Thursday, April 30, 2009

Edward Session #1

due to Guru Camille's continuous demand inside and outside of this blog to publicly release this session, we are finally introducing Guru Edward to capture the other side's points of views. if you've been a viewer of the Guru Sessions, then you know exactly what i am talking about.

PAALALA: wag damdamin ang mga susunod na katotohanan sapagkat ito'y pawang kabaliwan lamang.

kung nais ninyong magdagdag, magtanong, magreklamo, o mag-komento, ay maligaya naming tatanggapin sa comment box. salamat!

Tuesday, April 28, 2009

Friendship Ulit

galing kay choknat at crisiboy maraming salamat mga dabarkads!


This award has a same rule of passing to other bloggers like what I have received before.
1. Take your award here
2. Put the logo on your post
3. Link the person who awarded you
4. Nominate at least 7 other blogs
5. Add links to those blogs on yours
6. Leave messages for your nominees on their blog



Tagging:
Camille
Webslave
Reyjr
Ghelai
Maylyn
Hari ng Sablay
Pablong Pabling

at para sa mga iba pang mga bloggers dyan na ka-blog ko. hehe. ingat!

Monday, April 27, 2009

Cubicle 33

nasa laboratoryo na naman ako ng mga kompyuter sa silid aralan ng aking paaralan. wala pa akong limang minuto sa aking kinauupuan ay may nambulabog na sa aking konsentrasyon.

may isang asiano na mama na nakasalamin sa aking kaliwa na dumungaw sa aking kahon habang ako'y tumitingin sa bloga ko. ikinagulat ko ito ng kaunti.

"hi." ang wika nya.

nag-hi naman ako at nginitian ko. takang taka ako bakit sya nag-hi sapagkat kung nahandito ka sa laboratoryo ay mapapansin mo na dedmahan ang mga tao sa paligid mo.

bigla nyang tinanong..
"do you speak a foreign language?"

"yes." ang sabi ko.

"what do you speak?"

"tagalog. filipino language." ang sinabi ko sa kanya. tango naman sya. at nagtataka pa rin ang isip ko sa mga segundong iyon. bakit mo ko kinakausap??

ipinagpatuloy ko muli ang pagtingin sa akin bloga nang sumingit na naman sya..

"do you visit there?" ang dagdag na tanong ng asiano.

"yes." ang mabilis kong sagot.

"what's your major? im a math major." pakelam ko ba. nag-bblog ako. wag mo ko bulabugin!

"education. teaching." at sabay ngumiti ulit ako ng simpleng simple at bumalik ulit sa pagbbloga.

"you gonna teach high school?" nakukulitan na talaga ako sa puntong ito.

"no. elementary." ang maikli at simple kong sagot.

tumango tango lang sya. sa gilid ng mata ko'y nakikita ko pa din na sumisilip sya sa kahong kinauupuan ko. dinedma ko na lang.

un lang. nais ko lang na ibahagi ang kwentong ito sa inyo. parang bitin ba? hehe.

Friendship

galing muli dito:
highway 22: sarap matulog...


Image and video hosting by TinyPic

Tag galing kay Choknat, Vespa Blogger Friendship Award. Thank you!

The rules of this award:
1. Place the logo / banner on your blog.
2. Add a link to the blog who gave the award.
3. Nominate at least 7 other blogs. (It says at least! If you've got more friends, go ahead)
4. Add links to the blogs that you have nominated.
5. Let them know by leaving a message (shout) on their blogs.

Now as a part of the rules, I still want to share this award to the following newly found friends at blogging also:

Choknat
Camille
Hari Ng Sablay
Webslave
Ghelai
Maylyn
Reyjr

Sunday, April 26, 2009

Mag Otso-Otso Na!

galing po dito:
highway 22: Heto na.. Heto na..

Otso Otso!

8 things I'm looking forward to:
1.) makatapos sa walang katapusang pag-aaral
2.) ang pagbisita ng kaibigan ko galing Pilipinas
3.) ang pagpunta sa beach
4.) matapos ang proyekto ko
5.) 3 stars and a sun t-shirt
6.) makapag-shoot na ng bagong Guru Session
7.) bagong Bob Ong book
8.) manalo sa lotto

8 things I did yesterday(all my troubles seem so far away):
1.) nag-bloga
2.) kumain ng breakfast
3.) nag-edit ng videos
4.) nakipag-chat din sa mga kaibigan ko
5.) nangampanya para manalo sa lotto
6.) lumabas kasama ang isang kaibigan
7.) nanood ang inabutang SOP
8.) kumain ng sopas

8 things i wish i could do:
1.) tumangkad (haha!)
2.) makapunta sa Mt. Fiji at sa Jerusalem
3.) magsayaw kasi parehong kanan ang mga paa ko eh
4.) cloning para uutusan ko na lang mga clones ko
5.) surf (wish ko nga eh)
6.) makagawa pa ng maraming maraming awitin
7.) makapagshopping sa Pilipinas (haha!)
8.) makita si Pacman

8 shows I watch:
1.) Heroes
2.) SOP
3.) Eat Bulaga! haha!
4.) hindi
5.) ako
6.) nanonood
7.) ng
8.) TV

8 people I tag:
i-skip ko na lang muna to mga dabarkads. haha! sa susunod, sa susunod..

Thursday, April 23, 2009

Ikiz: Kwento Number 3

hindi ko akalaing magkakaroon pa ng kasunod ang Ikiz: Kwento Number 2. maikli man itong susunod na kwento ko ay mayroon pa din itong malalim na kabuluhan para sa akin.

umaga muli nang mangyari ang aming pagtatagpo sa ikatlong pagkakataon. may seremonyang magaganap para sa mga bata sa eskwelahan at ang nakababata nyang kapatid ay makakakuha ng "Best Improved in Behavior" award (gawa-gawa lang ata yung award na yun eh. haha!). Dahil dun, siya ay dadalo sa pagtitipon-tipon. maganda ang ayos nila ng kapatid nyang nakababata (mukhang mabango). nanabik muli ang puso ko sapagkat naglakad silang dalawa palapit sa akin. kunwari nama'y hindi ko napapansin.

"goodmorning. do i go with him (tinuro ang kapatid na bata) inside or do i go in later?" ang tanong nya sa akin, at sabay ngiti.

pakiramdam ko ay natunaw na naman ako, pero bago matunaw ay namula muna ang mukha. kahit malamig ang simoy ng hangin noong araw na 'yon ay ramdam ko ang init sa aking mukha. iniwas ko na lang muli ang pagtingin sa kanya at pinagpatuloy ang trabaho sabay sinabi kong..

"oh hi (kunwari ay nagulat pa ako)! yes you may come in with him through that gate (at itinuro ko ang gate)." biglang tumunog ang bell pinahayag sa aking kailangan ko ng pumasok sa gusali ng pamahalaan. pinakiramdaman ko sya nang biglang..

biglang..

biglang..

biglang..

sinabayan nya ako sa paglakad sa loob ng gusali at ang kapatid nyang bata ay pumapagitna sa aming dalawa (sige gamitin mo ang imahinasyon mo para makita mo ang pangyayari). sa isipan ko ay 'sana'y hindi mo marinig ang lakas ng tibok ng puso ko!' sapagkat rinig na rinig ko ang puso ko kahit kausap niya ako ng mga minutong iyon.

"where is the MPR?" ang mahinhin nyang tanong sa akin.

"oh im going that way. i'll show you where." hindi naman talaga doon ang daan ko ngunit pagkakataon ko ulit iyon na makapiling siya kahit konting sandali (..kung manggagaling sayo ay labis ko ng ligaya dahil sa ikaw ay mahal ko..) kaya't sinamahan ko na at hindi ba't iyon naman talaga ang dapat gawin ng isang mabuting mamamayan--tulungan ang mga poging nangangailangan ng tulong.

nang makarating na kami sa aming patutunguhan ay naghiwalay na muli kami ng landas at ang pabaon nya sa akin ay..

"thanks! bye!" at hindi maaaring walang matamis na ngiti.

"no problem!" ang wika ko at pinabaunan ko din siya ng mas matamis kong ngiti (at mga lumilipad na halik nang makatalikod na siya).

biglang nakita ako ng guro na tinutulungan ko at tinawag ako. sinabi nya na pumunta daw ako sa MPR at hintayin siya dun. laking ngiti ko habang naglalakad papuntang MPR (multi-purpose room pala yun). siya agad ang hinanap ko at nang makita ko na ay hindi ko na maialis ang tingin ko sa kanya hanggang matapos ang seremonya.

sinundan ko na ang guro at nagkasalubungan kami ni Ikiz (yes naman!).

muling nagpasalamat sa akin at nagpaalam, "bye. thanks."

"bye." ang mahinhin kong sinabi.
hindi na sya muling lumingon pa.

-ang pagtatapos-

Cubicle 121

blangko ang isip ko ngaun. nasa eskwelahan at nagbbloga sa laboratoryo ng mga kompyuter. 121 ang numero ng kahong kinauupuan ko. maraming tao dito. punong-puno nga eh. ung isa sa likod ko gumagawa ng mga araling-pambahay. ung katabi naman nya nanonood sa YouTube. siguro ung iba kung anu anu lang din ang ginagawa at hindi ang mga aralin nila. tulad ko, bloga ang inaatupag.

nagugutom na nga ako pero sa bahay na lang ako kakain (ano kaya'ng ulam..). libre pa. sana pauwiin kami ng maaga ni propesor. madalas naman pinapalabas kami bago mag ikapitong oras ng gabi (6:59pm). haha! ang totoo madalas 5:30 pa lang malaya na kami. may 2 daw kasi syang anak na alagain pa. swerte namin.

ayun! may pumasok na din sa utak. overdue blog post ang susunod na post dito. hehe.

yay!

Wednesday, April 22, 2009

Earth Day!

i did my part and hugged a tree today! that's it. bow.

Sunday, April 19, 2009

Camille Session #2

eto na naman po ulit si Guru Camille handang tumulong sa mga nangangailangan.

PAALALA: wag damdamin ang mga susunod na katotohanan sapagkat ito'y pawang kabaliwan lamang.


kung may nais kayong idagdag, magkomento lamang. salamat!

Thursday, April 16, 2009

Maskara

"kung may problema ka
magsuot ng maskara
takpan mo ang iyong mata
buong mundo'y nag-iiba"

ang sabi ng eraserheads

kailangan pa ba talagang mag-panggap kapag may problema ang isang tao? hindi ba't dapat harapin ito sa tamang katauhan? mas lakasan na lang dapat ang loob at tibayan ang pananampalataya. ewan ko lang ha para sa akin kasi pag nagpapanggap ang isang tao ibig sabihin hindi sya nagpapaka-totoo sa sarili nya at sa mga taong nakapaligid sa kanya.

pero siguro minsan mas lumalakas ang loob ng ibang tao pag nagpapanggap sila.

magpakalasing na lang kaya? maaari ka pang yumabang, tumapang, at maaari din na kumapal ang mukha mo. ayos!

anu sa tingin mo?

Wednesday, April 15, 2009

International Bloggers Community


Rules:
1. Link the person who tagged you.
2. Copy the image above, the rules and the questionnaire in this post.
3. Post this in one or all of your blogs.
4. Answer the four questions following these Rules.
5. Recruit at least seven (7) friends on your Blog Roll by sharing this with them.
6. Come back to BLoGGiSTa iNFo CoRNeR (PLEASE DO NOT CHANGE THIS LINK) at http://bloggistame.blogspot.com and leave the URL of your Post in order for you/your Blog to be added to the Master List.
7. Have Fun!

Questions & Your Answers:
1. The person who tagged you: choknat
2. His/her site's title and url: http://22nds.blogspot.com
3. Date when you were tagged: April 15, 2009
4. Persons you tagged:
reyjr
ako si ghelai
queen_maylyn
koko
rey
nicole fonacier
july

Monday, April 13, 2009

Camille Session #1

kung may problema ka wag na mag-dalawang isip at hingin na ang payo ni Guru Camille.

PAALALA:wag damdaming ang mga susunod na katotohanan sapagkat ito'y pawang kabaliwan lamang.

ikaw, anu sa tingin mo?

Saturday, April 11, 2009

Spring Break

kulang ang isang linggo para magbakasyon mula sa trabaho o sa paaralan. marahil dahil na din ito sa iba-ibang schedule ng barkada. hindi kami magkatugma-tugma sa mga libre naming araw. ganun pa man may mga makasaysayang pangyayari pa din na naganap habang bakasyon ako mula sa trabaho.

1. linggo - nakitambay kasama ang mga kaibigan galing Las Vegas at si Maja Salvador (naks!). kaarawan din ng aking kuya (damagan sa inuman, kantyawan, at pag-aambisyon na maging look-a-like ni heart evangelista, maja salvador, marian rivera, at yeng constantino).

2. lunes - nagpahinga buong araw at pumasok sa klase sa gabi. nanood din ng Heroes.

3. martes - gumising ng maaga at ginawa ang lesson plan project para sa Health class. simula pa lang ng semester ay ibinigay na ang assignment na 'yun. ginawa ko lang sa loob ng limang oras bago ang klase. pumasok sa klase at pagkatapos ay nakikain sa bahay ng kaibigan. sinundo ang ina mula sa trabaho nya.

4. miyerkules - inihatid ang ina sa trabaho sa umaga. nagbloga-bloga. pumasok sa klase sa gabi.

5. huwebes - nagbloga-bloga muli. sinundo ang ina mula sa trabaho sa gabi.

6. biyernes(good friday) - inihatid ang ina sa trabaho sa umaga. nagbloga-bloga. nanood ng sinakulo sa simabahan sa gabi. kumain kasama ang dalawang kaibigan pagkatapos.

7. sabado - eto nagbbloga na naman. hindi ko alam kung may mangyayaring may katuturan mamaya. sana naman.

hindi ba't sobrang makasaysayan ang mga pangyayari sa loob ng linggong ito sa buhay ng isang tulad ko..sa sobrang galak ko ay gusto kong magwala at sabihing..

mag-beach tayo!!! amboring!

Wednesday, April 8, 2009

Peace


P
lease
Educate
All
Children
Equality



to create a better, brighter future.
to stop the racism, prejudism, and all the negative-isms.
to end the bombings and the wars.
to have more effective leaders.
to have helpful and respectful followers.
to live happily and peacefully.

Tuesday, April 7, 2009

Maja Salvador

wala akong makwento. pictures na lang muna. i'll let the pictures speak for themselves. enjoy!

mag japanese daw. fine.

hindi ko alam kung sya ung sumingit o ako. haha!

dito sigurado sya ung umepal. ang kulit na bata!

ok.. talon naman daw tapos sya naman pala ndi nakatalon. haha!

candid lang. masaya!

Saturday, April 4, 2009

Tinataboy

i had a writer's block for a few days so a friend suggested that i post one of my songs here. i thought it was a good idea so here's one for your ears. hope you like it. please don't mind the voice. haha!



by chikletz:
gusto mo ba talagang humanap na 'ko ng iba
at ako'y pinagtatabuyan mo na
ayaw mo ba talagang muling maibalik pa
ang mga nakaraan nating dalawa

chorus:
tinataboy mo na ako
at ako'y nagpapaka-gago
inaaway mo na ako
ako nama'y nagpapatalo
para lang sa 'yo
para lang sa 'yo

hindi man lang napagbigyan ang aking kagustuhan
sa akin ay wala na ngang pakialam
di ko na ba talaga muling mapipilit pa
kakulitan ko ay 'di na gumagana

refrain:
mahal pa din kita
kahit tinataboy mo na