Thursday, December 26, 2013

Casio Vintage DB360 Gold with DataBank



I fell in love with this vintage watch parang love at first sight. I can't take my eyes off nun nakita ko sya sa mall. It has an elegant look, Stainless Steel Gold toned case and bracelet. Fluffy Hubby tried to wear this, hindi bagay at hindi nya gusto. My guy colleague has this also yun Silver, mas bagay sa lalaki. 




What's written on the back says it has 13 Languages, Telememo, Multifunction alarm, Countdown timer, Dual time, Water resistant, Stainless steel back and Made in China. Hindi ko pa masyadong namamaximize ang features nitong watch na to kaya hindi ko mabibigyan ng detalyadong review :) 

Kung bakit ako gumawa ng entry.. Gusto ko lang i-share senyo hehehe.. 


Monday, December 23, 2013

Mr. Kimbob Bibimbap


I'm not a fan of Korean Foods pero dahil sa pinagkakaguluhan ang Mr. Kimbob sa SM San Lazaro, naki uso kami ni Fluffy Hubby. Not bad for the price P99 ang regular and yun large nakalimutan ko kung magkano. Kung titignan ang Image sa itaas ^ parang walang kinaibahan ang large sa regular kundi presyo lang. Infairness masarap pero nakakaumay kapag kumain ka uli kinabukasan. 

Saturday, December 21, 2013

Post Partum Depression



Part 1: Bloody Show

Sa panahon ngayon, hindi na pala uso ang nursery room. Dati kase diba may oras ang pag silip sa mga babies at mga nurse ang bahala na magpa dede at magpalit ng diapers nila.

Sabay kami lumabas ni baby sa operating room, diretso sa pinareserve na kwarto. Pinopromote ng hospital ang breastfeeding kaya hindi kami inallow na bumili ng formula. Tinry ko magbreastfeed, unfortunately walang lumalabas, after 3 days pa daw kapag cesarean. Friday 3:23 AM inilabas si baby, hapon na hindi pa sya nakakainom ng milk iyak na sya ng iyak hanggang sa nag labas ng letter of approval ang pedia dahil gutom na gutom na si baby. 

Hindi masakit at hindi kumikirot ang tahi sa tyan pero ang hirap kumilos parang may isang sakong bigas sa harapan ko sobrang bigat sa pakiramdam. Kelangan tumagilid at piliting gumalaw galaw para hindi magdikit dikit ang bituka. Kelangan din umutot para malamang nagfafunction na ang bituka at para pwede ng makakain. Uhaw na uhaw na ko pero bawal pang uminom ng tubig, nagmamakaawa ako sa mga nurses and doctors na bumubisita dahil tuyong tuyo na ang lalamunan. Imagine simula ng inadmit ako 5PM hanggang kinabukasan ng tanghali walang inuman ng tubig. Nakaka frustrate dahil desperado nako makainom ng tubig ayaw lumabas ng hangin nagpapaikot ikot lang sya sa bituka. Sabi ng nurse kusang lalabas ang hangin hindi kelangan iire baka bumuka ang tahi. 

Saturday (2nd day after manganak) may nakalabas ng hangin pero kakaunti. Then finally, Inallow na uminom ng tubig at sabaw. Nilagyan naman ng sepositori para maka poop. Sobrang hindi ako kumportable na nakahiga tapos magpupoop sa urinal basin. Sabi ng nurse pwede na itry maglakad papuntang CR. Dahil gusto ko na makakain ng normal pinilit  lumakad papuntang CR, bawat hakbang sobrang hirap sobrang bigat pero hindi kumikirot ang sugat, mabigat lang talaga. Nakailang balik sa CR, after ng tatlong try nakapoop din sa wakas, pwede ng kumain ng soft food like jelatin or jelly ace.

Sunday (3rd day) buong gabi hindi nakatulog sobrang sama ng pakiramdam. Naninigas ang breast dahil kelangan dedehin ni baby para makalabas ang gatas. My problema, inverted ang both nipple kelangan ipump para makalabas ang milk. Walang mabiling pump sa mercury out of stock kaya pinahiram kami ng hospital, naka 4 ounce na breastmilk. Nag shoot na naman ang BP balik 160/110 naninigas ang panga at ramdam na ramdam na umaatras ang dila. Lalo akong ninerbyos hate na hate ko ang ganitong pakiramdam. Last time na nanigas ang dila ko eh na mild stroke na pala ko nun. Nataranta mga nurses pati mga doctors my pinainom silang gamot at pinalagay sa dila. Dito na nagstart ang Postpartum Depression.

Buong araw ng Linggo maya't maya ang pagmonitor ng BP ko, walang talab lahat ng ibigay nilang gamot. Nakikita kong natataranta ang mga nurses na kumukuha ng presyon ko, naiistress ako sa kanila. Pinagbawalan nila ko hawakan si baby pinipilit nila na patulugin ako or aliwin ang sarili. Kahit anong pilit gawin or aliw ang gawin, ang hirap mag focus. Nakatingin sa TV pero tumatakbo ang utak, kung ano ano ang naiisip. Gusto ko umiyak, sumigaw, mag wala, para kong mababaliw or nababaliw na nga ata ako nun, hindi ko maintindihan parang gusto ko sumabog.

Monday (4th day) eto dapat ang araw ng release ko, pero dahil sa inaatake ko ng buwisit na postpartum at ayaw makisama ng BP na 160/110 maeextend ang pagstay ko sa hospital. Lalong tumindi ang depression, stress to the highest level hindi dahil sa bill na babayaran namin kundi dahil nakikita ko parin na natataranta mga nurses sa result ng BP. Niresetahan nako ng sleeping pills para makatulog at para kumalma, hindi pumayag si mommy dahil fear nya baka hindi nako magising sa taas ng presyon ko. Nagsalpak nalang ng earphone nakinig ng lovesongs para makatulog dahil gusto ko na talaga makauwi sa bahay. Lahat ng sabihin nila sinusunod ko pero tumatakas akong lapitan at hawakan si baby, tagal kong inantay na mahawakan sya tapos ipagbabawal.

Tuesday (5th day) nag freak out na, hindi na nakayanan bumigay nako. Kung nung mga nakaraang araw, nagpipigil pako sa emosyon, pilit nilalabanan eto natuluyan ng umiyak dahil feeling ko hopeless na, mamamatay nako. Inaakap ako ni mommy, nakikita ko syang nagpapaka strong para sakin, ayaw nyang magpakita ng emosyon. Sinasabi nya na mahal na mahal nya ko, mahal na mahal ng asawa ko, mahal na mahal ng mga kapatid, wag daw ako bibigay. Isipin ko nalang daw si baby para maging strong, dapat daw happy instead na malungkot dahil finally antagal naming inantay, ayan na nasa harapan ko na yung matagal na naming pinagdadasal ibinigay na ni Lord. Kumalma ako ng konti after kausapin ni mommy. Kinagabihan hindi parin makatulog, akap ako ng akap kay fluffy hubby. Ramdam na ramdam kong pilit nya kong inaaliw, kini-kiss, sinasabihan ng i love you, tulad din ng mom ko sinasabihan din nya ko na magpaka strong para sa anak namin. Kinausap ni OB si mommy about postpartum and locha ( bleeding after childbirth). Papayagan na nila akong makalabas basta tuloy tuloy lang ang pag inom ng gamot para sa highblood at labanan ang depression. Sabi din ni OB na normal lang yung pinag dadaanan ko, lilipas din ng mga ilang buwan.

Wednesday (6th day) hindi na pumayag si mommy na icheck ang BP ko para hindi nako mastress at para makalabas na kami ng hospital. Mataas padin ang result pero hindi na nila pinaalam, nakikita kase nilang naka smile nako at gustong gusto ko na talaga umuwi. Si mommy padin ang nagbabantay at nag alaga kay baby.

Friday (1 week na si baby) pumayag na si mommy na itabi ko sa pagtulog si baby. Actually hindi ako natutulog kase every 2 hours gumigising sya para dumede, so night shift ako. Kapag kinuha na sya ni mommy ng umaga dun lang ako natutulog, pinaka mahabang tulog is 4 hours. Kahit si mommy na nagbabantay at nag aalaga, gusto kong nakikita si baby kaya minsan walang tulugan. Malaking bagay at malaking tulong na nasa tabi ko si baby, lalo na kapag nakikita ko syang nag smile habang natutulog, mabilis nawala ang postpartum depression.

Tuesday, December 10, 2013

Bloody Show


Madalas akong makaramdam ng contraction habang nagbubuntis. Low ang pain tolerance ko pero dahil sa madalas manigas ang tyan at manakit ang puson na parang my dismenorhea, na-immune na ko sa sakit. So, kapag makaramdam ng contraction, uupo lang para magpahinga then tutuloy ko na kung ano man ginagawa ko.

Nakaka inip pala kapag day/s nalang ang inaantay. Due Date ko was October 7, pero October 8 wala pang sign or symptoms na manganganak nako. Araw ng check up, pina ultrasound ako ni doctora para malaman kung kamusta si baby. Kung pagbabasehan ang laki ng tyan, iisiping 7 or 8 lbs ang baby pero nakakapagtaka wala png 6lbs. Based sa result, sobrang daming amniotic fluid and super duper high lying. Masyado maraming tubig sa katawan kaya mukha akong namamaga dahil sa manas. Tinanong ako kung my nararamdaman ba kong pananakit ng likod, ng balakang or ng puson. Sabi ko madalas manigas ang tyan at nananakit ang puson. Pinapunta ko sa labor room para imonitor si baby. My kinabit sa tyan at my pipindutin kapag naramdaman na gumagalaw si baby. Minonitor for 20 minutes, ang result malapit na daw akong manganak kase sobrang tindi na daw ng contraction parang labor pero hindi pa active labor, ang problema high lying si baby and matigas pa ang cervix. Nireseta sakin ang Primrose oil pampalambot ng cervix, kapag nakaramdam daw ng matinding contraction na hindi na tolerable yun pain or kapag pumutok yun panubigan or my lumabas na dugo, takbo kagad ng hospital.

1:00 AM ng October 10 tumitindi na ang pananakit ng puson parang dismenorhea. 30 minutes interval ang sakit. Hindi nako makatulog, ayokong magpa sugod sa hospital baka false alarm kahiya syempre yun, excited much lang. Sabi ko sa sarili ko, aantayin kong duguin or pumutok yun panubigan.

6:00 AM every 15 minutes na ang interval. 11:00 AM naging 10 minutes interval, heto na this is it. Hindi pako nagpapakita ng pain or excitement sa mom ko, neutral lang ang reaction kunwari..wala lang. Tumawag si fluffy hubby nagtatanong kung kumain na ba ko at kung may nararamdaman nabang kakaiba, sagot ko: oks lang, same same tulad ng dati. Hindi ko binabanggit na nag le-labor nako pero hindi pa active labor. (Sabi sa nabasa ko, labor is yung sign or symptoms na heto na manganganak ka na, ang active labor ay yung mismong malapit ka na umire para ilabas si baby. At ang contraction is 2-3 minutes nalang ang interval.)

2:30 PM sabi ko sa mom ko, sobrang sakit na parang hindi ko na kayang tiisin. Pinag pakulo na ko ng pampaligo, pagpasok sa banyo, umihi muna ko..then may kasamang dugo! After umihi, hindi ko na kayang tumayo ng diretso namimilipit sa sakit. Tinawag ko na si mommy para tulungan akong maligo dahil hirap nako kumilos. Si mommy nag shampoo ng buhok at nagsabon ng katawan ko. Ako nakahawak sa wall namimilipit sa sobrang sakit pero hindi ako tulad sa pelikula na sumisigaw sa sobrang sakit. Hindi pa pumuputok panubigan ko, sabi nila mas madaling manganak kapag tubig ang unang lumabas kesa dugo. Ang sa akin dugo or ang tinatawag nilang bloody show.

Naka prepare na lahat ng dadalhin sa hospital, 4:00 PM dumating si fluffy hubby na walang ka ide-idea na manganganak nako. Akala nya joke lang na nasa pintuan na lahat ng bag na dadalhin sa hospital. Pagpasok nya ng bahay, naka smile pa syang nagtanong: manganganak ka na ba? Sagot ko: tara na, punta na tayo hospital. Na shock sya seryoso na pala ako.

5:00 PM dumating si doctora, inuna akong kausapin kahit my mas nauna sakin sa listahan. Sabi ng secretary dun sa mga naunang dumating na manganganak nako. Dati kapag nag IE si doctora, tolerable yun pain pero nung time na yun potek ansakit parang hinahalukay yung matres ko. 4 cm na daw kaya pwede na ko i-admit, punta na daw kami sa admission office then next is sa labor room. Sobrang kalmado pako, nakikipag tawanan pa kay fluffy hubby kaya ask sa admission kung bakit iaadmit na baka hindi pa manganganak. Tinawagan nila si doctora para makasiguro kung seryoso kami, ayaw pa kase maniwala na 4cm na nga. Siguro yun iba kapag 4 cm na, nagwawala na sa sakit. Nabanggit ko nga kanina, low ang pain tolerance ko. Ang konting sakit ay sobrang sakit na, pero dahil sa discreet ako, ayokong ipahalata na in pain nako.

8:00 PM 7cm na ambilis compare sa iba. Yun nga lang nagka problema, nagshoot ang BP ko 160/110 then para akong kinukumbulsyon ang hirap pigilan ng panginginig ng katawan. Hindi naman malamig sa room, sakto lang. Bumabagyo pa nung gabing yun, parang pelikula na kumikislap kislap ang ilaw tapos anlakas ng ulan, kulog at kidlat. Kitang kita sa binatan ang sunod sunod na kidlat. Tinurukan ako ng pampakalma para bumaba yun BP pero after 30 minutes nawalan ng bisa, balik sa 160/110.

10:00 PM 10cm na, binutas na ang panubigan. Non stop padin ang panginginig ng katawan. Tuturukan na daw nila ako ng epidural, infairness tahimik padin ako kahit sobrang sakit na. Nahirapan sila sakin na ibaluktot, hindi nila makapa yun hinahanap nilang buto pero eventually sabi nila nakabit na nila yung dapat nila ikabit sa likod ko. Potek hindi tumatalab ang epidural, ramdam na ramdam padin ang sakit. Twice nila ko tinurukan, potek wala talagang talab.

11:00 PM mataas padin si baby ayaw bumaba. Dahil mataas padin ang BP, nag usap usap ang mga doctor na hindi na nila ko paiirihin. Tatawagin na daw nila si fluffy hubby para papirmahin ng waiver para sa pag payag nya ng emergency C-section. Pero dahil my finafollow silang process, 2:00 AM pa daw nila ko dadalhin sa OR.

2:00 AM nilipat nako sa Operating Room. Pagod, antok, hilo at hinang hina na dahil sa puyat at sakit ng tyan. Pilit pading dinidilat ang mata sa kagustuhang makita si baby and para iremind sa mga nurses and sa doctor na kunin ang camera kay fluffy hubby. Natatawa na nga sila dahil maka ilang beses ko inulit ulit sa kanila. Ang pagturok ng anesthesia dapat 5-10 mins lang daw tatagal, inabot ng isang oras pag pagturok sa likod ko. Naririnig ko mga usapan nila, naka limang palit ng karayom ang anesthesiologist. Yung pinaka malaki and mahaba yung naging compatible sa spine ko. Sobrang liyad ang likod ko, so kahit anong baluktot gawin nila ayaw bumuka ng buto.

3:00 AM sinimulan na nila ako itali and naglagay na sila ng kurtina sa harapan ko. Napipikit at naiidlip na ko sa pagod, ginigising ako ng anesthesiologist wag daw ako matulog para makita ko paglabas ni baby.

3:23 AM nakarinig ako, BABY'S OUT!! Lumingon ako sa kanan, nakita ko si baby nililinisan na nila then tinabi nila sakin para makita ko ng malapitan. Naiyak ako sa sobrang saya dahil mahahawakan, maaakap at makikiss ko na sya. Totoo pala na once makita mo na ang baby, mapapawi ang pagod, puyat at sakit, it's definitely worth it! Sobrang pasasalamat ko kay God na ligtas kami parehas at healthy si baby.