احبك كثيرا ف
аз обичам Ви много Q
我爱你十分q
volim te vrlo mnogo Q
jeg elsker dig meget Q
ik hou van jou heel veel Q
je t'aime beaucoup Q
ich liebe dich sehr, Q
あなたを愛して非常に問
정말 사랑해 질문
σε αγαπώ πολύ Q
jag älskar dig så mycket Q
te quiero mucho QQ - Quiero, in Spanish means, to need, to desire, to want, to love
-
-
-
Sa mga paulit ulit na nagtatanong sa akin kung bakit Q ang tawagan namin, eto na ang dahilan. Ayaw kasi namin ng loves, mahal, baby, sinta, pangga at kung ano pang uso. Kaya with the influence of my Spanish 10 and 11, eto ginamit namin.
Ang saya ko kapag kasama kita Q, parang lahat kaya Q
(parang lahat kaya ko. Naks! Sa akin ka na talaga Q!) . Although admittedly, sometimes,
YOU are one of the reasons why i am feeling terrible. Ikaw kasi eh. Napaka-unpredictable mo. At masaya ka pa tuwing sasabihin ko sayo yon. Weird.
Pero i really appreciate the way you made me feel better. Almost whole day akong stressed/depressed/suppressed at lahat na ng salitang ingles na magsasabing hindi ako OK.
-
-
-
-
-
-
-
Nakakainis. Ang dami kong hindi nagawa. Ang dami kong gagawin. Ang dami kong ayaw gawin. Isa lang ang gusto kong gawin - takasan ang lahat ng ito.
-
-
-
-
-
-
-
Hindi ko alam kung bakit ang isang maliit na bagay ay may kakayanang palalain ang buhay ng isang tao. Ang dami kong inaway, sinigawan, hindi pinansin, sinaktan (yung tipong hinagis ko lang naman ng unan), sinabihan ng masasakit, sinumpa, inumpog sa pader, kinabo, inahitan ng kilay, hinubuan, minura.
Isa ka dun Q. Ang gulo mo kasi eh. Bakit kasi hindi ka na lang manahimik kapag nakikita mong magulo ang isip ko. Bakit hindi ka maging sweet kapag kailangan ko? Weird ka kasi. Kakaiba ka kung maglambing. Parang tanga. Tatawagin ako ng tatawagin tapos kapag tinanong ko kung bakit, sasabihin wala. Kapag nagalit ako, kasalanan ko pa.
Pero masaya ako. Kahit pa isang libong beses ko na yatang sinabi sayo na ayoko na, sawa na ako, ayaw na kitang makita, gusto ko ng umalis, lahat ng yon nababago oras na magkabati tayo.
Sana mabasa mo itong post na ito. Ayokong ako ang mag initiate, mukha namang fishing yun.
P.S.
Happy 6 months and 7 days!
Wala pa tayong theme song for the Month of August! Isip ka na.
te quiero mucho mucho mucho bien.
epekto ng tatlong oras ng pag-aaral ko ng banyagang salita ng Espanyol