Wednesday, April 15, 2009

ANG BINYAG

Mag-aalas onse na. Kemeng nagtutumaray ang suot ni Nini na red pants with red plaid top, pati si Andres Bonifacio mahihiya sa suot niya. Nilalamok na siya kakahintay kay Stanley.

Si Stanley, otoko na ka-teks ni bakla. M.U.-M.U.han ang drama. Nagkakilala ang dalawa sa Downelink. Ipinalit ni Nini si Stanley kay Victor, kasi masyado siyang bisi-bisihan sa trabaho. Laging walang time, at lagging kulang sa aksyon.

Eyebol ng dalawa ngayon. Nagkasundo ang dalawa na magkita sa shupat ng San Miguel by the Bay sa MOA.

Mag-iisang oras nang naghihintay ang bakels. Tineks niya ulet si Stanley..

Nini: WER NA U? TAGAL PA BA U? W8 PA BA ME?

After 5 mins…

Stanley: LAPIT NQ. W8 NA LNG SAGLIT. NU ULET SUOT MO?

Nini: RED SUOT Q. INGAT U HA. MWAH. 

After 20 mins…

Nagkita din ang dalawa.

Teka. Parang may mali? Dun sa mga piktyuret ni Stanley sa DL, kamukha niya si Wendell Ramos. Pero sa personal, although same na mukha pa din, eh di hamak na mas maitim at mas kulang sa kinis na version ang arrive.

Kemeng kamustahan, at nung una medyo mga awkward na usapan pa. later alligator eh diretso na agad sa kanilang tunay na plano.

SWABE. Open 24-Hours. Feel Heaven with our Low Room Rates. Short Time Available!

Ang bongga ng karatula ng motmot.

Agad na kumuha ng kwarto ang dalawa, isang couple’s room. Pagpasok sa kwarto ay bumungad sa kanila ang isang kamang puti na may dalawang puting unan. Tumbling din ang combination ng yellow at green na pintura sa dingding. Amoy pinaghalong sabong panlaba at Clorox pa ang kwarto. Ewan na lang kung Clorox nga ang amoy na yun o iba. Kere na din, morayta naman.

Kemeng nagpakiramdaman muna ang dalawa.

Nini: Sure ka bang gusto mo to?

Stanley: Andito na tayo diba? Bakit nagbago nab a ang isip mo?

N: Di naman. Natatakot lang kasi ako. Tsaka baka napipilitan ka lang eh.

S: Umamin ka nga, first time mo no?

N: (Medyo natahimik sandali) Oo, first time.

S: Sabi na nga ba eh. Haha! Virgin ka pa pala!

N: Masama ba? Para namang natatawa ka. Pero wag mo na lang pagsasabi kahit kanino ha.

S: Di ko naman akalain na virgin ka pa eh. Eh diba bente uno ka na?

N: Eh sa ganun talaga eh. Kaya nga kita inaya dito eh para paglabas natin dito sa kwartong ito eh di nabinyagan nako!

S: Haha! Swerte mo, ako first experience mo, Magaling yata to.

N: Swerte mo kaw ang una sakin. Madami nang mga nabigong matikman ako nuon dahil di pa ako ready.

S: Talaga lang ha!

N: Talaga!

S: Ano, start na?

N: Kaw bahala. Sure ka na ha?

S: (Kunyari matatahimik) Sure naman… Diba alam mo naman, sabi ko sayo nun, di naman talaga ako pumapatol sa bading.

N: Sabi mo nga nun sakin sa text. Pero tineteks mo pa din ako kasi mabait ako sayo.At mapagbigay. At iba ako sa mga bading na nakilala mo.Sabi mo special ako.

S: Tama. Special ka. Ikaw lang naman special sa buhay ko ngayon eh. Alam mo ba, makuwento ko lang, yung tatay ko pala, naaksidente nung isang araw.

N: Aw.. kawawa naman ang tatay mo. Nategi?

S: Hindi naman. Lintik nga eh, nagka-halo halo na ang lahat ng problema. Nanay ko naman nawalan ng trabaho.

N: Awww…

S: Yung mga kapatid ko pa, walang kwenta. Maagang nag-asawa ang ate ko. Yung bunso naman namin adik.

N: (tahimik lang)

S: Namatay nga lola ko last month dahil sa TB, hanggang ngayon di pa din naming siya natutubos sa morhe kasi wala kaming pera. Yung lolo ko naman baldado dahil da polio…

N: (Nakakahalata na) Ah… Wala ka sa lolo ko…

S: Ha?

N: Wala. Sabi ko wawa ang lolo mo. Maligo ka na kaya muna para naman presko at malinis ka bago ang alam mo na…

S: Sige, sandali lang ha. Pero gagawin naman natin to kasi mahal kita eh. Pramis. Malungkot lang talaga ang istorya ng buhay ko. Puro problema lately. Na-late nga ako kanina eh kasi wala akong pantaxi, nag-bus lang ako. Kapos kapos kasi nitong mga nagdaang araw…

N: Talaga? Sige, maligo ka na. Dalian mo ha.

Nagpunta na agad ang nagdadramang otoks sa maliit na cr ng kwarto.

N: Gago to, dramahan pako, eh alam ko namang bet na naman manghingi ng anda. Che!

Habang nagtatanggal na ng rikutitos si Nini sa katawan, biglang may nag-vibrate sa puwitan niya. Cellphone pala ni Stanley. Kemeng na-sight niya ang namesung ng kolalu.

BEBE KO Calling…

Tumbling ang bakla. Bebe ko pala ha! Sinagot ni Nini ang telepono.

N: Helloer! Sino to? Ah, si Stanley ba? Wala eh. Ano, hinahanap siya ng lola niya? Ha? Gatas ng anak ninyo? Ah… Ah… Ok… (natigilan an lola niyo. OUCHNESS!) Eh kasi nasa banyo siya ngayon eh, naliligo. Baka gusto mo kami sugurin ditto sa motel. SWABE ang namesung ng place, malapit sa Buendia. Rm. 202 kami. Nga pala, bakla ako ha. Bye.

Tiyak shoshowag ulet ang merlat kaya pinatay agad ni Nini ang cellphone.

After a few minutes, lumabas na ng banyo si Stanley. At wala na itong damit.

Sight na sight na ni bekla ang buong shutawan ng otoks. In ferness, may sinabi naman. At promising din ang notes.

Pero wit na ang epekto ng erbog sa bakla. Napalitan na ng galit at inis at lungkot.

Una, niloloko lang pala siya ni Stanley. Kemeng siya lang daw, pero may bebe ko naman pala siya.

Ikalawa, napaka-sinungaling niya. Sa sampung sinabi niya, labing-isa ang di totoo.

Pangatlo, akala ni beks tonight na niya makakamit ang pinaka-aasam na first experience. Di pala. Din a niya kering makipag-do sa lalaking sinungaling at may asawa nap ala.

At pang-apat, nasasayangan siya sa nota na abot kamay na sana niya, pero naumay agad ang beki sa mga nalaman.

Wit na talaga niya betsay. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig.

Maluha-luha na ang bakla.

S: Oh, ready ka na honey? Bakit nakadamit ka pa?

N: Oo, ready nako. Ready nakong gumora! Nga pala, may tumawag kanina sa cellphone mo. Si Sarah Geronimo yata, Bebe ko kasi ang nakapangalan.

S: Teka lang---

N: Hinahanap ka daw nung lola mong nasa morge. Nasa pasada pa din daw kasi yung baldado mong lolo eh. At yung gatas daw ng anak ninyo wag mong kakalimutan.

S: Teka---

N: Wag kang susunod sakin kundi puputulin ko yang titi mo at pagbubuhulin ang mga bulbol mo! Sinayang mo lang bayad ko dito sa kwarto! S: Tek---

N: Tsaka hintayin mo na din si Bebe mo, nasabi ko naman na sakanya kung san tayo ngayon eh.

S: Te---

N: Akala ko Stan mapagkakatiwalaan kita. Pinaniwala mo lang ako. Pinaasa mo lang ako.

S: T---

N: Adios!

WALK OUT ang lola mo. TARAY!!!!!

N: (Habang papalabas ng motel) Sayang din pala yung moment, sana sinampal ko din siya o kaya tinadyakan sa etits.

On the way pauwi, kemeng emo mode ang Nini. Di man niya mai-iyak ang nararamdaman eh feel na feel naman niya ang bigat sa dibdib. Sakto pang “Paalam Na” ni Rachel Alejandro ang tumutugtog sa radio ng taxi.

Pagdating sa baler ay dumiretso na agad siya sa taas. Nasa kapihan sa baba sina Big Beki, Brida, Kiko at Irvine. Din a siya nagpapansin sa kanila.

Pagpasok sa sala ay naabutan niya si Jasper na tahimik na nakaupo sa sofa. Mag-isa. Halatang medyo ngenge.

Napansin ni Jasper and mood ni Nini.

Jasper: O bakit Nini, anong problema?

Natigilan ang bakla. Di niya matiis lingunin si Jasper. Di niya ito kayang deadmahin.

N: Eto, (sabay turo sa puso) masakit.

J: Boobs mo?

N: Sana boobs na nga lang eh. Hindi. Yung puso ko, masakit.

J: Ah… Halika dito, kwento mo sakin para naman di masyadong mabigat sa pakiramdam.
Lumapit at tumabi si Nini kay Jasper sa sofa. Kinuwento niya sakanya ang lahat. Lahat lahat.

J: Ah, so dapat tonight, gusto mo mabinyagan, pero iba ang nangyari… kakaiba din ha. AT tsaka ngayon ko lang nalaman na virgin ka pa pala. Virgin na virgin. As in walang kahit anong experience?

Umiling ang bakla.

J: Kahit blowjob lang?

N: Wala pa.

J: Wow. Galing ha. Hehe.

N: Eh ikaw, bakit mukhang mag-isa ka yata ditto? At nangangamoy Red Horse ka. Uminom ka no?

J: Konti lang. May problema din ako actually. Kasi si mama eh, male-late ang padala para sa pang-enroll ko this summer. Nanakawan daw kasi yung grocery namin sa probinsiya nung mahal na araw, ayun. Wala naman ako alam na mahihiraman ng pera sa ngayon. Tapos na din kasi ang pasahan ng promissory note eh. Tapos hanggang sa susunod na araw na lang ang enrollment for summer sa school. Pinoproblema ko tuloy kung paano ako makaka-enroll ngayon. Iniisip ko na ngang patulan yung alok ng bading kong prof eh para lang magka-pera eh.

N: (Sandaling natahimik) Teka, baka naman pwede ka muna pahiraman ni Big Beki, pamangkin ka naman niya eh. Nasabi mo na ba sa kanya?

J: Naku, hindi. Nahihiya ako sa kanya humiram. Actually, di pa nga din ako bayad sa kanya para dito sa renta ko ng kwarto eh.

N: Ganun ba? (dudukot sa handbag) Heto. 5 kyaw yan. Dapat, pambibili ko ng damit yan, tas yung sobra, dapat ibibigay ko ke Stanley. Eh kaso ayun nga ang nangyari, pwede ko muna pahiram sayo yan. Kasya naba yan pang-enroll mo? Kahit down mo lang muna.

J: Naku, di naman ako nanghihiram eh. At di ko matatanggap yan.

N: Eh kesa naman di ka maka-enroll. Eh diba graduating ka na din this coming school year? Para naman di ka na mag-overload sa June. Isipin mo na lang tulong kaibigan ko yan.

J: (hesitant pa din) Naku wag. Siguro naman may magagawa akong paraan tomorrow. Baka maka-tugtog din kami ng banda ko bukas.

N: Ay naku, mahirap din magbaka-sakali. At baka mapilitan ka pa sa huli na patulan yung professor mo. Ay, ayoko nun. Magseselos ako. Kasi mauunahan niya ako sayo. Haha. Uy, joke lang. Heto. Kunin mo na. Tsaka wala naman tong kapalit eh. (pilit isinuksok ang pera sa bulsa ni Jasper)

J: Salamat ha. Pramis ibabalik ko din ito agad pagka-padala nila mama. Salamat talaga. Pero kung di ko lang talaga to kailangan di ako mapipilitang kunin to. Basta babayaran kita agad.

N: Oh well, sino pa ba ang magtutulungan diba?
Natahimik ang dalawa. Nagkatinginan. Si Nini di na maiwasang kiligin. Si Jasper dahil na din siguro sa konting pagkalasing, eh tahimik na parang nag-iisip.

J: O, malungkot ka pa din ba? Masakit pa din?

N: Oo. Pero nabawasan. Salamat din sayo.

Tahimik.

J: Kung gusto mo, tutuparin ko ang wish mo sanang mangyari tonight with Stanley.

N: (natigilan ang lola) Ang sabi ko naman sayo, wala yang kapalit. Pinahiram ko sayo yang pera na bukal sa loob ko. Pramis. Tsaka ok lang naman na di muna matupad yung wish kong yun eh. Makakapaghintay pa naman ako.

J: Hindi, ok lang. Wala namang kaso sakin eh. Gusto din kitang tulungan sa wish mo. (tatayo sa sofa at tutungo sa kwarto) Sunod ka sakin dito sa kwarto. Dalian lang natin kasi baka umakyat na sila. Basta walang iba na makaka-alam ha.

Katahimikan.

N: oo, wala...

At sa wakas, nabinyagan na din si Nini--- nang bonggang bongga!!!

6 comments:

Herbs D. said...

gaga. di ka na virgin! LOL

OMG! you really walked out on him?! ANG TARAYYYY i love it. your fierceness has surpassed mine na. chos!

hahahaha. natawa talaga ako dito. langya to.

Luis Batchoy said...

NAMAN NING! HEHEHEE

Yj said...

naman gusto kong tumambling....

lagot yang si Nini kay Jasper pag nalaman niyang alam mo hahahahaha

WoM said...

Congrats nini!!!

Anonymous said...

BINYAG: eh dakilang kyolbam naman pala yang si Stanley eh. In fairness kabog ang namesung niya ha! hehehe! Una naisip ko wawa naman si NINI pero on the other hand. HINDi RIN! siya pa ang naka-BINYAG kay Jasper, KABUGAN ITEI!

Anonymous said...

ngek. asan na ang next post. antagal naman hehehe! joke. pero sana magpost ka na...