Showing posts with label Crush. Show all posts
Showing posts with label Crush. Show all posts

Sunday, August 07, 2005

Ang dulas ng hair!

Hahaha! Random chorva lang toh! Gusto ko lang sabihin na "ang haba ng hair!" is like, ew, so 90's! Thanks to Mama Ricky, mas awww na ang "ang dulas ng hair!" Hahaha. Jologs noh?! :D

Ang dulas ng hair ko last week! :) Me anonymous texter ako na nakipagflirt sa ken. Turns out sha yung former crush ko na dati ring katrabaho(former, like nung 2002?!). Hay, he's such a tease. Kaso married na pala sha kaya hindi rin ganon kadulas ang hair ko. Hmph! Kainis talaga! Hahaha! :)

Tapos I have a gym crush na pala! Finally! Sumali ako sa body pump class last Sabado and nakita ko sha! Kakahiya pa naman ako dun kase di nakaya ng byuti ko ang mga kesimple-simpleng pinapagawa sa amin! Girl na girl ako talaga! Embarrass ang lola kasi jusko naman, mga thunders and girlaloos kasama ko tapos ako, sumurender na pagdating sa push up session! Pero oks lang kasi at least, me saysay na paggi-gym ko. Basta every Saturday mag ba Body Pump na ako (not that body pump huh!:D) Hay, basta cute sha. Feeling ko nagwater water din ang ibang mga pamhin dun sa kanya. Hmph, dulas naman ng hair nya!

Nagdadalaga na ako...Hehehe. :)

Sunday, April 17, 2005

New Kras

May bago akong kras. Si Mario Gerald Arbizo. Hahahahaha!:) Talagang pinangalanan! Kaya lang, straight na naman. :(

Sunday, March 27, 2005

Kabadingan

Tinry na kitang kalimutan eh. Hindi na nga kita tinitext. Nagpaka workaholic ang lola mo. Kinilig ako nung binigyan mo ako ng tatlong fruits nang minsang pumunta ka ng Davao (I love you daw meaning nun sabi ng lovefool friendship ko) pero since straight ka, so wiz na! Period na as in tuldok!

Tapos bigla kang nag-text. Nag-iinvite na mag videoke last Holy Tuesday. Okay lang, sabi ko. Wala na naman akong na-feel sa yo eh. Emotionally detached na ang lola. Antagal mag reply nung isa mong ininvite. Nag joke ako. Sabi ko, kung tayong dalawa na lang kaya. Sabi mo, mas masaya sa Cable Car pag marami. So inisip ko, wala talaga. Kakalimutan na kita.

Masaya sa Cable Car. Na-noticed ko pa na naiilang ka pag tinititigan kita habang kumakanta ka ng Gary V at Piolo. Tinawagan ako sa fone ng lola boss ko so nag excuse me ako. Matagal ako sa fone sa isang corner. Nilapitan mo ako para pabalikin na sa videoke floor. Ayaw mo ba na wala ako sa tabi mo? Kinilig ako for a while pero of course, sabi ko, dapat emotionally detached. Straight ka nga! Hindi tayo talo!

Okay na sana eh. Hinatid mo na ako sa taxi. Okay na. Wiz na. Sabi ko good night. Pasakay na ako. Okay na. TAPOS bigla ka ba namang bumulong ng mabilis na "fuck you!" Ano yun?! Tinanong nga kita! Sabi ko, "Ano?" Tapos biglang bawi ka. Sabi mo joke lang. Joke nga lang naman. Pero tinamaan ako dun, pakshet ka! Ayoko na! Ayoko na.

Saturday, January 29, 2005

Kinikilig Ako Part 2

AAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!! Madaling araw na at nagchachat pa rin kami ngayon ng crush ko sa YM!!!!!!!!!!!!!! Ahhhhhhhhhh!!!!! Kinikilig ako, pramis! Hahahahahaha :D Alam nyo ang blooper talaga ng buhay ko? I always fall for straight guys and so far (talagang so far!) alam kong he's straight. But why is he soooo friendly to me!?! AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!!!!! Basta, ayoko nang mag-isip! Magpapaka happy pechay na lang muna ako. Bwahahahahahahah :D

On the jologs side, pupunta ako ng ULTRA later today dahil manonood ako ng SCQ Grand Questors Night. I'll be rooting for Charles. Hehehehe :D (Hindi ako mahilig sa mga gwapo, that's for sure).

Ayoko na sa Starstruck. My bets Megan and Benj didn't reach Final 4.

I'm so pathetic noh?! Hahahahahaha :D

ETA: Nag post sya ng comment sa blog ko. Hay ayoko na. This is HAPPINESS to the teenage romance comedy level!!!!! Hahahahahahaha :D

Thursday, January 27, 2005

Kinikilig ako!

Aaaaaaaaaaaaaah!!!! Alam nyo naman na madalang na akong nagsusulat ng entries di ba?! Kashe nga, sobrang busy with my trabaho. And shempre din kashe hindi ako inssspiiired!!!! Hindi ako hoooorny!!!! Hahahahaha :D Kaya wala akong maisulat. Wala akong gana. Haaay, ang hirap talaga kumita ng fera! Kaiynez nga eh. Kashe di va, todo todo na yung EB ko bago nagtapos ang 2004, tapos pagdating ng Year of The Cock....pffffffft....wala nah! Chorva! Hahahaha! Gusto ko lang sabihin ang chorva! :D

Pero shempre siguro nasa kukote nyo, "ang OA naman nito, ang haba ng buwelo, eh ba't ka nagsusulat ng entry ngayon?" Kashe po, in Jaboom "Sunod sa Galaw" tone, "Kinikilig ako!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Graveh na to! Windang!

La lang, my crush posted a loong testimonial lang naman kashe for me sa Friendster. La lang, kami-meet lang namin mga 3 weeks ago. La lang. (Pokpok ka Chuay, pokpok ka!!!!!!!! :D)