Showing posts with label OFW. Show all posts
Showing posts with label OFW. Show all posts

Wednesday, July 25, 2012

SONA, PHILHEALTH AT OFW




Ang tinig ni Bb. Jarma Palahuddin ay isang alingawngaw na pumailanlang mula sa ilang, tungo sa tuwid na daan sa mga nakararaming OFW sa iba't ibang  panig ng mundo. Sa mga payak na salitang namutawi sa labi ng isang inosenteng OFW, Si Jarma ang nagsilbing mitsa ng pag-asa sa puso ng bawa't OFW upang  makarating sa mga kinauukulan sa pamahalaan sa pamamagitan ng media ang pagtutol sa patuloy na pagtaas ng Philhealth Premium.

Katulad ni Jarma, isa ako sa milyong tinig na tinututulan ang Philhealth na sapilitang "pagpapatupad ng Premium increase" sa hanay naming mga OFW na "hindi rin naman na napapakinabangan" ng maraming OFW.

Ayon sa SONA ng Pangulong Aquino, buong pagmamalaki nyang ibinalita na ang datos ukol sa philhealth at kanyang sinabi "Ngayon po, 85 percent ng lahat ng mamamayan, miyembro na nito [Philhealth]".

Hindi ko masiguro ang katumpakan ng mga datos na ginamit ng Pangulo. 81.43 Milyong Pilipino ang kumakatawan sa 85% ng  tinatayang 95.8 Milyong populasyon ng Pilipinas sa taong 2011. Subalit ang malaking katanungan dito ay kung ang 85% o 81,430,000 na Pilipino na kanyang binanggit ay maipagmamalaki na sila ay myembro at bahagi ng Philhealth? HINDI

Ayon sa datos ng Philhealth, sa pagtatapos ng taong 2011, ang kanilang rehistradong myembro ay 27.91 Milyon at may kabuuang 50.45M na dependents, ang kabuuang bilang na ito ay kumakatawan lang sa 82% ng populasyon sa taong 2011 at ito ay taliwas sa 85% na datos na ibinigay ng Pangulo sa SONA. Sa sektor ng mga OFW, ang kasalukyang myembro ay 2.57M at may kaukulang 2.51M na dependent. Sa ratio na 1:1 (Member : Dependent Ratio) sa hanay ng mga OFW na myembro ng Philhealth, ito ay malinaw  na  nangangahulugang mababa ang bilang ng kapakinabangan sa mga OFW sa benepisyo ng Philhealth.

Ayon sa datos ng NSO , sa taong 2011, sa kabuuang 2.2M mga OFW na lumabas ng bansa, 509,288 OFW ay nasa edad 25 - 29. Sa taong 2010, 467,847 ang bilang ng OFW na nasa edad 25 - 29 na lumabas ng bansa. Sa grupong ito ay hindi maitatangi ang grupo ng mga "singles", mga binata't dalaga na pawang walang mga "dependents" o ang mga magulang ay "below 60 years old".



Sa pamamagitan ng mga datos na ito sa nagdaang 2  taon pa lamang ay may 1 milyong OFW sa iba't ibang bahagi ng mundo ang hindi nakikinabang sa anumang benepisyo ng Philhealth. Sila ang mga kabataang OFW na pumupuno sa pangangailangan ng "international labor force" sa mga naglalakihang malls at supermarkets bilang cashiers, sales staff, accountants and office clerks, sa mga pambansang ospital at klinika bilang nurses, medtech at para medics at sa mga construction sites bilang young engineers, designers and architects at construction workers at ang mga di mabilang na mga kabataang domestic helpers na nasa Gitnang Silangan,   Europa, America at Canada, Singapore at Hongkong,

Hindi pa natin binibilang ang tala ng mga OFW sa unang 6 na buwan ng kasalukuyang taon na nagbayad ng P1,200 sa Philhealth. At magpapatuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang Pilipino sa mga darating pang taon na nasa edad 25 - 29 na pawang mga binata't dalaga dahil sa kanilang mga murang edad ay hindi nila nakita o naramdaman ang silahis ng pagbabago na ipinagmamalaki sa bawat SONA.

At sa mga bansang maunlad tulad ng Gitnang Silangan, America, Europa kasama na ang HongKong at Singapore at ibang bansa sa Asya ay may kanya-kanya ring Medical Health Care na ipinatutupad at libreng ipinagkakaloob sa mga OFW ng kanilang mga employer bilang tugon sa umiiral na Labor Law na sumasaklaw sa mga migranteng mangagawa sa kanilang mga bansa. Kaya't ano ang kapakinabangan ng Philhealth sa kanila? WALA

Di kayang bilangin ang mga kapatid natin na kulang ang kaalaman sa pagbabasa at maraming OFW Na hindi nabigyan ng kaukulang kaalaman ukol sa Philhealth, ilan sila sa mga milyon-milyong OFW na biktima ng kawalan ng maayos na inpormasyon ng Philhealth. Dahil sa kakulangan ng wastong inpormasyon ay katumbas nito ang hantarang pagkakait ng benepisyo sa milyong kinauukulang miyembro at dependents ng Philhealth.

Ilang milyon din ang mga OFW nasa ibang bansa at mapalad na kasama ang kanilang mga pamilya dahil sa magandang benepisyo ng kanilang kumpanya. Tulad ko, ako'y nabiyayan na sa loob ng 20 taong pagtatrabaho sa Middle East ay kasama ko ang aking asawa sa Doha na isa ring OFW at ang aking 2 anak na over 21 years old. At kabilang sa biyaya na timatamasa sampu ng aking pamilya sa Doha ay ang 100% libreng medical/health care program na kaloob ng aking employer at ng pamahalaan. kaya't ano ang pakinabang sa ko sa Philhealth mula ng ito ay sapilitang pinatutupad sa hanay naming mga OFW? WALA.

Ilang milyong OFW ang kasalukuyang naninirahan sa mga liblib at masukal na bahagi ng Pilipinas na sadyang walang ospital o duktor na nangangalaga sa kanilang kalusugan. Ang ilan pa ay nasa gitna ng putukan ng mga sundalo at rebelde. Para saan ba ang Philhealth na kanilang binabayaran, kung ang kaligtasan at kalusugan ng mga pamilyang OFW ay di kayang tugunan ng Pamahalaan. Anong silbi ng Philhealth sa kanila? WALA

Sa mga lugar na may ospital subalit hindi naman accredited ng Philhealth, anong silbi ng Philhealth, at sa isang agaw-buhay na pasyente, walang ng panahon para mamili pa ng ospital na dapat pagdalhan kung accredited ba ito o hindi ng Philhealth ang mahalaga ay makapagsalba ng buhay at sa pagkakataong ito, anong magiging tulong ng Philhealth sa abang myembro at dependent?

Nawa'y maging makatuwiran sana ang paniningil ng Philhealth, hindi lamang sa akin kundi sa milyon-milyong OFW, isaalang-alang nawa nila ang malaking kontribusyon ng mga OFW na naghatid sa maunlad na ekonomiya ng Pilipinas at sanay huwag makalimutan ang bawa't sentimong binabayaran ng bawa't OFW na sinisingil ng mga sangay ng Pamahalaan tulad ng POEA, OWWA, Pag-ibig at Philhealth ay pinaghirapan ito mula sa dugo't pawis ng mga OFW na nakikipagsapalaran sa kalungkutan na malayo sa kanilang mga pamilya na naiwanan sa Pilipinas habang hinaharap ang hamon ng kahirapan na di alintana ang init sa disyerto o ang lamig ng niyebe.

Ito ay isang panawagan sa Pamahalaang Aquino na pakinggan ang sigaw ng nakararaming OFW na magkaruon ng "Moratorium" hingil sa pagtaas ng Philhealth Premium at magkaruon ng dayalogo hingil sa irregularidad nito sa kasalukuyang batas na RA10022  na nagbabawal sa anumang dagdag singilin sa bawa;t sangay ng pamahalaan sa hanay ng OFW at gawing "Optional" ang paniningil bilang kasanayan sa demokrasya sa malayang pagpili kung alin ang makabubuting Health Care Program ng bawa't OFW bilang tugon sa bawa't indibiduwal na pangangailangan. Bagama't hindi maitatangi na may kapakinabangan ang Philhealth sa ibang mamamayan sa iba't ibang sektor ng lipunan, magiging mas kapaki-pakinabang ito sa pananaw ng malayang Pilipino kung ito ay ipatutupad ng bukal sa kalooban na may masayang pagtanggap at walang pilitan sa bawa't mamamayang Pilipino.

(Paunawa: Walang pang opisyal na datos na ibinibahagi ang NSO at Popcom, subalit tinatayang ang populasyon ng Pilipinas sa taong 2011 ayon sa Popcom ay 95.8 Milyon ayon sa PopCom.)

Monday, July 16, 2012

Maligayang Paglalakbay, Kalusugan Mo'y Pinagkakakitaan Namin




Gusto nyo ba ng istorya?

Ako ay si Ginoong Bayani dela Cruz at ito ang aking kwento.

Malakas ang ulan at kailangan kong makasakay bus patungo sa aking pinagtatrabahuan. Aking nilingon ang magkabilang dulo ng kalsada nguni't tila walang bus na dumadaan. Panay pa rin ang patak ng ulang tikatik, subali't hindi ito naging sagabal upang ako'y mawalan ng pag-asa habang sinasabi ko sa aking sarili na - kailangan kong makarating sa aking patutunguhan sa kabila ng masamang panahon.

Makalipas ang isang oras, isang Owwan Bus Liner ang tumigil sa aking harapan. Tinanong ko ang kunduktor kung ito ang byaheng dadaan sa kalyeng "Tuwid na Daan" patungong Barangay "Kabilang Isla" at tumango naman sya sa akin.

Subalit bago ako makasakay ay pinigil ako ng kunduktor na nakaharang sa gitna estribo at winika, di ka makakasakay kung di ka bibili ng regalo muna sa amin, habang nakangiti na pinapakita ang isang maliit na kahon.

Ako'y nagulat. "Anong regalo ito at magkano?" tanong ko sa Mamang Kunduktor.

Tinugon ako ng Mamang Kunduktor at winika, "ito ay isang kahon na naglalaman ng "First Aid Kit, may band aid, gasa, aspirin, mertayolet at iba pang mga maliliit na bagay na makakatulong sa iyo kapag ikaw ay naaksidente o nagkasakit. Ito'y murang mura, sqa halagang 24 pesos."

Nalito ako, nakiusap ako sa Mamang Kunduktor na hindi ako nakahanda sa ganung halaga. Isa pa ay hindi ko ito magagamit, dahil sa aking patutunguhan ay mayruon din nito at libreng ipinagkakaluob sa amin sampu ng aking pamilya ng walang bayad. Kaya't nakiusap ako na wag na akong bentahan ng kanyang produkto dahil di ko ito kakailanganin at sa iba na lang alukin na mas nangangailangan.

Subalit sabi ng Mamang Kunduktor, "Wala rin akong magagawa, kung hindi ka bibili di ka makakarating sa iyong patutunguhan, ikaw rin, sayang ang hanapbuhay na naghihintay sa iyo duon at iiwanan kita sa kalsada sa ilalim ng ulan.

Napabuntong hininga na lamang ako, at habang aking iniaabot ang 24 pesos kay mamang Kunduktor ay aking winika - "Illegal itong ginagawa ninyo, isang hantarang pangingikil at pagsasamantala, at tinakot ko sya na isusumbong ko sila kay Mang Penoy, ang nangangasiwa ng prankisa ng mga sasakyan. Subalit tinawanan lang ako ng malakas ni Mamang Kunduktor at tinugon ako ng may pang-aasar - "si Mang Penoy nga  mismo ang may kautusan nito, sabay abot ng munting kahon sa akin kapalit ng 24 pesos.

Wala akong magawa, pakiramdam ko ay ninakawan ako ng 24 piso sa isang "First Aid Kit" na di ko naman magagamit at kapuna-puna, may expiration pa nilalaman nito na kailangan gamitin sa loob ng isang taon kundi ay walang bisa na ang laman. mahirap ipaliwanag, subalit napakarami nito sa ospital na pinagtatrabahuan ko, libre ako at sampu ng aking pamilya. Hays napabuntung hininga na lamang ako. napaisip na lamang ako, bakit ba "Bayani ang ipinangalan sa akin ng mahal kong Ina bagkus, busabos naman ang turing sa akin at pinagsasamantalahan.

Tinignan kong mabuti ang kahon, di ko alam kung akon'y mangingiti o maiinis sa nabasa ko sa label nito,

"Maligayang Paglalakbay, Kalusugan Mo'y Pinagkakakitaan Namin by Feel Health"

--------------------------

Paunawa: Ito' ay isang likhang isip lamang. Kung may mga tauhan o lugar sa aking kwento na sa tingin nyo ay may pagkakahambing sa tunay na buhay, di po kayo nagkakamali, sila na nga po ang may sala. Ito'y inilalathala ng walang bayad bilang pagtugon sa panawagan ng Global OFW Voices.



Thursday, July 12, 2012


Philhealth: A Bitter Pill For OFWs


The OFWs around the world have joined hands within Pinoy Expats/OFW Blog  Award (PEBA) and have  waged an all out war through social media flatforms in the internet against the premium increase of Philhealth from the current P1,200 to P2,400 which will be "slapped" to all OFW prior to leaving the Philippines.

Personally, I see the abrupt increase not only unreasonable, unfair and unconstitutional as it defies Republic Act No. 10022, or the Amended Migrant Workers Act of 2010, prohibits increases in government fees for services rendered to OFWs and their dependents.

Second, the "mandatory policy" imposed by the Goverment to all OFWs to pay Philhealth as a pre-requisite condition prior to departure is a clear extortion curtailing the right of each OFW to travel.

"Bulag, pipi at bingi"

Malacanang and its key departments such as DOH and POEA played "blind, dumb and deaf" to OFWs protests because Philhealth is one of Pnoy's major flagship to please World Health Organization (WHO) who has been critical and expressed concern over the continued absence of sufficient healthcare coverage in the country".

The WHO's unsolicited remarks was a fatal blow to the government which substantiate the DOH's failure on implementing an effective Universal Health Coverage Program as one of Pnoy's health agenda.

To save the ailing Universal Health Coverage, the government tries to institute reforms through Philhealth with its ambitious target to enroll 11 million indigent families by targetting workers from the informal economy. However, Philhealth's target proves futile as its individually paying program fails due to its voluntary in nature.

To ensure success in expanding Philhealth's coverage, it partnered with POEA as it identified the OFWs as an easy target, a fragmanted group that lacks a solid representation in both labor and political society. Thus, Philhealth becomes a bitter pill that was forcibly prescribed by POEA to all OFWS which adds insult and demeans the intelligence of the so called "Bagong Bayani".

The government has made a mockery on the Amended Migrant Workers Act of 2010 (Republic Act No. 10022) which prohibits increases in government fees for services rendered to OFWs and their dependents.

I laud Senators Recto, Pimentel and Villar on their separate calls for a Senate inquiry on the constitutionality of Philhealth's sharp premium increase from P900 - P2,400 per year.

There were number of frauds and controversies which have cast shadows of doubts on Philhealth's administrative leadership and affecting genuine reforms.

While I admit that our country needs a sustainable, affordable and progressive social health care encompassing the entire nation and I accept the fact that families have benefited from Philhealth program.

However, it cannot be denied that there are also OFWs who will never benefit from Philhealth because of a better health care program that either they have already availed of or have been provided free health care program by their foreign employers which covers his dependents, or some OFWs who have no beneficiaries at the availment of mandatory Philhealth membership.

My stand is that Philhealth should be implemented fairly and squarely, in a "voluntary" individual membership policy allowing the Filipino people to breath the air of freedom to discern and decide which health care is best for him and his family. If Philhealth claims that it has the best health insurance program, then it should not be afraid to sell its product to the masses on a voluntary scheme.

We always say "bawal magkasakit" and before sickness strikes, we should prepare ourselves with either a personal health and medical insurance or enough savings in the bank. Pero tila mas lalo kang magkakasakit emotionally kung pipilitin kang magbayad ng Philhealth na hindi mo mapapakinabangan for one reason or you simply do not trust or frustrated on their services.

I SAY "NO" TO PHILHEALTH'S  MANDATORY MEMBERSHIP FEE POLICY.


Note: The image was downloaded from from the FB Page of Global OFW Voices

Saturday, June 30, 2012

Mga Tinik sa Tuwid na Daan






Sa loob ng mahigit dalawang dekada kong pangingibang bansa bilang isang OFW, nasaksihan ko ang kawalan ng isang matibay na programa ng pamahalaan mula sa sa Rehimeng Marcos hanggang sa kasalukuyang Administrayon ni Pnoy na ang pangunahing isinusulong ay ang malawakang pagpapalabas ng mangagawang Pilipino bilang OFW sa iba't ibang bansa.

Ang di mabilang na pangingibang bansa ng bawa't Pangulo ng ating bansa ay upang himukin ang mga pinuno ng mga bansang banyaga na bigyan ng prayoridad ang mga mangagawang Pilipino sa iba't ibang kategorya na makapagtrabaho bilang OFW. Isang permanenteng solusyon upang maibsan lumolobong bilang ng mga walang hanapbuhay na Pilipino.

Subali't ang daan palabas ng bansa ay puno ng tinik na nagpapahirap na tila kalbaryong daan sa mga nagnanais maging OFW. Bagama't may mga ahensya ng Pamahalaan na ang tungkulin ay pangalagaan ang kapakanan ng mga mangagawang Pilipino na naghahandang lumabas ng bansa upang harapin ang hamon bilang OFW, ang POEA at OWWA ay mga piping bantay at tila kasabwat pa sa pagpapahirap sa mga OFW.

Bagama't nagkaruon ng maayos na pamamaraan upang mabawasan ang illegal recruiters at human trafficing, ang mga mga tinatawag na legal na recruiter at accredited ng POEA ay nananatiling mapang-abuso sa mataas na placement fee na hantarang hinihingi sa applikante ng trabaho.

Ang Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) na naglalayon na mabigyan ng kaalaman ang mga OFW ay tila di nabigyan ng wastong inpormasyon kung ano ang kanilang karapatan bilang OFW, ang kahalagahan ng kanilang kontrata, ang kultura at batas ng banyagang bansa kanilang patutunguhan, at kung saan hihingi ng tulong sa Embahada ng Pilipinas kung sakaling mangailangan ng anumang uri ng tulong sa mga suliranin na maaari nilang kaharapin. Ang kawalan ng maayos na pagpapatupad ng PDOS ang isang kadahilanan kung bakit maraming OFW ang nagiging biktima ng pang-aabuso ng mga banyagang employer at minsan'y pakikipagsabwatan ng ilang empleyado ng embahada dahil sa kawalan ng kaalaman o kamangmangan sa kanilang karapatan bilang OFW at Pilipino sa ibang bansa.

Ang hindi makatarungang paninigil ng POEA at OWWA sa bawa't OFW na lumalabas ng bansa na walang maayos na pagpapaliwanag sa mga ito, mula OEC, Pag-Ibig, Philhealth at OWWA Membership fees na sapilitang kinukulekta sa bawa't OFW. Ang kakulangan ng information materials na nakasulat sa wikang Tagalog at ibang pangunahing dialects maliban sa wikang Ingles.

Maliban sa OEC at OWWA Membership fees, di ko maunawaan kung bakit ginawang sapilitan ang pagbabayad ng Pag-Ibig at Philhealth sa bawa't OFW. Nakakalungkot isipin na ang nga singilin ng POEA/OWWA ay nga dagdag pabigat sa balikat ng bawa't OFW ang mga gastusin na sa halip na ang salaping ibabayad ay iiwanan sa kanilang mga pamilya bilang pantawid gutom sa kanilang paglisan sa pagharap sa hamon ng pangingibang bayan.

Kung tunay na epektibo ang adhikain ng Pag-Ibig at Phil-Health at malaking bilang ng OFW ang nakikinabang sa mga ito, bakit natatakot gawing voluntary ang paniningil sa halip na madatory. Ito'y isang uri ng pagsupil sa karapatang pantao sa paglalakbay na pumipigil sa bawa't Pilipino bilang OFW ang sapilitang pagbabayad ng Philhealth at Pag-ibig.

Nasaan ang tuwid na daan para sa aming paglalakbay kung pwersahang ipinatutupad ang pangongolekta ng Pag-ibig at Philhealth ng walang konsultasyon sa mga kinatawan ng OFWs at kanilang mga pamilya at mga Recruiters. Ang pagpapatupad ng malawakang paniningil ng Administrasyon sa OFWs ay di nalalayo sa isang pamahalaang Diktatura na nsgsisilbing tinik sa malayang paglalakbay ng mga OFW sa kanilang adhikain na maitawid ang kanilang pamilya sa gutom at kawalan ng hanapbuhay sa sariling bansa.

Sino ba talaga ang nakikinabang sa Pag-Ibig at PhilHealth? Itinatag ba ito upang makinabang ang iiilan bilang pananamantala sa pagsasawalang kibo ng mahigit 12 milyong OFW. Ang pag-taas na mga singilin sa OFW ay may kinalaman ba nalalapit na eleksyon? Nawa'y di magamit ang pondo ng OFW sa pagmamanipula ng politika ng bansa ng mga nakaupong liderato tulad ng naganap sa nakaraang Administrasyon.

Ang mga OFW ay hantarang pinagsasamantalahan ng kanilang mga kauring kababayang Pilipino mula sa araw na kanilang tahakin ang daan palabas ng bansa mula sa kanilang pag-apak sa gusali ng POEA kung saan ang di makatarungang bayarin at kawalan ng "transparency" sa pondo ng "OWWA Fund" at iba't ibang programang binabayaran ng OFW.

Tila di ko na masasaksihan ang tunay na pagbabago at reporma sa batas at kalakaran na sumasaklaw sa karapatan ng OFW at sa halip tila kami'y ginigisa sa sariling mantika. Kami nga bang OFW ang tinuturing na Bagong Bayani o kami ang palabigasan ng pamahalaan na pumupuno sa kanilang mga pangangailangan sa pagpapalawig ng mga institusyong kanilang pinangangasiwaan para sa kanilang personal mga interes at pananatili sa pwesto.

Nalalapit na ang panibagong eleksyon sa ating bansa, suriin ang mga posibleng kandidato, huwag iboto ang mga kandidatong nagsawalang kibo at sa mga nagsusulong ng batas na nagpapahirap sa OFW tulad ng pwersahang pagbabayad ng Pag-Ibig at Philhealth. Nawa'y magkaruon ng tunay na pagbabago para sa kapakanan ng nakararaming OFW na naghahanap ng tuwid na daan.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails