January: Stress Month

dati ang dami kong energy. ilang buwan pa lang naman ang nakakalipas. tatlo pa trabaho ko. isang full time. dalawang part-time. san ka pa?! after a few months pinakawalan ko na yung isang part-time. ngayon gusto ko na din pakawalan yung isa pang part-time. nakakaubos ng energy! sinabi ko dun sa boss ko sa isang part-time last week na kailangan ko ng decrease sa hours ko. eh since middle of school year, hindi nya ko pinagbigyan. bibigyan na lang daw nya ko ng raise. sabi ko fine. eh ngayon sa isip-isip ko, mukhang di na talaga kaya ng utak ko at katawan ko ang work load. hayy. kailangan ko na ulit ng bakasyon. kaloka. ngayon magkakasakit na naman ako. puro sopas at gamot na nga lang laman ng tyan ko eh. naghahawahan lang kami ng mga estudyante ko ng sakit. sharing is caring, ika nga. tapos sobrang lamig pa lately. nakakatamad lang kumilos. 

anyway, factor din yata ang stress sa sakit ko. di lang ako sa mga estudyante ko nai-istress, pati dito sa bahay and daming stressful moments. aysus! yung nanay ko kasi nasa pinas ngayon. hanggang next month pa sya. umalis sya nung late October. so etong tatay ko ngayon solo flight for three months. eh sa sobrang dependent nya sa nanay ko pagdating sa paghahandle ng finances, nawiwindang sya gawin mag-isa. so ako ngayon ang kinukulit ng nanay ko na ayusin ung mga maling pagba-budget ng tatay ko. eh sobrang matigas ang ulo ng tatay ko. eh ako pa naman hindi sumasagot sa mga magulang ko (minsan lang. lol.), kaya pag nakukulitan na 'kong kausapin hinahayaan ko na lang ulit ang nanay kong makipag-usap sa kanya. nadadagdagan tuloy masyado mga puting buhok ko. naman!

5 comments:

  1. dahan2x lang chikletz kasi ur just working to pay ur hospital bills in case lang talaga na lalala yang sakit mo dahil sa kakatrabaho mo, wala ka naman sigurong hinahabol sa buhay like dede ng anak mo, gastosin sa bahay etc. live ur life a little wag syadong work ng work, imagine tatlo ang work mo at isa lang ang katawan mo ang unfair naman ata niyan!! relax, ang dami pang pwedi mangyari sayo, madami pa dyan look outside the box. sana wag ubosin ang energy at oras sa pagttrabaho kung yan din ang aabotin mo, magkakasakit. ingat sa katawan kasi isa lang yan at hindi na yan mababawi kapag bibigay na yan.

    iba talaga kapag tatay ang hahawak ng pera hahaha ewan ko ba i have a father kasi na super dependent din and when we lost our mom parang wala na rin ata syang choice but to attend the needs sa bahay kaso nga lang dahil ako ang eldest so kung ano ang gusto kong ipaayos at bilhin abah ang tigas ng tatay ko ayaw bumigay hahaha iba pa rin yong may nanay dahil may direction ang gastosin minsan hahahaha

    ReplyDelete
  2. huy kaibigan...tao lang... iba ang stress at abuso sa katawan... chill naman tayo jan... tama magbakasyon ka... wag masyadong focus sa work... we work to live but we don't live to work... ganyan

    ReplyDelete
  3. You are in dire need of a vacation.

    I hope that the next blog entry of yours will be about a holiday you went to. Apir!

    ReplyDelete
  4. at wala ka na talagang update chiki hehehe

    ReplyDelete

keep it friendly :)