Alay Lakad Scholars, Nakatangap ng Assistance

Pagdaan ng Mabibigat na Sasakyan sa Taysan, Ipinagbabawal
February 13, 2021
Inauguration, Blessing Ceremony ng Batangas Provincial Animal Health Center and Diagnostic Lab, Idinaos
February 16, 2021

February 13, 2021

Sa kabila ng umiiral na pandemya, na naglilimita sa mga proyektong maaaring ipatupad, patuloy pa rin ang mga gawain ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, kabilang ang pagtulong sa mga Alay Lakad scholars sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office.

30 na mga mag-aaral ang nabigyan ng educational assistance ng Batangas Province Alay Lakad Foundation noong ika – 10 ng Pebrero 2021.

Sa pamamagitan ng “walk for a cause,” nakakapangalap ang foundation ng pondo upang matustusan ang pangangailangan ng mga underprivileged youth, na nabibigyan ng ayuda para makapag-aral, at mabigyan ng mga training na may kinalaman sa livelihood, leadership at cultural activities.

Ayon sa PSWDO, na pinangungunahan ni Ms. Jocelyn Montalbo, bagaman at walang Alay Lakad noong 2020 dahil sa lockdown at community quarantine, nakapagpaabot pa rin ng tulong ang Alay Lakad gamit ang naiwang pondo ng nasabing foundation.

Shelly Umali – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.