ilang araw na lang, Agosto na. kailangan ko pa bang ulitin na ang bilis ng panahon. ganitong mga panahon noong nakaraang taon, sabik ako sa nalalapit na pagdating ng pamilya ng ate ko mula sa Canada, bukod sa nagtipon din ang mga dabarkads kong KADIWA para mag-usap ng buhay-buhay. napakadalang na naming magawa iyon at noong gabi na iyon ay nabuo muli kami para kumain at pagkatapos ay magkape at isagawa ang halos magdamagan na kwentuhan. ang lahat ng iyon ay may kaugnayan sa nalalapit kong kasal. nang mga panahong ito rin noong nakaraang taon, dinalaw ako ng trangkaso habang nananatiling kailangan kong pumasok dahil sa cut-off week sa opisina at maraming trabaho. mabuti ngayon, kahit nabasa ako sa ulan noong isang araw ay awa ng Diyos hindi naman ako dinadapuan ng karamdaman.
malapit nang matapos ang buwang ito. naging abala para sa akin ang buwang ito dahil sa mga paghahanda sa ika-95 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo, at ikinagagalak kong maging kabahagi sa pagdiriwang ng pagtatagumpay na ito ng pananampalatayang kinaaaniban ko. sa buwan din na ito inihandog sa Diyos ang aming si Aya Jr. kasabay ng pagsamba/pasalamat sa Diyos noong Linggo, na pinangasiwaan ng kapatid na Albert. nakaraang Biyernes naman ay ika-isang buwan na ni Boneneng. ulitin ko, ambilis ng panahon. bumibigat na rin sya dahil sa lakas uminom ng gatas. lagi na silang magkasama (bonding) ng mommy nya sa araw at medyo dumadalas na rin ang pag-duty ko sa kanya sa gabi o kapag umuwi na ako ng bahay. mabuti rin naman para lagi nyang naaamoy at nakakaulayaw ang daddy nya :) nakakatuwang pagmasdan ang dalawa kong "Aya(h)". sabi ng iba, magkamukha ang mag-ina ko. hindi naman ako kumokontra. meron din namang nagsasabi na kamukha ko. hmm.. ewan ko. marami yatang kamukha si Aya Jr. hanggang ngayon nalilito pa kami sa palayaw nya. Yun kaseng "Boneneng", dapat sa amin lang mag-asawa yun. Yung "Aya" naman, hindi namin mai-tawag sa kanya kase nga "Ayah" ang tawag sa mommy nya. yung "Heart" siguro ang dapat naming sanayin para magaya ng iba pero may nagsabi ang layo raw ng Heart sa pangalan nya. Oo naman, malayo. Hmm... siguro bahala na si baby Aya kung anong gusto nyang itawag namin sa kanya paglaki nya. Basta ang alam namin, mabait sya ngayon... lalo na pag tulog. :D
malapit nang matapos ang taon. ano pa kayang hinihintay ko na darating bago matapos ang taon na ito? hmm...
Wednesday, July 29, 2009
malapit na
story told by aajao at 7:50 am 4 feedback
Labels: contemplating, family
Monday, July 27, 2009
IGLESIA NI CRISTO DAY
My Only Wealth
How can I repay the gift I most treasure
That I am a member of the Church of Christ?
Jesus, nothing can compare to the measure
Of this grace which is my only wealth in life.
Bless my hope that it may never waver,
Bless my faith whatever befalls;
And within Your Church, my precious Savior,
Bless my love to overcome all.
How could I regret the gift of salvation
That my soul received within the Church of Christ?
Jesus, I have found my heart's consolation
In Your promise of an everlasting life.
Bless my hope that it may never waver,
Bless my faith whatever befalls;
And within Your Church, my precious Savior,
Bless my love to overcome all.
story told by aajao at 5:45 am 3 feedback
Labels: faith
Friday, July 24, 2009
happy one month
...birthday sa aming bunsoy!
sa loob ng isang buwan, binago mo ang mundo namin ng mommy mo. pasensya ka na anak. wala kaming maisip na pangalan mo. muntik ko pang lagyan ng "Jr." yung record sa birth certificate mo mabuti na lang, naisip ko kaagad na baka magtampo ka sa amin paglaki mo. di bale, maganda naman ang pangalan ni mommy na isinunod sa yo di ba? saka maganda ka rin naman. sana lalo kang maging mabait at lagi mo kaming bibigyan ng kaligayahan. para kahit anumang problema ang dumating, tatawanan lang nating tatlo nina mommy mo yun, di ba?! anak, bawas-bawasan mo ang katakawan sa pag-inom ng gatas. minsan nasasamid ka na, sige pa rin ang ngasab. hehehe... nakakatuwa kang pagmasdan. napapangiti na lang kami ni mommy mo sa yo. saka huwag bugnutin ha? si daddy lang ang pwedeng maging bugnutin. pero sa totoo lang, natatawa ako sa yo kapag nakikita kong salubong ang kilay mo. may pinagmanahan. hahaha! hay naku, anak. ang bilis mong lumaki. kapag karga kita (na once in a blue moon lang mangyari), panay pa ang sipa mo sa akin. gusto mo bang maging varsity ng soccer? pero tingin namin ni mommy mo, magiging magaling kang manlalangoy. kung hindi man, pang-olympics siguro ang husay mo sa tennis o badminton. kase kapag nakahiga ka sa kama, panay ang wag-wag mo ng dalawa mong kamay. yun yata ang pinaka-exercise mo. at isa pa pala. ang daldal mo. kanino ka ba nagmana ng kadaldalan? kahit may subo kang pacifier o feeding bottle, kinakausap mo kami. di bale, anak. paglaki-laki mo pa ng kaunti, malalaman mo rin na hindi dapat magsalita kapag puno ang bibig mo. pero ok lang. cute ka pa rin. hmm... handog mo na sa Linggo. excited kaming lahat lalo na kami ng mommy mo. syempre, sabi nga ng kapatiran, "maitatala na ang pangalan mo sa aklat ng buhay sa langit." wow, anak! big day mo yun! at saka andaming nasasabik na makita ka sa kapilya. pinagdadamot ka kase namin sa kanila. kailangan sa Linggo, uber ganda ka! at kailangan lagyan kita ng net para "no touch" ang mga tao sa yo. hanggang "look" na lang sila. hehehe.. hindi joke lang. syempre proud lang kami sa yo ni mommy mo. sensitive skin ka pa naman. konting pagbabago sa paligid, namumula ang kunyaring mestiza mong kutis. hehehe. nga pala may itatanong ako sa yo bago ko tapusin itong blog post na ito ni daddy para sa iyo: uhm... gusto mo na bang maging big sister kay 3rdy? hehehe.. ay teka baka masapok ako ng mommy mo. sige anak. enjoy ka muna sa paglaki! lab yu!
- daddy
story told by aajao at 4:41 pm 3 feedback
Thursday, July 23, 2009
pagbabago ng mundo
hindi ito tungkol sa global warming at hindi rin tungkol sa pagbabago ng mundo ng mga Pilipino sa nalalapit na halalan sa taong 2010. mula nang dumating sa mundo namin si heart, nagbago na ang mundo naming mag-asawa. sabi ng karamihan, magbabago raw ang mundo mo kapag nag-asawa ka. pero ang pagbabagong iyon ay hindi maikukumpara sa pagbabagong darating kapag lumabas na ang naging bunga ng inyong pagmamahalan. kung dati'y pwede kayong mag-asawa na umasta na parang magkasintahan pa lang kayo--- magtatrabaho, uuwi ng sabay, kakain sa labas, mamamasyal sa mall hanggang mapagod, bumili ng anumang maibigan ninyo basta swak pa sa budget, manonood ng sine, magkakape sa Figaro, uuwi at maglalambingan bago matulog... lahat ng 'yan ay maglalahong parang bula sa pagsulpot ng isang kyut na kyut at inosenteng sanggol. kumbaga sa isang dayuhan o migrante sa banyagang bansa, makakaranas ka ng "culture shock."
hindi pala talaga biro ang magkaroon ng sarili mong pamilya. marahil kung hindi dahil sa mga mahal mo sa buhay (unang pamilya ninyong mag-asawa) na tumutulong sa inyong "pagsisimula", hindi ko alam kung papaano kami kikilos ni wifey. salamat sa kulturang Pilipino na nagtataglay ng maka-pamilyang kaugalian. sa mga anak na hindi na nakikita ang halaga ng mga magulang nila sa buhay nila ngayon dahil nagpupumilit maging "independent", maniwala kayo't sa hindi, maaalala ninyo sila sa sandaling maging magulang na rin kayo. kaya maswerte ang mga anak na hanggang ngayon ay may magulang pa, at hanggang ngayon ay "pinakikialaman" pa ng kanilang mga magulang. may panahon naman para sa pagsasarili pero may panahon din na kailangan mo talagang lumingon sa iyong pinanggalingan para maging bihasa at mapanday ka sa pagganap mo ng iyong "bagong" tungkulin bilang isang magulang. at kung anoman ang nakita o naranasan mong mga "imperfections" na bumalot sa iyong pamilyang kinagisnan, sisikapin mong hindi ito mangyari sa bagong pamilya na binubuo mo sa ngayon. walang taong perpekto. pero kaya mong abutin ito sa pamamagitan ng pagsisikap, pag-ibig, at kababaang-loob.
di baleng wala akong bagong polo. hindi bale nang hindi ko madampot sa supermarket ang paborito kong guapple kapag mamimili kami ng mga kailangan sa bahay. hindi bale nang hindi ko mapanood sa sine ang Harry Potter 6. ok lang. totoo. makita ko lang ang mag-ina ko, lahat ng isipin ko kung paano ko sila itataguyod sa araw-araw ay nawawala. pati pagod ko ay parang hinahawi ng isang masahista sa spa kapag nakita ko na ang mag-ina ko. sila na ngayon ang dahilan ng lahat ng paggawa ko. kung meron mang para sa sarili ko, kaya ko namang nakawin ang ilang mga sandaling iyon. pero may pananagutan na ako ngayon na mas kailangan kong unahin kaysa sarili ko. tulad ng maraming tatay, gusto ko ring maging mabuting ama. minsan naiisip ko kung pano kami liligaya kung kinakapos ang kinikita ko kada buwan kumpara sa gastusin namin. pero naiisip ko rin, na hindi lang sa pera umiikot ang kaligayahan ng isang tao, o ng isang pamilya. siguro mahirap lang talagang magsimula. pero pasasaan ba't masasanay rin kami at magiging bihasa sa bagong mundong ito na aming pinasok. at bakt naman ako susuko eh hiniling namin sa dakilang Lumikha ang pagkakaroon naming mag-asawa ng isang kaaliwan sa aming pagsasama, at ngayong narito na ang "biyayang" ito, anong dahilan para talikuran namin ito?
story told by aajao at 9:44 pm 10 feedback
Labels: contemplating
Sunday, July 19, 2009
Wednesday, July 08, 2009
Tribute to MJ (1958 - 2009)
whatever he's gone through, there will only be ONE KING OF POP--- THE MICHAEL JACKSON!
One Day In Your Life
One day in your life
You'll remember a place
Someone touching your face
You'll come back and you'll look around, you'll . . .
One day in your life
You'll remember the love you found here
You'll remember me somehow
Though you don't need me now
I will stay in your heart
And when things fall apart
You'll remember one day . . .
One day in your life
When you find that you're always waiting
For a love we used to share
Just call my name, and I'll be there
You'll remember me somehow
Though you don't need me now
I will stay in your heart
And when things fall apart
You'll remember one day . . .
One day in your life
When you find that you're always lonely
For a love we used to share
Just call my name, and I'll be there.
story told by aajao at 9:08 am 3 feedback
Labels: music and lyrics, tribute
Friday, July 03, 2009
hubby & wifey date
after more than a week of getting busy with our newborn, wifey & i finally had time alone together yesterday. we're free! :p
* * *
we were back at the Cardinal Santos Medical Center (CSMC) yesterday for wifey's check-up. we need to rush because baby aya jr. misses us. those were the few hours that we felt we were boyfriend-girlfriend again.
* * *
there was a couple fighting at the CSMC. i was about to get my baby's birth certificate from the Records Section when the two came out of the room and the guy was pulling her girl with force going to the fire exit door at the end of the hallway. people from the records section went out to see the two and of course, i was halted to enter and witness (or hear) what was going on at the other end of the hallway. the guy was shouting at the girl, seems like it's all about jealousy. funny thing is, the security guard who was with them wasn't doing anything to stop the maltreatment that girl was suffering. bad.
* * *
before finally leaving the hospital premises, wifey craved for siopao asado. i got myself a tender juicy hotdog in a bun. we both didn't get any drinks.
* * *
dropped by SM Hypermarket to pay bills and do some groceries. before entering the main supermarket area, we took a stop at Go Nuts Donut to purchase an orange juice for wifey, iced coffee for me. yep. no donuts.
* * *
we didn't finish our drinks so we left it at the baggage counter. we got a Food Tag # 51 for the two cups we left. we were running out of time so we hurriedly did our rounds in the hypermarket.
* * *
after putting in 5 grocery bags in the van, we hurriedly drove home. we both miss our baby. i beat a red light crossing Ortigas-C5. a Pasig traffic policeman pulled us over. i obliged and drove slowly until i reached the shoulder. wifey acted up holding on to her tummy saying its an emergency. once again, wifey & i were actors. the policeman let us pass and apologized. yes. he apologized. then he bid us goodbye with a "take care" parting word. a few meters away, wifey and i were LOL-ing... like this -->
* * *
we felt we were thirsty again. we were looking for our drinks. we just found the #51 Food Tag in my wifey's purse. again, we were LOL-ing.
* * *
nice date. nice day. i hope to catch some moments like that again. it's being missed. in due time, it will be three of us dating. for the meantime, we have to put aside some things we enjoy in the past. time will come, the additional family member will be learning from our mischief. and we feel it coming as early as today. our daughter is very naughty. and i love it when she gives out those sharp side stares. the amateur mother and father are trying very hard to raise the baby as how we want her to be: healthy, jolly, beautiful. and later on respectful and God-fearing. thanks to the in-laws they are physically present to help out and save me from sleepless nights. i, for the meantime, am my daughter's playmate during sun bathing times, and at times during her burp-ing routine after taking her milk.
:)
story told by aajao at 6:16 am 4 feedback
Labels: breather, bullet stories, fatherhood