Showing posts with label love life. Show all posts
Showing posts with label love life. Show all posts

Tuesday, January 12, 2010

today is the day

january 12, 2005: when bachoinkchoink held my hand for the first time inside the MRT.

labyu buntis. see you in two weeks.

Wednesday, October 21, 2009

something ula-ish



hindi ako nanonood ng mga telenovela at wala akong katiyaga-tiyagang sumubaybay sa mga ganyan. sukang suka na ko sa walang katapusang iyakan at mga paulit ulit na tema. nagkapalit ng anak, nadiscover ang tunay na magulang, minaltrato ang ampon, ang tunay mong ama ay si... ay si... ay si... (dead).

naalala ko lang, 6 years old pala ako noong una akong maadik sa mga teleserye. paborito kong pinapanood noong 1988 ang Ula, Ang Batang Gubat starring judy ann santos. tandang tanda ko pa, pinapaalala ko pa sa mommy ko tuwing gabi na palabas na sa tv ang ula.

crush na crush ko kasi si juday noon. siya ang aking very first celebrity crush. nanonood lang ako ng ula para lang makita siya araw araw. at bwisit na bwisit ako kaya eruel tongco (kontrabida) kapag ginugulpi at pinapaiyak nya si ula.

nasa isip ko nga noon na magpalaam kaya ako sa mommy na pakakasalan ko na si judy ann. kaso nahihiya ako eh. baka ipatuli ako bigla, eh takot pa ko magpatuli.

siguro nga i see something "ula-ish" sa misis kong bachoinkchoink kaya crush na crush ko pa rin siya hanggang ngayon. walang stir.


Saturday, September 12, 2009

baby under construction

today marks the first birth and death anniversary of our twins. ang bilis ng panahon! kung tutuusin, dapat kalimutan na lang para hindi masakit kapag inaalala pa. pero it also marks the day when my beautiful wife was given her second life. dahil lalong malalagay sa panganib ang buhay nya kung patatagalin pa ang mga babies sa kanyang sinapupunan. kumbaga, nailabas ang mga babies in the nick of time. at iyon ang gusto naming alalahanin sa araw na 'to, thanksgiving.

bachoinkchoink is in her 18th week of our third baby. so far so good, very very good compared last year. kung totoo yung kasabihang kapag maganda at blooming ang buntis ay babae ang magiging baby nya, siguro ay babae na naman ito (pero kapag humarap siya sa akin sa webcam nang hindi pa naliligo, wari ko ay lalaki. hehehe).

binibiro ko nga siya. sabi ko next year ulit gawa kami baby para blooming siya ulit lagi. hehehe. bisyo na 'to.

(ninenok lang ang larawan dito)

Monday, August 3, 2009

baby if you strip you can get a tip coz i like you just the way you are

kakakuha lang ng aking maganda/buntis kong asawa ng full video ng aming kasal sa softshots, ang nagcover ng event, sa baliuag. dati pa ready ang video pero ngayon lang niya nakuha dahil laging masama ang pakiramdam nya gawa ng naglilihi pa siya nitong mga nakaraang linggo. buti na lang to the rescue ang daddy at mommy at sila na ang nagpunta ng baliuag, ipapa-copy pa kasi ito para mapanood ng mga lolo at lola ko na hindi nakapunta sa kasal namin. hirap na kasi silang bumiyahe, kaya sabi ko na lang sa kanila abangan na lang nila ng live sa channel 2 ang kasal namin. ewan ko lang kung tinotoo nila.


isa sa highlights ng wedding namin ay ang first dance. we were doing a traditional slow dance nang masira ang music at magmix into the way i are, courtesy pa rin ni twin brother. doon nagsimula ang semi-showdown namin ni bachoinkchoink sa paghataw ng damoves. pero ang asawa ko lang naman talaga ang humataw, nagpatawa lang ako. hehehe.

kung hindi magplay ang video sa ibaba, pwedeng magpunta doon sa malaking screen ng mercury sa may quiapo i-click dito.

maraming salamat kay joel pangilinan aka mr. scooby. siya ang gumawa ng sde (same day edit) namin na still showing pa rin kung pindutin nyo yung picture diyan sa gilid. meron siyang post tungkol sa wedding namin dito at dito. ang galing nyo, sir! good job! magrerequest pa nga sana ako na baka pupwede pang i-edit, magsingit lang ako ng bed scene. hehehe.

regards na rin sa wedding crew ng softshots. we had fun and had a very comfortable time with these cool guys taking our photos and videos. sa uulitin, mga sir. salamat. cheers!

Monday, June 29, 2009

Monday, May 25, 2009

this is our story

regalo sa amin ng twin brother ni bachoinkchoink sa kasal ang isang slide show presentation tungkol sa love story naming mag-asawa. ipinalabas din ito nung reception at talaga namang nabagbag ang damdamin naming lahat. kung may oras kayo, pwede nyong panoorin dito.

salamat ng marami sa'yo tol. galing mo.

Wednesday, May 20, 2009

now showing

ang tagal kong nawala. magkukwento lang ako. mabilis lang to.

almost one month na mula nung nagbakasyon ako. pero hindi pa talaga ako nagbabakasyon. baket? simula kasi nung dumating ako ng pilipinas, wala na kaming inasikaso ni bachoinkchoink ko kundi ang preparations para sa pinaplano naming pagpapakasal sa isang christian garden wedding.

kung naaalala pa ninyo, nagpakasal na kami last year sa isang simpleng ceremony sa cityhall ng valenzuela attended only by our immediate family. ang habol lang naman talaga namin ay maging legal ang pagsasama namin para kung sakaling sumunod sya sa akin sa qatar, walang problema. bali-balita ko kasi noon, may namumutol ng titi doon kapag nahuli kayong nagsasama ng hindi pa kasal.

araw-araw, lagi kaming nasa layasan ng maganda kong asawa. pamimigay ng invitations, pagbili ng isusuot ko at ng mga entourage, photoshoots, reservations, packages at pagbili ng kung anu-ano pang mga anik-anik na kailangang bilhin.

ang hirap magkwento, daming nangyari. kung gusto nyo na lang mapanood ang prenuptial avp namin, click mo dito.

the wedding was a blast! ang hirap i-explain ang feeling lalo't quick post lang itong ginagawa ko. kung gusto nyong mapanood ang on-site video na ipinalabas sa reception, click mo dito.

sabi sa inyo mabilis lang ang kwento ko eh. nasa honeymoon pa nga kami (ulet ulet ulet). nandito kami ngayon sa coron, palawan at magstart ng island tours bukas.

ingat.

Saturday, April 18, 2009

that’s why I’m gonna be on the next plane home

merong 90% chance na hindi na ko babalik dito at lilipat na naman ako ng company sa ibang lugar. mukhang napangatawanan ko na ang pagiging no-permanent-address na nakalagay sa brief description ko. para tuloy akong bibitayin o may taning na ang buhay, bilang na ang mga araw ko dito.

i am now on the final stretch of my stay here in qatar at next week ay uuwi na ako sa pilipinas. ang nakakapagtaka lang, parang lalong bumagal ang oras kung kailan 5 days na lang.

kung si pacquiao ay gigil na gigil nang makipagrambulan kay hatton, ganon din ako kay bachoinkchoink. let's get ready to rumble. hehehe.

Monday, March 23, 2009

a.r.d.y.e.y.t.o.l.o.g.y. 1st anniversary special

.
.this summer of 2009
.
.a.r.d.y.e.y.t.o.l.o.g.y. cinema productions
.
.gives you the most anticipated event of the year
.
.coming soon in all theaters near you
.




photo credits: www.richardbuan.com

Monday, January 12, 2009

remembering four years ago

ngayon ang aming 4th year anniversary ni bachoinkchoink. ibig sabihin, apat na taon na mula noong nagumpisa kaming maglaro ng taguan-reyp (pag hindi mo ko nakita, nasa likod lang ako ng piano ha?).

ang bilis ng panahon. bago pa lang ako sa unang pinasukan kong kumpanya sa makati nang mamataan ko ang maputi, singkit, chubby, 5-footer at kyut na kyut na babaeng pumukaw ng aking pansin. araw araw pakiramdam ko ay para pa rin akong highschool na kinikilig dahil minsan nakakasabay ko siya sa mrt papasok at papauwi, sinusulyap sulyapan sa opisina at nagiisip ng paraan kung papaano mapapansin. siya ang aking excitement kaya ako sinisipag pumasok sa opisina, para lumandi.

naging close lang kami noong maging magkagrupo kami sa gagawin naming presentation para sa christmas party. batas kasi sa kumpanya namin na ang mga baguhan ng taon na yon ay siyang magpeperform ng number sa party. inshort, kami ang magbibigay kasiyahan habang ang mga seniors ay naglalasingan na. demmet. nagbunga naman ang pinaggagawa namin dahil kami ang nakakuha ng 1st prize noon. kaming dalawa kasi ni bachoinkchoink ang front runner ng grupo. nakaka/kiliti remix kasi ang sinayaw namin. nagbihis nino mulach na action star siya, britney spears naman ako. alang-alang sa pogi points.

nagtapat ako sa kanya noong pasko 2004. hinanap ko magisa ang bahay nila sa bulacan sa tulong ng pinadrowing kong mapa na magulo sa kaibigan nya. nagdala ako ng flowers at pizza (na kinulang dahil andami pala nilang nakatira doon). wag daw muna akong umasa dahil magulo pa ang isip nya. in-short, umuwi ako sa aming luhaan.

pumasok ang bagong taon 2005 pero ganon pa rin naman kami. parang wala lang nangyari. pero sabay pa rin kami umuuwi, kumakain paminsan minsan at nagkukwentuhan habang nagtatrabaho. kaya sa tingin ko ay hindi naman talaga ako binasted. siyempre pangit naman kung oo agad ang sagot nya, kaya naiintindihan ko siya kung magpakipot muna ng kaunti. ahohohoy! ang tibay!

pero sa isang relasyon, hindi mo mawawari at mapre-predict kung kailan ang moment na sasagutin ka na ng dinidigahan mo. laging biglaan. sa case ko, sumakay lang kami ng mrt sa ayala station. pagdating ng shaw, magkahawak na ang kamay namin hanggang makarating ng north avenue. naging kami na. wala nang usap usap dahil parang nakasinghot ng katol ang pakiramdam. ngiting adik.

at kahit magkalayo kami sa araw na ito, siya ang palagi kong nasa isip. tuwing nakikita ko siya o tinitignan ko ang pictures namin, naiisip kong crush ko pa rin sita tulad nung una kaming magkita. kaya nga paborito kong kantahin ang suntok sa buwan.

maganda kong asawa, alam kong madami akong shortcomings to you. babawi na lang ako sayo paguwi ko, and that's 3 and a half months from now. maglalaro pa rin tayo ng taguan-reyp. aylabyusomats. tsup.

Saturday, December 13, 2008

asian tour

kakatapos lang ng week-long trip sa hongkong at vietnam ni bachoinkchoink kasama ang kakambal nyang si leo. nagkatuwaan kasi ang magkapatid na magliwaliw muna saglit para naman bago matapos ang traumatic na taon na ito ay meron naman silang bonding moment.


heto ang aking poging bayaw at magandang asawa. sa unang tingin, mapagkakamalan mo pa silang mag-syota lang kung hindi mo sila kakilala.. buti nga rin at hindi sila identical at hindi ako malilito kung sino ang asawa ko sa kanila.

mag-isa munang pumunta ang asawa ko sa hongkong para i-meet ang kapatid nyang doon nagtatrabaho at sabay silang nagtour sa vietnam. at dumaan ulit sa hongkong nung pauwi na.

wala rin akong alam kung anong magandang meron sa vietnam. ang naiimagine ko lang na itsura ng vietnam eh puro palayan at mga singkit na taong merong suot na salakot. yung scene doon sa rambo 4 na pinapasabog ng mga NPA ang mga magsasaka. at kung hindi sa china at taiwan, dito rin ginagawa karamihan ng mga rubber shoes na ibinebenta sa pinas.

bisitahin nyo na lang ulit sa isang araw ang site ni bachoinkchoink para sa kumpletong kwentong vietnam. sa isang araw pa ha, sa lunes, hindi pa daw kasi niya tapos ang nobela. binigyan ko na siya ng deadline para tapusin. nauna lang muna ang advertisement. hehehe.


si carol... si bachoinkchoink sa totoong buhay, in vietnam.

Tuesday, December 9, 2008

2007 - year of sakhalin island

napaka-ideal sana ng sitwasyon kung magkasama kaming nagtatrabaho dito sa abroad ng maganda kong asawa. walang homesick, walang inip, mas malaki ang ipon. parang last year lang, magkasama kaming nagtrabaho sa maliit na isla ng russia, ang sakhalin island.

nauna sakin si bachoinkchoink ng tatlong buwan pumunta sa sakhalin bago ako sumunod sa kanya on the new year's eve of 2007. nakaka-senti din dahil sino ba namang hindi, sarap mag-ihaw at makipag-inuman habang nanonood ng mga nagpapaputok sa labas at sa dvd. naalala ko pa noon, 12 midnight pa talaga ang flight ko kaya't habang naghihintay ako ng pagpasok sa gate, kitang kita ang mga paputok kahit sa malayo, para lang sa poster ng meteor garden na nakatingin sila sa langit habang nakaupo. pagkaangat ang eroplano ay kitang kita ko ang mga paputok na umaangat sa himpapawid galing sa mga bahay-bahay. pero hindi ko nakikita siyempre ang mga nagpapaputok dahil sobrang layo na nung eroplano siyempre.

pero mas nanaig pa rin sakin ang excitement dahil gusto ko na rin makita at makasama ulit si bachoinkchoink, na first time magpasko at bagong taon sa labas ng pilipinas. excited din dahil first time kong makakaranas ng isnow at doon mayaman ang bansang russia. umaabot ang temperature ng -25 celcius sa umaga kapag winter. pag bagong ligo at naglakad nga kami ni bachoinkchoink sa labas eh biglang namumuti at naninigas ang buhok nya. mukha lang talagang masarap ang snow, pero kapag ihip ng hangin, parang makapunit hymen balat ang lamig. ang hirap din huminga.

sa totoo lang, walang kabuhay-buhay ang buhay sa isla. oil and gas plant kasi ang ginagawa namin, kaya talagang sa remote na lugar ang dapat na location. dati rin ginawang tapunan ng mga kriminal at mga sanggano ng mainland russia ang sakhalin island kaya ang mga buildings at structures sa city ay parang pinagdaanan ng giyera.

hindi rin tourist friendly ang lugar. halos walang mga english translation magmula sa kalye hanggang sa karamihan sa mga menu ng mga restaurants. halos hindi rin marurunong mag-english karamihan ng mga local. naaalala ko pa nga nung kakain sana kami ni bachoinkchoink, hindi namin maintindihan ang nasa menu dahil russian characters ang nakasulat. tinatanong din namin ang waitress pero 'no english' din sila. nagturo na lang kami kung ano ang mapag-tripan namin. para kaming mga musmos na hindi marunong bumasa at walang kaalam-alam sa mundo.

kaya nga buti na lang at pinagkaloob na magkasama kaming dalawa sa lugar na yon. kung siya lang o ako lang mag-isa ang nandoon, nakaka-buang siguro. masarap kapag kasama mo ang asawa mo sa ibang bansa. parang hindi mo ramdam na nagtatrabaho ka pala. kahit araw-araw ay trabaho-bahay lang ang routine walang pagka-bato at pagka-bagot. para lang kaming naglalaro ng bahay-bahayan at namamasyal-masyal at pagkatapos ay pareho kayong makakatanggap ng payslip na mas malaki di-hamak kumpara sa pilipinas. parang YEMEN - Yugyugan Every Morning Every Night. december last year nung sabay kaming umalis doon.

at ngayong disyembre, wala kaming magawa kundi ang magtiis-tiis muna. hindi naman kami nasa ganitong setup habang buhay. alam naming darating ulit ang pagkakataon na magkakasama ulit kaming magtrabaho sa isang lugar at sa pwedeng makapagsimula ng pamilya. kaya dito sa qatar kapag tumatama ang homesick, nasa aking mga kamay lang ang kasagutan.

malayo na naman kami sa isa't isa, wala akong magagawa but to think at a positive sides of things kaysa magmukmok. kahit papano, meron pa ring masasabing advantages. tuwing umuuwi kasi ako, nararamdaman ko ulit ang tamis unang halik namin ni bachoinkchoink nung nireyp sinagot nya ako noong 2005. sabi nga ni drew barrymore sa 50 first dates, "nothing beats the first kiss". tuwing umuuwi ako, parang first time ulit naming nagho-honeymoon.

* * *


kakanta na lang muna ako dito sa ngayon...

"ang disyembre ko ay malungkot
pagka't miss kita
anumang pilit kong magsaya
miss kita, kung krismas..."

Thursday, October 2, 2008

caregiver

kung hindi nangyari ang mga ayaw nating mangyari, sa bulacan sana muna titira ang aking magandang asawa at aming mga anak. iyon ang plano. sa katunayan, under construction ngayon ang extension ng bahay para sa aking magiina. mahirap pa kasing bumukod agad kami kung lalagi pa naman ako sa abroad at iiwan ko si bachoinkchoink sa pagpapalaki sa dalawa. kaya napagdesisyunan namin na doon muna kami sa kanila para may kasama siya sa pagpapalaki sa dalawa habang sanggol pa sa tulong ng kanyang pamilya.

pero we were caught unguarded. walang nag-akala na mauuwi sa ganon ang story.

kaya mula nung dumating ako dito sa pilipinas almost three weeks ago, doon sa bahay nila bachoinkchoink sa bulacan muna kami nakatira. doon, ako ang kaniyang alalay/nurse/caregiver/driver/runner/katsismisan. doon ko binubuhos ang aking tender loving care para gumaling agad ang kanyang sugat, physically and emotionally.

ngayon ako bumabawi sa kanya dahil nung naglilihi siya, wala siyang mapaginitan at mapahirapan sa paghahanap ng mga gusto nyang kainin gaya ng mga napapanood sa pelikula.

twice a day kung linisin ko ang sugat nya sa puson. ako ang naglilinis at nagpipiga ng sugat para kumatas ang nana, nagpapahid ng ointment at nagpapalit ng gauze pad. ako ang nagbabangon sa kaniya tuwing maiihi siya sa madaling araw, at naglilinis ng arinola sa umaga. etsetera etsetera.

lahat nang iyan ay masaya kong ginagawa, bawat task ay isang masarap na kiss ang aking gantimpala. para akong dolphin sa isang dolphin show na nag-aabang ng reward na isda pagkatapos ng isang trick.

Thursday, September 11, 2008

drama-rama with professor X

sa istorya ng buhay, hindi pwedeng laging smooth ang mga bagay bagay. laging merong problema, laging merong drama para mas exciting ang plot. gustuhin man nating maging smooth ang pagbubuntis ni bachoinkchoink at paglabas nila kambal, merong drama in between to spice things up.

muntik na kong mapa-emergency leave kanina. nagpa-confine kasi sa CGH si bachoinkchoink dahil nananakit ang tiyan, likod, tagiliran, lahat, dahil hindi maka-wiwi ng maayos (isang kutsara kada sampung minuto) kaya hindi siya makatulog ng normal for the past few days dahilan ng pagtigas at pagkasakit ng tiyan. dahil siguro malaki na ang mga dobol trobol sa loob, naiipit na ang pantog niya at hindi makapag-function ng maayos.

ready na talaga akong magpaalam sa amo ko na uuwi ako, kaso pagkatawag ko kay bachoinkchoink kaninang umaga ay nasa ospital na siya at okay na rin ang sitwasyon. she feels fine at ang pakiwari ni doktora ay baka magpremature siya, kung sakali ay next month which is 7th month. matigas na raw kasi ang tiyan. kasi naman, 5 flat lang si bachoinkchoink ko tapos kambal pa ang baon, astig.

hindi ko na itinuloy ang balak kong paguwi, for the meantime. pinigil na rin kasi ako ni bachoinchoink, ok na raw naman at wala naman akong magagawa rin. in two to three days, lalabas na rin siya ng ospital. mas gugustuhin pa namin na ang stay ko sa pinas ay ang pag-aani sa aming dalawang chikutings. kung next month ako mage-emergency leave, mas ayos. november pa kasi ang appoved vacation leave ko.

* * *

ang hirap din ng maging ofw, para kang si professor x. libangan ay ang mag daydream ng kung ano-anong mga nangyayari sa pilipinas. wala ako doon physically, pero nandun ang utak at isip ko.

wala ako doon para magasikaso sa asawa kong buntis, hindi ako makatulong, hindi ko siya maalagaan specially for times like these, (you need a juicy). lagi lang naka-antabay kung anong mga mangyayari. naguutos sa mga makakagawa at makakatulong in my absence. buti na lang very supportive ang aming pamilya at lagi silang naka-alalay.

si professor x ay para ding matinong ofw tulad ko (ehem!), walang sex life.

Tuesday, September 2, 2008

interview with the vampire bachoinkchoink

excited na ko sa pagdating ng aming munting mga anak. malalaman ko na rin ng lubos kung ano ang feeling ng pagiging daddy pag narinig ko ang kanilang unang iyak. maeexperience rin namin kung ano ang pakiramdam ng maging magulang sa isang pares ng kambal.

naitanong ko na rin sa sarili ko noon kung kumusta naman kaya ang magiging buhay ko ngayon kung nagkaroon ako ng kakambal ko. una kong naisip na ang sarap sarap siguro ng meron kang permanent companionship at sanggang dikit na maituturing. meron kang malalapitan sa lahat ng oras at kayo kayo ang matutulungan, dahil kayo ay kambal.

pero minsan nao-overlook natin na marami ring hirap ang pinagdadaanan ng mga multiples. halos lahat ng happily ever after ending ay nagsisimula sa masalimuot na once upon a time.

you can never have the full attention of your parents. laging hati dahil pareho kayong dapat bigyan ng atensyon. you and your sibling are on a constant comparison with each other. mula sa pagiging baby, sa paglalaro, at maging hanggang school. marami pang iba.

* * *

mas maeexplain ng isang taong may kakambal ang mga bagay na ito. buti na lang, natyempuhan ng ardyeytology para sa isang maikling interview si bachoinkchoink, ang maganda kong asawa na buntis sa kambal, at meron ding kakambal na lalaki. adik. hehehe.

ardyeytology: how was the kids baby kong jontis?

bachoinkchoink: eto nakahiga lang kami. kanina tahimik lang sila, tinapatan ko ng music, ayan nag-gagalawan na naman. nag-sasayawan siguro. hehehe.

ardyeytology: hahaha kakatuwa. siguro pwede natin sila isali sa sexbomb at sa universal motion dancers. teka matanong lang kita, kumusta naman ang buhay nyo ni ogidapogi noong mga bata pa kayo?

bachoinkchoink: we really had sibling rivalry since childhood. puro away talaga. andiyan maghabulan ng tadyakan, sabunutan, suntukan at kagatan. andiyan butasan ko alkansiya nya at kunin ang pera. andiyan gupit-gupitin nya shoes ko, basta gamit ko. basta may lihim siyang galit sa akin kasi tinusok ko ng pencil ang gilid ng mata niya at tinadyakan ko balls nya nung bata pa kami. pinukpok naman nya binti ko ng plastic na pamaypay na matigas kaya nagpoklat.

ardyeytology: kaya pala sanay na sanay ka sa mixed martial arts kapag binubugbog mo ko no?

bachoinkchoink: gago.

ardyeytology: ok next question, kumusta naman sa school? Lagi ba kayong napagkukumpara?

bachoinkchoink: mas matalino siya at gusto ko lage papaturo or kokopya ng mga assignments for reasons na hindi na ko mahirapan at tama answers ko. ayaw nya kahit bigyan lang ako ng clue or hints or turuan how he solved that pero ayaw nya. bahala daw ako magdiscover ng ginawa nya. madamot yan pinaturuan sya organ nung bata kami, there were nights na umiiyak ako sa gabi dahil bakit siya pinaturuan at bakit pag natuto lang siya saka lang ako tuturuan, hindi rin niya ginawa dahil gusto nya siya lang magaling. we were always being compared. lagi siyang pinagmamalaki kasi laging honor, well ako honor din nun. nung tumagal, top na lang ng class.

ardyeytology: siguro puro abnoy, adik at mga sintu sinto mga classmate mo noon kaya nag nagto-top?

bachoinkchoink: abnoy parang ikaw. hehehe.tsup!

ardyeytology: pogi naman. hehehe so pano ka naka-cope up at paano ka nag-aadjust?

bachoinkchoink: well, hinayaan ko na siya sa academics. extra curricular like dancing, declamation and drawing ako nag-excel in which he tried doing also pero hindi nya kinaya pantayan, mas magaling pala ako sa kanya. mula nun naovercome ko na yung selos at competition.

ardyeytology: buti hindi na kayo nagsisipaan, sapakan at tadyakan ni ogidapogi ngayon, sagwa na eh. Ang laki laki nyo na. Kelan kayo naging close na?

bachoinkchoink: we have to live together in an apartment nung college. nung una, nagsusungitan kami at hindi masaya. until we discovered the goodness in each one of us. pinaglalaba ko na sya at gentleman na sya sakin. dahil film ang kinuha nya, sometimes he even consulted my ideas at ganun din ako sa kanya sa mga projects and assignments ko. we learned to trust each other and became very supportive sa isa’t isa.

ardyeytology: buti naman at happily ever after ang nangyari sa inyo. at least meron kang maraming idea on how to raise our twins well, dahil dumaan ka rin sa may kakambal sa paglaki. salamat sa pagpapaunlak sa aking interview. isang tanong na lang, ano ang masasabi mo sa nalalapit na laban ni idol pacman at golden boy?

bachoinkchoink: ewan! whatever!

ardyeytology: tignan mo to…labyu.

Wednesday, July 23, 2008

fixing a bed

hindi ako mahilig magligpit ng pinag-higaan sa kama. hindi ko kasi makita ang logic kung bakit kailangan ang pagliligpit ng mga kumot at bedsheet pagka-gising kung sa gabi naman ay magugulo rin ito ulit.

hindi rin naman ito katulad ng sala o kusina, dahil madaming tao ang makakakita kung malinis o madumi ang iyong bahay. maraming paroo't parito kaya para safe din ang iyong bahay lalo sa sunog, dapat i-maintain ang good housekeeping. pero sa kama sa kwarto, wala naman ibang papasok kundi ikaw. wala rin naman ibang mahihiga kundi ikaw din. mas masasarapan pa nga ako matulog kapag magulo ang kama.

hindi ko naman binibigyan ng dahilan ang pagiging tamad ko kung minsan, pero nakakatamad naman talaga gawin ang isang bagay na hindi mo nalalaman ang dahilan kung bakit mo siya kailangan gawin.

bigla ko tuloy naalala si kuya sa pinoy big brother (na ubod ng bagal magsalita, lalo kapag nagpapalusot) na nagsabi ng ganito:

"hindi ba't... mas masaya... kapag... ginagawa natin... ang isang bagay... na... hindi natin nalalaman... ang dahilan..."

mali si kuya. kaya nga tayo ginaganahan ay dahil alam natin ang dahilan at pinaglalaanan ng ating ginagawa. pero alam ko namang nagpapalusot lang itong si kuya kapag napipikon na ang mga pinagtitripan nya sa bahay nya kaya pinapatawad ko na siya.



iyan ang nasa isip ko kanina. kanina lang, mga 15 minutes ago.

sa tingin ko okey lang naman kung hindi ako nagliligpit ng hinigaan ko noon dahil binata pa ako at ako pa lang naman mag-isa sa kwartong natutulog. pero hindi na ngayon (okey, hindi pa ngayon dahil nasa abroad nga ako at paguwi pa sa pilipinas ako magkakaron ng kasama matulog).

ngayong may asawa na ko, dapat bigyan din ng respeto si bachoinkchoink kaya dapat panatiliing maayos at nakaligpit ang kama pagkatapos gamitin sa mixed martial arts magdamag. iba pa rin kasi ang maayos ang kwarto, malinis at maaliwalas. nakaka-stress din kapag nakikitang magulo ang paligid.

kaya mula ngayon, hindi na ko kailangang sabihan sa umaga ni bachoinkchoink ng...

"hoy lumarga ka na naman magligpit ka muna ng higaan mo hoy!"

Wednesday, June 11, 2008

hello? is it me you're looking for?

ang mahal ng international rate ng tawag at text dito sa qatar papuntang pilipinas. monopoly kasi ng Qtel ang linya ng telepono dito, hind katulad sa pilipinas na merong globe, smart, touch mobile at talk n text. ang isang sms ay pumapatak ng 6.50 pesos, ang mms ay 13 pesos. at ang tawag naman ay 30 pesos per minute.

importante ang communication sa mag-asawa, kaya kahit mahal, tumatawag ako at least once a week kay tabachoinkchoink ko. mga 30 minutes a week. kaya sa isang buwan ay gagastos ako ng humigit kumulang 5,700 pesos, call card pa lang! tangnangbuhayto, sweldo ko na sa kinsenas sa pilipinas yun ah!

pero nagpapasalamat na rin ako at kahit papano ay can afford akong bumili ng call card madalas para makatawag, dahil alam kong marami rin ang hindi maka-afford. umiiral lang ang pagiging reklamador ko, at hindi ko naiisip ang positive side. (pero paking shet naman kasi, limang libo??! call card??! are you kidding me? don’t kid-kid me huh!)

namimiss ko tuloy ang singapore, doon kasi sulit ang tawag. 10 pesos per minute lang kasi kaya para ka lang nasa pilipinas. hindi tulad dito, hindi mo rin gaano maenjoy ang usapan nyo kasi laging nagmamadali at iniisip kung ilang minutes na lang ang natitira.

wala pang internet connection sa bulacan sila tabachoinkchoink ko, at nakablock ang chikkatxt sa office kaya sa text lang thru cellphone ako nakakapagkwento sa kanya kung hindi man ako tumawag. kung mahaba naman ang kwento ko, mms na ang sinesend ko. pareho lang kasi ang rate kahit gaano kahaba ang message, may kasama pang sexy pics. yun yon eh.

sana magkaron na sila ng linya ng telepono para sa internet, mas makakatipid kasi kaysa mag-smartbrow. para naman makapag-chat na kami ng tuluy-tuloy at makatipid sa lecheng call card na yan. at makapag-liveshow na din tuloy, kwentuhan lang naman eh. (take-it-off! take-it-off!)

Saturday, June 7, 2008

a recognition for a 'mumay-to-be'

alam kong hindi biro ang pinagdadaanan mo ngayon, nasa stage ka pa kasi ng hindi matapus-tapos na hilo, kabag at pagsusuka. kwento mo nga sa akin, para kang laging may hangover. ang hirap kaya non, ako nga isang beses lang malasing eh para na kong mamamatay at sumusumpang hinding-hindi na iinom. eh iyan pa kayang araw-araw mong nararamdaman. pero lagi ko ring ipinapaalala sayo na kaya mo yan, na lahat ng naging ina ay naranasan at lahat ng dinadaanan mo ngayon. ikaw pa, mas astig ka pa nga kaysa sakin.

alam kong tinitiis mo rin ngayon ang pagbubuntis na hindi man lang kita maalagaan at mapagsilbihan. hindi ko man lang maibigay sayo ng personal ang mga gusto mong kainin. hindi ko man lang mailigpit ang arinola mo tuwing umaga. kapag sumasakit ang likod mo, hindi ko man lang mahilot. kapag nanggigigil ka, hindi ko man lang maipresenta ang mukha ko para makurot mo at masampal. pasensya ka na, wala ako sa tabi mo ngayon na you really need me most.

alam ko rin na mataas ang iyong mga pangarap sa buhay para sa atin at handa mo akong tulungan sa pagtatrabaho. kaya naman napakalaking sacrifice para sayo ang huminto muna saglit sa iyong career, para hindi ka mastress at matutukan mo kung paano maging healthy ang sarili at ang development ng ating babies. ni hindi pa nga natin alam kung makakapagtrabaho ka pa pagkapanganak mo, dahil tiyak na our babies will need most of the time of their parents. kaya napaka-dakila ng mga nanay talaga, handang i-giveup lahat para sa ikabubuti ng kanyang anak.

marami. marami kang tinitiis. kung tutuusin, wala nga itong tinitiis ko dito, dahil homesick lang. wala ito kumpara sa nararanasan mo ngayon. dahil dito sa qatar, sarili ko lang ang iniintindi ko. Ikaw, meron ka ng binibitbit, meron kang pananagutan na dinadala bukod sa sarili mo.

gusto ko lang ipaalam sa yo kung gaano ko naaappreciate all those sacrifices you are making. na nakarecord sa akin lahat ng yan at hindi ko nakakalimutan. kung gaano ako hanga sa tapang at sa laki ng puso mo, mas malaki pa sayo (5 flat ka lang mahal di ba? hehe ang cute). although magkahiwalay tayo ng napakalayo, gusto kong malaman mo na ikaw ang lagi ang laman ng isip ko. mahal na mahal kita.


ay susmiyo pagkacute naman ng ngiti ni tabachoinkchoink ko. miss na kita.

Friday, May 9, 2008

this is the greatest news i ever heard

april pa lang nang mag-file kami ng marriage liscense, at narelease ito after 10 working days. pagkatapos ay nagpa-schedule na kami ng kasal kay mayor win gatchalian ng valenzuela, at nangyari nga nung huwebes, May 8. pero bago ang mga ito, meron munang mas naunang mga pangyayari na sobra sobra naming ikinatuwa.

noong May 1, labor day, dahil sa di maipaliwanag na laging pagkakahilo ng aking tabachoinkchoink, sinubukan namin na magpregnancy test. bumili ako ng kit sa mercury drug (php145 doon, pero sa mga suking tindahan ay php38 lang pala). and voila! ang aking tabachoinkchoink ay nagdadalang tao na pala, its positive, ang sabi ng kit! nung una, shock si misis. ako naman, sobrang tuwa. hindi maialis ang ngiti sa aking mga labi.

oo xerex, i have an announcement to make. i will be a father soon! tot to roroooot!

May 7, miyerkules, nagpunta kami sa chinese general hospital para kumonsulta sa kanyang ob-gyne. pagkatapos magbigay ng kanyang urine sample si misis, pinahiga sya ng doktora juliet para sa pap smear. nagkakapa kapa si doktora, ang comment lang nya ay siguro daw, nasa 11 weeks na ang baby dahil enlarged na raw ang kanyang uterus. itkenatbi! dahil galing ako ng singapore at 6 weeks pa lang ako na nasa pilipinas. at 100% sure ako na hindi ako nasalisihan. so para daw malaman ang exact age ng sinapupunan, magpa-ultrasound daw kami sa third foor.

pagkatapos magbayad ng php1,130 para sa ultrasound, salang agad si tabachoinkchoink.

after 10minutes, ito ang resulta ng kanyang ultrasound:

eto ang itsura ng result ng ultrasound, itinabi kasi ni doktora ang kopya kaya iginuhit ko na lang.

oo xerex, i still have an announcement, i will be a father soon... of a fraternal TWIN!!

hindi ko alam kung anong klaseng saya ang bumalot sa amin that time. it is the greatest news i heard in my entire life! nakakapanindig pubic balahibo. ganito siguro ang nararamdaman ng bawat magulang na mageexpect ng baby. everyday theres a miracle talaga. isang himala kung paano nabubuo ang isang baby sa loob ng tiyan ng ina in 9 months.

pagkakuha ng results, balik kami kay doktora juliet para ibalita ang napakagandang balita. tuwang tuwa siya pati ang kanyang assistant na si liza. tuwang tuwa sya dahil hindi nya akalain na magbubuntis si tabachoinkchoink ko, at kambal pa!

noong 2002 kasi, ay inoperahan sa ovary si misis, polycystic achuchuchu daw kasi ang kanyang ovary, meaning, maraming cyst at mahihirapan syang magconceive. its such a miracle and its definitely God's gift to us.

6 weeks and 2 days ang isang fertilized egg, at 6 week old naman daw ang isa, meaning, pagkadating ko galing singapore ay nakabuo na agad kami pagkatapos ang umaatikabong aksyon. kaya ang sabi ni doktora juliet, extra care ang kailangan. pwede pa daw kasing mawala ang isa dahil high-risk talaga ang multiple pregnancy. or pwede din mawala pareho kung mahina ang kapit ng babies. at napagalaman ko rin, na karamihan sa mga multiple pregnancies ay premature births. kaya dapat doble ingat.

sa ngayon, pahinga muna si tabachoinkchoink ko. as in wala munang trabaho. bahay lang, bedrest. ako na lang muna ang kakayod sa abroad at sasaktuhin ko, pagbalik ko sa november or december, na nasa piling ako ni tabachoinkchoink sa paglabas ng aming mga anghel galing langit.

kung malakas kayo kay God, please include the babies in your prayers na sana, maging okey ang kanilang magiging development hanggang sa kanilang paglabas, pati syempre ang aking tabachoinkchoink, na sana manatiling malusog sa pagdadala ng aming nestle twins.