"
Ang inyong mababasa ay mula pa rin sa mapaglaro kong imahinasyon. Ang kuwentong ito na sinulat ko ay gawa-gawa ko lang. Umabot ng halos isang taon bago ko ito tinapos ng tuluyan."
Kung sumusubaybay kayo lagi sa blog ko siguro nabasa niyo ang sinulat kong tula na ang pamagat ay Kay Patola. Na isang blogger at ang tawag sa kanya minsan sa blog world ay
gulay. Katext ko pa siya noon ng sabihin ko sa kanya na may sinusulat akong kuwento at ang pamagat ay
Si Gulay. Sinabi ko sa kanya noon na siya ang iniisip ko habang sinusulat ko kasi ang tawag sa kanya sa blog world ay
gulay nga. Hindi pa nangyayari ang Bagyong Ondoy noon ng inumpisahan ko itong isulat. Nang mangyari ang bagyong ondoy ay naging katext ko pa si Patola at sinabi niya rin sa akin na nag volunteer siya para tumulong sa mga nasalanta ng bagyo. Tapos ang sinulat kong ito ay itinigil ko pagsulat. Hanggang sa makalimutan ko na. Kasi tinamad na akong magsulat sa papel. Ang mga sinusulat ko na lang ay tula kasi sa cellphone ko lang ginagawa. At nito lang nakaraang araw ay napagpasyahan kong tapusin na ang kuwento na ito.
SI GULAYNi:
Arvin U. de la Peña
Siya si Gulay. Iyon ang tawag sa kanya. Mula ng siya ay magkaisip. Kahit ang totoo niyang pangalan ay Georgia. Paano?, eh kasi sa likod ng bahay nila ay puro gulay ang tanim. Mga gulay na iyon ang ikinabubuhay nilang mag-ina. Sila lang dalawa dahil pinagbubuntis pa lang siya ay nilayasan na ang kanyang ina ng kanyang ama. Ang kanyang ina na lang ang nagpalaki sa kanya. Kaya nga si Gulay ay gustuhin man na mag-aral ay hindi puwede dahil walang pera ang kanyang ina. Pero kahit ganun ay marunong siyang magbasa at magbilang kasi tinuturuan siya ng kanyang ina.Bawat umaga ay namimitas sila ng kanyang ina ng mga gulay para maibenta. Iba't ibang gulay ang nakatanim sa likod ng bahay nila. At madalas si Gulay ang nagtitinda. Nagbabahay-bahay si Gulay para ibenta ang kanyang dalang mga gulay. Pinipilit niya talaga na lahat ng gulay na dala ay maibenta. Para may sapat silang pambili ng bigas at ulam.
"Napakabait at napakasipag ni Gulay ano?", Ang sabi ni Aling Ensing kay Aling Petra. " Oo nga ano, sayang talaga at di siya kayang papag-aralin ng kanyang ina." Sana suwertihin din sila pagtagal para naman makaahon sa kahirapan, sambit pa ni Aling Petra.Pagdating naman sa mga kababata niya si Gulay ay inaapi. Madalas laitin ng kanyang mga kababata lalong-lalo na si Macky at ni Junjun. "Gulay ang payat payat mo, payatot ka", sabi ni Macky. "Palibhasa hindi ka pa siguro nakakakain ng karne, sabi rin ni Junjun. Tapos maghahalakhakan na sila. Madalas gawin ang ganun sa kanya. Kaya minsan lang siya lumabas ng bahay. Madalas ay sa likod lang ng kanilang bahay siya. Kapiling ng kanyang radyo na de baterya at cassette. Wala kasi silang ilaw. Iyon ang madalas niyang gawin. Ang makinig ng mga kanta. Hindi siya masyadong nakikipaglaro sa mga kababata niya kasi pagsasabihan lang siya ng hindi maganda.Isang gabi ay nag-uusap sila ng kanyang ina. Umuulan iyon at sa bahay nila ay may tumutulo pa na ulan dahil may mga butas na ang bubong ng kanilang bahay. "Inay bakit naging ganito ang buhay natin. Ibang-iba ang katayuan natin sa buhay kaysa sa iba na narito sa ating lugar. Parang tayo ang pinakamahirap. Sagot ng kanyang ina, "Anak iniwan kasi tayo ng iyong ama. Pagkatapos niya akong buntisin ay hindi na nagpakita. Hindi na rin ako pinag-aral ng aking mga magulang mula ng mabuntis ako. Tapos itong lupa at bahay lang na ating tinitirhan ang namana ko sa aking mga magulang na parehong namatay sa isang aksidente noong hindi pa kita pinapanganak. Kung bakit pagtitinda ng gulay ang naging hanap-buhay ko ay dahil ito rin ang hanap-buhay ng mga magulang ko noong buhay pa sila." Ganun ba ina?, natanong ni Gulay sa kanyang ina. Na sinagot naman ng kanyang ina ng " oo anak, sige matulong na tayo."Kinabukasan habang nagtitinda siya ng gulay ay nakita niya ang nakadikit na amateur singing contest na ang kasali ay dapat 10 years old pababa at dapat sa kanilang lugar lang nakatira. Agad ay sinabi niya sa sarili niya na sasali siya. Inalam niya kung saan dapat magparehistro. Nang maubos na ang mga paninda niyang gulay ay agad umuwi siya sa kanilang bahay. Sinabi niya sa kanyang ina na sasali siiya. Hindi naman tumutol ang kanyang ina sa gusto niya. Agad din ay sinamahan si Gulay ng kanyang ina para magparehistro.
Araw-araw ay nagprapraktis si Gulay sa pag-awit ng kanyang aawitin na kanta. Sa tulong siyempre ng kanyang cassette. Inuulit-ulit niya ang pagpapatugtog at pagsabay sa kanta, Hanggang sa makabisado niya.
Isang araw bago ang patimpalak ay usap-usapan na ang mga kasali at papremyo na makukuha. Tumataginting na 10,000 pesos para sa mananalo pluz scholarship hanggang sa college. Nang malaman nina Macky at Junjun na kasali si Gulay agad ay minaliit nila ang kanyang kakayahan. "Si Gulay kasali,? eh wala naman alam kantahin iyon. Ang naririnig ko lang na kinakanta niya ay "tao po, bibili po ba kayo ng gulay," sabi ni Macky. Sumagot naman si Junjun, "baka ang kanyang kakantahin ay bahay kubo." Tawanan silang dalawa.Gabi ng patimpalak ay madami ng tao sa paligid ng entablado para sumaksi. Sampu silang lahat na kasali. At si Gulay ang naging panghuli na aawit. Bawat umaawit ay ay pinapalakpakan ng mga tao. Hanggang sa umabot ng pang siyam. Nang tawagin na ang pangalan ni Gulay para umawit ang iba ay namangha. Lalo na iyong hindi alam na kasali siya. Umpisa pa lang ng pag-awit niya ay namamangha na ang mga tao. Bilib na bilib sila sa boses at galing ng pag-awit ni Gulay."I believe the children are our futureTeach them well and let them lead the wayShow them all the beauty they possess insideGive them a sense of pride to make it easierLet the children's laughter remind us how we used to beEverybody's searching for a heroPeople need someone to look up toI never found anyone who fulfilled my needsA lonely place to beAnd so I learned to depend on meI decided long ago, never to walk in anyone's shadowsIf I fail, if I succeed at least I live as I believeNo matter what they take from meThey can't take away my dignityBecause the greatest love of all is happening to meI found the greatest love of all inside of meThe greatest love of all is easy to achieveLearning to love yourself, it is the greatest love of allI believe the children are our futureTeach them well and let them lead the wayShow them all the beauty they possess insideGive them a sense of pride to make it easierLet the children's laughter remind us how we used to beI decided long ago, never to walk in anyone's shadowsIf I fail, if I succeed at least I live as I believeNo matter what they take from meThey can't take away my dignityBecause the greatest love of all is happening to meI found the greatest love of all inside of meThe greatest love of all is easy to achieveLearning to love yourself, it is the greatest love of allAnd if by chance that special placeThat you've been dreaming ofLeads you to a lonely placeFind your strength in love.Nang matapos na si Gulay umawit lahat na nanonood ay pumalakpak talaga. Lalo na iyong mga tao na nakakakilala talaga sa kanya. Hindi sila makapaniwala na ang babae na laging nagbebenta ng gulay sa kanila ay mayroon ganung talento sa pag-awit.
Hawak na ng emcee ang papel para basahin kung sino ang mananalo ang mga tao ay hindi mapakali. Nagtatalo ang puso at isipan nila kasi marami rin ang magaling na umawit. Hanggang sa banggitin ng emcee ang pangalan na Georgia Saavedra bilang grand champion sa singing contest. Nang marinig iyon ni Gulay ay hindi niya mapigilan ang mga luha sa kanyang mata pati na rin ang kanyang ina. Napaiyak sila dahil sa tagumpay. Ang mga tao naman na lubos nakakakilala sa kanila ay naantig din ang damdamin sa pagkapanalo ni Gulay. Sina Macky at Junjun naman ay wala lang imik. Kasi ang babae na inaapi-api nila at laging sinasabihan ng hindi maganda ay siya pala ang magwawagi.
Napakinabangan ni Gulay ang napanalunan niya. Nakapag-aral siya hanggang sa makatapos ng kolehiyo. Hanggang sa siya ay makapagtrabaho. At unti-unti ay umangat na ang buhay nila. Hindi na sila naghihirap masyado pagdating sa pera. Pero kahit ganun na ang nangyari sa buhay nila ay patuloy pa rin ang pagtatanim ng mga gulay sa likod ng bahay nila para ibenta.
Musta na Kuya Arvin? DI ko pa napapanood ang Noah pero im sure maganda yan.. MInsan gawa ka naman ng tula ng Magkaribal hehe.. happy weekend
July 30, 2010 10:45 PM