Sa buhay, araw-araw akong may mga pagsusulit! Napakaraming mga sitwasyon at mga katanungan, at napakarami ring pagpipiliang mga kasagutan! Pero iisa lang ang tama at pinakamainam gawin. ------------------------------------
PANUTO: Piliin ang tamang sagot.
Eyes on your own paper,
no cheating; however, you can consult your close friends during the exam.
1. 4:30am pa lang gising na ako. Pilit kong ipinipikit ang aking mga mata pero hindi na talaga ako makatulog. Ano ang gagawin ko?
a. Bumangon na at sumilip sa
internet.
b. Huwag bumangon, higa nalang muna, at mag-isip.
c. Pilitin uling makaidlip at managinip.
d.
All of the aboveSAGOT KO: A2. Bumangon nalang ako at nagbukas ng internet. Anong blog kaya ang una kong sisilipin?
a.
Manikang Papel para matawa habang maaga
b.
Mundong Parisukat para makapag-
Kopi Breyk
c.
Mayaman Pa Sa Daga para sumigla ang katawan at kaluluwa
d. unahing basahin ang pinaka-updated at manood ng Bandila (ABS-CBN) sa
SBS-AustraliaSAGOT KO: D3. Anong ihahanda ko para sa
breakfast?
a.
Garlic fried rice at
smoked ham with egg.
b.
Croissant,
pan bread with butter at
strawberry conserve,
plus orange juice.
c.
Breakfast cereals at
avocado-strawberry in cream.
d.
Toast at
hot chocolate drink.
SAGOT KO: B4. Alas dose ng tanghali pa ang pasok ko, yun ang oras ng pagdating ng 250,000
chicks ngayong araw. Ipinlano kong kumain ng pananghalian ng
alas onse bilang paghahanda sa matinding bakbakan. Ngunit
10:30am pa lang, dumating na ang libu-libong mga sisiw na dala ng
chick van! Di pa ako nakakain, haharapin na ang katakut-takot na gawain. Ano kaya ang mabuti kong gawin?
a. Tawagan at pagalitan ang taga-
hatchery dahil mali ang ibinigay nilang
schedule.
b. Huwag nalang pumasok dahil na-
bad trip at gutom. Magbasa nalang ng mga
blogs.
c. Papasok ngunit pagbuntunan ng galit ang mga sisiw at mga kasamahan sa trabaho.
d. Magtrabaho kahit gutom, magpakabait, ngingiti nalang sa lahat, at paglaruan at halik-halikan ang mga sisiw na kunyari masaya akong dumating na sila.
SAGOT KO: D5. Tumunog ang
roaming mobile phone ko. Nang binuksan ko ang mensahe, galing ito sa isang taong minsang nagpasama ng loob ko. Humihingi ng tawad, at nanghihiram ng pera.
a. Matuwa pero huwag nang mag-
reply.
b. Matuwa, magpatawad at mag-
reply ng, “OK sige, pahihiramin kita. o",)”
c. Magalit at burahin ang mensahe at
contact sa
phonebook.
d. Magkunwaring walang mensaheng natanggap.
SAGOT KO: B6. Nag-
drive ako papuntang bayan gamit ang
farm vehicle upang mag-
check ng
Post Office Box. May nadaanan akong ibinebentang
Toyota Camry 2000 model,
Au$4,500 ang halaga. Maganda pa ang makina at nang sinubukan ko itong i-
drive, maayos pa itong tumakbo sa kalsada.
Kailangan ko ng sariling sasakyan, ano ang gagawin ko?
a. Bibilhin na kaagad kahit na maubos ang aking
savings.
b. Huwag na munang bumili ng sasakyan dahil baka may mga agaran at mahalagang pagkakagastusang darating.
c. Kalimutan na muna ang
Toyota, at unahin na ang
digital SLR camera.
d. Ilaan ang pera sa pamamasyal sa Melbourne at Brisbane ngayong Disyembre.
SAGOT KO: B7. Napakainit ng panahon (37’C), patay na ang lahat ng mga damo. Maraming dayami dahil tag-ani, at tinatangay ng malakas na hangin ang mga mapipinong hibla ng mga nalantang dahon at natuyong bulo ng bulaklak ng mga halaman. Napakakati! Maalikabok! Hatsing ako nang hatsing!
Nais kong dalawin si Jollibee sapagkat
miss na
miss ko na ang kanyang palabok. Gusto ko ring mag-
All You Can Eat sa Cabalen.
Sarap makita, mayakap at mahalikan ang taong minamahal ko at nagmamahal sa akin.
Bad trip sa trabaho dahil ang
chick delivery, mali-mali ang
scheduling.
Ano ang mabuti kong gawin?
a. Huwag na huwag mag-
resign! Manatili na muna rito sa Australia.
SAGOT KO: No Other Choice, A