PAALALA: wag damdamin ang mga susunod na katotohanan sapagkat ito'y pawang kabaliwan lamang.
dito ay malalaman nyo kung sino ang nanalo sa birthday pakontest ni Guru Camille. dito din ay pinasalamatan nya lahat ng bumati sa kanya at lahat ng nagcomment sa Guru Session #4.
and the winner is...
paumanhin kung nagkamali kami sa pag bigkas ng inyong mga pangalan.
ngayong naka summer vacation ako, mas lalo akong naging dakilang tamad. kung kailan mas marami akong oras na tumatambay sa bahay saka ko naman mas pinag-iintay ang labahin ko, ang paglilinis ng kwarto, at ng sasakyan. mas pinagbubukas ko lalo. ewan ko ba. sobrang nakakatamad kumilos. gusto ko lang nasa kama maghapon. kahapon wala akong ginawa kundi mag internet at (dahil kay Deth ng MindDeth) nag-adik sa Nobody ng Wonder Girls. maghapon akong nakinig sa kantang yun at nagsayaw sayaw na parang tanga dito sa kwarto ko (anung parang??). masaya naman kasi may progress ung pagpraktis ko kahit papano. kahit matigas ang katawan ko at dalawang kanan ang paa ko, may natutunan naman kahit konti. hehe.
ngayong araw naman wala pa akong nagagawang productive kundi ang maglinis ng konting kalat sa kusina. dulot siguro ito ng kainitan. sobrang init kasi lately kaya nakakatamad lumabas ng kwarto. pati pagbblog kinatatamaran ko lately. wala kasing new information dito sa utak ko eh. haha! kelan ba nagkaroon.. ok dito na lang muna. mage-edit pa ko ng guru session.
dahil nag-adik ako kanina at pinanood ang One More Chance ni John Lloyd at Bea ng dalawang beses within 24 hours, senti mode ako ngayon kaya kanta na lang muna tayo..
You always ask me
Those words i say
And telling me what it means to me
Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you
For this is all i know
Come to me and hold me
And you will see
The love i give
For you still hold the key
Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you
For this is all i know
Chorus:
I'll never go far away from you
Even the sky will tell you
That i need you so
For this is all i know
I'll never go far away from you
Come to me and hold me
And you will see
The love i give
For you still hold the key
Every single day
You always act this way
For how many times i told you
I love you
For this is all i know
Chorus
**instrumental**
Chorus 2x
I'll never go
[never go away]
I'll never go away
[never go]...
sa sabado na ang birthday party ni Guru Camille (U.S. time)!! kaso wala pang venue! nako naman..kaya nananawagan kami sa lahat ng makakapagbigay ng ideas upang maging posible ang event na ito sa sabado.
1. about 20 people
2. malamang lamang may inuman
3. walang bahay na mapag-gagamitan
4. mahal sa resto
5. bawal ang alak sa beach at sa mga parks
panu na 'yan?!! may suggestions ba kayo? kahit ano...
hindi ba't madalas ay malawak ang utak ng mga tao. madalas din naman ay makitid. kahit ang ilan ay nasa tamang edad na at marami ng napagdaanan sa buhay, ang ilan sa atin ay hindi pa rin matanggap na ang buhay ay sadyang madaya. napaka unfair ika nga. pero alam na natin 'yon diba? bakit pag tayo ang dinaya ay inis na inis pa rin tayo? kapag tayo ang pinagkuhanan ay maghihinagpis pa rin tayo at sasabihing,
"napaka unfair talaga ng buhay!! bakit ako pa? bakit sakin pa nangyari 'to?"
pero ang totoo naman ay ang LAHAT sa atin ay nakakaranas ng mga bagay na hindi natin kagustuhang mangyari. lahat tayo masasaktan, maiiwan, at ipagkakaila ng tadhana. kahit mayaman, mahirap, o pangkaraniwang tao ka, dadaanan ka ng bagyo na may kasamang kulog at kidlat.
may mga taong gustong yumaman. pag yumaman na daw sila ay wala na silang problema. ang hindi natin alam ay ang may ibang mayayamang tao na tatalikuran ang kayamanan nila gumaling lang ang may sakit na mahal sa buhay, o bumalik lang ang nawawalang anak, o makasama lang nila ang tunay nilang mahal.
may ibang mga mahihirap naman na buo ang pamilya at kahit naghihikahos sa hirap ay kumpleto pa din sila at nagtutulungan. siguro ito ang hanap ng ibang mga mayayaman.
at yung mga pangkaraniwan ay dumadaan din sa mga mapapapait na pagsubok.
may naiiwan, nawawalan, nasusunugan, nababagsakan ng negosyo, tinatangayan ng bagyo, bumabagsak sa exam, nagkakasakit, nababaon sa utang, nakukulong, at nasasawi sa pag-ibig, at kung anu anu pang pagsubok ng buhay. meron din naman na nakakaraos sa hirap, nananalo sa lotto, lumalakas ang negosyo, binibiyayaan ng anak, nakakahanap ng tunay na pag-ibig. nakakapagpatayo ng sariling bahay, nakakapunta sa ibang bansa na nais nila, at kung anu anu pang magagandang pangyayari.
nakakalimutan natin na hindi lana tayo ang pwedeng suwertihin at malasin. lahat pwede. kapag sinusuwerte tayo huwag natin ipagdamot kasi may mga tao na habang ika'y nagdiriwang, sila nama'y namimighati. naniniwala ako na mas bibiyayaan tayo kapag ipinapamahagi natin ito sa kapwa natin. kapag minamalas naman ay huwag mawawalan ng pag-asa at huwag daing ng daing. bumangon ka at hanapin ang suwerte mo.
hindi ko ikakailang dumadaing din ako pag minamalas at feeling ko ay galit sakin ang mundo. natural lang siguro sa atin 'yon. huwag lang siguro natin kalimutan na lahat tayo ay pinagbibigyan. lahat din ay pinagkakaitan.
nagmamadaling lumabas sa kotse at pumasok sa bahay. tiningnan sa internet kung anu ang pangalan. nasa dulo na ng dila nya ang sagot! ayun! nahanap din sa wakas.
nagdial ng number sa cellphone. bilis!! at nag-ring sa wakas. heavenly pa ang tunog ng pag-ring.
kriiiiiinnngg..
kriiiiiinnngg..
kriiiiinnngg..
babae: hi! thank you for calling My FM!
chikletz: hi! is this the radio station?
bababe: yes it is!
chikletz: yeah, i would like to take a guess on the secret celebrity.
babae: ohhh, someone already got it. someone already won.
chikletz: really?! ok thanks. (leche!)
babae: ok. bye!
naman, perstaym ever in my layptaym na tumawag ako sa isang radio station para sumali sa mga pakontest nila. bakit kamo? kasi perstaym kong alam ung sagot! himala pa kasi hindi busy ung linya. eh kasi naman may nanalo na pala.
ang pakontest: magpplay sila ng isang audio clip. boses ng isang celebrity at huhulaan mo kung sino un.
ang sagot: Hayden Panattiere from the tv show, Heroes.
unang play pa lang ng clip alam ko na. kasi naalaa ko ung linya na sinabi nya eh. di ko lang maalala name nya kaya kumaripas ako ng takbo papasok ng bahay.
gumuho na naman ang pangarap kong makita si Jason Mraz.
nang makuha ko ang fortune na 'to, lumaki ang ulo ko. sabi ko sa wakas magkakaron na ako ng chance kay john lloyd cruz. pero last year ko pa yata nakuha ang fortune na 'yan (nagkokolek kasi ako ng fortunes galing sa mga fortune cookies). wala pa din nangyayari. loko loko talaga mga fortunes na yan. papaasahin ka lang. buti libre lang sila. madalas hihihingi pa ako sa waiter ng extra cookie. wala lang. trip trip. kakatuwa kasi magbasa ng mga kalokohang pinapaasa ka. syempre si manong waiter bibigyan pa ko ng isa para matuwa ako sa service nila at bumalik ako sa restaurant. sus!
anu kaya isang beses ang nakuha mong fortune eh "you are an idiot!"? haha! o kaya "you are such a loser!". kakatuwa. hehe. ang sama ko.
mga dabarkads ito ang official entry ko para sa Pinoy Expats Blog Awards 2009. iboto sana ang My Orange Vest Blog dito. #19 po tayo. iboto nyo din sana ang #2, #14, #8, at #20. salamat!
(salamat sa mga taga PEBA sa paghikayat sa 'kin na gumawa ng ganitong post.)
1. Hindi lang sila monetary providers. Mga tao din sila. Higit sa lahat, mga magulang (o kamag-anak) mo sila. Respetuhin dapat. Huwag mo silang sakalin sa mga problema sa pera. Hinay hinay lang.
2. Huwag pintasan ang mga padala nilang pasalubong. Pinaghirapan nilang bilhin ‘yun para sa’yo. Paraan nila ‘to para ipakita sayo na mahal ka nila at lagi ka nilang iniisip.
3. Gumawa ng paraan para madalas silang makausap at kamustahin. Laging ipapaalala sa kanila na namimiss mo sila. Makakatulong ito sa pagbawas ng lungkot at pangungulila sa pamilya. Magpadala ng mga latest pictures para matuwa sila.
4. Huwag kaligtaan ang mga okasyon na dapat silang batiin. Birthday ang pinaka-importante. Andyan din ang Mother’s Day at Father’s Day.
5. Huwag silang sisihin sa pag-alis nila. Para ito sa kinabukasan mo. Masakit para sa kanila na lumayo kaya dapat suportahan na lang sila.
6. Isipin ang kalagayan nila dun at payuhan sila na wag masyadong magpapakapagod. Mahirap magkasakit habang malayo sa pamilya.
7. Huwag silang pagsasawaang pasalamatan. Ang malaman nilang pinapahalagahan mo ang ginagawa nila ay sapat na para magkaron sila ng lakas na ipagpatuloy ang trabaho.
8. Kapag umuuwi sila, ipagluto sila ng mga paborito nilang pagkaing pinoy dahil sigurado miss na nila yun! Siguraduhing marami kang ikukwento sa kanila tungkol sa mga bali-balita. Magtsismisan ba.
9. Huwag lustayin ang perang pinapadala nila. Ipunin ang iba dito kung maaari. Hindi sa lahat ng oras ay may maipapadala sila. Maghanap ka din ng trabaho kung maaari.
10. Mag-aral ng mabuti para maka-graduate ka. Hindi sila nakikipag-sapalaran para tumambay ka sa kanto at humithit ng kung anu-ano, magsugal, o lumaklak.
11. Lagi silang ipagdadasal na mas maging matatag pa at huwag mawawalan ng tiwala at pag-asa.
12. Laging ipaalala na mahal mo sila.
Hindi naman siguro mahirap gawin ang isang dosenang ‘yan. Walang wala ‘yan kumpara sa ginagawa nila para sa mga naiwan nilang mahal sa buhay. Eto ay mga simpleng bagay lamang upang maipakita natin na mahalaga sila sa atin at laking pasasalamat natin na sila ang magulang natin, o kapatid, o tito at tita.
Dati akala ko nagpapasarap lang sila dito sa Amerika. Akala ko hindi nila ako naaalala. Akala ko wala silang balak na kunin ako mula sa Pilipinas. Buti na lang hindi ako namatay sa lahat ng maling akala ko. Nang makuha na nila ako at dinala dito, dito ko na pinagpatuloy ang pag-aaral ko ng high school at college. Naging maayos ang takbo ng buhay naming lahat. Dito ako natutong magtrabaho para sa sarili ko at humawak ng sarili kong pera. Ginabayan nila ang pamumuhay ko.
Nalaman ko na hindi lang pala ako ang tinutustusan nila sa Pilipinas, pati na rin ang ilan sa mga pinsan ko. Pati na rin syempre ang sakitin kong lola at ang tito ko na may sakit na stroke. Pati na rin ang mga ibang kamag-anak na nangangailangan. Mahirap tanggihan ang mga taong mahal mo na nangangailangan ng tulong mo. Ngayon, tumanda ako na may respeto sa kanila dahil kahit hindi ko sila nakasama sa loob ng halos siyam na taon, ngayon ko naisip na hindi sila nagkulang sa pag-aaruga at pagmamahal, hindi lang sa akin, pero sa lahat ng nangailangan ng tulong nila.
Dahil sa kanila hindi ko mararanasan ang paghihirap at pagtitiis na inabot nila.
nabanggit ko na dati na hindi ako marunong magluto siguro ay dahil hindi rin ako nag-aaral. nung makalawa gutom na gutom ako at walang "pangat" na natira sa ref. pinoy style spaghetti ang nirerequest ng tyan ko. sa sobrang gutom ko spaghetti ang naging paningin ko. walang ibang tao sa bahay. hawak ko ang pagkabusog ko. kinailangan kong gawan ng paraan 'to.
choices:
1. pumunta sa jollibee at bumili ng spaghetti.
2. pumunta sa jollibee at bumili ng spaghetti.
3. pumunta sa jollibee at bumili ng spaghetti.
4. magluto ng sariling pinoy style spaghetti.
kahit higit sa isipan ko ang pumunta sa jabi at bumili na lang, naisip ko din na kulang ang isa o dalawang order ng spaghetti para sa akin (matakaw). nilamig ang katawan ko. nanigas ang mga kamay ko. bumilis ang tibok ng puso at nadagdagan ang puting buhok. pinili ko ang nakakatakot na choice #4. sige chikletz. kaya mo 'yan. nagresearch na ako sa internet. spaghetti. spaghetti. spaghetti. kumukulo na ang tyan ko. nagagalit na sa akin. may ilang resulta na hindi ko nagustuhan dahil hindi sila naaangkop sa aking kakayahan. yung iba naman ay masyadong maraming sahog na kakailanganin ko pang umakyat ng 2 bundok at tumawid ng 1 dagat para lang makuha 'yun. biglang...
nahawi ang mga ulap at lumiwanag ang kapaligiran..shazam! nakakita ako ng resultang simpleng simple lang para sa kitchen illiterate na katulad ko.
1 kilo (2.2 lbs) spaghetti noodles (meron sa cabinet!)
1 cup minced onion (pinaiyak na naman ako ng sibuyas!)
1 head of garlic finely minced (wee!! tadtad-tadtad..)
3/4 kilo (1.65 lbs) ground beef (yes! meron sa freezer!)
3/4 kilo (1.65 lbs) hot dogs (meron din sa ref!)
1/4 cup sugar (syempre naman meron kami nito)
Spaghetti sauce (used 750g (26.5 ounce) pouch in this recipe) (meron din sa cabinet. MEAT spaghetti sauce)
1 bottle banana ketchup (bumili pa ko sa pinoy store. UFC. may jufran pero mas mura ung UFC banana ketchup)
1 box quick melt cheese (pinagtyagaan na lang ang cheese slices)
1/2 cup water
salt and pepper to taste
napakaswerte ko naman at halos lahat ng ito ay meron na kami. hindi lang 'yan.. may kasunod pa ang resulta sa internet.. may directions din!
Cook the noodles as per package direction.
Slice the hot dogs in wedges. Better do this when their still in a slightly frozen state. Split them in half then just do slanting cuts like in the picture.
Heat some oil. Saute garlic and onions. Then add in the meat. Cook till brown. Season with some salt and pepper.
Pour in the spaghetti sauce, ketchup, sugar and water.
Mix and let it simmer for about 10 minutes until it gets thick and red.
Add in the hot dogs last.
Mix and just let the hot dogs heat through. Sauce is done!
This is just a personal preference. Since I'm not mixing my sauce with the pasta I make sure to give the noodles a quick rinse after their cooked and strained them. Just to remove the excess starch.
Top the noodles with the warm sauce. Sprinkle with quick melt cheese!
kinaya ko ang bawat pagsubok. step by step. take note mga friends, multi-tasking pa ko. habang pinapakuluan ang pasta ginagawa ko na din ung sauce. o diba?! parang sinapian ako ni jackie chan kung magsangkutsa ako ng bawang at sibuyas. haiyaaaa!! wahh! eeeya! para din akong sinapian ng ninja. espada ko ang sandok at shield ko yung takip. ambilis kong makaiwas sa lumulundag lundag na mga kalabang kumukulong mantika.
matapos ang giyera sa kusina napag-alamanan ko na sisiw na sisiw lang pala 'to mga dabarkads. sobrang saya ko na parang berday ko nung matapos kong lutuin. galing ko! perstaym in my layptaym akong nakaluto ng pinoy style spaghetti. sana pala na-picture-an ko para sa inyo kaso ambilis maubos eh. daming gutom.
may pagka blangko na naman ang utak ko ngaun at walang solid topic na maisulat. anyway, di ko pala nasabi sa inyo na nakuha ko na yung trabahong pinag-apply-an ko. may 2nd and 3rd interview pa nga eh. gulat naman ako may 3rd interview pa. feeling ko tuloy presidency ung pinag-a-apply-an ko. samantalang hamak na part-time employee lang naman ang nais kong maging dahil pang summer job nga lang 'yun. kanina yung first day ko sa trabaho. orientation pa lang. nanood ng video at pa-relax relax lang kanina. binayaran ako ng wala akong ginagawa. hehehe.
masaya pala maglaro ng pinoy henyo habang bangag ka. kasi 4 nights ago nung independence day dito, nag-inuman dito sa bahay ang mga dabarkads at dabarkads ng ibang dabarkads at kung sino sino pa (mga strangers sa umpisa pero nung nakainom na, ka-close mo na!). kung anu anung mga kalokohan maiisip. pahirapan ng salita. sigawan at tilian lang. tao? hinde!! (tagay) hayop? hinde!! (tagay) pagkain? hinde!! (tagay) bagay? oo!! (taob). try nyo minsan.
nagugutom ako. inaantok. gusto ko ngggggg.. La-La chips saka ding-dong. wahhh!!
binabasa ko din pala ang Twilight books. nasa 2nd book na 'ko. maganda naman so far. pero lately behind ako sa reading ko. tamad mode eh. tulad ngayon...
mga mare! naranasan 'nyo na ba ang makakita ng wafu sa kwanto at naging super mega crush 'nyo?! at syempre lagi nyong inaatambayanan ang pagdaan 'nya...diba? ('yun eh kung naranasan mo na nga). eto ang kwento ni jovanna. hindi naman sya stalker. super mega crush nya lang talaga si pogi..
si elena at jovanna ay dalawang magkumare na halos araw-araw ay tumatambay sa harap ng karinderya ni aling loida. dahil ka-close din naman nila si aling loida kahit slight lang, walang problema ang tindera sa halos araw-araw na pagtambay ng dalawa sa harap ng tindahan 'nya. isang hapon habang papalubog na ang araw, natapos na din ang chismisan ng dalawa at ganito ang eksena:
elena: o sya mare, dumidilim na. kailangan ko nang magluto ng hapunan. mauna na kong pumasok sa'yo. (tumayo na)
jovanna: o sige, bukas na lang ulit. (hindi tumayo at tila ba magtatagal pa sya dun)
elena: eh ikaw ba? di ka pa ba uuwi?
jovanna: ahhh.. mamaya pa ko may hinihintay pa 'ko eh.
elena: uyyyy...sino yan? bagong fafa?
jovanna: nako, wish ko lang noh. hindi ko nga alam pangalan 'nya eh.
elena: (umupo ulit) aba aba.. baka kilala ko 'yan. lagi bang dumadaan dito 'yun dito?
jovanna: minsan pero madalas hindi eh. ewan ko kung kilala mo. pero gwapo sya mare! at nako pag nakikita kong ngumiti...juice ko pong pineapple! nakakatunaw!kaya lang ang masaklap, di man lang ako napapansin. minsan nagpapapansin na ko pero wa-epek pa din mare! minsan nga nawawalan na 'ko ng pag-asa. feeling ko eh wala naman talagang mararating ang kabaliwan kong 'ito.
naghiwalay ang mga ulap at lumiwanag ang dilim. nagkantahan ang mga ibon at... dumating si fafa!!
jovanna: ayun mare!! ayun o!! sya un! (punong-puno ng kilig at tuwa)
elena: juice ko! pagkagwapo nga! hayaan mo sige. isang araw kakapalan ko mukha ko at aalamin ko ang pangalan. gagawan natin ng paraan yan. akong bahala sa'yo.
isang araw nakita muli ni elena ang nasabing fafa. nilapitan nya ito. pero mga chong..ang suplado! 'di namamansin. dedma lang inabot ni elena. wala! fail! game over! umuwi ka na!
pero nagawa pa din naman 'nyang ikwento kay fafa ang tungkol sa kumare 'nya at ito ang sabi nya sa kwento:
anu ang ending? wala..hindi na muling nakita si fafa dun. nag iba ng daan.. tsk.
(eto ay para sa mga ate ko na ginawan ko ng kantang 'to dating-dati pa. you know who you are..mwahahaha!)