. Matagal na silang wala. Ano pang mamamagitan sa kanilang dalawa. Pagkapasok ng kanyang silid ay inayos niya ang hapag-kainan at kumain na kami. Masarap ang pagkakaluto ng pagkain. Kaya tinanong ko siya.
“Sinong nagluto nito? Ikaw ba?”
“Yes, ako nga. Habang natutulog ka niluto ko yan. Ang lakas mo maghilik ah. Pero don’t worry, cute ka pa rin kahit para kang Lion kapag natutulog.”, pabiro niyang banat.
“Kahit kailan bolero ka talaga!” sabay pinisil ko ang kanyang pisngi na tila nanggigigil.
Nang matapos na kaming kumain ay nagbihis kami ng pang-alis. Pinahiram na naman niya ako ng masusuot dahil wala naman akong baong damit. Mukhang mamahalin nga talaga ang mga kasuotan niya. Branded.
Inalok niya ako ng, “Kung gusto mo yang polo shirt na yan. It’s yours.”
“Talaga? Bibigay mo sakin toh?,” ang patanong kong sagot sa kanya.
“Of course, take it as a gift from me. Para kapag suot mo yan, sana naaalala mo ako”.
Hay… Kinilig na naman ako. Pinahiram niya rin ang isa sa kanyang mga pabango. Matapos niya akong malagyan nito ay inilagay niya ang pabango sa loob ng aking bag at sinabi na akin na rin daw iyon. Nakakatuwa siya na kahit ngayon lang kami nagkita ay napakabait niya sa akin. Nang handa na kaming dalawa ay nagtungo na nga kami sa bayan. Hindi na kami nagmotor sapagka’t hindi pa nababalik ni Kuya Ikoy ang motor ni ni Miguel.
Mukhang may pagdiriwang. Ito raw ang lugar sa Laguna na katumbas ng Malate. Hindi man kasing dami ng mga bars sa Malate ay mukhang mag-enjoy ako nito. Pumasok kami sa isang bar. As usual, nag-order lang ako ng iced tea at si Miguel naman ay nag-beer. Ayoko ng lasa ng beer, mapait at tila nagtatagal sa aking dila. Naupo kami sa isang bakanteng mesa. Nakikinig ng mga tugtuging naririnig ko rin sa Malate.
Tiningnan ako ni Miguel at tinanong ng…
“Paano ka malalasing niyan? Eh iced tea lang ang iniinom mo?”
“Hindi mo gustong makitang lasing ako…”, pangiti kong sinagot sa kanya kahit na ang dahilan ay hindi ko lang talaga trip ang lasa ng san mig light. Ilang sandali na lamang ay inaya niya akong sumayaw. Hinawakan niya ang kamay ko at tumayo kami mula sa kinauupuang mesa. Pasimple lang kaming sumayaw. Sa simula’y magkalayo. Unti-unti ay papalapit kami sa isa’t isa. At sa bandang huli ay magkadikit na ang aming mga katawan. Dibdib sa dibdib. Tiyan sa tiyan. Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa aking bewang at ang aking mga kamay ay inilagay ko sa kanyang mga balikat. Medyo nakatingala ako sa kanya dahil lamang siya sa akin ng tangkad. Sa saliw ng nakakaindak na tugtugin ay sumayaw kami ng walang humpay at hindi alintana ang mga taong nakapaligid sa aming dalawa. Nakarami na nga yata siya ng nainom si Miguel dahil ramdam kong lango na siya. Pinaupo ko muna siya sa takot na bigla na lamang siyang matumba. Nag-order siya ng french fries dahil alam niyang ito ang paborito kong pagkain at sa halip na iced tea ay lady’s drink na ang inuming inorder ko sa waiter. Aba! Binabasa nga talaga niya ang profile ko sa friendster alam niya lahat ng gusto ko.
Sa ‘di kalayuan ay may nakita akong pamilyar na mukha. Nakatingin siya sa amin ni Miguel. Hindi ako maaring magkamali. Si Dave, ang nasa picture na nakita ko kanina na pinsan daw ni Miguel. Natakot ako sapagka’t kasama ako ni Miguel. Paano kung hindi alam ng mga kamag-anak ni Miguel kung ano siya at nasaksihan ni Dave na magkayakap kami ni Miguel habang sumasayaw. Pabulong kong sinabi kay Miguel ang nakita ko. Nang tiningnan ko ulit si Dave ay lumabas na ito ng bar. Wala na ang nasabing pinsan ni Miguel. Binayaran niya ang lahat ng ginastos naming sa bar. Hindi niya ako hinayaang maglabas ng kahit ano sa aking wallet. Inaya na akong umuwi ni Miguel.
Pumara siya ng taxi. Hindi na kasi niya kayang maglakad ng tuwid. Kahit ako’y medyo nahihilo na rin. Pagkarating sa bahay ay humiga siya kaagad sa kama. Dahil sa hindi ako ang masyadong nakainom ay ako na ang nag-asikaso sa kanya. Kumuha ako ng towel at binasa upang ipunas ko sa kanyang katawan. Pinagpapawisan si Miguel, kaya nagpasya akong hubarin sa kanyang katawan ang suot niyang damit. Napatitig ako sa katawan niya. Well-built ika-nga na ebidensyang laman siya ng gym. Patuloy ko siyang pinunasan…
Nang lalayo ako upang basain muli ang towel ay hinila ako ni Miguel. Dahil sa kalasingan ay nawalan ng balanse ang aking katawan. Niyakap ako ni Miguel gaya ng pagyakap niya sa akin kanina nguni’t mas mahigpit pa. Titigan niya ako ng matagal at nagsabi ng…
“Macky, I love you…”
Hindi ako makapaniwala. Sa maikling panahon sasabihin niya na mahal na niya ako. Limang araw pa lamang kaming nagkakausap at ngayon lamang kami nagkita. Magsasalita pa sana ako na tanda ng hindi pagsang-ayon nang bigla pa siyang magsabi na…
“It doesn’t matter how long we’ve known each other. Noong makausap kita a few days ago… Natuwa ako sayo. I was amazed by your personality. Unti-unti ginusto kong makita kita, kaya kita pinilit na magpunta rito upang makilala kita. For a short period of time narealize ko na ikaw na nga ang unang lalaking gusto kong mahalin… Kanina, I think it was love at first sight. Kaya hindi ko napigilang i-kiss kita.”
“Miguel, lasing ka lang, hindi mo alam ang pinagsasabi mo…”, ito ang tanging nasambit ko sa kanya dahil ayokong maniwala sa kanya.
“No! I may be drunk pero lalo kang maniwala kapag nakainom ang isang tao. Hindi ba mas nasasabi ng lasing ang lahat ng gusto niyang sabihin? I’m telling the truth Macky, I really love you.” At hinalikan niya ako sa labi…
Hindi ko malaman subali’t lingid sa aking kamalayan ay gumanti rin ako ng halik. Siguro ako rin, na love-at-first-sight ako sa kanya. Niyakap ko rin siya gaya ng pagyakap sa akin. Habang hinahalikan niya ako ay naamoy ko ang naglalabang simoy ng alak at ng kanyang pabango. Kapwa naglakbay ang aming mga kamay at hinubad ni Miguel ang aking suot na damit. Pumaibabaw siya sa akin at hinalikan ang aking leeg. Tila ako’y nakukureyente sa bawat dampi ng kanyang mga labi sa aking balat. Ramdam ko rin ang init ng kanyang hininga. Bumaba ang kanyang ulo at umabot na sa aking dibdib. Hinalikan niya rin ang aking dibdib. Napapapikit ako sa ginagawa niya sa akin. Para akong nawawala sa sarili. Hinubad ko na rin ang aking pantalon at naiwan ang aking brief. Subali’t napansin kong hindi niya kayang bumaba pa. Lubhang tama nga na ako ang unang lalaking makakaniig niya. Naging sensitibo ako at ako na lamang ang nagpaibabaw. Hinalikan ko muna siya. At kagaya ng ginawa niya ay hinalikan ko rin ang kanyang leeg, pababa sa dibdib, at umabot sa tiyan. Medyo nagtagal ako sa abs niya at hinayaan ko munang maglaro ang aking bibig sa kanyang tiyan paikot ng kanyang pusod. Hindi ano-ano’y binuksan ko ang kanyang zipper at hinubad ang kanyang pantalon kasama na ang panloob. Tumambad sa aking harapan ang kanyang kayamanan. Lubhang malaki, higit sa aking inaasahan kahit na nakita ko na ito sa mga private pictures niya. Unti-unti’y ipinasok ko ito sa aking bibig, sa simula’y ulo muna, hanggang sa kinaya ko na buong buo. Napapansin kong nagugustuhan ni Miguel ang ginagawa ko kaya pinagpatuloy ko ang paglalaro nito kagaya ng batang kumakain ng lollipop. Tinanong ako ni Miguel kung maari niya akong pasukin. Hindi ako pumayag sapagka’t ayaw ko munang ibigay lahat sa gabing ito kahit nahulog na nga ang loob ko sa kanya. Nirespeto niya rin naman ang aking desisyon. Kaya hinayaan na lamang niya na ipagpatuloy ko ang aking ginagawa. Ilang sandali ay naramdaman kong bumibilis ang paghinga ni Miguel, tila senyales na malamit na siyang dumating. Sinabayan ko na rin siya sa paglalaro ng aking alaga na kanina pa pumipintig. Pinakiramdaman ko si Miguel, siya na mismo ang naglayo sa ulo ko upang hindi matamaan ng kanyang likido, subali’t hindi man niya sinasadya ay naabot pa rin kahit papaano ang aking buhok. Nang matapos si Miguel ay ako naman ang nagpakawala. Napahiga ako sa sobrang pagod. Ang towel na ipapamunas ko sa kanyang kalasingan ay inabot ko na lamang sa kanya upang pawiin lahat ng likidong nasa tiyan niya. Siya na rin ang nagpunas ng sa akin. Niyakap niya ako, hinalikan muli, at sinabihan ako ng, “I love you..”. Sa narinig ko ay nagpahiwatig ako na parehas lamang kami ng nararamdaman at tumugon ng “I love you too..”.
Nagawa pa ni Miguel na kunin ang kanyang cellphone na nasa tabi niya. Kinuhaan niya kami ng picture habang magkadikit ang aming mga labi. Nabitawan ni Miguel ang cellphone at nakatulog. Tiningnan ko ang imahe sa cellphone niya. Isang ala-ala ng naganap sa aming dalawa. Dahil sa kalasingan at pagal ay nakatulog na rin ako habang nakayakap sa kanya…
(Itutuloy)
Posted by Yffar (^^,) at 6:11 AM 23 comments
Labels: Larawan Series, LGBT Stories