Hey there bloggers! for the nth time, please welcome me back!
It took me three times before i finally arrived to this post. These past few days, i feel so numb, stupid, idiot, basta free-floating. Parang virus na walang mapasukang host.
Anyway, here i go.
Grabe. Namiss ko mag blog. Sayang tinatamad talaga ako these past few weeks kaya hindi ako nakapag post. Andaming tumatakbong thoughts sa isip ko. Sayang mga insightful pa naman hindi ko man lang naishare. Haha. Hindi ako busy - meaning tinatamad ako. Nakakatamad kaya kapag walang ginagawa.
Update ko lang blog ko habang nababanas ako sa mabagal kong internet.. Hindi na kasi ako nakaDSL. Naka WeRoam na lang ako kaya siguro ambagal. Plus nung 1970s ko pa nabili itong laptop na ginagamit ko.
Wala akong ginawa ngayong week na ito kundi mag internet. Magupload ng pictures. Mag download ng heroes na namiss ko. (By the way, bakit ganun ang heroes, parang naputol after end of volume 4? Kailan kaya ulit babalik?). Mag download ng kanta.
Ang dami kong dinownload! Dahil naaadik ako sa American Idol, dinownload ko LAHAT ng kanta nina Adam Lambert, Danny Gokey, at dahil tinalo nya si Danny, pati kay Kris Allen (Allen Kris?). Lahat ng kinanta nila simula ng audition till last week. Adik. Tapos nakikinig ako ng Top 30 songs ng Magic, kaya ayun, dinownload ko din lahat nang kanta dun na wala pa sa akin. Adik ulit.
Napagod ako mag upload ng pictures. Putangina ang tanga. Pasensya na sa salita, yun lang kasi ang makakapag describe ng nararamdaman ko. Ang gulo kasi ng autouploader, hindi in order ang mga pictures, eh gusto ko in order. Kaya paulit ulit ako, only to find out in the end na hindi pa rin in order. In short, naka 5x ako umuulit hanggang sumuko na ako.
Tapos last tue, pumunta ako ng National Bureau of Investigation to get my clearance. (Wala naman akong natatandaan na pinatay ko kaya confident ako). And dahil sa connections ko, HINDI AKO PUMILA KAHIT SAAN. Haha. Derecho ako sa loob, feeling VIP. Ang sarap ng feeling. Sa kabilang banda, grabe talaga dito sa bansa natin. Ang lakas ng politika. Haay. selfish pa mga tao (gaya ko). Anyway, ayun, 5 mins lang in-process na paper ko. Pauwi na sana ako but nooooo. May kapangalan ako! Waah! WHO THE HELL ARE YOU, ALLAN CRIS RICAFORT? pag ako lang talaga hindi nabigyan ng clearance, makita mo, bibigyan ko ang NBI ng dahilan para hindi ako bigyan ng clearance.
Naku, baka Allan Cris Ricafort ang pangalan nang pumatay sa asawa ni Ted Failon. Patay.
****
Hindi pa man ako sumasabak sa trabaho sa RCBC (June 1 start na ako! Thank you Lord may trabaho ako, natanggap ako!), aba eto at ang dami ko nang dapat gawin.
May 25 (Monday) 10am-12pm Meet with HR VP to practice for introduction to RCBC's President, Chairman, and CEO
May 26 (Tuesday) 8:30am-2pm Team Building Activity with fellow MTs
May 28 (Thursday) 1pm-TBA Follow up NBI clearance
May 28 (Thursday) 4:30pm-5:30 pm Formal introduction to RCBC's Thinking Tank (whoa)
and on June 1, tapos na ang maliligayang araw ko. Simula na nang trabaho ko sa RCBC. Kinakabahan ako!
Baka kasi hindi ko mameet standards nila, baka hindi ko kaya, baka tamarin ako, baka ma late ako. This time, seryoso na. At hindi ako pwede basta umalis, mag babayad ako ng 400,000 bond. Sheee. Hindi rin ako pwede mag dahilan na sumasakit ang tyan, may diarrhea, o na food poison.
Nga pala, cum laude ako. HAHAHAHAHA. And nung May 2, nagkaroon ako nang Graduation Party "The Probinsya Way". Hindi ako masyado nag imbita from UP, baka kasi ma culture shock sila. Maraming salamat kina Ian Antonio at Caloy Laguardia for coming. Mukha namang naka survive sila. Thanks.
Laman na ng post na ito ang LAHAT nang nangyari sa akin after graduation nung April 26. Boring di ba? Yung 3 weeks after grad wala ako ginawa kundi tumunganga at mag fulfill ng requirements for RCBC at mag inom.
Miss ko na ang UP!