noong isang araw habang nanananghalian sa pantry ay napadpad ang usapan naming magkaka-opisina sa mga taon ng aming pagiging mga estudyante. isang tanong lang tungkol sa sembreak, ayun na. "may sembreak pa ba mga estudyante (elementary at high school) ngayon?" --- tanong na tumulay sa pagsasabing... "nung panahon namin, di namn uso yang sem break - sem break na yan sa high school."
doon nagsimula ang maraming pagbabalik-tanaw sa panahon ng pagiging estudyante...
intrams
sinong estudyante ang umaayaw sa intramurals? hindi lamang walang academic classes sa panahon ng intrams, ito rin ang pagkakataon na makapag-unwind ka sa karaniwang classroom-lecture sessions sa paaralan. makasali sa grupo na lalaban sa ibang year level para sa iba't-ibang uri ng larong-palakasan: basketball, volleyball, track & field, at marami pang iba. naranasan ko rin namang sumali bilang manlalaro ng year level namin sa chess pero mas gusto ko pa rin ang manood ng mga laro, mangantiywa sa kalaban kasama ng mga barkada ko, at kung minsan ay makipagkwentuhan na lang sa mga kaibigan sa ilalim ng umbrella tree at lumalamon ng kung anu-anong pagkain habang nakabilad sa araw ang mga naglalaro. exciting din ang announcement of winners at kung sino ba ang magiging over-all champion sa nasabing events.
foundation day
sa palagay ko, mas stress-less ang foundation day kumpara sa intrams. at para sa akin mas masaya ito. wala kase kaming ginagawa kundi lumibot sa buong campus (hanggang sa sakop ng college premises) at sumakay sa mga sinet-up na rides, tumaya sa mini-perya (kung pinayagan ng school admin magkaroon sa loob ng campus), at libutin ang iba't-ibang booths na nakatayo sa field: dedication booth, marriage booth, kising booth, at kung anu-ano pang booths. patok ang marriage booth lagi. dito dinadala ang mga target na couple para hulihin, iposas at "ipakasal" (o bigyan ng huwad na marriage certificate) bilang tanda ng kanilang pagkakahuli. maswerte ka naman kapag sa kissing booth ka napunta kase doon, may actual halikan kahit smack lang. hindi yata ako napunta sa dalawang booths na yun ah. kadalasan kase, kinukuntsaba ko ang tumatao dun at nakiki-duty ako sa manghuhuli ng mga "biktima" hehehe... paborito kong puntahan ang booth ng inihaw na hotdog. sa eskwelahan namin, parng hotcake ito kung bumenta. naisip ko tuloy, lahat yata ng nagsimula ng booth na yun eh "management" ang kursong kinuha pagtungtong sa kolehiyo. in fairness, natatandaan ko pa hanggang ngayon ang masarap na lasa ng sarsa ng inihaw na hotdog na tinitinda sa booth na yun. at dun ko nauubos ang allowance ko sa isang araw. yung mga emo naman (di pa pala uso ang terminong yun noon), well, yung mga katumbas nila noon, madalas tumambay at mag request ng kanta sa "dedication booth". kinikilig na ang mga kumag kapag nabanggit ang mga katagang: this song is lovingly dedicated to (insert name here). Message: i miss you and wish you could be mine forever. Love, (insert codename here). at kung matapang-tapang ang mukha ng nagdedicate ng kanta, real name nya ang babasahin sa huli.
heart's day
napag-uusapan ang mga kilig (ka-corny-han) factor nung high school, isa sa cheesey moments ng high school life ang araw ng mga puso. sa eskwelahan namin, pinapayagan ang mga flower vendors na magkaroon ng tindahan sa loob ng campus, at malayang makabibili ang mga lalaki ng bulaklak para sa kung sinuman ang gusto nilang pagbigyan nito. eto ang panalo: pwede ang special delivery sa mga biniling bulaklak. sabihin mo lang ang room number, pangalan kung para kanino ang bulaklak at anong oras mo gustong ipa-deliver yun. kung kaklase mo yung babaeng pagbibigyan mo, ayos sa kilig moment!
Delivery Boy: excuse me ma'am may delivery lang po ng flowers.
Teacher: Ok sige. O class, meron daw nagpadeliver ng flowers, para kanino kaya?
DB: To (insert girl's name here), Message: "if i have to choose between loving you, and breathing. I would use my last breath to say I LOVE YOU."
love & kisses, (insert flower sender's codename here)
Whole Class: yiheeeee!!!!!
Girl (flower recipient): *blushes endlessly until end of class*
LOL!
Wala akong maalalang memorable tungkol sa academics. hahaha.. hmm, siguro yung NCEE (pinalitan ng NSAT) review & actual test ang pinaka memorable nung high school. kase kailangan naming pumasok kapag Sabado, hindi dahil sa make up classes sa dami ng bakasyon kundi dahil may NCEE review kami. marami pang high school memories. sa susunod na siguro maikukwento yung iba.
elementary moments naibahagi ko na yata ng kaunti ang ilan sa mga "aktibidad" ko nung elementary. bukod sa pagkakalat sa pagkanta ng Lovers In The Wind sa entablado noong kinuha akong guest singer sa school pageant, marami rin namang magandang memories nung elementary. siguro sa ibang pagkakataon, maiisa-isa ko dito ang mga naaalala ko mula noong kinder pa ako. hmmm... maganda ring balikan yung mga taon na yun, si Pangulong Marcos pa ang presidente ng Pilipinas noon. noong elementary rin ako unang nakatanggap ng "love letter" yiheee... di pa uso text nun. mas nakakakilig makatanggap ng totoong sulat-kamay na love letter kaysa love quotes lang sa celfone na hindi mo alam kung ilan kayong pinadalhan nun. haha! :p
kaugnay ng aktibidad noong elementary, napansin ko lang, isang araw kase habang nangapit-bahay kami ng baby ko (para magbilad sa morning sun), napansin ko (sa tindahan ng kapitbahay namin) na binibili na lang pala ng mga estudyante ang UN (members) flags na ipaparada para sa selebrasyon ng UN WEEK. bakit ganun? nung panahon namin eh kami mismo ang gagawa ng flag na mabubunot namin (na lahat kami ay umaasang Japan ang mabubunot) sa pamamagitan ng oslo papers at art papers. ngayon instant bili na lang mga estudyante. paano na ang creativity? :(
marami na marahil nagbago sa style ng mga mag-aaral noon at ngayon. pero isa lang ang nananatili hanggang ngayon na masasabi natin: masarap maging estudyante! agree?
Sunday, October 25, 2009
flashback < < < school days
story told by
aajao
at
2:58 pm
3
feedback
Labels: chapter, friends, lighter side of life
Saturday, October 24, 2009
Thursday, October 15, 2009
climate change
hindi ko alam paano sisimulan ang post na ito mula nang malaman kong ang topic sa (Philippines) Blog Action Day ngayon ay tungkol sa climate change. marami kasing pwedeng talakayin sa usaping ito at kahit sino ay may masasabi sa isyu ng lumalalang pagbabago ng klima sa mundo.
ang pagmamalasakit ko sa kapaligiran ay nagsimula pa sa mura kong gulang--- noong nagsimula kong pangarapin na ang sapa sa tapat ng bahay namin sa K-6th, Kamuning sa lunsod Quezon, ay bumalik sa dati nitong kalagayan. malimit ikuwento ng mga tita ko sa aming magpipinsan na sa sapang iyon sila naglalaba at naliligo nang panahon ng kanilang kabataan. nakatunganga lang kaming magpipinsan dahil sa naririnig ng mga tainga namin at sa nakikita ng mga mata namin, parang ibang sapa yata ang tinutukoy nila. ang yamang-likas na pinakinabangan nila nang husto noong panahon ng kabataan nila ay pinakinabangan din naman ng henerasyon namin--- bilang tapunan ng basura. kapag tumambay ka sa labas ng bahay namin at magmasid ka lang sa mga kabahayan sa tabi-tabi, mawawala sa bilang ng daliri ang makikita mong plastic na naglalaman ng basura ang tila mga-UFO na lumilipad papunta sa sapa. at eto pa ang panalo: tuwing umaga ay makikita ang di-mabilang na balahibo ng manok na inaanod sa kawawang sapa. pilit kong inalam sa mga nakatatanda noon sa akin kung saan nanggagaling ang mga balahibo ng manok na iyon at iisa ang sagot nila sa akin: sa Nepa Q Mart! sa isip-isip ko, paano kaya puputi at lilinaw ulit ang tubig dito sa sapa? kahit yata budburan ito ng chlorox ay hindi na ito mabubuhay pang muli. ang tanging nagsasabi na may buhay pa ito ay ang kanyang patuloy na pag-agos papuntang kanluran.
may ilang ulit na rin sigurong tinanggalan ng basura ang sapa sa tulong ng barangay pero ang mga tao sa paligid nito ang talagang kumikitil ng buhay ng kawawang tubigan. nagtayo ng sabit-sabit na barung-barong sa mga gilid ng sapa, ginawang tuwirang tapunan ng dumi at iba pang kalat at hindi na nagkaroon pa ng pagsisikap na malinis itong muli.
noong kabataan ko rin unang natutunan na ang mga puno ay nagbibigay ng oxygen sa tao at ang inilalabas naman nating carbon dioxide mula sa hininga natin ang siya namang kinagigiliwan ng mga puno. kasabay noon ay natutuhan ko ang ibig-sabihin ng co-existence. hindi ko lang maintindihan kung bakit ang mga tao ay walang awa kung magpatumba ng mga puno gayong hindi lamang ito nagbibigay ng pangunahin nating pangangailangan gaya ng nabanggit ko na, ito rin ang tumutulong para maging matatag ang mga kabundukan natin bumuhos man ang malakas na ulan. speaking of ulan and kabundukan...
fast-forward to the future. taong 2007 nang mapatunayan ko ang lumalalang kalagayan ng mga kabundukan sa lalawigan na tinatahanan ko, partikular ang Antipolo. sa isang bahagi ng blog post kong ito, ikinalungkot ko nang lubos ang nakita kong kalagayan ng mga bundok sa may bandang Teresa, Rizal. mahigit dalawang taon pagkatapos kong i-post iyon, mas lumala ang kalagayan ng mga bundok ngayon (na nasa larawan) habang ang Timog Katagalugan ay nagsisimula pa lamang umahon sa pinsalang idinulot dito ng bagyong si Ondoy. hindi ko lang tiyak kung nakakatulog pa ba ng mahimbing ang mga kinauukulang nagbigay ng permit sa mga tao na may kinalaman sa pagkakalbo ng mga bundok na iyon para lamang sa pansarili nilang kapakinabangan. nakakapagngitngit kase walang kalaban-laban ang mga kawawang puno at bundok. at kapag naghigante naman ang kalikasan, apektado pati mga walang malay na tao. kung sana ang puntirya lagi ng kalamidad ay yaong mga nasa mansyon na kanilang tahanan at patuloy na nagpapasasa sa mga kawalang-pakialam sa kapaligiran nito, huwag lamang maging salat ang mga bulsa nila sa kahayukan sa kayamanan!
naalala ko, noong ako'y naglilingkod pa sa isang himpilan ng radyo bilang pinaka-una kong naging trabaho pagkatapos kong umabot ng diploma sa kolehiyo, inatasan akong mag-produce ng isang segment sa balitang pang-umaga. isa lang ang agad-agad na pumasok sa isipan ko: tungkol sa kalikasan. at tamang-tama. ang initials ng segment ay tugma sa initials ng himpilam namin: E.M. para sa Environment Monitor. Ito rin ang unang naging sarili kong segment sa radyo: ako ang producer, ako rin ang segment reader. sa bahaging ito ay nagbigay kami ng mga tips para mapigil, o kung hindi man, ay mapabagal ang global warming; mga updates sa kalagayan ng kalikasan sa buong mundo, mga balita tungkol sa climate change at kung ano ang magagawa ng tao sa bagay na ito, at panghuli ay tahasan naming iniuulat sa ere ang mga plaka ng sasakyan na sobrang magbuga ng maitim na usok sa lansangan. ito ay akma sa noo'y ipinapasang Clean Air Act mula sa senado ng Pilipinas (ano na nga ba ang nangyari dito?) na-miss ko rin ang propesyon kong iyon.
marami pang pwedeng talakayin ukol sa climate change. sa ngayon, ang hinihiling ko at maging ng maraming Pilipino, ay para sa mga nakahandang maglingkod sa bansa sa darating na mga taon. sana ay bigyan ng kaukulang pansin ang seryosong isyu na ito ng ating kapaligiran. sa bawat pagkilos natin sa panahong ito ay nakasalalay ang kaginhawahan o kasawian ng mga susunod na henerasyon--- henerasyon ng mga anak natin o hanggang sa mga apo pa, kung kakayanin pa tayong tiisin ng mundong patuloy nating pinahihirapan.
kung hindi dito, saan pa tayo maninirahan?
story told by
aajao
at
6:41 pm
1 feedback
Labels: social cause
Sunday, October 11, 2009
weekend family bonding
loving the weekend which is about to expire in a couple of hours... i wasn't able to bond with our baby yesterday as i was driving to and fro in the towns of Rizal. while Camille was having her vaccine at the pedia clinic, i was walking along the brownout-stricken town of Taytay to look for an online ATM. after passing by three offline machines, i gave up and went back to the clinic. wifey told me that our baby Camille didn't even projected any pain during her vaccination. and the doctor was delighted with her. we took a quick lunch afterwards at my in-laws place then wifey & i dropped by SM to do some business. then off we went to the dentist in Morong with my brother-in-law. while the siblings had their braces done, i got my teeth cleaned. again, complimentary service by our dentist. yay! i insisted on having the van washes so we lined up at the car wash were we also eat goto, just along ortigas extension near Brookside subdivision. boy, car wash businesses are jampacked everywhere!. it's the only place with the least waiting line so we decided to wait in there. fortunately for us, it's the only carwash place which didn't experience power outage until i had the van washed. the others where we looked in to earlier got darkened with the brownout as we passed bt them on our way back home. i just can't imagine myself lining up for hours just to cancel the washing when it's your turn due to brownout. today i made it up with my little Camille and tried my best to bond with her. i sent her mom to church in the afternoon so dad & daughter may have their time together. :p lolo ed also visited home and as usual, gave some relief goods (hehehe...) it feels good to bond with little Camille. we slept together holding each others hands, when she woke up she was talking to her dad and smiling. she cried a bit just for me to find out she needs to change her diaper. pupu! then she was giggling again and playing with me. i brought her upstairs to her lolo's room for him to see what the little girl is now capable of doing--- chatting & giggling. brought her to the playpen, fed her and took her outside. when her mommy returned, little Camille displayed her signature pouting lips. "sino....? sinong umapi sa baby ko?" is always our line when she displays that look. we rushed to prepare to do some groceries while i went to choir practice. as i blog, little Camille is with lalola who missed her for a day.
tomorrow is a brand new week. dad & i should be doing some business in the morning before i go to work. reminds me, i need to text my boss and inform her that i'll be late tomorrow.
story told by
aajao
at
10:54 pm
3
feedback
Labels: family, fatherhood
Thursday, October 08, 2009
moon cake festival and colleagues
today has been a different office day, i could not even label it as "work day".
brown-out
we all arrived seeing our office, much more the whole building, in darkness. the building generator won't function. my office mates & i can only do less so we decided to just go up the rooftop and spend some time there until at least the generator starts functioning. but no generator functioned until past 10AM. that left our management to decide to have an early lunch out as we also celebrated the moon cake festival.
buffet @ Saisaki
all personnel in the provinces were booked to Manila for this event. we dined in Saisaki along EDSA and enjoyed their buffet servings.
dice game
since i joined the company, this is the second time we played the dice game in celebration (or observation) of the moon cake festival. i'm just excited about the CA$H prizes. LOL. but i'm really not fortunate on these kind of games. all i get are those "consolation prizes" and we prepared a whole lot this year: Samba, Kisses, Moby, Boy Bawang, etc... a colleague took my turn when i needed to attend to a work-related matter and she won me a bigger hopia and two hundred bucks! wow! it's the best prize i received in two years. haha! some of my colleagues accompanied me to DKT to do some official business then, we went back to the office just to pack or things and call it a day! generator's malfunctioning and place is not conducive to working. :p
more related photos here.
story told by
aajao
at
10:55 pm
3
feedback
Labels: event, food, friends, lighter side of life
Wednesday, October 07, 2009
for he's a jolly good fellow
...that nobody can deny!
since i got hired from the company i'm currently working in, he's been my immediate superior to whom i'm directly reporting to. Sir Des, as he's addressed here in the office, was one of the pillars of this company. if not for him, this company couldn't have launched timely and grew steadily, aside from the direction of the General Manager. we've had a lot of memories together as colleagues... good memories. one of the coolest bosses whom i had. we all wish him well as he take a step into another chapter of his life after retirement. my IMDS experience will never be the same without my boss, Sir Des.
more photos of his retirement dinner-party here.
(audio-video presentation made by colleague, Iris)
story told by
aajao
at
6:50 am
4
feedback
Labels: tribute
Monday, October 05, 2009
Hindi Na Bubuti Pa Ang Sitwasyon Ng Mundo
Ano ang tinitiyak ng Biblia na mangyayari sa mga huling araw?
"Tandaan mo ito: mababatbat ng kahirapan ang mga huling araw." - II Tim. 3:1, MB
Gaano katindi ang magiging mga pangyayari sa mga huling araw?
Tandaan ninyo ito: nakapangingilabot ang mga huling araw." - II Tim. 3:1, NPV
Anu-ano pa ang tinitiyak ng Biblia na mangyayari kapag malapit nang dumating ang wakas?
"Ipinasasabi pa ni Yahweh: "Hindi na magtatagal at sunud-sunod na kasawian ang aabot sa inyo.
Laganap na ang karahasan at kasamaan. Walang ititira sa kanila, lahat ay mawawala: kasaganaan, kayamanan, kabantugan.
Nasa labas ng bayan ang tabak, nasa loob naman ang salot at taggutom. Ang nasa bukid ay namamatay sa tabak. Ang nasa loob ng bayan ay nauubos sa salot at taggutom.
Dumating na ang wakas! Ito na ang inyong hangganan. Dumating na ang inyong katapusan, mga mamamayan ng lupain. Dumating na ang panahon, malapit na ang araw ng kaguluhan. Tapos na ang masasayang araw sa ituktok ng bundok." - Eze. 7:5, 11, 15, 6-7, MB
Ano pa ang ilan sa mga nakapangingilabot sa mangyayari bago dumating ang wakas at ano ang ibig sabihing dumarating o malapit na ang wakas?
"At magkakaroon ng malalakas na lindol, kagutom, at mga salot sa maraming lupain, at mga nakatatakot na pangyayari at mga palatandaan sa kalangitan...
At makikita nila Akong Anak ng tao na dumarating sa mga ulap na taglay ang dakilang kapangyarihan at karangalan." - Luk. 21:11, 27, SNB
Sino ang may masamang plano na gagamitin ang mga pangyayaring ito laban sa mga hinirang?
"...Sapagkat ang matinding poot ng diyablo ay babagsak sa inyo. Alam niyang kaunting panahon na lamang ang nalalabi sa kaniya.
sa galit ng dragon, binalingan nito ang nalalabing lahi ng babae upang digmain. Ito ang mga taong sumusunod sa utos ng Diyos at nananatiling tapat sa katotohanang inihayag ni Jesus." - Apoc. 12:12(c), 17, MB
Ano ang gagawin ng diyablo para maipagtagumpay niya ang kaniyang matinding poot sa mga hinirang na sumusunod sa utos at katotohanan ng Diyos?
"Ang nalaglag sa tabi ng daan ay ang mga nakinig, ngunit dumating ang diyablo at inalis sa kanilang puso ang salita upang hindi sila manampalataya at maligtas." - Luk. 8:12, NPV
Anu-ano ang gagamitin ng diyablo para maalissa puso natin ang mga salita g Diyos na ating tinanggap at nang tayo'y kaniyang maipahamak?
"Ang mga salita ang inihahasik ng manghahasik. Ang mga nasa tabi ng daan ay ang mga nahasikan ng Salita, na pagkarinig nila sa Salita ay agad na dumating ang masama at inagaw ang nahasik sa kanila. Gayundin ang nahasik sa batuhan. Pagkarinig nila sa Salita, kaagad nila itong tinanggap ng buong kasiyahan. Ngunit hindi ito nag-ugat sa kanilang kalooban at panandalian lamang. Kapag nagkaroon ng pagsubok at pag-uusig dahil sa Salita, agad-agad silang natitisod. May iba pang nahasik sa tinikan. Ang mga ito ang nakarinig sa Salita. Ngunit pinapasok ang mga ito ng makamundong kabalisahan, ng pandaraya ng kayamanan at ng iba pang mga pagnanasa. Sinikil ng mga ito ang Salita at hindi na nakapagbunga." - Mar. 4:14-19, BSP
Ano ang ipinagagawa ng Diyos sa mga hinirang para makatiyak ng kaligtasan?
"Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagkat ako'y Dios, at walang iba liban sa akin." - Isa. 45:22
Paano ang pagtingin sa Diyos para maligtas?
"Ngunit ang paningin ko sa iyo makatuon, O Kataastaasang PANGINOON; sa iyo ako nanganganlong huwag mo akong ibigay sa kamatayan." - Awit 141:8, NPV
Papaano natin magagawang makapanganlong sa Diyos sa ating pagtingin sa Kaniya?
"Ang karaniwang pagkain ko ay mga luha--- luha para sa agahan, luha para sa hapunan. Sa buong maghapon ang mga tao ay kumakatok sa aking pinto, [nang-iinis, nanggugulo], Nasaan itong Diyos mo? Ito ang mga bagay na nangyayari sa akin ng paulit-ulit, inuubos ang sisdlan ng aking buhay. Ako ang laging nasa pangunguna noon sa mga mananambang karamihan, doon mismo sa unahan, pinangungunahan silang lahat, sabik na makarating at makasamba, humihiyaw ng mga papuri, umaawit ng pagpapasalamat--- nagdiriwang, tayong lahat, piging ng Diyos! Bakit ka nanlulumo, aking kaluluwa? Bakit ka umiiyak ng buong kalungkutan? Ipako ang aking mga mata sa Diyos--- sa madaling panahon ako'y magpupuring muli. Paliligayahin Niya akong muli. Siya ang aking Diyos...Ako'y nauuhaw sa Diyos na buhay..." - Awit 42:3-5, 2(a), MSG
Anu-ano ba ang ilan lang sa mga suliraning tiyak na mapagtatagumpayan o malalampasan natin kapag hindi tayo bumitiw sa ating mga pagsamba sa Diyos?
Panginoon, buong puso kitang pinasasalamatan. Sa harap ng mga hukbo ng mga anghel ay aawit ako ng mga papuri sa Iyo. Humaharap ako sa Iyong Templo sa aking pagsamba, na nagpapasalamat sa Iyo sa lahat ng Iyong mapagmahal na kagandahang-loob at Iyong katapatan, dahil ang Iyong mga pangako ay itinataguyod ng lahat ng karangalan ng Iyong Pangalan. Ako ma'y naliligiran ng mga [kaguluhan, kaligaligan], palalampasin Mo akong ligtas sa mga yaon. Ikukuyom Mo ang Iyong mga kamay laban sa aking mga nagagalit na mga kaaway! Ang Iyong kapangyarihan ang magliligtas sa akin. Ang Panginoon ang gagawa ng Kaniyang mga plano para sa aking buhay--- dahil ang Iyong mapagmahal na kabutihan, Panginon, ay magpapatuloy magpakailanman. Huwag Mo akong pabayaan--- dahil Ikaw ang lumikha sa akin." - Awit 138:1-2, 7-8, TLB
Ano ang dapat nating hilingin sa Diyos ngayon para mamalagi na sa atin ang Kaniyang pagtulong hanggang sa wakas?
"Pakinggan mo, Yahweh, ang aking dalangin, tulungan mo ako, ako'y iyong dinggin. Dumaraing ako kung mayro'ng bagabag, Iyong tinutugon ang aking pagtawag.
Ibaling sa akin ang awa mo't habag, iligtas mo ako at bigyan ng lakas; Yamang naglilingkod sa iyo ang tapat. Pagtulong sa aki'y iyong patunayan; upang mapahiya ang aking kaaway, kung makita nila yaong katibayan na ako'y inaliw mo at tinulungan!" - Awit 86:6-7, 16-17, MB
story told by
aajao
at
10:54 pm
3
feedback
Labels: faith
Friday, October 02, 2009
quick update
checking home and grabbing some things... earlier, i bought Camille's milk @Shopwise-Libis after our office was called off at 4PM and i was expecting people to flock the supermarket. boy, i was right! but i was amazed, yes, amazed by the sight of these two shelves of canned goods:
well, is this expected?
- - - - - - - - - - - -
on another story, Laguna de Bay level apt to break 90-year record! yaiks! take all the necessary pre-cautions, my dear countrymen.
meanwhile, as of today, here's an update with typhoon "Pepeng" (international name: PARMA)
Issued at 5:00 p.m., Friday, 02 October 2009 Typhoon "PEPENG" has slowed down as it continues to move towards Aurora-Isabela area.
Location of Center:
(as of 4:00 p.m.) 150 kms North Northeast of Virac, Catanduanes
Coordinates: 15.1°N, 125.3°E
Strength: Maximum sustained winds of 195 kph near center
and gustiness of up to 230 kph
Movement: West Northwest at 13 kph
Forecast Positions/Outlook: Saturday afternoon:
expected to make landfall in Northern Aurora
then cross Northern Luzon
Sunday afternoon:
50 kms South Southwest of Laoag City
Monday afternoon:
230 km West Northwest of Laoag City
again, ingat-ingat po tayo!
story told by
aajao
at
8:16 pm
4
feedback
Labels: huwaaat???
Thursday, October 01, 2009
surviving another typhoon
people in Luzon, particularly in the southern part and metro manila, haven't fully recovered from the wrath of tropical storm 'Ondoy' (Ketsana) and are now getting ready for the coming of another super typhoon, PEPENG (Parma)
ingat, ingat... mga kabayan!
some useful tips i got from my inbox that i want to share with everyone:
When you first re-enter your home
* Turn off your main power supply if there is still standing water in your home. Do this only if the switch is on a dry location. "If you must enter standing water to access the main power switch, then call an electrician to turn it off."
* CDC warns that you should never tinker with the power switch or use an electric tool or appliance while standing in water.
* Ask an electrician to check your house’s electrical system before switching on your power supply.
* If the house has been closed for several days, enter briefly to open doors and windows to let the house air out for a while for at least 30 minutes.
* CDC says that if your house has been flooded and closed for several days, it may be contaminated with mold or sewage.
When cleaning up your home
* Wear rubber boots, rubber gloves, and goggles when cleaning up your home. Make sure that children and pets are away from the affected area.
* Throw items that cannot be washed and disinfected, such as mattresses, carpets, rugs, sofa sets, cosmetics, stuffed toys, pillows, books, wall coverings, paper products.
* Remove and discard drywall and insulation that has been contaminated with sewage or flood waters.
* With hot water and detergent, clean hard surfaces like floors, walls, wood and metal furniture, countertops, appliances, sinks, and other plumbing fixtures.
* After the clean-up, wash your hands with soap and warm water that has been boiled for a minute then cooled down after. You may use disinfected water, too.
* With hot water and detergent, wash clothes you’ve worn during the clean-up or those contaminated by flood water or sewage water.
* Outside your home, have your onsite waste-water system professionally inspected and serviced if you suspect damage.
* Seek immediate medical attention if you become injured or ill.
When drying out your house
* If an electrician says your power supply is safe to turn on, CDC advises you to use a “wet-dry" shop vacuum to remove standing flood water. You may also use an electric-powered water transfer pump or a sump pump.
* Make sure you wear rubber boots.
* If you do not have electricity yet – or if you have, but it is still unsafe to turn your power supply on – use a portable generator to power equipment to suck standing flood water.
* CDC adds: “If you must use a gasoline-powered pump, generator, pressure washer, or any other gasoline-powered tool to clean your home, never operate the gasoline engine inside a home, basement garage, carport, porch or other enclosed or partially enclosed structures, even if windows and doors are open. Such improper use can create dangerously high levels of carbon monoxide and can cause carbon monoxide poisoning.
* Open windows and doors of the house if the weather allows. You may use dehumidifiers and fans to remove excess moisture.
* Before turning on an air-conditioning unit or heating/ventilating system, have a maintenance or service professional check for possible mold contamination. "Professional cleaning will kill the mold and prevent later mold growth."
Source: US Center for Disease Control and Prevention (CDC)
story told by
aajao
at
5:38 pm
1 feedback
Labels: dilemma, life's like that