Tuesday, October 8, 2019
Happy 11 years blog Written Feelings
Labing isang taon na ang blog kong ito ngayong araw. October 8, 2008 ng gawin ko ang blog na ito. Napakarami ko na rin sinulat ang nailagay dito sa blog kong ito. Parang kailan lang ang madalas ay palagi ako mag internet at open ng blog ko at mag post ng sinulat. Paglipas ng ilang taon lalo after ng bagyong Yolanda ay bihira na lang ako mag post sa blog kong ito. Hindi dahil ayaw ko na sa pag blog kundi medyo tinatamad na rin pag sulat.
Napakaraming isyu sa mga nagdaaang buwan at sa kasalukuyan na medyo pinag usapan talaga ng mga tao. Nariyan ang isyu tungkol sa Good Conduct Time Allowance o GCTA. Napakaraming preso ang nakalaya. Sa paglaya nila ay tiyak nasiyahan na sila kasi ilang taon rin ang ginugol nila sa kulungan at sa wakas laya na. Pero dahil nagkaroon ng malaking isyu na binabayaran daw ang GCTA ay pinabalik ang mga nakalaya. May mga bumalik pero may mga hindi pa rin bumabalik sa kulungan. Kung hanggang saan sila hindi babalik ay sila lang ang nakakaalam. Ang mga bumalik naman sa kulungan ay para na rin masiguro ang seguridad nila kung karapat dapat ba na laya na sila o kaya sa buhay nila kasi kung di babalik ay maituring na pugante.
Nariyan din ang isyu patungkol sa mga ninja cops. Ang alegasyon na ang mga nakukumpiskang droga sa mga pag raid ay hindi lahat submit o ereport. Kundi ilang porsyento lang kasi ang ibang drugs ay ibenta din. Nakakabahala na may mga alegasyon galing PDEA para sa ilang miyembro ng PNP na nag recycel ng droga. Tiyak pagtagal baka may alegasyon din ang PNP sa ilang miyembro ng PDEA na ganun din ang gawain di lahat ng nakukuha sa pag raid ay isubmit. Huwag naman sana.
At ang isyu na di talaga maganda ay ang nababalita na pag raid sa mga hotel o anong establishment na naroon ang mga Chinese prostitute. Marami na ring Chinese women ang nahuli na ganun ang trabaho nila dito sa Pilipinas. Sa ganun na may mga Chinese prostitute na rin sa Pilipinas ay tiyak apektado din ang mga pinay na prostitute kasi tiyak mabawasan sila ng customer. Kasi nagkaroon na sila ng tinatawag na karibal. Tiyak may mga pinay prostitute na pag uwi nila sa kanila ay baka walang dalang pera o pagkain para sa umaasa sa kanila. Inagawan na nga ang bansang Pilipinas ng isla sa West Philippine Sea ng China ay aagawan pa ng pagkakitaan ang ilang pinay prostitute ng Chinese prostitute.
Sa huli ang lahat ng isyu na nasulat ko para sa 11 years ng blog ko ay may kaugnayan sa pera. May mga tao na empleyado sa gobyerno na dahil hindi kuntento sa sahod ay gumagawa ng paraan para magkapera aside sa sahod. Diyan na pumapasok ang tinatawag na korapsyon. Kahit hindi sa gobyerno nagtrabaho ay mga tao na talagang kulang pa para sa kanila ang sahod kaya gumagawa ng di kanais nais para magkapera. May mga tao na ang suot ay talagang magandang tingnan pero di mo alam ay may masama palang motibo o may gawain na di maganda.
Monday, July 29, 2019
Ampon
AMPON
Ni: Arvin U. de laa Peña
Batid ni Marilyn na isa siyang ampon. Sa paaralang elementarya na kanyang pinatuturuan ay may halong lungkot at saya ang kanyang nararamdaman kapag nakikita niya ang mga bata na hinahatid ng kanilang tunay na magulang mula lunes hanggang biyernes. Nung bata pa kasi siya minsan lang niya nararanasan ang ganun dahil madalas katulong sa bahay ang naghahatid sa kanya sa paaralan. Dahil palaging busy sa trabaho ang itinuturing niyang tunay na magulang. Madalas din ay out of town.
Bata pa lamang siya ng sabihan siya na siya ay ampon lang. Sinabi ang ganun para hindi na siya mabigla paglaki. Dahil tiyak ay malalaman din naman. Kapag minsan ay tinatanong niya ang itinuturing na mga magulang kung sino ang tunay niyang magulang ay laging sinasabi na huwag ng alamin. Dahil kahit siya ay ampon hindi naman siya pinapabayaan.
Sa paglipas pa ng mga panahon at natupad ang pangarap ni Marilyn na maging guro ay ganun pa rin. Bigo siya na malaman kung sino ang tunay niyang mga magulang dahil hindi sinasabi sa kanya. Kahit ang mga pinsan at kapatid ng itinuturing niyang magulang ay ayaw sabihin sa kanya.
Sa limang taon ng pagtuturo ni Marilyn sa elementarya sa ibang lugar dahil doon siya na destino na magturo ay ayos na sa kanya ang excuse letter kung absent ang estudyante dahil may karamdaman o may sakit. Hindi na siya nag iimbestiga. Ngunit ng limang araw mula lunes hanggang biyernes ay hindi pumapasok si Alfonzo at wala pang excuse letter ay naisipan niyang magpasama sa kanyang estudyante na alam kung saan nakatira si Alfonzo pagkatapos ng klase. First time niyang gagawin ang ganun na alamin kung bakit di pumapasok ang isang estudyante.
Nang makapunta na si Marilyn at ang isa niyang estudyante sa bahay nila Alfonzo ay nalaman nga niya na maysakit talaga si Alfonzo. Nakahiga pa at natutulog ng madatnan niya. Nagkaroon ng lukso ng dugo sa pakiramdam ni Marilyn ng makausap ang ina ni Alfonzo. Naging magaan ang loob niya kaya nakipagkuwentuhan lang muna. Nalaman niya na ang ina ni Alfonzo ay Edna ang pangalan at ang itay ay si Antonio Labusco.
Nang magtanong si Marilyn kung nasaan ang panganay na anak ay nagulat si Marilyn sa sinabi ni Edna. Mahaba raw na kuwento, pero dahil gusto niya na malaman ay nakiusap siya na ikuwento. Sinabi ni Edna kay Marilyn na bata pa lamang siya ay katulong na sa bahay ng dati nilang amo. Si Antonio daw ay matanda sa kanya ng limang taon at ang trabaho doon ay pag aalaga ng mga tanim, pagpakain ng aso, paglinis ng sasakyan at iba pa. Siya daw ay sa gawaing bahay kasama ang tinatawag na si Manang na matagal na roon at tagaluto ng pagkain. Nang mag graduate na raw siya ng high school ay hindi muna siya pinag aral ng college. Kasi busy daw lagi sa trabaho ang amo nila at palagi pang out of town para daw magkaroon palagi ng tao sa bahay kasi si Manang daw kapag Sabado at Linggo ay umuuwi sa bahay nila. Habang hindi siya nag aaral ay nagkaroon daw sila ng relasyon ni Antonio. Hanggang sa siya ay mabuntis. Paglipas ng ilang buwan na nalaman ng mag asawa nilang amo na siya ay buntis ay nakiusap na sa bahay lang hanggang manganak. At nakiusap sa kanila ni Antonio na pag manganak na ay ampunin nila ang bata dahil wala silang anak na mag asawa.
Nang manganak na raw siya ay inampon ng dati nilang amo ang anak nila ni Antonio. Binigyan raw sila ng malaking halaga ng pera para mamuhay sila bilang mag asawa. Pumayag raw sila ni Antonio dahil naaawa sa amo nila na walang anak at mabait naman sa kanila. Pinaalis raw sila sa bahay ni Antonio kasi kumuha ng bagong katulong at yaya sa anak nila. Ang malaking halaga ng pera raw na binigay ng amo nila ay ginamit nila para may pagkakitaan sa lugar nila Antonio. Nagkaroon din naman sila ng tatlong anak ni Antonio at ang bunso nga ay si Alfonzo. Ang dalawa pa raw na anak ay nag aaral ng high school at wala sa bahay dahil di pa umuuwi. At ang asawa naman niya na si Antonio ay naghahanapbuhay pa kasi driver ng pampasaherong jeep nila.
Nang tanungin ni Marilyn ang ina ni Alfonzo kung ano ang pangalan ng dati nilang amo ay nabigla siya ng sabihin na ang pangalan ay Cezar at Julieta Magbanwa. Halos di makapaniwala si Marilyn sa narinig. Agad ay napaluha siya at niyakap ang tunay niyang ina. Sinabi ni Marilyn ang lahat sa kanyang tunay na ina.
Pag uwi ni Marilyn sa bahay nila ay sakto naroon ang itinuturing niyang magulang. Dahan dahan niyang ikinuwento ang kanyang nalaman. Pagkatapos niyang ikuwento ang lahat ay niyakap siya ng itinuturing niyang magulang at nakiusap na huwag silang iwan. Pumayag naman siya pero minsan ay bibisitahin niya ang tunay niyang magulang at bibigyan ng kung ano na maitutulong sa pamilya at sa mga kapatid niya.
Sa buhay, may mga katanungan tayo na ang kasagutan ay wala sa paligid natin malalaman ang sagot. Mag focus lang tayo sa kung ano ang pinagkakaabalahan natin para mabuhay. Ang kasagutan sa ating mga tanong ay kusa nalang malalaman ng di inaasahan. Kung di man ngayon ay maaaring bukas o sa susunod na mga araw. Huwag lang mawalan ng pag-asa.
Thursday, May 23, 2019
Si Nanay at Ang Pangarap
Si Nanay at Ang Pangarap
Ni: Arvin U. de la Peña
Bata pa lamang ako ay ramdam ko na ang pagsakripisyo ng aking Nanay sa aming pamilya. Paggising sa umaga ay halos handa na ang lahat para sa aming pagkain. Siya na ang namamahala ng lahat dahil ang ang aking Tatay ay umagang umaga pa lang ay umaalis na para mamasada ng jeep. Kapag nagkakaroon ng away sa pagitan ng mga kapatid ko ay wala siyang kinakampihan. Kapwa niya kami pinapangaralan. Bago pumasok sa paaralan ay tinatanong kami kung kumpleto ba ang nasa loob ng bag dahil baka may naiwan.
Nang makatapos akong high school ay sinabihan niya ako na ang kunin kong kurso ay Bachelor of Science in Education. Dahil daw nais niya na ang hindi niya natupad sa buhay ay matupad ko. Gusto niya na makita sa sarili ko ang hindi niya nagawa. Iyon ay pagtuturo sa paaralan sa mga estudyante.
Habang may kaunting handa ng pagkain sa amin dahil sa pag graduate ko ay hindi ako mapalagay. Naging balisa ako sa araw na iyon, hanggang sa pagtulog. Iyon ay dahil ang gusto kong kurso ay Journalism. Dahil gusto ko na maging manunulat. Gusto ko na makapagtrabaho sa isang pahayagan.
Minsan may mga pagkakataon na habang ang aking Nanay ay naglalaba, nagluluto, o kaya nagwawalis ay gusto kong sabihin sa kanya ang gusto kong kurso. Pero nag-aalinlangan ako, kaya ang ginagawa ko na lang ay pumupunta sa mga kaibigan. At doon ay nakikipag usap sa kanila.
Sa pag simula ng enrollment sa Polytechnic University of the Philippines agad ay binigyan ako ng Nanay ko ng pang enrollment para sa kursong Bachelor of Science in Education. Umaga pa lang ay umalis na ako sa aming bahay dahil mga tatlong oras ang biyahe mula sa amin papunta sa paaralan. Bago pa umalis sa aming bahay ay sinabihan niya ako na mag-ingat at higit sa lahat ay sana raw ay matupad ko ang pangarap niya para sa akin. Pero ng nasa paaralan na ako ang kinuha kong kurso ay Journalism. At naghanap na rin ako ng boarding house dahil mahihirapan ako pag mag uwian dahil matagal ang biyahe.
Pag uwi ko sa bahay ay akala talaga ng Nanay ko ang kinuha kong kurso ay ang gusto niya para sa akin. Hindi ko sinabi sa kanya na Journalism ang kinuha kong kurso.
Habang nasa paaralan ay hindi ako nagsisi para sa kinuha kong kurso dahil iyon ang gusto ko. Ngunit may mga pagkakataon din na habang ako ay nasa paaralan ay naiisip ko si Nanay. Ano kaya ang mararamdaman niya pag nalaman na ibang kurso ang kinuha ko.
Nasa third year college na ako ng malaman ni Nanay na Journalism pala ang kinuha kong kurso. Sinabihan niya ako bakit daw hindi ko sinunod ang gusto niya. Paano na raw ang pangarap niya na sana ay makikita sa sarili ko. Ipinaliwanag ko ang lahat, pero hindi niya ako naintindihan. Naging masama na ang loob sa akin.
Mula noon ay nag iba na ang pakikitungo ng Nanay ko sa akin. Hindi na siya katulad ng dati na kapag umuuwi ako sa amin ay laging kinukumusta ang pag-aaral ko. Ganunpaman ay binibigyan pa rin niya ako ng allowance.
Nasa fourth year college na ako ng bigla habang nasa boarding house ay tinawagan ako sa cellphone ng aking kapatid na inatake daw sa puso ang Nanay at wala na raw. Dali-dali ay sumakay ako pauwi sa amin. Habang nasa bus ay malungkot ako at minsan ay napapaluha. Dahil hindi na makikita ng Nanay ko ang aking pagtatapos. Hindi na niya malalaman na tama ang desisyon ko na kunin ang kursong Journalism.
Pagdating sa bahay ay humagulgol ako ng iyak. Humigi ako ng tawad sa kanya na hindi ko ipinaalam sa una pa lang na Journalism ang kinuha kong kurso. Nang siya ay ihatid na sa huling hantungan ay ipinangako ko sa kanya na magtuturo din ako sa mga estudyante.
Lumipas ang buwan at ako ay nakapag graduate ng kursong Journalism. Mapalad naman ako at natanggap agad sa isang pahayagan. Laking pasasalamat ko na agad ay ipinagkatiwala sa akin ang magiging isang column sa diaryo na "Sulat Estudyante". Isang espasyo sa diaryo na kung saan bibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante sa iba't ibang paaralan sa bansa na ibahagi ang sinulat nilang maikling kuwento, poems, o kaya tula sa pamamagitan ng pag email sa akin kasama ng home address at pangalan ng paaralan. At ang mapipili ko para mapublish sa diaryo dahil maganda ang pagkakasulat ay bibigyan ng 500 pesos na ipapadala sa nagsulat na estudyante kung malayo ang lugar o kaya kung malapit lang ay pupunta lang ng opisina na may dalang valid ID kasama ng diaryo na napublish at makukuha na ang bayad. Sa unang arangkada ng "Sulat Estudyante" ay mga sinulat ko pa lang ang napapublished pero pagtagal ay sa mga estudyante na dahil marami na ang nakaalam.
Sa ganun na paraan ay para na rin akong nagtuturo sa mga estudyante na mahasa ang talento nila sa pagsulat. Ang mga estudyante na nagpapadala ng sinulat nila sa email ko ay laging inaabangan ang diaryo dahil baka naroon at napublished ang sinulat nila. Nang sa ganun ay bumili ng diaryo at maipagmalaki sa kanilang mga magulang, mga kapatid, at mga kaibigan. Dahil hindi biro ang ganun. Pagkat marami ang nagpapadala bawat araw at mapalad talaga kapag napili para mapublished sa mga susunod na araw.
Monday, March 25, 2019
Tinatanggap Ko (isang kanta kong sinulat)
Sa buhay ay bahagi na ang minsan mabigo ka sa pangarap mo. Dati pa sinabi ko na dito sa blog ko na ang pangarap ko talaga noon pa ay may maawit sinulat kong kanta. Bago pa ako magkaroon ng hilig magsulat ng kuwento, tula, ay pag compose na ng kanta ang hilig ko. Napakarami na rin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin natutupad kahit may mga na friend na ako sa fb na mahilig din sa musika. Ang ganun na pangarap ko ay unti unti natatanggap ko, pero patuloy pa rin akong umaasa na balang araw ay mapapakinggan ko na ang compose kong kanta ay inaawit ng isang singer o banda. Ang sinulat kong kanta na ito ay para sa mga tao na akala talaga nila ay sila na ng kasintahan nila habang buhay, pero hindi pala dahil maghihiwalay din.
TINATANGGAP KO
lyrics by: Arvin U. de la Peña
Intro:
Ikaw lagi ang hinahanap ko
Magmula ng ikaw ay makilala ko
Labis ang kasiyahang nadama ng puso
Nang ang pagsuyo ko ay matanggap mo
Maipadama mo rin sa akin ang pag-ibig mo.
do stanza chords
Buong akala ko ang lahat sa atin
ay wala ng katapusan
Hindi na magwawakas ang ating kasiyahan
Ngunit sa isang iglap bagong makilala ay iibigin
At ako ay iiwan.
Chorus:
Tinatanggap ko ang wala na tayo
Wala na ang iyong pag-ibig sa tulad ko
Sino ba naman ako para ikaw ay pilitin ko
Kung sadyang wala ka ng pagmamahal
anong magagawa ko
Lagi pa rin akong maghihintay sa'yo
Sakali mang wala na kayo.
do stanza chords
Pinapangarap natin na mabuo habang
tayo pa
Ang lahat ng iyon ay paano na
Lagi pa rin tinatanong sarili ko
Ano ang mayroon siya na wala ako
Para sa kanya ay ipagpalit mo.
repeat chorus
Bridge:
Ikaw pa rin ang gugustuhin
Kahit lumipas pa ang maraming taon
Dahil nag-iisa ka lang sa akin.
repeat chorus
Instrumental
repeat chorus
repeat chorus
TINATANGGAP KO
lyrics by: Arvin U. de la Peña
Intro:
Ikaw lagi ang hinahanap ko
Magmula ng ikaw ay makilala ko
Labis ang kasiyahang nadama ng puso
Nang ang pagsuyo ko ay matanggap mo
Maipadama mo rin sa akin ang pag-ibig mo.
do stanza chords
Buong akala ko ang lahat sa atin
ay wala ng katapusan
Hindi na magwawakas ang ating kasiyahan
Ngunit sa isang iglap bagong makilala ay iibigin
At ako ay iiwan.
Chorus:
Tinatanggap ko ang wala na tayo
Wala na ang iyong pag-ibig sa tulad ko
Sino ba naman ako para ikaw ay pilitin ko
Kung sadyang wala ka ng pagmamahal
anong magagawa ko
Lagi pa rin akong maghihintay sa'yo
Sakali mang wala na kayo.
do stanza chords
Pinapangarap natin na mabuo habang
tayo pa
Ang lahat ng iyon ay paano na
Lagi pa rin tinatanong sarili ko
Ano ang mayroon siya na wala ako
Para sa kanya ay ipagpalit mo.
repeat chorus
Bridge:
Ikaw pa rin ang gugustuhin
Kahit lumipas pa ang maraming taon
Dahil nag-iisa ka lang sa akin.
repeat chorus
Instrumental
repeat chorus
repeat chorus
Sunday, February 10, 2019
Mga Payo Ni Kuya Arvin ( Episode 2 )
"Minsan ang problema ay nabibigyan ng solusyon sa pamamagitan ng mga salita. Kung mayroon problema ay mangyari na magtanong lang sa akin baka makatulong ang aking mga salita."
1.) Kuya Arvin, nagkaroon ako ng boyfriend sa college. Pero pinaghiwalay kami ng mga magulang ko dahil gusto na makatapos muna ako ng pag aaral. Ngayon na nakatapos na ako ng pag aaral at mayroon ng trabaho ay gusto ko na magbalikan kami ng ex boyfriend ko pero ayaw na niya dahil may gf na siya. Ano ang mabuti kong gawin, advice naman po. Salamat. Bernadeth S.
-----Sa iyo Bernadeth ay huwag magpilit sa ayaw. Masaya na ang ex bf mo sa kasalukuyan niyang gf. Huwag mo ng guluhin ang relasyon nila. Masasaktan ang gf ng ex bf mo kung iiwanan. Huwag mong hayaan na maging malungkot ka dahil sa ex bf mo. Mag move on ka. Sigurado ako na may lalaki din na manliligaw sa iyo. Maghintay ka lamang ng tamang panahon. Patuloy ka lang masasaktan kung aasa ka pa sa ex bf mo na balikan ka. Pumasyal ka sa ibang lugar o kaya pumunta sa mga mall, maglibang ka sa sarili mo. Malalaman mo may kasiyahan sa buhay mo na hindi kapiling ang ex bf mo.
2.) Kuya Arvin, nag aaral po ako ngayon ng college. Gusto ko po na maging isang guro. Dahil malayo po ang bahay namin sa paaralan ay nakikitira ako sa pinsan ko para na rin makatipid sa gasto. Ang kapalit naman ay nagtratrabaho ako sa gawaing bahay. Ngunit minsan nasasaktan ako at gusto ko ng umalis kapag pinagsasabihan ng hindi maganda ng mama ng pinsan ko dahil may gawain sa bahay na hindi ko agad nagawa. Ano ang mabuti kong gawin. Karen J.
-----Sa buhay ng tao kasama na ang masaktan ng salita. Iyon ay dahil may damdamin ang bawat tao. Kung aalis ka sa bahay ng pinsan mo ay ikaw lang din ang mahihirapan. Iyon ay dahil baka mag uwian ka na sa pagpasok sa paaralan sa bahay niyo. Nakakapagod din ang ganun lalo na kung umuulan. Kung mag boarding house ka naman ay magasto din. Sa iyo Karen ang maipapayo ko ay tiisin mo na lang muna ang mga salita ng binibitawan sa iyo ng mama ng pinsan mo. Hindi naman iyon pisikal na nasasaktan ka. Salita lang naman. Ibaba din ang pride minsan. Hindi ka naman sinasaktan na pinapalo, binubugbog o anu pa kundi salita lang. Pag makatapos ka na ng pag aaral ay saka ka na umalis. At huwag ka magtanim ng sama ng loob sa mama ng pinsan mo. Kundi pasalamatan mo na sa pag aaral mo ay sa kanila ka tumira. Gawin mong inspirasyon ang mga binibitawan na salita ng mama ng pinsan mo para sa iyong pangarap na gusto matupad.
3.) Kuya Arvin, mayroon po akong kaibigan mula pagkabata. Kapag may panahon ay nag iinuman kami kasama ng ibang mga kaibigan. Ang problema po ay ng sabihin niya sa amin habang nag iinuman na aalis na siya papunta ibang bansa para doon na rin magtrabaho. Kasi andun din sa ibang bansa ang kasintahan niya. Nakaramdam po ako ng lungkot ng sabihin niya iyon kasi hindi na namin siya lagi makikita ng barkada at makakainuman. Pagpayuhan mo po ako. Michael G. ng Batangas.
-----Normal lang po iyon kasi sa inuman at saya ay hindi niyo na siya makakasama. Ang mabuti mong gawin Michael kasama ng iba pang mga kaibigan ay ipanalangin siya na magtagumpay sa ibang bansa. Mayroon naman facebook o kaya cellphone kaya mayroon pa rin naman komunikasyon. Kung magtagumpay iyon sa ibang bansa siguro naman minsan ay magpapadala ng pera sa inyong kabarkada niya para mag inuman kayo na naiwan. Sa paglipas ng panahon ay masasanay na rin kayo na sa mga kasiyahan ay hindi siya kasama. Babalik rin naman siya, minsan magbakasyon at tiyak makakasama niyo uli siya sa kasiyahan ng barkada.
Tuesday, January 8, 2019
Sawing Puso
"Sa buhay maraming beses kang magmamahal. Ngunit may isang taong darating na hindi mo makakalimutan. Di man siya ang makatuluyan mo, pero siya naman magbibigay kahulugan sa buhay mo."
SAWING PUSO
Ni: Arvin U. de la Peña
Salamat sa alaala mo sa akin
Pagtibayin at pagyamanin ko iyon
Kailanman ay hindi kita malimutan
Bawat araw lagi pa rin kitang iisipin.
Pag-ibig ko sa iyo ay kasawian man
Hatid sa puso ay kabiguan
Malugod ko itong tatanggapin
Kahit bawat araw maging luhaan.
Pangarap ko patuloy pa ring tuparin
At ikaw pa rin ang inspirasyon
Dahil ako ay umaasa pa rin
Paglaya ng puso ako ay balikan.
Hanggang pagtanda wala akong hangarin
Kundi ang iyong muling pagpaparamdam
Araw at gabi, umaraw o umulan
Patuloy pa rin kitang aasahan.
Ikaw lang at walang iba sa akin
Sa iyo ko natagpuan tunay na kasiyahan
Walang katapusan kitang gugustuhin
Kahit marami na ang sa iyo nag angkin.
Saturday, November 24, 2018
Bye
Inihahandog ko ang sinulat kong ito para sa babaeng makita sa larawan.
BYE
Ni: Arvin U. de la Peña
Bye. Lahat tayo ay nakakapagsabi at nasasabihan ng bye. Minsan kung ikaw ay pagsabihan ng bye ay nakakaramdam ka ng lungkot lalo kung ang nagsabi ay minsan mong minahal. Pagsasabihan ka ng bye para sa nangyaring relasyon na hindi na muling mauulit dahil tapos na. Iyon ay dahil nagkaroon ng alitan, hidwaan, o hindi pagkakaintindihan. Magiging alaala na lang ang lahat.
Subalit sa buhay ay napagsasabihan ka rin ng bye na ang dulot sa nagsabi ay bilang inspirasyon sa iyo at sa buhay niya. Magsasabi sa iyo ng bye dahil aalis na siya papunta ibang lugar o bansa para magtrabaho ng sa ganun ay matupad niya ang pangarap sa buhay at pangarap para sa iyo na sinabihan ng bye. Maganda ang ganun na pag bye. Dahil sa bawat pawis na lumalabas sa katawan, sa bawat pagsusumikap sa pagtrabaho ay mabuti ang dulot. May magandang kahihinatnan.
Bye, bye. May bye din na masakit iyon ay dahil sa pag bye ay wala ng balikan. Hindi na muling makikita, makakausap, at makakasalamuha sa lungkot at saya, sa inuman at kantahan ang isang tao. Iyon ay ang pag bye na pamamaalam sa mundo. Hindi maikakaila na lahat tayo ay may katapusan. May pagwawakas ang ating buhay. Sa una ay hindi natin matanggap ang ganun na bye. Pero kalaunan ay unti-unti nating matatanggap na ang buhay ay sadyang ganun. Darating ang araw na kukunin na tayo ng Diyos na siyang nagbigay buhay sa atin.
May mga lugar o pasyalan tayong napupuntahan. Pero hindi tayo nagtatagal doon. Ilang araw lang o kaya oras ay aalis na. Mag bye na sa lugar o pasyalan pero isang kasiyahan ang hatid dahil ating napuntahan. Samantala ang ibang tao ay hindi makapunta dahil walang panahon o walang panggasto.
Bye, bye, bye. Anumang uri ng bye ang maranasan natin dapat lang tayo maging handa ng sa ganun hindi tayo masaktan masyado. Oo mahirap ang pag move on dahil may nag bye sa atin pero dapat din natin isipin at mahalin ang ating sarili. Tanggapin ang katotohanan na sadyang may pag bye.
Life is all about moving on.
BYE
Ni: Arvin U. de la Peña
Bye. Lahat tayo ay nakakapagsabi at nasasabihan ng bye. Minsan kung ikaw ay pagsabihan ng bye ay nakakaramdam ka ng lungkot lalo kung ang nagsabi ay minsan mong minahal. Pagsasabihan ka ng bye para sa nangyaring relasyon na hindi na muling mauulit dahil tapos na. Iyon ay dahil nagkaroon ng alitan, hidwaan, o hindi pagkakaintindihan. Magiging alaala na lang ang lahat.
Subalit sa buhay ay napagsasabihan ka rin ng bye na ang dulot sa nagsabi ay bilang inspirasyon sa iyo at sa buhay niya. Magsasabi sa iyo ng bye dahil aalis na siya papunta ibang lugar o bansa para magtrabaho ng sa ganun ay matupad niya ang pangarap sa buhay at pangarap para sa iyo na sinabihan ng bye. Maganda ang ganun na pag bye. Dahil sa bawat pawis na lumalabas sa katawan, sa bawat pagsusumikap sa pagtrabaho ay mabuti ang dulot. May magandang kahihinatnan.
Bye, bye. May bye din na masakit iyon ay dahil sa pag bye ay wala ng balikan. Hindi na muling makikita, makakausap, at makakasalamuha sa lungkot at saya, sa inuman at kantahan ang isang tao. Iyon ay ang pag bye na pamamaalam sa mundo. Hindi maikakaila na lahat tayo ay may katapusan. May pagwawakas ang ating buhay. Sa una ay hindi natin matanggap ang ganun na bye. Pero kalaunan ay unti-unti nating matatanggap na ang buhay ay sadyang ganun. Darating ang araw na kukunin na tayo ng Diyos na siyang nagbigay buhay sa atin.
May mga lugar o pasyalan tayong napupuntahan. Pero hindi tayo nagtatagal doon. Ilang araw lang o kaya oras ay aalis na. Mag bye na sa lugar o pasyalan pero isang kasiyahan ang hatid dahil ating napuntahan. Samantala ang ibang tao ay hindi makapunta dahil walang panahon o walang panggasto.
Bye, bye, bye. Anumang uri ng bye ang maranasan natin dapat lang tayo maging handa ng sa ganun hindi tayo masaktan masyado. Oo mahirap ang pag move on dahil may nag bye sa atin pero dapat din natin isipin at mahalin ang ating sarili. Tanggapin ang katotohanan na sadyang may pag bye.
Life is all about moving on.
Subscribe to:
Posts (Atom)