Friday, September 29, 2006

kahapon at ngayon

kahapon maaga akong bumangon dahil tutupad sa pagsamba. at mas maaga akong umalis ng bahay sa dalawang dahilan: sinusumpong ang starter ng van; at dadaanan ko si shareena dahil nakipagpalit ng tupad sa kanya si gary. idinaan ko na lang sa panalangin ang una, para walang maging malubhang aberya pagpunta sa kapilya. one click, umandar ang van. hehe.. umaambon-ambon na nang makarating ako sa village east. nakahanda na naman si sha nang dumaan ako sa kanila kaya maaga pa rin kaming nakarating sa kapilya. pagparada ko eh kasabay ko si ryan. hindi pala sya makakatupad kase nahuli sa ensayo. ok. pinag-xerox ko pa naman sya nung awit 154. ibibigay ko na lang sa linggo ng umaga. maagang natapos ang pagsamba. umuulan na nang medyo malakas. oo nga. may bagyo nang araw na iyon at paparating pa lang ito sa Metro Manila. Bagama't nasa Rizal kami eh halos Metro Manila na ang lugar namin. katabi lang namin ang pasig at marikina. tinext ko si boss at tinanong kung may pasok kami, sabay paalam na mataas na ang baha sa amin kaya hindi na ako makakapasok. pero ang totoo, kaya ko pa namang pumasok kaya lang, tinext na ako ni inay na umuwi na at wag nang pumasok dahil papalakas nga naman daw ang bagyo. may punto sya, kaya sinunod ko. bago kami naghiwalay ni shareena ay nag-usap kami na huwag nang pumasok (dahil isang opisina lang ang pinapasukan namin). pag-uwi ko, papataas na ang tubig-ulan sa mga kalsada. maya-maya lang, lumalakas na ang hangin at ulan. nawalan na ng kuryente. nagtext si boss. wala raw pasok "sa ngayon" subalit "titignan ang sitwasyon hanggang mamaya"... aba. umaasa pa yata na aaraw mamaya-maya lang habang lalong lumalapit ang bagyo?? anyway, ang mahusay na kausap na si shareena, nagtext, tinanong ako kung may pasok. reply ako, sabi ko wala na dahil malakas na ulan at hangin, at lalakas pa ito. aba ang reply nya: 'dito na ko opis.' GRRR!!! bakit ganun? ano na lang sasabihin ng boss ko? isa pa, ang ipinagpaalam nya sa kanila (sa mga magulang nya po) kaya sya pinayagan pumasok ay kasabay nya akong papasok DOUBLE GRRR!!! anyway, pinauwi rin daw sila ng 12 o'clock kaya wala silang napala kundi mahirapan sa pag-uwi at lusungin ang baha.

sa isang banda, nakakataba naman ng puso... kahit paano eh may tiwala ang mga magulang nya sa akin. sa bagay, hindi lang naman sya ang gumamit ng pangalan ko sa pagpapaalam sa magulang para lang payagan. hindi ko tuloy alam kung maiinis ako sa paggamit ng pangalan ko o magiging proud ako sa sarili dahil sa tiwala na iyon ng mga magulang ng mga pasaway na mga bata... (kailangan ko ang pananaw ninyo rito sa bagay na ito na naka-salungguhit... magcomment kayo, please lang)

sa isip-isip ko, paano ako papasok kung ganito na ang sitwasyon sa labas pa lamang ng bahay namin:



marami pang nagliliparang yero sa iba't-ibang lugar... mga sanga ng puno na kung saan-saan na napunta, mga billboards na bumagsak, at marami pang iba na lubhang mapanganib di tulad ng mga nagdaang bagyo. wala akong ginawa sa bahay kundi matulog. ZzZzZzzz... at kumain *burp* *burp* *burp* ... haayy... ayoko ng ganun! pakiramdam ko eh ang bigat-bigat ng katawan ko nang maghapong iyon. gustuhin ko mang tumupad at tumulong sa iba pang oras ng pagsamba eh hindi naman na ako makalabas ng bahay. kung kakayanin, pwede pero makakalaban ko naman ang aking butihing ina. pagagalitan ako nun at pagwiwikaan kaya bago ako makarating sa patutunguhan ko, tamang banlaw sa ulan ang aabutin ko sa pagkakasabon nya sa bahay. dahil dun, minabuti ko na lamang manahimik sa bahay at plantsahin ang higaan ko sa sala. nangumusta rin naman ako ng ilang kapatid sa pamamagitan ng text message... (sensya na kung sa text ko lang kayo naabot) at awa ng Diyos, sa mga tinext ko eh wala namang napinsala. yung iba, hindi na nakapag reply, marahil eh batt empty na dahil black out sa Metro manila at karatig lalawigan dahil nga sa lakas ng bagyo, hindi na sila nakapag charge.

nalimutan ko bang sabihin na walang pasok kahapon? :p

ngayon, masakit ang ulo ko. marami akong nagawa mula pa kaninang umaga. maaga kong binaybay ang lansangan patungo sa tahanan nina Camille, susunduin ko sya para kami ay sabay nang pumasok. nag sight-seeing muna ako sa paligid at eto ang tumambad sa kanto ng kalye namin:



pagkatapos nito, dumaan muna ako kina ka estela upang kumustahin ang kalagayan nila doon. nakita ko sina Ryan at Chummy na nagwawalis ng putik sa harapan ng bahay nila. para nga akong nasa lahar zone nung lumiko sa kanto nila. ganun kase dun pag bumaha at umapaw ang ilog... puro putik pagkatapos.

sa pagbaybay ko sa ortigas extension, nakita ko ang ilang billboards sa junction na nakatumba. di ko tuloy alam kung sa aluminum lang yari ang mga billboards na ito. nayupi parang plastic eh. nagkalat ang mga dahon, may mga punong nakahiga sa kawad ng kuryente (parang yung nasa huling larawan sa itaas), at kung anu-ano pa. pero maganda na ang sikat ng araw. wala pa ring pasok ang lahat ng antas ng mag-aaral, maging ang mga kawani ng gobyerno. kami lang ang meron kase pribadong kumpanya ang pinapasukan namin.

pagdating sa opisina, wala pang kuryente. ikinabit sa mesa ko ang lahat ng gamit sa opisina kase yung saksakan ko lang ang ikinabit sa generator. ako lang ang may electric power, computer, internet, fax, at dun din sa pwesto ko sila nag-charge ng laptop at cellphone. pinauwi na kami ng boss namin ng ala-una pero naiwan ako dahil may tinapos pang report. naghabol pa kami ng orders para sa cut-off ngayong araw.

paglabas ko mga 2:00pm na, ihahatid ko sana sa tanggapan ng Manila Bulletin si Arnel para sa job ad namin sa linggo pero sobrang traffic na sa ortigas kaya bumuwelta na ako pabalik, ibinaba na lang sya malapit sa Meralco.. naghanap ako ng titingin sa diprensya ng van at napag-alamang starter ang problema nito, hindi baterya. bukas ko na ipapagawa dahil matagal itong gagawin, kailangan ko pang sunduin si Ayah sa opisina. hindi kase sila pinag half-day. tinext ko si jayson, kapatid ni ayah at pinasama pagsundo sa ate nya. gusto ko kaseng masorpresa yung isa pero bago pa man sila magkita, nabuko na ng ate na magkasama kami ng kapatid nya. nasermunan pa ako. anyway, inunawa ko na lang dahil alam kong pagod sya at iritado sa araw na ito. girl thing, 'ika nga. bumawi naman sya. nilibre nya kami sa greenwich pagkasundo namin sa kanya. pagkahatid ko sa magkapatid, nagpatapyas ako ng ulo, este, buhok pala. tapos, dumiretso na sa klase para sa PNK. gumawa ng R-503 ng KADIWA at umuwi na. pass muna ko sa lamay sa lola ni iliong. ang sakit na kase ng ulo ko at kailangan ko nang magpahinga dahil maaga pa ang tupad ko bukas.

Wednesday, September 27, 2006

random

... monday morning, called up Ka Eric's place to make sure Kuya Butch & RJ are home safe. and yes they are. people from what i've been hearing on the phone sounds glad that they have their "baby" back (referring to RJ, of course).

... cousin loyjoy and a classmate of hers did an overnight project at home. she was scheduling that visit since last week, asking permission if they can use our PC for their project.

... today, i have drained our water dispenser at home. this entry is for documentation purposes so i'd remember when was the last time i did it. lol. well, yeah. water dispensers should be drained regularly so it's inside would remain clean and "fresh". (geez... no other terms on my mind right now)

... pre-occupied with work. work. work. i'm all alone. no helping hand to do my tasks. all my other co-workers can do is to answer the phone when i'm not around (say, taking my lunch or out of the office) and all the rest including inquiries are coursed through me. bawal magkasakit.

... we've got a new marketing person, a guy, in replacement for Avy. the guy seems ok and looks knowledgeable with the job he's going to do. i just hope he is as flexible as Avy in terms of other job functions. talk about "pinch-hitting".

... our company is still in need of a customer service person. preferably female to team up with me. yes, me. we should complement each other in terms of work and everything else about our job. if anyone (readers of this entry) happens to know someone looking for a job and may fit in the position, feel free to contact me. either post a comment here, email me or text me (to those who know my mobile # only)

... i hate paperwork. i've got lots of them now.

Thursday, September 21, 2006

:( malapit na

malapit nang umuwi sina RJ sa Canada :(

mami-miss ko ang batang ito. sa tatlong pamangkin ko, ito lang ang walang toyo kahit pa magising ito sa kalagitnaan ng pagkakahimbing sa pagtulog, kahit inisin mo nang inisin, nakangiti pa rin sya at makikitawa lang sa yo. isang bagay lang ang ikinaa-atungal nito: ang mawala sa paningin nya ang kanyang papa butch. tulad ng nasa larawan: itinabi sya sa akin habang nagkakanaw ng gatas ang papa nya peo hinahabol pa rin nya sya ng tingin sabay atungal ng pagkalakas-lakas. yun lang naman. pero sa dalawang linggong pamamalagi nya rito, nakapag-adjust na sya kahit paano. sumasama na sya sa ibang tao. noong una, ayaw talagang humiwalay sa papa nya at hindi sumasama kahit kanino. unang naging palagay sya sa uncle nya *ehem*, at sa akin lang sya sumasama kung hihiwalay sa papa butch nya. pero syempre, sa dami ng nagnanasang kargahin sya, napilitan ang pobreng bata na pagbigyan silang lahat na kumarga sa kanya. buti na lang, nilawayan nya silang lahat! har har har! malakas maglaway ang batang ito. at may kalokohan pa ito. nagpapa-ulan ng laway sabay ngingiti. hehehe... waaahhh... aalis na siya! :'(

sya nga pala. kagabi habang inililibot namin (with tita ayah) sya (si RJ) sa paligid ng tiendesitas, nakatagpo siya (si RJ) ng isang batang babae. matagal silang nagkatitigan. kasama ng batang babae ang nanay (yata) nya at nag-abutan pa sila (yung dalawang bata) ng kamay. hmm... chickboy, kanino kaya nagmana itong pamangkin kong ito? pero teka. hindi tungkol dun ang gustong tumbukin ng kwento ko. ito kaseng si RJ eh nag-isang taon na. yung batang nakita namin eh isang taon na rin--- naglalakad nang mag-isa! Si RJ, ni tayo yatang mag=isa ay hindi pa natututunan. waaaahh!! kawawang bata. tingin naming lahat, nahihirapan syang i-balanse ang katawan niya. dapat laging may nakaalalay sa kanya hanggang sa maging independent na sya sa pagtayo, at di kalaunan ay paglalakad nang sarili lamang nya. hmm... sayang, kung nakabakasyon sana ako, hindi ako papayag na hindi matuto itong batang ito ng mga bagay na sa edad nya eh dapat na nyang malaman. ibinilin pa naman ito ng kanyang mama sa amin na turuan daw maglakad na. anyway, hindi ko alam pero may natutunan naman si RJ sa dalawang linggong pamamalagi nya rito. heto ang ebidensya:



teka, hindi pa sya nagyoyosi (at hindi papayagan ng uncle nya na malulong ito sa yosi paglaki nya). ang ibig kong ipakita na nasa larawan eh yung pagiging mabait ng batang ito. bagama't laboy araw-araw, at home pa rin sya sa kanyang stroller at syempre sa bahay. :p

- - - - - - - - - - - -

Biyernes, sumama kami sa dinner na ini-alok ng pamilya ni kuya butch sa Greenhills. Kasama namin ang pamilya nina Ayah, minus si papa nya. Naglaro kami sa Timezone pagkakain sa Teriyaki Boy at nag car watching kami nina Ayah at Jayson. Sana hindi na matapos ang mga ganung sandali... walang inaalala, magkakasama, masaya.. pwede namang magsaya ng walang halong kalokohan o kalayawan, di ba? kung sa tingin ng iba eh kulang pa, marami pang pwedeng gawin para magsaya... walang inom ng alcoholic beverages, walang pausok ng yosi, at lalong walang hitit ng droga. adik kami pero adik-adikan lang. hindi yung totoong adik na lango sa layaw. hehe..

noong Linggo ay sumamba ang pamilya namin sa Templo (Central). Ang mga kasama: ako, si inay, si kuya Butch at RJ, si ate leah, kuya nelson, ate dale, ate dom, at si kuya Jorey. Pagkatapos ng pagsamba ay dumiretso na kami sa Gateway Mall para mananghalian. kumain kami sa Super Bowl of China at sa ilang beses na pagkain ko sa resto na iyon, nun lang ako nakatikim ng kanilang masarap na TAHO! mmmm... yum! yum! meron palang taho dun, biruin mo yun!
First time ko rin bumili ng Time Zone Card kase nawili na naman akong maglaro ng Air Hockey kasama ang ilang pamangkin ng bayaw ko. nakakaaliw. Nun kaseng Friday, nakigamit lang ako sa kanila nang maglaro kami sa Greenhills. Balik sa Gateway, hindi namin ine-expect na may live show doon ang S-Files. Nagkapalad na magkaroon ng souvenir photo ang lahat ng kasama ko kay Paolo Bediones (habang ako ang cameraman), at hindi pa *sila* nagkasya dun. kumuha sila ng pwesto sa harapan mismo ng stage at nagkaroon naman ng konsolasyon iyon: napasadahan sila ng panning ng camera at napanood sa telebisyon hindi lamang dito sa bansa, kundi hanggang sa naabot ng GMA Pinoy TV sa abroad. Tumawag kase ang ate ko sa amin kinabukasan at ibinalita nga na may nakapanood daw sa kanila doon sa Mississauga. hehehe... buti na lang wala ako dun. hehehe...

anyway, habang hinihintay ko silang magsawa sa panonood doon sa show, umupo lang ako sa may isang coffee shop sa di kalayuan. panay sulyap sa akin ng isang di ko kilalang artista. alam kong artista sya dahil malapit sya sa backstage, marami syang alalay, at maraming nagpapa autograph sa kanya at nagpapakuha ng litrato. pero di yata sya ganun kasikat. pag-alis namin dun sa show (hindi naman nila tinapos, salamat naman) dun ko nalaman na yung artistang panay ang sulyap sa table na kinauupuan ko ay si Alyssa Alano(?) raw?? oh well.. sabi sa inyo di sya sikat eh. naaliw lang ako kase sa kabila ng may mga nagpapa-autograph sa kanya eh nanaig sa akin yung pagiging "who-cares-mode" kaya marahil naiba ako sa mga tao sa paligid nya at sya na lang ang sumulyap-sulyap sa kinaroroonan ko. hehe.. tama na nga. baka liparin na kayo sa lakas ng hangin dito. hahaha... anyway, ang pinagkakaabalahan ko ng mga sandaling nakaupo ako sa coffee shop at naghihintay eh ang pagbabasa ng manual ng aking bagong--- Nokia 6233!
ang binabalak ko lang naman talagang bilhin ay yung N6230i na matagal ko nang inaasam, pero nung magtungo ako sa Nokia Center, sinabi nila na ipe-phase out na raw yun at ito na ngang N6233 ang kapalit. mas advanced, syempre, mas mahal ng kaunti, at mas mukhang ok nga. natuwa ako, pramis. :)

- - - - - - - - - - - -

sinamahan ko si kuya butch na mamili ng barong sa Divisoria nung isang araw. syempre, sumakay kami ng LRT 2. isa lang ang naiisip ko ngayon pag pumupunta ako o naririnig ko ang salitang Divisoria: si Ayah at ako. hmm... teka, kelan kaya kami makakapasyal dun? ok kaya sa December? O baka masyadong matao nung mga panahong yun?

tapos, may pwesto pala sa Tiendesitas ang isa sa mga ninong nina ate ko sa kasal. pinakain kami (hindi dun sa pwesto nila) pero kumuha sila ng ilang stick ng barbecue na specialty at best seller daw ng store nila. ibinili ko na rin si kuya butch dito ng hinahanap nyang pangkamot sa likod--- oo, alam nating lahat yun. yung kahoy na inukit korteng mahabang kamay. sabi ko sa bayaw ko, "kuya, tumatanda ka na. naghahanap ka na ng pangkamot sa likod." hehehe.. bumili rin ako ng dalawang piraso ng isa sa mga aliw na aliw akong bilhin para sa sarili ko--- handicrafts bracelet. mahilig rin daw sa ganun ang pamangkin kong panganay.
hay naku... wala ng lahat nito sa Canada.

- - - - - - - - - - - -

nami-miss ko na ang ate ko. :(

Thursday, September 14, 2006

being with you...

i seldom talk open about my significant other, not really my character to broadcast my private life anywhere (such as this open blog) but i'm just so thankful to God for letting Ayah come into my life. she is incomparable with anyone else who i have been with in the past. she is my girl, and i'm gonna take care of her. she is my woman, and she completes my life. she is my friend, that i can be who i am when i'm with her...


when my work is through at the end of the day
there's nothing else that i'd rather do
than to be with you at the end of the day
to be right by your side makes me feel brand new

'cause you're my girl, my woman, my friend
and that's how it's gonna be till the end.
loving you is what i live for
and i can't ask for anything more
you're my woman, my girl, and my friend
rolled into one.

you're my man and i'm at the prime of my life
to you i give myself, all my heart
all of what i am at the prime of my life
i'll never let a thing come to break us apart

'cause i'm your girl, your woman, your friend
and that's how it's gonna be till the end.
loving you is what i live for
and i can't ask for anything more
than to be your woman, your girl, and your friend.


being with you, my love, just makes my day complete
holding you close my love, creates a wondrous treat.
no need to say the words
no fancy places for me.
love is anywhere
as long as you are there with me.
we'll be free.
our love will make us free to be you and me...


this entry is exclusively for you, beh... 5254 ~~~{@

Tuesday, September 12, 2006

11th of September, 2006

a few minutes have gone by, i'd like to greet my youngest nephew a happy, happy 1st birthday (it's still sept 11 in Mississauga, anyway)! Ryan James, more known as RJ celebrated his first birthday with us here in Manila, far from her mother and two siblings. well, that sucks for the three. lucky me! my prayer was answered that i must see RJ before he celebrates his first birthday. not anticipating any other events, though. it's just that.

a lot of things have been going on lately. no time to update and blog. but i see to it that i get to blog before i forget the things worth to remember on the days that have been passing by.

some bullets:

> 2006 PEx Congo Grille EB held last August 26 was ok. Not too many attendees but some close friends were there. I tried to attend the said occasion even if it was raining since i really needed a break from all the work i was doing for the past many weeks. Close PEx pals who attended were Mariel, Paul, Ivy & Sally. And Manong Elton showed up, now i get to see who he really is in person. Elton is so popular with this Congo Grille EBs.. he actually always starts the thread for this, and heads the planning for it's actual happening. Didn't catch up with Chip though coz he came late and i can't stay that long anymore.

> Movie Marathon with my one and only beh last Sept 03. We watched and enjoyed The Devil Wears Prada and then hopped in to watching Snakes On The Plane. The first one was good but the second movie was a bit boring. Not the usual suspense i was expecting. oh well.. it was an enjoyable day and i'm looking forward to more of that. ;)

> Tatay Rey passed away last September 05. Went to his wake at night.
Early morning before that news was received, Camille and i travelled to the office before we catch up with the number coding time restriction. We reached the office 10 minutes before 7 in the morning so we decided to take our breakfast at McDonalds Eastwood City since it's still very early. While walking towards Eastwood, we sighted a baby sleeping on a sidewalk. His/her sibling was playing around while his/her supposed father was selling candies & cigarettes on the same sidewalk nearby:


> September 06, i went again to the wake of Tatay Rey

> September 07, I fetched Kuya Butch and RJ at the NAIA. Camille accompanied me and while waiting for them to get off the plane, i enjoyed the bread and coffee from Kopi Roti which already established a small branch at the waiting area of the arrival section of NAIA. It was my first time to dine in Kopi Roti, i've been hearing from people that their food is good in there and well, i can say they are OK. After seeing the father and his son, we went straight ahead to the wake.
And oh yea. another sucky news for me: i got my 4th traffic violation ticket for the year. geez... i can't believe this is happening with all my driving skills. hmm... i wonder what's gonna be the LTO officers feedback upon my drivers license renewal. And this time, my license was confiscated. I still have to re-claim it in Pasay. sheesh... sux.

> After the class for our Sunday School last September 08, some KADIWA and Bro. Daniel went with me to the wake. I saw my bestfriend and his choir in there too, and they rendered some songs, as requested by the widowed Nanay Zeny. PJ & Ayah met personally for the first time. wow. that's best friend and wifey together in one occasion. hmm...

> Too sleepy but still managed to report to work in September 09. After work, i am supposed to snatch some time for a nap before i take Camille to church (coz she is performing her duty in the finance department) and we were suppose to get some grocery items before going to the wake. My dad, who came home in Cainta that day, complained of some chest pain even before i lay myself on the couch. So we took him to Medical City to have his heart checked at the cardio department. First time i went in the Medical City proper. First time i went there, i was only roaming around the emergency department when we took our choir leader late last year. My dad seems to be ok and the check up was fine. He even made a funny pose while on the wheelcahir. My dad just decided to use up his 'executive check up' courtesy of the company where he is currently employed in to. Upon returning home, i excused myself in attending the last lamay night as i was very very sleepy and i still need to wake up early the next day to perform my church duties. In short, i slept straight from 6pm up to 430am the next day. and i'm in "full-batt" mode again!

> September 10 marked the funeral/interment of Tatay Rey. Bongertz attended the burial.

> September 11 we celebrated RJ's 1st birthday at Jollibee Sta. Lucia with his cousins and immediate relatives only.
Almost all of us in the office were sneezing and coughing. bah! some virus spreading around the office. hmm... i could use that as an excuse for absence. LOL. I'm tired. But this boy takes away all our exhaustion:



- - - - - - - -

last weekend, jovee texted me asking if i have some time to spare with him for a chat. he sounded serious (and its very seldom that he is like that with us, his devious friends). uncommon schedules didn't permit us to meet but i do hope he is now ok. i still can take some time out for you, pal. just let me know. ;)

Thursday, September 07, 2006

Guess Who's Coming To Town Tonight?

V
V
V
V
V
V
V
V
V
V
V
V
V
V
V
V
V
V
V
V
V
V
V
V
V
V
V



yay, i'm excited!

Related Posts with Thumbnails