Showing posts with label vetmed. Show all posts
Showing posts with label vetmed. Show all posts

Thursday, January 7, 2010

Knot tying

BABALA: Ang lathalaing ito ay rated R18, kinakailangan ng bukas at malawak na pag-iisip. Nilalayon ng post na itong makapagdagdag ng kaunting kaalaman sa mga mambabasa.


S
a panahon ng pagtatalik ng ating mga alagang aso, nagkakaroon ng tinatawag na 'tie', 'lock', o pagkakabuhol ng kanilang mga ari sa loob ng o mas maiksi sa kalahating oras. Sa mga panahong ito, hindi dapat paglaruan o sapilitang paghiwalayin ang lalake at babaeng aso sapagkat ito'y magdadala ng matinding sakit at parusa sa kanila.

Hanapin ang bulbus glandis at ang prepuce/penile sheath sa larawang ito.
photo from http://www.woodhavenlabs.com/articles.html

Sa paanan ng ari ng lalakeng aso (sire) ay mayroong bahaging bumubukol kapag sila ay naiihi o nasasabik, ito ay tinatawag na bulbus glandis.



Ang os penis o baculum.
Itinuturo ng arrow ang naiwang marka ng urethra (daluyan ang ihi/semilya).
photo from wikipedia

Ang daluyan naman ng ihi at semilya (urethra) sa loob ng ari ng sire ay nababalot ng isang buto (bone) na kung tawagin ay os penis. Sa simula ng pagtatalik, bahagya lamang o hindi buo ang paglaki at paninigas ng ari ng lalaking aso, at ang os penis nila ay tumutulong upang maipasok ito ng tama sa posisyon sa kaloob-looban ng babaeng aso (bitch)...

...unti-unti namang itinutulak ng ari (vagina) ng bitch ang kaloban o prepuce/penile sheath ng lalakeng aso hanggang sa kahubuan ng bulbus glandis. Sa pagkakataong ito pa lamang magiging buo ang laki at tigas ng penis. Ito'y nagaganap sapagkat napupuno ng dugo ang mga ugat na nasa ari, pati na rin sa bulbus glandis ng lalakeng aso na nagiging sanhi o pagkakaroon ng tinatawag na tie o lock.

Ang bulbus glandis at ang ari ng lalakeng aso.
photo from
http://www.vivo.colostate.edu/





SOURCES:

1. RJ's Anatomy notes
2. Wikipedia
3. Woodhavens Lab...




.