Mahalaga:
- Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 12 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.
- Kailangan ng ilan sa mga hakbang na ito na pindutin mo ang screen.
- Gumagana rin ang mga hakbang na ito sa Fitbit Ace LTE.
- Kung may tablet o device ka na ginagamit ng higit sa isang tao, puwedeng magtakda ng magkakaibang setting ng access sa lokasyon ang bawat tao.
Unawain ang mga available na setting ng lokasyon sa iyong device
Mahalaga: Kapag naka-off ang setting ng lokasyon para sa iyong device, hindi makukuha ng mga app at serbisyo ang lokasyon ng device mo. Makakatanggap ka pa rin ng mga lokal na resulta at ad batay sa iyong IP address.
May mga serbisyong batay sa lokasyon ang Google, kabilang ang:
- Katumpakan ng Lokasyon para sa iyong device (kilala rin bilang Mga Serbisyo ng Lokasyon ng Google): Para makakuha ng mas tumpak na lokasyon para sa device mo, alamin kung paano pamahalaan ang Katumpakan ng Lokasyon.
- Pang-emergency na Serbisyo ng Lokasyon para sa iyong Android device: Alamin kung paano pamahalaan ang Pang-emergency na Serbisyo ng Lokasyon ng Android.
- Mga alerto sa lindol para sa iyong Android device: Para makakuha ng mga update sa iyong device para sa mga lindol sa malapit, alamin kung paano pamahalaan ang Mga alerto sa lindol.
- Gamitin ang lokasyon para sa time zone sa iyong device: Para makakuha ng mga update sa time zone batay sa lokasyon, alamin kung paano pamahalaan ang lokasyon para sa time zone.
- History ng Lokasyon para sa iyong Google Account: Ang History ng Lokasyon ay setting ng Google Account na gumagawa ng Timeline, isang personal na mapang nakakatulong sa iyong alalahanin ang mga lugar na napuntahan mo na, at mga ruta at biyaheng nagamit mo. Alamin kung paano i-on ang History ng Lokasyon.
- Pagbabahagi ng Lokasyon para sa Google Maps: Para ipaalam sa iba kung nasaan ang iyong device, alamin kung paano ibahagi ang real-time na lokasyon mo sa pamamagitan ng Google Maps.
- Lokasyon sa Paghahanap: Para makakuha ng mga mas kapaki-pakinabang na resulta kapag naghanap ka sa Google, alamin kung paano pamahalaan ang mga pahintulot sa lokasyon para sa mga website at app.
- Pag-scan para sa Wi-Fi at Bluetooth: Para matulungan ang mga app na makakuha ng mas mahusay na impormasyon ng lokasyon, alamin kung paano mag-scan para sa mga device sa network o Bluetooth device.
- Pahintulot sa mga kalapit na device: Para bigyang-daang kumonekta ang mga kalapit na device, alamin kung paano i-on ang Pahintulot sa mga kalapit na device.
Tip: May mga sariling setting ng pahintulot ang mga app. Alamin kung paano pamahalaan ang mga pahintulot sa lokasyon para sa mga app.
I-on o i-off ang lokasyon para sa iyong device
- Buksan ang Mga Setting .
- I-tap ang Lokasyon .
- I-on o i-off ang Gumamit ng lokasyon.
Tip: Para idagdag ang toggle ng Lokasyon sa iyong menu ng Mga Mabilisang Setting:
- Mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.
- I-tap ang I-edit .
- I-drag ang Lokasyon sa iyong Mga Mabilisang Setting.
- Maa-access ng mga app na may pahintulot sa lokasyon ang lokasyon ng iyong device para mabigyan ka ng impormasyon, mga serbisyo, o mga ad na batay sa lokasyon. Alamin kung paano pamahalaan ang mga pahintulot sa lokasyon para sa mga app.
- Kung naka-on ang Katumpakan ng Lokasyon (kilala rin bilang Mga Serbisyo ng Lokasyon ng Google), puwedeng mangolekta ng data ang Katumpakan ng Lokasyon para mapahusay ang katumpakan ng lokasyon at mga serbisyong batay sa lokasyon. Matuto tungkol sa Katumpakan ng Lokasyon.
- Makakakuha ka ng mga resulta ng paghahanap batay sa lokasyon ng iyong device, kung pinapayagan ito ng mga pahintulot sa app at browser mo. Alamin kung paano pamahalaan ang iyong lokasyon kapag naghahanap ka sa Google.
- Matutukoy mo kung nasaan ang iyong device kung mawala mo ito. Matuto tungkol sa Hanapin ang Aking Device.
- Maibabahagi mo sa iba ang lokasyon ng iyong device. Matuto tungkol sa Pagbabahagi ng Lokasyon gamit ang Google Maps at kung paano ipadala ang iyong lokasyon kapag may emergency.
- Puwede ka makatanggap ng mga alerto sa lindol para sa mga lindol sa malapit. Matuto tungkol sa mga alerto sa lindol.
- Kung na-enable mo ang lokasyon para sa time zone, magagamit ng iyong device ang lokasyon mo para matukoy ang iyong time zone. Matuto tungkol sa lokasyon para sa time zone.
- Kung na-on mo ang History ng Lokasyon, regular na sine-save sa iyong mga device at sa mga server ng Google ang eksaktong lokasyon ng device mo, kahit kapag hindi ginagamit ang mga Google app. Puwede mong suriin ang iyong History ng Lokasyon, o baguhin kung gaano katagal mo ito papanatilihin, sa pamamagitan ng pagpunta sa activity.google.com o sa Timeline mo. Matuto tungkol sa History ng Lokasyon.
- Hindi ibabahagi ang lokasyon ng iyong device sa anumang app. Posibleng hindi gumana nang maayos ang mga feature na gumagamit ng lokasyon.
- Hindi mangongolekta ng data ang Katumpakan ng Lokasyon para mapahusay ang katumpakan ng lokasyon o mga serbisyong batay sa lokasyon. Matuto tungkol sa Katumpakan ng Lokasyon.
- Makakakuha ka ng mga resulta ng paghahanap at ad batay sa impormasyon gaya ng iyong IP address. Alamin kung paano pamahalaan ang iyong lokasyon kapag naghahanap ka sa Google.
- Posibleng hindi mo mahanap ang iyong device kung maiwala mo ito. Matuto tungkol sa Hanapin ang Aking Device.
- Hindi mo maibabahagi kahit kanino ang lokasyon ng iyong device sa pamamagitan ng Google Maps. Matuto tungkol sa Pagbabahagi ng Lokasyon gamit ang Google Maps.
- Puwede pa ring awtomatikong ipadala ng mga pang-emergency na serbisyo ng lokasyon o ng iyong mobile carrier ang lokasyon ng device mo sa mga emergency responder kapag tumawag o nag-text ka sa pang-emergency na numero. Matuto tungkol sa mga pang-emergency na serbisyo ng lokasyon.
- Hindi ka makakakuha ng mga alerto sa lindol para sa mga lindol sa malapit. Matuto tungkol sa mga alerto sa lindol.
- Hindi magagamit ng iyong device ang lokasyon para matukoy ang time zone mo. Matuto tungkol sa lokasyon para sa time zone.
- Kahit na-on mo ang History ng Lokasyon, hindi mase-save ang mga lugar na napuntahan mo dala ang iyong device. Matuto tungkol sa History ng Lokasyon.
- Matutukoy pa rin ng mga app na may pahintulot sa mga kalapit na device ang relatibong posisyon ng mga nakakonektang device. Matuto tungkol sa Pahintulot sa mga kalapit na device.
Tulungan ang iyong device na makakuha ng mas tumpak na lokasyon (Katumpakan ng Lokasyon, na kilala rin bilang mga Serbisyo ng Lokasyon ng Google)
Para mapahusay ang lokasyon ng device, may serbisyo ng Katumpakan ng Lokasyon ang mga Android device na may mga serbisyo ng Google Play, na gumagamit ng impormasyon mula sa mga wireless na signal, tulad ng mga access point ng Wi-Fi, tower ng cellular network, at GPS, kasama ng data ng sensor ng device, tulad ng accelerometer at gyroscope, para mas mabilis at mas tumpak na matantya ng iyong device ang lokasyon, partikular na sa mga lugar kung saan posibleng hindi available o nahaharangan ang GPS, halimbawa, sa loob o malapit sa malalaking gusali. Matuto pa tungkol sa mga serbisyo ng Google Play.
Kapag naka-on ang Katumpakan ng Lokasyon, pana-panahong nangongolekta ang Google ng impormasyon tungkol sa mga sensor at wireless na signal na malapit sa iyo para mag-ambag sa mga na-crowdsource na lokasyon ng wireless na signal, gamit ang mga random na nakatalaga, pansamantala, at nagro-rotate na identifier na hindi nauugnay sa partikular na tao o account. Awtomatiko at regular na nagbabago ang mga identifier na ito. Mapipigilan ng mga hakbang na ito na maiugnay ang iyong pagkakakilanlan sa nakolektang data. Matuto pa tungkol sa pagpoproseso ng data ng Katumpakan ng Lokasyon.
Tip: Available din ang serbisyo ng Katumpakan ng Lokasyon sa Fitbit Ace LTE.
I-on o i-off ang katumpakan ng lokasyon ng iyong device
Android 12 at mas bago at Fitbit Ace LTE
- Buksan ang Mga Setting .
- I-tap ang Lokasyon Mga Serbisyo ng Lokasyon Katumpakan ng Lokasyon.
- I-on o i-off ang Pahusayin ang Katumpakan ng Lokasyon.
Android 11 at mas luma
- Buksan ang Mga Setting .
- I-tap ang Lokasyon Advanced Katumpakan ng Lokasyon.
- I-on o i-off ang Pahusayin ang Katumpakan ng Lokasyon.
Kapag naka-on ang Katumpakan ng Lokasyon, ginagamit ng iyong device ang mga source na ito para makuha ang pinakatumpak na lokasyon, na posibleng may kasamang elevation o floor level:
- Mga wireless na signal (tulad ng GPS, Wi-FI, o mga mobile cellular network)
- Mga sensor (tulad ng accelerometer, barometer, o gyroscope)
Posibleng partikular na mahalaga ito kung ginagamit mo ang iyong device sa loob o kapag natatakpan ang mga GPS satellite, dahil sa mga ganoong sitwasyon, kailangang gumamit ng mga device ng mga karagdagang signal para matantya ang lokasyon ng mga ito. Magagamit ng mga app at serbisyong may mga naaangkop na pahintulot ang lokasyong ito para mabigyan ka ng mga feature na batay sa lokasyon.
Kapag naka-off ang Katumpaka ng Lokasyon, ang GPS at mga sensor ng device lang, gaya ng accelerometer, barometer, at gyroscope ang gagamitin para matukoy ang lokasyon ng iyong device, na posibleng makaapekto sa availability at katumpakan ng mga lokasyon para sa mga app at serbisyo gaya ng Google Maps at paghahanap ng nawawalang device.
Kapag naka-off ang Katumpakan ng Lokasyon, hindi kokolektahin ng serbisyo ng Katumpakan ng Lokasyon ang mga wireless na signal at data ng sensor. Gayunpaman, puwede pa ring awtomatikong ipadala ng mga pang-emergency na serbisyo ng lokasyon o ng iyong mobile carrier ang lokasyon ng device mo na pinahusay ng Katumpakan ng Lokasyon sa mga emergency responder kapag tumawag o nag-text ka sa pang-emergency na numero.
Tip: Walang kokolektahing data ng lokasyon o Katumpakan ng Lokasyon ang Google sa ganoong sitwasyon. Matuto tungkol sa mga pang-emergency na serbisyo ng lokasyon.Mahalaga: Para sa Android 12 at mas bago, hiwalay mong mapapamahalaan ang pahintulot sa eksaktong lokasyon ng bawat app. Iba ito sa Katumpakan ng Lokasyon, na setting ng lokasyon para sa iyong device na nagbibigay-daan sa paggamit ng higit pang source para sa pinakatumpak na lokasyon. Kapag naka-on ang Katumpakan ng Lokasyon, puwede mong bigyan lang ang app ng pahintulot sa tinatayang lokasyon kung ayaw mo itong payagang i-access ang eksaktong lokasyon ng iyong device. Kung io-off mo ang Katumpakan ng Lokasyon ng Google, posibleng hindi makuha ng mga app ang eksaktong lokasyon ng iyong device. Alamin kung paano piliin kung aling mga app ang gumagamit ng lokasyon ng iyong Android device.
I-set up ang pag-scan para sa Wi-Fi at Bluetooth
Para matulungan ang mga app na makakuha ng mas maayos na impormasyon ng lokasyon, puwede mong payagan ang iyong device na mag-scan ng mga kalapit na access point ng Wi-Fi o Bluetooth device.
Android 12 at mas bago
- Buksan ang Mga Setting .
- I-tap ang Lokasyon Mga Serbisyo ng Lokasyon.
- I-on o i-off ang Pag-scan ng Wi-Fi o Pag-scan para sa Bluetooth.
Android 11 at mas luma
- Buksan ang Mga Setting .
- I-tap ang Lokasyon Pag-scan ng Wi-Fi o Pag-scan para sa Bluetooth.
- I-on o i-off ang Pag-scan ng Wi-Fi o Pag-scan para sa Bluetooth.
Kung mas lumang bersyon ng Android ang ginagamit mo
Pumili ng mga setting ng lokasyon (Android 9.0)
Para baguhin ang mga setting lokasyon:
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
- I-tap ang Seguridad at Lokasyon Lokasyon.
- Kung mayroon kang profile sa trabaho, i-tap ang Advanced.
Pagkatapos, pumili ng opsyon:
- I-on o i-off ang Lokasyon: I-tap ang Lokasyon.
- Mag-scan para sa mga malapit na network: I-tap ang Advanced Pag-scan. I-on o i-off ang Pag-scan ng Wi-Fi o Pag-scan ng Bluetooth.
- I-on o i-off ang pang-emergency na serbisyo ng lokasyon: I-tap ang Advanced Pang-emergency na Serbisyo ng Lokasyon ng Google. I-on o i-off ang Pang-emergency na Serbisyo ng Lokasyon.
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
- I-tap ang Seguridad at Lokasyon Lokasyon.
- Kung hindi mo mahanap ang "Seguridad at Lokasyon," i-tap ang Lokasyon.
- I-tap ang Mode.
- Pumili ng mode:
- Napakatumpak: Gumagamit ng GPS, Wi-Fi, mga mobile network, at mga sensor para makuha ang pinakatumpak na lokasyon. Gumagamit ng Mga Serbisyo ng Lokasyon ng Google para makatulong na matantya ang lokasyon ng iyong device nang mas mabilis at mas tumpak.
- Pagtitipid ng baterya: Gumagamit ng mga source na matipid sa baterya, tulad ng Wi-Fi at mga mobile network. Gumagamit ng Mga Serbisyo ng Lokasyon ng Google para makatulong na matantya ang lokasyon ng iyong device nang mas mabilis at mas tumpak.
- Device lang: Gumagamit ng GPS at mga sensor. Hindi gumagamit ng Mga Serbisyo ng Lokasyon ng Google para pahusayin ang katumpakan ng lokasyon. Mas mabagal nitong matatantya ang lokasyon ng iyong device at mas malakas itong gumamit ng baterya.
Makokontrol mo kung anong impormasyon sa lokasyon ang puwedeng gamitin ng iyong device.
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
- Sa ilalim ng "Personal," i-tap ang Access sa lokasyon.
- Sa itaas ng screen, i-on o i-off ang Access sa aking lokasyon.
- Kapag naka-on ang access sa lokasyon, pumili ng isa o piliin ang parehong:
- Mga GPS satellite: Nagbibigay-daan sa iyong device na matantya ang lokasyon nito mula sa mga signal ng satellite, tulad ng GPS device.
- Lokasyon ng Wi-Fi at mobile network: Nagbibigay-daan sa iyong device na gamitin ang Mga Serbisyo ng Lokasyon ng Google para mas mabilis na matantya ang lokasyon nito, may GPS man o wala.
- Kapag naka-off ang access sa lokasyon:
Hindi magagawa ng iyong telepono na hanapin ang eksaktong lokasyon nito o ibahagi ito sa anumang app.
- Kapag naka-on ang access sa lokasyon, pumili ng isa o piliin ang parehong: