SALI NA SA
YABANG SHIRT DESIGN CONTEST
handog sa inyo ng
UP ASSOCIATION OF BUSINESS ADMINISTRATION MAJORS
YABANG PINOY
YABANG SHIRT DESIGN CONTEST
handog sa inyo ng
UP ASSOCIATION OF BUSINESS ADMINISTRATION MAJORS
YABANG PINOY
MECHANICS
Lahat ng estudyante mula sa kahit na saang eskuwelahan ay maaaring sumali. Walang registration fee. MGA TEMA “Matitiis ang hapdi, ang kati ay hindi.” “Hari man o sanggano, yuyuko ka rin pag-utos ng barbero.” “Damit na hiniram mo lamang, kung hindi masikip ay maluwang.” Tingnan ang upabamyabangpinoy.multiply.com para sa mas malalim na kahlugan.Kahit ilang disenyo ang ipasa para sa kahit anong tema. Dapat kasama ang mismong salawikain na gagamitin sa disenyo. Ang bawat disenyo ay dapat nasa jpeg o sa gif format na hindi liliit sa 300pixels per inch. Ipasa ang inyong disenyo sa upabamyabangpinoy@gmail.com. Ipakikita ang mga pinasang disenyo sa upabamyabangpinoy. multiply.com. May tatlong magwawagi: tig-isa para sa tatlong tema. Ang mga nanalong disenyo ay magiging opisyal na T-shirt design ng Yabang Pinoy movement (para sa karagdagang impormasyon sa Yabang Pinoy, pumunta sa yabangpinoy. com). Extended hanggang March 5, 2009 ang pagpasa ng disenyo! Basehan ng pagkapanalo: a. Pagka-malikhain at execution - 40% b. Kahusayan sa pag-communicate ng tema – 40% c. Pagka-orihinal at pagka-unique – 20% Ipahahayag ang mga finalists sa Marso 7, 2009. Mayroong tatlong finalists na pipiliin para sa bawat tema. Ang mga finalists ay imbitado sa final judging at culminating night sa Marso 14, 2009. Ang lahat ng mga pinasang disenyo ay magiging pagmamay-ari ng UP ABAM at Yabang Pinoy at maaaring gamitin ng nasabing mga organisasyon. Bawat magwawagi ay makakatanggap ng P1,000 ++ worth of UP ABAM Yabang Pinoy prizes! Magiging opisyal na DISENYO ng Yabang Pinoy ang mga nanalo! May yabang ka na, may premyo ka pa? SALI NA!!
IPAGMAYABANG ANG ANG PAGKAPILIPINO
IPAGMAYABANG ANG YAMANG TALENTO!
“Sariwain ang salawikain.Salain ang sarili sa wika.”
No comments:
Post a Comment